Share

CHAPTER THREE

Hindi ako nakapagsalita at nakipag titigan lang sa lalaking nasa harap ko. Ano ba sinasabi niya?

“Sino ka sabi?! Bakit kamukha...” Hindi niya na tuloy ang sasabihin ng bigla siyang napayakap sa ‘kin at nakatulog nalang bigla sa balikat ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ilang minuto. Hindi ako makapaniwala na niyakap ako ng lasing na lalaki!

Pakiramdam ko biglang tumahimik ang buong paligid at walang gumagalaw na kahit anong bagay. Parang sa amin dalawa lang naka focus ang lahat.

Pero hindi! Hindi tama na yakapin ako ng lalaki na hindi ko kilala o boyfriend!

“H-Hoy! L-Lumayo ka nga sa ‘kin!” Pilit ko siyang tinutulak papalayo sa ‘kin pero ang higpit ng yakap niya. Parang ayaw niya ako pakawalan.

Napapikit ako sa inis. Paano ako makakapag CR nito? Naiihi na ako! Malas naman! Sino ba ang lalaking ‘to?!

Dahan-dahan ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan ang phone number ni Kate. Kailangan nila ako puntahan dito. At baka ano pa gawin ng lalaki nito sa ‘kin. Lalaki at lasing panaman ‘to.

Nakailang dial ako pero hindi niya sinasagot.

“Kate sagutin mo!” naiinis na sabi ko.

“Pancit canton...” sinulyapan ko ang ang lalaki na nakayakap sa ‘kin.

Kinakain niya ang buhok ko at nag sasalita siya habang tulog!

Mukhang lasing na lasing talaga ang lalaking siya.

“Ano ba! Hindi pancit canton ang buhok ko!” asik ko at pilit na inaalis ang buhok ko sa bibig niya.

Hindi siya sumagot at kinakain parin ang buhok ko habang nakapikit.

Pag ito nahimasmasan. Patutulogin ko ulit siya!

Laking pasasalamat ko ng sinagot rin ni Kate sa wakas ang tawag ko.

“Hello, Jel? Ba‘t ang tagal mo?” tanong niya sa kabilang linya.

Rinig ko pa ang lakas ng music.

“Hindi kasi ako makaalis dito. Puntuhan niyo naman ako dito,” pakiusap ko.

“Ano?! Pakilakasan hindi kita marinig!”

Sumingkit ang mata ko. “Lumayo ka mo na diyan sa party!” nilakasan ko ang pagkasabi.

“Sandali!” pasigaw na sagot niya.

Maya-maya lang unti-unti ng humina ang music na naririnig ko sa kabilang linya.

“Hello? Nandiyan kapa ba? Nasaan ka?” tanong niya.

“Oo nandito pa ako. Kate pakiusap, puntahan niyo ko dito,” sabi ko. At sinulyapan ang lalaki nakayakap sa ‘kin at kinakain parin ang buhok ko!

Kaya siguro inakala niyang pancit canton ang buhok dahil nag curl ako ng buhok.

“Ha? Bakit? Nasaan kaba?”

“Sa CR. Pakibilisan puntahan niyo ko dito.”

“Sige! Sige! Pupuntahan ka namin.” Binaba niya ka agad ang linya.

Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko at pilit na nilalayo ang buhok ko sa bibig ng lalaki. Maya-maya lang hindi niya na kinakain ang buhok ko at humihilik na siya sa balikat ko.

Mabuti naman hindi ako nakalbo. Siguro nabusog na ‘to sa buhok ko.

Ilang minuto akong nakatayo sa ganitong posisyon. Nakakangawit na nga e!

“Hoy, Jel! Bakit— Hala!”

Napatingin ako nag salita at nakita ko ang mga kaibigan ko na papalapit sa ‘kin habang nanlaki ang mata.

“Hala? Sino ‘yan? Boyfriend mo? At talagang dito—”

“Baliw hindi ko ‘to boyfriend! Hindi ko nga kilala ‘to, e!” Pinutol ko ang sasabihin nila.

Dahan-dahan nilang tiningnan ang mukha ng lalaking nakayakap sa ‘kin.

“Infairness, gwapo siya,” kinikilig na sabi ni Kate.

“Ehem babe!”

Nilingon ni Kate si Kyle. “Pero mas gwapo ka babe,” nakangiting sabi niya kay Kyle.

Pasimple naman ngumiti si Kyle.

Naningkit ang mata ko sa dalawa. “Pwede ba! Mamaya na kayo mag harutan. Tulongan niyo mo na ako dito!”

“Sandali lang. Parang kilala ko ‘to...”

