May nakatakdang project ang aming kumpaniya at makikipagcollab kami sa Quintez Media, isang malaking marketing agency sa bansa.
Ngayong araw ay naschedule ang meeting ng mga ito kaya naman nauna na ako sa conference room para ihanda ang computer.
Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Montano na nakacoat and tie na dark gray. Pormal lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Sinundan ko lang ng tingin ang amo at kasunod niya ay nagsidatingan na ang ibang managers ng kumpanya. Kaniya kaniyang upuan na ang mga ito. Ako naman ay naupo na din sa tabi ng boss at nagready ng aking notepad.
Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang mga big boss ng marketing agency.
Pumukaw sa atensyon ko ang isang lalaki na mukhang may lahing Latino. Tinignan ko ang aking notes, ito marahil ang anak ng CEO na si Jake Fuentez. Ito ay isa sa Managing Director ng kumpanya pero mukhang bata pa ito, wala pa sigurong trenta.
Nagulat ako ng nasa harapan ko na pala ito at nagaantay na makipagkamay. Agad ko iyong iniabot at bahagyang ngumiti.
"Ano ba Jenna. Nagdedaydreaming ka na naman." Sita ko sa sarili.
Halos dalawang oras ang tinagal ng meeting at sa wakas ay natapos din. Mukhang matagal ang project na ito kaya magiging busy ang susunod na mga araw.
Pagbalik ko sa opisina, hindi pa man ako nakakaupo ay pumasok na si Mr. Montano.
"Jenna, please cancel all my meetings tomorrow." Tuloy-tuloy na sabi nito sabay pasok sa opisina nito.
"Hindi man lang sinabi kung bakit, ano naman kaya ang idadahilan ko sa mga kameeting niya." Mahina kong nasabi sa sarili.
Naging busy ang maghapon at hindi ko na din napansin ang oras. Saktong alas-5 na ng tumayo ako at naalala kong hindi pa pala lumalabas ang amo sa opisina, may tinatapos pa siguro ito.
Naglalakad ako patungo sa bus stop ng may humintong itim na range rover sa gilid ko, nagbusina iyon na kinagulat ko.
"Sino ba ito? Makabusina naman akala mo nakaharang ako sa daanan." Galit kong bulong.
Nagbaba ito ng bintana at ngumiti ang lalaki sa loob. Saglit pa akong nagisip kung sino ito.
"Ah, Mr. Fuentes?"
"Yes. You are the secretary of Mr. Montano, right?" Nakangiti ito ng ubod ng tamis.
"Yes, sir." Bahagya naman akong yumuko.
"Halika, ihahatid na kita." Sabi naman nito.
"Ha? hindi na po sir. Andyan lang naman yung bus stop." At porma na sana akong aalis.
"No, come on." Pagpipilit nito at biglang nagbusinahan ang mga kasunod na sasakyan dahil nakahinto ito sa daanan.
"Don't worry, hindi naman ako nangangagat." Sabay tawa nito ng malakas.
Napilitan na din akong sumakay dahil hindi tumitigil ang businahan at baka mahuli pa ito ng traffic enforcer. Napansin ko agad ang bango sa loob ng sasakyan nito.
"Sir, nakakahiya naman po sa inyo. Ibaba nyo na lang po ako sa may MRT." Nahihiya kong sabi ng makaupo na.
Agad naman itong tumingin at kumunot ang noo.
"Why? No, please. We will see each other often from now on so wag kang mahiya sa akin" At ngumiti ulit ito.
In fairness, guwapo din ito at may hawig ito sa isang Hollywood actor, parang Zack Efron na pinoy version.
"You can call me, Jake. What’s your name?" Tanong nito ng nagumpisa ng magdrive.
"Jenna po." Mahina kong sagot.
"Jenna, what a sweet name. Pretty like your face." Saan ko ba nadinig ang linya na yun? Ah, kay Mr. Tan.
Mukhang bolero ang dating nito, yung tipong mahilig sa babae. Pero medyo nagblush ako sa sinabi nito dahil pretty daw ako? Sabi ko na lang, "Thank you po."
"You seem so shy, how do you handle Mr. Montano?" Tanong ulit nito at sumulyap pa sa akin.
"Po?" Napamaang ako. Anong ibig sabihin ng tanong na yun?
"Please don't use 'po', I'm still young." Sabay tawa ng malakas nito.
Kabaliktaran ito ng ugali ng boss, mukhang masiyahin ito at maloko.
Patuloy ito sa pagtatanong sa akin habang nagmamaneho na para bang close na kami. Ako naman ay tipid na tipid sa mga sagot ko dahil nahihiya pa rin ako...
