Share

CHAPTER SIX

“Saan kayo galing at ginabi kayo?” bungad na tanong sa amin ni mama pagkarating ng bahay.

“Sa sementeryo,” sagot ni papa at umupo sa sofa.

Nakita ko ang pag-iba ng mukha ni mama. “Ano? Isinama mo si Jel?”

Sa pagkatanong ni mama kay papa. Ang tono ay parang hindi dapat ako sinama.

Bumuntong hininga si papa at matagal bago sumagot. “Hindi. Natagalan kasi ako sa sementeryo kaya gabi na ng naisundo ang anak natin sa bahay ng kaibigan niya.”

Nagulat ako sa pagsisinungaling ni papa. Taka ko tiningnan si papa. Tiningnan niya lang ako ng makahulugang tingin.

Bakit ganiyan ang sinagot niya? Bakit kailangan niya mag sinungaling kay mama? Pwede niya naman sabihin na sinama niya ako. Ano masama do‘n?

Nakita ko ang pagkahinga ng maluwag ni mama. “Mabuti naman kong gano‘n.”

“B-Bakit po? Masama po ba na sumama ako?” biglang tanong ko. Kaya nabaling ang atensiyon ni mama sa ‘kin.

“Kumain na mo na kayong dalawa, alam kong gutom at pagod kayo. Bumili ako ng pagkain sa labas.” Hindi sinagot ni mama ang tanong ko at tinalikuran lang ako

Sinundan ko ng tingin si mama na pumasok ng kusina. Sumunod naman sa ‘kaniya si papa. Kaya naiwan akong mag-isa dito sa sala.

Sa tuwing may itatanong ako minsan kay mama. Hindi niya ako sinasagot o di kaya iibahin ang usapan. Bakit siya gano‘n?

Susunod na sana ako ng may naramdaman akong taong nakatingin sa akin mula sa bukas na bintana.

Agad ako nakaramdam ng kaba.

Siya nanaman ba ‘to?

Hindi ako lumingon sa bintana at dali-dali akong sumunod kay mama at papa.

Pagkatapos namin mag hapunan. Dumeretso na ako ng aking kwarto para makapag half bath.

Pagkatapos ko mag half bath. Pumunta ako sa study table ko at natigil ako sa pag-aayos ng mga ballpen ko. Nang napansin ko ang isang kahon nakalagay sa ibabaw ng study table ko.

Maganda ang pagkabalot nito at talagang makikita mo ang effort.

Saan galing ‘to?

Kunot noo kong hinawakan ang kahon. Walang nakalagay na kong anong pangalan kong kanino galing ‘to. Tanging pangalan ko lang ang nakalagay at message.

To: Jel

Message: This is my gift for you. I hope you like it.

Gift?  Birthday ko ba?  Binuksan ko ang kahon. Dalawang pares ng sapatos ang nasa loob.

Halatang bago pa ang sapatos at mamahalin dahil may nakalagay pang price tag. Hindi man lang tinanggal bago ibigay. Mukhang nakalimutan kunin ng nagbigay nito sa ‘kin.

Sinukat ko ang sapatos at tamang-tama lang ang size sa paa ko. Ang ganda pa ng design at favorite color ko pa. Kulay black and white.

Napangiti ako. “Kong kanino ka man galing. Thank you sa ‘kaniya. May bago namaman akong sapatos.” Tumawa ako.

Natigil ako sa pagtawa.

Pero sandali. Kanino ba talagang galing ‘to? Ma itanong nga kay mama. Baka alam niya. Nandito naman siya kanina, e.

Hindi pa man ako nakakababa ng tuloyan ng marinig ko na parang nag tatalo si mama at papa.

“Rogelio naman! Bakit mo siya sinama?! Paano kong nalaman niya ang totoo? Paano kong makita niya ang nanay niya do‘n? Hindi kaba nag iisip?!” malakas na sigaw ni mama.

Natigilan ako. Nanay? Kanino?

Ewan, pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni mama.

“Mahal, alam ko…pero wala naman do‘n iyong nanay niya. At imposibleng magkita sila do‘n. Mas mabuti nga masama ko siya para hindi siya mag hinala kong bakit hindi natin siya sinasama doon tuwing aalis tayo papunta do‘n,” mahinahon na sabi ni papa.

Sino pinag-uusapan nila?  Ako ba? Umiling-iling ako. Imposibleng ako ‘yan. Siguro ibang tao ang tinutokoy nila. Tama! Ibang tao.

“Kahit na! Mas mabuti ng mag-ingat tayo. Alam nating dalawa na sa oras na malaman niya ang totoo. Malalagot tayo at kamumuhian niya tayo!”

Malalagot? Kamumuhihan sila? Bakit?

Dahan-dahan akong bumaba.

“Ano po ang totoo?” biglang tanong ko.