Napatingin ako kay Chunk na pinagmasdan mabuti ang lalaking nakayakap sa ‘kin.

“Tama! Si Scart ‘to!” biglang sabi niya.

“S-Scart?”

Tumango siya. “Hayst...ganito talaga siya pag lasing.”

“Kaibigan mo?” tanong ni Kate.

“Hindi. Kaibigan siya ng kuya ko,” sagot niya.

“Nasaan ba kuya mo? Baka pwede niya iuwi ‘to!” naiinis na sabi ko.

“Sad to say pero lasing narin kasi kuya ko. Hindi na yata nito ma uuwi si Scart.” Nag peace sign si Chunk.

Malas naman!

“Pero alam mo ba bahay niya?” tanong ko.

Tumango siya. Salamat naman...

“Ikaw na maghatid sa ‘kaniya. Tutal kilala mo naman ‘to at alam mo naman pala bahay nila, e.”

“Sige.”

Dahan-dahan ko tinulak papalayo lalaking nakayakap sa ‘kin pero ayaw talaga lumayo sa ‘kin.

“Uy ang sweet. Ayaw niya mapalayo gusto niya yakap ka lang,” panunukso nila.

Sinamaan ko sila ng tingin.

“Maglakad ka nalang habang nakayap siya sa ‘yo,” biro ni Kyle.

“Gusto mo sapakin kita?!” banta ko.

Nagtago siya ka agad sa likod ni Kate at tinawanan ako.

“Nasusuka ako...”

Natigilan ako at napatingin sa lalaking nakayakap sa ‘kin ng bigla siyang nag salita.

“Ano sabi mo?” tanong ko.

“Nasusuka ako—” Hindi niya natuloy ang sasabihin ng sinukahan niya ang damit ko.

Naistatwa ako. Kadiri!

Napatakip ng mata ang mga kaibigan ko at lumayo ng kaunti sa ‘kin.

“Eww...” sabay nilang sabi.

Kumuyom ang kamao ko at tiningnan ng masama ang lalaki na sinukahan ako. Ngumiti lang siya at maya-maya lang tulog nanaman siya.

Pero laking pasasalamat ko hindi siya bumagsak sa ‘kin. Kay Chunk siya bumagsak.

“Ay sh*t!” mura pa ni Chunk ng sa ‘kaniya naman napayakap ang lalaki.

“Chunk, pag na himasmasan ‘yan bukas. Pwede bang dalhin mo siya sa ‘kin. Mag uusap lang kami promise. Usap lang,” madiin na sabi ko.

“Talaga usap lang? Baka may ano na maganap...alam mo na mukbang iyong sa mga K-Drama—”

Inambahan ko ang dalawang mag jowa ng sapatos ko.

“Joke lang...”

“Diyan na nga mo na kayo. Mag pupunas lang ako kadiri!” nandidiri sabi ko at dumeretso ng CR.

Naghilamos ako at kumuha ng pamunas sa bag ko at pinunasan ang parte ng damit kong sinukahan. Laking pasasalamat ko na lagi akong may dalang pamunas tuwing aalis ako.

Kapag talaga ang lalaking ‘yon makita ko ulit. Humanda talaga siya sa ‘kin.

Nang pagkatapos ko maglinis. Lumabas na ka agad ako ng CR pero wala na sa labas ang mga kaibigan ko.

Maya-maya lang bigla ako nakatanggap ng text galing kay Kate.

Sorry nauna na kami dito sa sasakyan. Pinagtulongan kasi namin itong gwapong lasing. Puntahan mo nalang kami dito.

-Kate

Bumuntong hininga ako at pinasok ang cellphone ko sa bag. Hahakbang palang ako ng may nararamdaman akong parang nakamasid sa ‘kin.

Ginala ko ang paningin ko at may nakita akong anino na nakatayo sa likod ng puno.

Bigla ka agad ko kinabahan. Siya nanaman ba? Iyong babaeng sa CR ba ‘to?

Pamilyar kasi ang hubog ng katawan. Pero sana nagkakamali ako.

“M-May tao ba d-diyan?” nauutal na tanong ko at dahan-dahan lumapit sa puno.

Wala akong natanggap na sagot.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ng puno. Nang makalapit na ako huminto ako at huminga ng malalim.

Lakas loob kong tiningnan ang likod ng puno pero walang tao. Isang nakatayong litrato lang pala ni Lee Jung Suk na nakangiti.

Pero parang may tao talaga dito kanina, e. Pero baka namali lang ako, at kong ano lang iniimagine ko.

Laking gulat ko ng may narinig akong nagsalita. Pero hindi ko alam kong saan galing ‘yon.

