Share

Unlocking Her Memories
Unlocking Her Memories
Author: CyLili

PROLOGUE

Naglalakad ako ngayon patungo sa waiting shed nang biglang nag vibrate ang phone ko.

Ten messages ang natanggap ko galing sa mga magulang ko.

Bumuntong hininga ako. Wala akong balak mag reply sa ‘kanila. Bukod sa wala akong load, uuwi narin ako.

Hindi ko minsan mapigilan mainis sa ‘kanila. Dahil halos lahat ng lakad ko at mga kakaibiganin ko ay dapat alam nila.

Hindi man lang ba nila naiisip na parang sinasakal na nila ang anak nila? Mga magulang ko ba talaga sila?

Binulsa ko nalang ulit and cellphone ko at binilisan ang paglalakad papuntang waiting shed para mag hintay ng taxi doon. 

Napatingin ako sa kalangitan, nang biglang umulan ng malakas.

Napagtakbo ako ng wala sa oras. Wala kasi ako dalang payong.

Saktong pagtawid ko may biglang bumisina ng malakas. Sa sobrang lakas ng ulan muntik na akong madulas.

Napatingin ako sa sasakyan na bumisina sa 'kin. Nanlaki ang mata kong papalapit na ito sa ‘kin.

Na istatwa ako hanggang sa naramdaman ko na tumama ang sasakyan sa katawan ko. Tumilapon ako ng malakas at napadaing sa sakit.

"Jusko iyong babae!" Narinig kong sumigaw ang mga tao.

Kasabay no‘n ang pag pasok ng mga sari’t-saring alaala sa isipan ko.

"Do you rememer me now?" 

Na alala ko ang tanong sa ‘kin ng isa sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Tumulo ang luha ko. "Yes. I remember you…" mahinang sabi ko. Bago unti-unting nandilim ang paningin ko.

CyLili

Edited Version

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Hinde ko maintindihan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status