Gulat silang dalawa napatingin sa ‘kin. As in ang laki ng mata nila. Para bang nakakita sila ng multo.

“A-Anak k-kanina kapa ba n-nakikinig sa u-usapan namin?” nauutal na tanong ni mama.

Imbis sagutin ang tanong ni mama. Inulit ko ang tanong ko. “Mama, papa. Ano po ang totoo? Sino pinag-uusapan niyo?”

Nakita ko ang pag-iba ng mukha nila. Para silang kinakabahan. Para bang may dapat kabahan sa tanong ko.

“Anak! Bakit kaba nakikinig sa usapan ng matatanda?!” Nagulat ako sa biglang pag taas ng boses ni papa sa ‘kin.

Sa buong buhay ko, never akong sinigawan o pagtaasan ng boses ni papa. Ngayon lang.

Nang mapansin ni papa ang reaction ko sa ginawa niyang pagtaas ng boses. Kinalma niya ang sarili niya at nagsalita ulit. “Sorry anak. Hindi ko sinasadiya,” paumanhin niya sa ‘kin.

“H-Hindi ko naman sinasadiya na makinig. Mag tatanong lang sana ako, p-pero…narinig ko kayo nagtatalo ni mama,” paliwanag ko.

Nilapitan ako ni mama. “I-Ito kasing si papa mo. Sinama ang pinsan mong si Jane makailan sa cafe kong saan nag tratrabaho ang nanay niya. Alam mo naman siguro ang issue diba? At kapag nalaman ng nanay niya kong saan siya nakatira malalagot kami sa tatay niya,” paliwanag ni mama.

Hindi ko alam kong nagsasabi ng totoo si mama. Oo alam ko ang issue ng pamilya ngayon ni Jane. Ayaw ng tatay niya na makita siya ng nanay niya dahil, ilalayo si Jane ng nanay niya sa tatay niya. At kapag sumama naman si Jane sa nanay niya. Sasaktan lang siya do‘n ng step father niya.

Pero kong alam ni papa na nandoon nag tratrabaho ang nanay ni Jane. Bakit niya pa sinama si Jane do‘n? Ang gulo naman!

Lumapit naman sa ‘kin si papa. “Sorry anak sa pagtaas ko ng boses sa ‘yo. Sa susunod kasi kapag narinig mo na nag tatalo kami ng mama mo. Please…pumasok ka nalang ng kwarto mo. Naiintindihan mo?”

Dahan-dahan ako tumango. “Opo.”

Ngumiti si papa sa ‘kin.

“P-Pero po. May itatanong po sana ako.”

“Ano ‘yon, anak?” si mama.

Huminga mo na ako ng malalim bago nag salita ulit. “May nag padala po ba sa ‘kin ng sapatos kanina?”

“Ha? Sapatos? Wala naman. Bakit?”

“Kasi po may nakita po kasi akong kahon na may laman na sapatos sa study table ko. May nakalagay po na para sa ‘kin at gift niya po para sa ‘kin. May kilala po ba kayo na posibleng mag bigay sa ‘kin?” tanong ko.

Nagkatinginan si mama at papa. Sandali silang natahimik.

Matagal bago nagsalita ulit si mama. “W-Wala kaming kilala na posibleng mag bigay sa ‘yo ng sapatos. At malayo pa naman ang birthday mo. Sa mayo pa ‘yon.”

“So sino po naglagay no‘n—” Naputol ang sasabihin ko ng may pumasok sa isipan ko.

Hindi kaya…ang misteryosong tao na sumusunod sa ‘kin lagi?

“Anak? Okay kalang?”

Bumalik ako sa sarili ko ng tinanong ako ni papa.

“Matutulog na po ako,” sabi ko.

At dali-daling umakyat at pumasok sa kwarto ko. Tinawag pa ako ni mama at papa pero hindi na ako lumingon pa.

Ni lock ko ang pinto ng kwarto ko at tumingin sa bintana nasa harap ng study table ko na bukas.

Posibleng siya ang nagbigay at posibleng dito siya dumaan.

Kinuha ko ang sapatos nasa kahon at tinapon sa bintana. Malay ko kaya niya binigay ‘yon para mapanood ang galaw ko. Baka may nilagay siyang hidden camera do‘n.

Pati kahon tinapon ko narin sa labas.

Pero hindi ko pa man tuluyan isinara ang binatana.

May nakita akong taong nakaitim na jacket ang nakatayo sa labas at nakatingin sa ‘kin. Dahan-dahan niyang pinulot ang sapatos na tinapon ko at tumingin ulit sa ‘kin.

Tama nga ako…siya nga ang nagbigay sa ‘kin.

Pumasok ako ng wala sa mood kinabukasan. Wala akong pinansin na kahit sino. Kahit kaibigan ko hindi ko pinansin.