“Damania! Damania! Damania!”

Paulit-ulit lang ang salitang ‘yon.

Napaatras ako ng napaatras sa litrato ni Lee Jung Suk dahil pakiramdam ko parang may taong biglang bubulaga sa ‘kin mula sa likod niya. Hanggang sa natumba ako kakaatras.

“Damania! Damania! Damania!”

Lalong lumakas ng lumakas ang naririnig kong salita. Dali-dali akong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na ‘yon.

“Bakit ang tagal mo naman?” bungad na tanong sa ‘kin ni Kate pagkapasok ko ng kotse.

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

“Hoy, ano nangyari sa ‘yo? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya ulit.

Hindi ko siya ulit pinansin.

“Hayaan mo na siya. Mukhang wala siya sa mood makipag-usap...” dinig kong bulong ni Kyle kay Kate.

“Pero...”

“Alam mo naman may kapag ka maldita ‘yan diba...”

Sumingkit ang mata ko at sinamaan ng tingin si Kyle.

“Hehehe...sabi ko nga umalis na tayo. Kailangan pa umuwi ng Cinderella namin.”

Napairap ako at binalik ulit ang tingin sa labas.

Pagkarating ng bahay wala akong imik na pumasok sa kwarto ko. Hindi na ako nag pasabi kay mama at papa na nakauwi na ako.

Nag haft bath lang ako at binagsak ang katawan ko sa kama.

Hindi pa man ako nakakatulog biglang nag ring ang cellphone ko.

Uknown number...

Kahit kinakabahan ako at alam kong hindi ko dapat sagutin ‘to. Sinagot ko parin ang tawag.

“H-Hello?”

“Ikaw si Jel diba?” Nag sitayuan ang balahibo ko ng marinig ko ang boses na sa kabilang linya.

Ito ang boses ng babaeng misteryoso sa CR kanina.

“P-Paano mo nalaman number ko?” kinakabahan na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at puro hangin lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang binaba ang tawag.

Nanginginig ang kamay kong pinatay ang phone ko at nagtaklob ng kumot. Pakiramdam ko parang may nanonood ngayon sa bawa‘t kilos ko.

Hindi ko alam kong bakit nangyayari sa ‘kin ‘to. Hindi ko kilala kong sino siya at hindi ko alam kong bakit niya ako tinatakot ng ganito. Kong prank man ‘to sana itigil niya na dahil hindi na nakakatuwa!

Maaga ako gumising at lumabas ng bahay para makapag jogging.

Hindi pa sumisikat ang araw nagising na ako at dahil matagal narin hindi ako nag jo-jogging dahil madalas akong nakatambay lang sa bahay.

Kaya naisipan kong mag jogging para kahit papaano mapiwasan ako at makalimutan ko ang mga nangyari masasama kahapon.

Kahapon na yata ang pinaka masamang araw sa buong buhay ko.

Marami akong nakikitang nag jo-jogging tulad ko at ang iba naman nag lalakad at nag bibisekleta. 

Huminto ako sa tapat 7/11 at pumasok, para bumili ng tubig.

Habang namimili ako ng tubig may napansin akong pamilyar sa ‘kin na lalaki na katabi ko lang.

Dahan-dahan ko nilapitan ang lalaki at gano‘n nalang ang paglaki ng mata ko ng makilala ko kong sino.

Siya ang lalaking sinukahan ako ka gabi! Humanda ka sa ‘kin ngayon!

“Hoy ikaw!”

Hindi niya ako pinansin at nag patuloy lang sa pagpili ng iinomin.

“Hoy! Lalaking naka blue na hoodie at kulay itim na jogging pants at rubber shoes. Humarap ka nga sa ‘kin!”

Napansin kong napatingin sa akin iyong casher at mga tao dito sa 7/11 dahil sa pagsigaw ko. Hindi naman sila ang tinawag ko pero bakit sila ang tumingin sa ‘kin?

Hindi niya parin ako pinapansin at nilagpasan lang ako.

Napatingin ako sa kawalan. “Ha!”

Nilingon ko ang lalaki at hinablot ang braso niya. Napatigil siya at nilingon ako.

“Bakit?” walang ka buhay-buhay na tanong niya.

“Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Bingi kaba?”

“Sorry miss. I thought you calling someone. Isa pa ang pangalan ko ay Scart hindi hoy,” diin na sabi niya.

Aba pilosopo!

“Hindi mo ba ako kilala o natatandaan?” tanong ko.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko at pinagmasdan ako ng mabuti.

“Ano ba!” asik ko.