Umagang umaga ay agad na pinatawag ako ni Mr. Montano sa opisina niya. Pagpasok ko ay bumungad ang blanko na namang mukha ng boss.
Sanay na din naman ako sa madilim lagi nitong aura. Para bang pinagsakluban palagi ng langit at lupa.
Naupo na ako at binuklat ang calendar ng amo. Gusto kasi ng boss na iurong ko ang lahat ng scheduled meetings niya sa mga susunod pang linggo dahil magiging busy ito sa collaboration projects sa Quintez Media.
Tamang tama at naicancel ko na lahat ng meetings niya ngayong araw.
Isa-isa na nitong binanggit ang mga nakalatag na plano nito sa susunod na dalawang linggo. Ako naman ay mataman lang na nagsusulat at nakatuon sa calendar nito.
Ngayon pa lang ay parang sumasakit na ang ulo ko kung paano pagkakasiyahin ang oras ng boss sa lahat ng gusto nitong gawin at puntahan. Kung pwede ko lang sanang hatiin ang katawan ni Mr. Montano ay gagawin ko.
"Is everything clear, Jenna?" Tanong nito ng matapos na ito magdikta.
"Yes, sir." Tumango naman ako at matipid na sumagot.
"Please make sure to arrange everything by tomorrow morning." Utos pa nito na diretsong nakatingin na naman sa mga mata ko.
Ako naman ay umiiwas na masalubong ang tingin niyang yun dahil baka makaramdam na naman ako ng kakaiba. Bakit ba kasi kailangang pa eye-to-eye contact?
"I don't want any mistakes." Habol pa nito.
"I will make sure, sir." Sagot ko lang dito at matipid akong ngumiti na nakatingin sa aking notebook. Kunwari ay may isinusulat pa ako.
Yun lang at lumabas na ako para magumpisa sa gawain.
Kinabukasan ng hapon ay mayroon kaming binisitang showroom. Isa yun sa magiging venue ng event na nakaschedule sa susunod na buwan.
Maganda ang lugar, matao at katabi ito ng isang malaking shopping mall. Nagikot-ikot muna kami sa labas para makita ang paligid niyon.
Mula sa labas ay kita ang magandang showroom display nito na isang malaking monitor. Huminto ang boss at tumingala doon habang ang mga kamay ay nasa bulsa nito.
Ako naman, imbes na sa monitor tumingin ay kay Mr. Montano na naman nabaling ang atensyon ko.
Para kasi itong modelo na nagaantay ng click ng camera sa posiyon niya na iyon. Kaya naman humaling na humaling ang mga kababaihan dito lalo na sa opisina dahil kakaiba talaga ang dating ng boss. Malakas ang dating, ika nga.
Laging nakabrush up ang buhok nito at laging parang bagong shave. Mukhang mabango na parang laging bagong ligo. Matangos ang ilong at parang basa ang labi na mamula mula pa. Kayumanggi ito na nakakadagdag pa sa appeal ng boss.
Tall, dark and handsome! Kaya sinong babae ang makakaiwas sa charm nito? Siguro ay ako lang. Kaya nga ako ang kinuha nila sa posisyon na ito. Sana lang ay mapanindigan ko...
Nagbaba ng tingin si Mr. Montano at hindi ko inaasahan na sa akin ito agad na babaling.
Naramdaman kaya nito na kanina ko pa siya tinititigan? Humahanga lang naman ako sa amo pero hindi ibig sabihin na may malisiya yun ha. Pero sa bagay ay sanay naman na siguro siya dahil lahat naman ng babae ay laging napapalingon sa kaniya.
Pasimple at dahan-dahan kong ibinaling sa iba ang tingin. Kung meron man kasing bagay na nahihirapan akong iwasan sa boss, yun ay ang mga mata nito. May kakaiba lang sa mga mata niya, walang emosyon pero pag tumingin ka dun ay para kang mahuhulog. Ang weird lang ng ganung pakiramdam.
Nagpatuloy na sa paglakad ang boss at tulad ng dati ay nasa likuran ako nito.
"Good morning, Mr. Montano!" Malakas na bati ng isang lalaki. At dahil nasa likod ako ay hindi ko agad tanaw kung sino iyon.
"Good morning." Pormal na sagot lang ng boss dito.
"Hi, Jenna!" Nagulat ako kaya napadungaw ako galing sa likod ng boss.
Ah, si Mr. Fuentez pala. Kumaway pa ito sa akin.
"Hello, sir. Good morning po." Matipid ko namang bati dito at ngumiti.