Tahimik akong nag lalakad ngayon papunta sa locker ko. Hindi ako sumama kay Kate at Kyle para mag lunch. Mas gusto kong mapag-isa mo na ngayon.

Pero sa kasamaang palad nakasalubong ko si Scart sa daan. Nagulat pa siya ng makita ako.

Lalagpasan ko na sana siya ng bigla kami nag patinterong dalawa. Kong saan kasing direksiyon ako dadaan doon rin siya.

Dahan-dahan nag salubong ang kilay ko at masama siyang tiningnan.

“Nanadiya kaba?!” inis na tanong ko.

“H-Hindi syempre! Ikaw? Baka ikaw ang nanadiya!” Ginaya niya ang inis ng tono ng pananalita ko.

Nag-init ang ulo ko. Masama na nga ang mood at araw ko dinagdagan niya pa!

“Pwede ba! Huwag mo ako gayahin!”

“Pwede ba! Huwag mo ako gayahin!” Ginaya niya ang sinabi ko at tumawa. “Alam mo maldita ka,” dagdag niya. Nang lalo kinainit ng ulo ko.

“Ano sabi?” nag babanta ang tono ng pananalita ko.

“Easy lang…” Umasta siyang sumuko.

Ngumiti siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nag salubong ang dalawa kong kilay.

“Wag kang masiyadong masungit at mag maldita. Ngumiti at tumawa ka rin minsan. Bahala ka papangit ka niyan at bibilis kapang tatanda.” Tumawa mo na siya bago ako nilagpasan at nag lakad papalayo sa ‘kin.

Kinuyom ko ang kamao ko. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa niya sa ‘kin makailan?! Pwes hindi! Dinadagdagan niya lang lalo atraso niya sa ‘kin!

Walang alinlangan kong binato siya ng libro. Buti naman at tinamaan siya.

Napahawak siya sa batok niya at dahan-dahan ako nilingon. Nag salubong ang mga kilay niya at masama akong tiningnan.

Ningitian ko siya. “Masakit ba ang bato ng isang malditang tulad ko?” may halong pang-aasar na tanong ko.

Lumapit siya sa ‘kin. “Nakakadalawa kana sa ‘kin ah!” 

Pinag krus ko ang braso ko. “Kapag masama ang mood ko. Huwag kang mag kakamaling inisin ako. Hindi lang ‘yan ibabato ko sa ‘yo.” Tinalikuran.

“Hoy maldita! Mag sorry ka sa ginawa mo sa ‘kin!” sigaw niya.

Hindi ko siya nilingon at nag patuloy lang sa paglalakad.

“Ang sama ng ugali mo! Hoy! Madalas din ako wala sa mood pero hindi ako nanakit ng tao tulad mo!”

Kinawayan ko lang siya patalikod. Bahala siya mapaos kakasigaw diyan. Wala akong pakielam.

Dumeretso ako sa mini forest dito sa school. Dito nalang ako mag lulunch. Tutal wala naman masiyadong tao dito at ang sarap ng hangin dito.

Para kahit papaano ma relax ako. Baka sakaling gumanda pa ang mood ko.

Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno at nilabas ang baon ko. Hindi pa man ako tuluyan nakasubo ng pagkain ng may biglang tumabi sa ‘kin.

Agad ako natigilan ng mapagtanto ko kong sino ang tumabi sa ‘kin.

T-Teka. Siya iyong lalaking nakita ko sa sementeryo. Ano ginagawa niya dito?

Dahan-dahan niya ako tiningnan. Agad ako nag-iwas ng tingin at sumubo ng kanin at ulam.

“Kamukhang-kamukha ka nga niya…” bulong niya. Pero narinig ko ‘yon.

Tiningnan ko siya at nakangiti siya habang nakatingin sa malayo.

“Ano?” tanong ko.

Napatingin siya sa ‘kin at umiling habang tumatawa. Napatulala ako dahil sobrang gwapo niya do‘n at ang ganda pakinggan ng tawa niya.

Isa ‘yan sa lalaking nakaka attract para sa ‘kin.

“Ano pala pangalan mo?” tanong niya.

Dapat ko ba sabihin ang pangalan ko sa ‘kaniya? Wala naman masama mag sabi ng pangalan kaya, why not?

“Jeltrod,” sagot ko.

“J-Jeltrod? No offense pero…parang panlalaki ang pangalan mo. Bakit ‘yan ang pinangalan sa‘yo?”

“Aba malay ko sa mga magulang ko. Sila nag pangalan sa ‘kin, e. Kaya sila tanongin mo, ‘wag ako.”

Napatawa ulit siya. “Pero okay lang ‘yan. Maganda ka naman.”

Ha? Ano daw?

“Ha?” wala sa sariling tanong ko.

“Uhm…I mean, bagay naman ang pangalan mo sa ‘yo. Maganda ang pangalan mo at maganda karin kaya bagay.”