Binitawan niya ako. “Hindi kita kilala.” Iyon lang ang sinabi niya at lumabas ng 7/11 ng hindi nag babayad.

“Hoy! Bumalik ka nga dito! Hindi kapa nag babayad!” sigaw ko.

“Daddy ko may ari nito!” sigaw niya sa labas at kinawayan ako patalikod.

Natigilan ako at napahiyang tumingin sa mga tao na mahinang tumatawa.

Dahan-dahan ako napahawak sa batok ko. Napahiya ako do‘n ah.

Dali-dali akong lumabas ng 7/11 at hindi na bumili ng tubig. Sa bahay nalang ako iinom.

Pagkarating ko sa bahay nakita ko agad si papa sa sofa na nag babasa ng diyaryo.

Nang mapansin niya ako nag tigil siya sa pagbabasa at tiningnan ako.

“Nandito na po ako,” sabi ko. At dumeretso ng kusina para kumuha at uminom ng tubig.

Kanina pa ako nauuhaw. Pakiramdam ko mauubos ko itong isang pitsel. Kainis! Hindi man lang nag sorry iyong lalaki sa ginawa niya ka gabi.

Talaga bang hindi niya ako naalala? O nagpapangap lang siya?

“O, anak. Nakapag almusal kana?” tanong ni mama sa ‘kin. Habang naghahanda ng almusal.

Umiling ako at umupo.

“Bakit hindi mo kami ginising ka gabi noong umuwi ka?” tanong ni papa na kakapasok lang ng kusina.

Inubos ko mo na ang tubig ko bago nag salita.

“Ayo ko na po kayo istorbohin,” sagot ko.

Bumuntong hininga si papa at tumango nalang.

“Mag almusal na tayo habang mainit pa ang pandesal,” sabi ni mama.

“Sige po.”

Nag almusal kami ng sabay pero kapanibago na ang tahimik. Ni walang nag sasalita sa aming tatlo. Hindi kagaya noong dati na masaya kaming nag aalmusal at may pinag-uusapan. Pero ngayon iba. Parang may malalim na iniisip sina mama at papa.

Nasa kwarto ako ngayon. Nakadapa sa kama at nag lalaptop.

Nag open ako ng facebook. Matagal narin na hindi ako active sa mga social media account ko. Hindi kasi ako masiyado nag uupload ng mga litrato at hindi ako mahilig mag picture.

Nag scroll lang ako ng nag scroll at halos lahat na nakikita ko sa newsfeed ko ay mga memes, shared post ng mga kaklase ko, picture nila kasama jowa nila at mga ganap sa group ng school namin.

At as usual pinaparinggan nanaman ako nila Charisse at Cloe sa facebook. Ewan, ko sa dalawang ‘to. Hindi ba sila nag sasawang paringgan ako at makipag away sa ‘kin?!

Napatingin ako sa phone ko ng biglang nag vibrate. Meron akong limang messages galing nanaman sa unknown number.

Kinakabahan man ay binasa ko parin ang mga mensahe.

Better prepared your self. Malapit na...

-Unknown number.

Agad ko nabitawan ang phone ko ng may mga sinend siya sa ‘kin na litrato kong saan natutulog ako, nag jojogging kanina at ginagawa ko ngayon.

At ang huling litrato na sinend niya ay salamin. Ito ang salamin ko sa kwarto.

Pero bakit niya ito sinend sa akin? Ano ibig sabahin ng mga ‘to?

Napatingin ka agad ako sa paligid ko pero wala naman akong tao nanakikita.

Tumayo ako at agad sinirado ang bintana. Namasa ang mata ko sa kaba. Napahawak ako sa dibdib ko at kinalma ang sarili ko.

Halos lumabas ang puso ko sa gulat ng biglang bumukas ang pinto.

“Anong mukha ‘yan?” nagtatakang tanong ni mama.

Hindi ako nakasagot.

Nang mapansin niya ang reaction ko agad niya ako nilapitan. “Anak? Okay ka lang? Bakit namumutla ka? Masama ba pakiramdam mo?”

“Mama alam mo...” iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

“Bakit?” nag-aalalang tanong ni mama at nilapitan ako. “Anak. Okay kalang? Bakit ka namumutla? Masama ba ang pakiramdam mo?” pang-uulit niya sa tanong niya.

“Mama ano kasi...parang...”

“Parang?”

Matagal bago ulit ako nagsalita. “Wala po...”

Gusto kong sabihin kay mama ang mga kakaibang nangyayari at may natatangap ako na mensahe na hindi ko alam kong saan galing pero parang may pumipigil sa ‘kin na huwag sabihin iyon.

CyLili

Edited Version

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status