Naglakad na kami papasok sa showroom at sumabay naman sa paglakad sa akin si Mr. Fuentez at nagsimulang mangumusta. Si Mr. Montano naman ay nasa harapan namin at patay malisya lang.
"Kumusta Jenna?" Tanong nito na bahagyang nakayuko pa sa akin.
"Okay naman po, sir." Sagot ko lang dito habang naglalakad.
"I told you, you don't have to call me sir. Just call me Jake and refrain from saying 'po', okay?"
"Okay... ho?" Naiilang ko na lang na sangayon dito. Bigla naman itong tumawa ng malakas.
"Mr. Montano, your secretary is very entertaining. I like her!" Sabi nito sa boss ko na deadma lang.
Ako naman ay nakitawa na lang, ayoko naman itong mapahiya.
"Grabe pala ang traffic sa lugar niyo? Remember that night that I dropped you? Oh God, that place is a nightmare!" Bulalas pa nito.
"Ah, oo nga po. Talaga pong traffic sa Bulacan." At pilit akong tumawa habang nakatingin dito ng bigla akong nabunggo sa matigas na bagay.
Huli na ng marealize ko na ang matigas na bagay pala na yun ay ang malapad na likod ni sir! Paano ay bigla pala itong huminto sa paglalakad at sumulyap kay Mr. Fuentez.
Ako naman ay nasinghap ang pabango ng boss, na again, hate na hate ko.
Ay hala, baka kung anong iniisip nito. Bakit ba kasi kailangang banggitin iyon ni Mr. Fuentez? Ano na lang ang iisipin sa akin ng boss? Na sumasama ako kung kani-kanino?
Tahimik lang itong nakatingin kay Mr. Fuentez na parang hindi naman pinansin nung isa at patuloy pa rin sa pagkukwento.
"I was stuck for like 2 hours, pabalik pa lang yun ng NLEX ha?" Sabay tawa na naman nito.
Gwapo rin sana itong si Mr. Fuentez eh kaso parang walang pakiramdam at parang bata kung kumilos. Agad nagbawi ng tingin si Mr. Montano dito at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Naupo kami sa isang lamesa sa loob at nagumpisa na silang magdiskusyon. Dumating din ang iba pang opisiyal ng kumpanya at naging abala na kami hanggang magala-5 na.
Agad na nagtayuan ang lahat at isa-isa na ding nagpaalam. Kami naman ni Mr. Montano ay lalakad na din sana ng eto na naman si Mr. Fuentez.
"Are you going back to your office?" Kaswal lang na tanong nito sa boss ko.
"No." Tipid na sagot lang ng boss at nagantay lang ng sasabihin nito.
"Then I should just drop Jenna home." Sabi naman nito.
Ano bang trip nitong si Mr. Fuentez? Sana ako na lang ang tinanong niya, bakit kailangan pa niya akong ipagpaalam sa boss.
Nagaantay ako ng isasagot sana nito pero madilim na tingin lang ang binato sa lalaki.
"Ah, sir hindi na po. Okay lang, may bus naman po sa may tapat." Sagot ko na lang at tinuro ko ang bus stop na tanaw naman mula doon. Dali-dali na akong nagpaalam sa dalawang lalaki.
Nagmadali akong lumabas dahil baka kulitin na naman ako ni Mr. Fuentez. Iniiwasan ko lang ang chismis sa opisina at ayokong bumaba ang tingin sa akin ng boss.
Natanaw ko naman si Mr. Montano na sumakay na ng kaniyang kotse, andun si Kuya Den para ipagdrive ito...
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
Hindi ako makapaniwala dahil makakapunta ko sa ibang bansa! Nakatakda kasi ang emergency business trip ni Mr. Montano at Mr. Fuentez sa Hong Kong ngayong linggo. At sympre ay kasama ako!Abala man ako sa pagarrange ng aming flight at paghahanap ng hotel accommodation ay okay lang. Magkahalong excitement at saya naman ang nararamdaman ko dahil makakasakay na ako ng eroplano."Hi, Jenna!" Masayang bati ng pumasok na lalaki. Si Mr. Fuentez na pala ito."Good afternoon po, sir." Umupo ito sa sofa na
"Sir, dun po ako pipila sa economy class. For business class lang po kasi to." Pagpapaliwanag ko naman.Nangunot ang noo nito, "Who told you to book in economy class?" Tanong ulit nito at diretsong tumingin sa mata ko habang nagaantay ng sagot.Ay, nako ayan na naman sya. Pwede namang walang eye to eye contact, nakakailang kasi."Wala naman pong nagsabi, pero... " Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pinutol nito ang dapat ay sasabihin ko.