Napatango ako at sumubo ulit ng pagkain. Pero tama siya. Panlalaki nga ang pangalan ko.

Kaya ayaw ko tinatawag ako sa fullname ko. Ang pangit kasi. Ewan ko nga kay mama at papa kong bakit 'Jeltrod' ang ipinangalan nila sa ‘kin.

Nagsalita ulit siya. “I‘m Justin,” pakilala niya. At nilahad ang kamay niya.

Tiningnan ko ang kamay niyang nilahad sa ‘kin.

“Alam ko,” sabi ko at hindi tinanggap ang kamay niya.

Dahan-dahan niya binaba ang kamay niya at kunot noo akong tiningnan. “T-Talaga? Paano mo nalaman? Manghuhula kaba?”

Natigilan ako sa pagsubo.

“A-Ano…” Jel mag palusot ka. Hindi niya pwedeng malaman na ikaw ang nagdala sa ‘kaniya sa hospital kahapon.

Lumikot ang mata ko sa pagtingin sa paligid para makahanap ng palusot. Hanggang sa nahinto ang paningin ko sa name pin niya sa uniform. “Dahil diyan sa name pin mo.” Turo ko sa name pin niya.

“Oo nga pala.” Ngumiti siya.

Napansin kong pala ngiti siyang tao. At mas lalo iyon nakakadagdag pogi para sa ‘kin. Ayo ko kasi sa mga lalaking lagi nakasimangot.

“Bakit ka pala nandito?” tanong ko.

Kong senior siya o dito nag-aaral. Bakit hindi ko siya nakikita dito? At iba ang uniform na suot niya. Iba sa uniform namin.

Kulay grey ang kulay at iyong mga school uniform ng anime na lalaki na pinapanood ko minsan.

“I visit my friend here. Dito kasi siya nag-aaral. At dahil nandito na rin ako sa school na ‘to. Pumunta na ako dito. Dito kasi ako nag-aaral dati at favorite place ko ‘to,” sagot niya.

Napatango ako. “Pareho pala tayo. Paborito ko rin ang lugar na ‘to. Wala kasing medyong tao dito at dito ako lagi kapag wala ako sa mood.”

“Wala kaba sa mood ngayon?”

Tumango ako. “Oo, bakit?” Pinakita ko sa ‘kaniya ang maldita look ko.

Napatawa siya. “Ang cute mo parin kahit medyo ano…”

“Ano?” hamon ko.

“M-Maldita…” pabulong ang pagkasabi niya.

“Grabi ka! Pati ba naman ikaw maldita rin tingin sa ‘kin? Tsk! Mag sama kayo ni Scart!” inis na singhal ko.

“Kilala mo si Scart?” gulat na tanong niya.

Natigilan ako. Oo nga pala. Kaibigan niya si Scart. Hayst…bakit ngayon ko lang na alala?

“O-Oo bakit?” maang-maangang tanong ko. Kunwari hindi ko alam kong bakit niya naitanong.

“He is my friend. M-Mag kaklase ba kayo?”

Tumango ako. “Oo at mag katabi pa.”

Bigla siyang natahimik.

Gusto ko sana siya tanongin kong bakit bigla siyang natahimik. Pero parang ayo ko. Kaya ‘wag nalang.

Bigla siyang tumayo. “S-Sige. Una na mo na ako,” paalam niya.

Tumango ako. “Okay.”

Tiningnan ko siyang naglalakad papalayo sa ‘kin.

Pagkaubos ng pagkaubos ko ng pagkain ko. Tumayo na ako at nilagay ang pinaglagyan ng pagkain ko sa paper bag nadala ko at uminom ng tubig.

Natigil ako sa pag-inom ng tubig ng may naramdaman akong nakatayo sa likod ko.

Dahan-dahan ako lumingon at gano‘n nalang bigla ang gulat ko at nabitawan ko ang hawak kong tubig 

Nakaramdam ako bigla ng kaba sa dibdib ko ng makita ko ang misteryosong tao na laging sumusunod sa ‘kin.

This time, maliwanag at kita-kita ko siya maliban nga lang sa mukha niyang tinatakpan niya. Tanging mata niya lang ang nakikita ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin kaya napaatras ako.

“Lumayo ka sa ‘kin!”

Napaatras ako ng napaatras hanggang sa natumba ako. Kaya napa upo ako sa damuhan. Masama akong nag-angat ng tingin sa ‘kaniya.

“Kailan mo ba ako titigilan ha?!” malakas na tanong ko at may halong takot sa tono ng pananalita ko.

Dahan-dahan siyang lumuhod para abot ako. “Jeltrod Bonifacio nice to meet you…”

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa pagsambit niya sa pangalan ko.

Teka bakit…parang boses ko ang naririnig ko sa ‘kaniya?

CyLili

Edited Version

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status