Share

Chapter 7: Tagaytay

Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.

Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.

Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.

Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa trabaho.

Alam ko naman na sadyang friendly lang si Mr. Fuentez dahil impossible namang magkainteres sa akin ang isang tulad niya. Pero iniiwasan ko pa rin na magisip ng hindi maganda ang mga tao lalo pa at may involve na trabaho.

Sa araw na ito ay bibisitahin namin ang isa pang venue sa Tagaytay Highlands. Problema lang ay nakalimutan kong magdala ng jacket. Kaya naman nanghiram ako ng scarf kay Cherry.

"Beshy, nagtatampo na ako sayo." Sabi ng kaibigan bago iabot ang hinihiram kong scarf.

"Ha, bakit?" Maang kong tanong.

"Kasi naman, hanggang ngayon wala ka pang kinukwento sa akin. Puro ka wala, wala." Pagmamaktol ng kaibigan.

"Sa totoo lang, kung meron man ay sayo ko unang sasabihin. Pero wala talaga, hindi bumubuka ang bibig ni sir kung hindi tungkol sa trabaho." Pagpapaliwanag ko naman.

"Pwede ba naman iyon besh? Maghapon kayong magkasama tapos hindi man lang kayo nagchichikahan?"

"Hindi. Napapanis nga ang laway ko!" Pagbibiro ko pa dito at sabay kaming nagtawanan.

Pagsakay ko ng kotse ay nagtaka ako at wala si Kuya Den. Nagulat ako ng umupo si Mr. Montano sa driver's seat.

"Ahm, sir nasaan po si Kuya Den?" Tanong ko dito habang nagkakabit ako ng seatbelt.

"He is on leave for a week." Tipid na sagot nito na hindi man lang tumitingin at inistart na ang kotse.

Ibig sabihin siya ang magdadrive paakyat ng Tagaytay? Hindi kaya mapagod ito ng husto?
Medyo nagalala lang ako dito dahil ilang araw na itong pagod at ngayon ay magdadrive pa ito ng malayo.

Pero itinago ko na lang ang nararamdaman dahil wala din naman akong karapatang magalala dito at ayoko din naman bigyan niya iyon ng ibang kahulugan.

Nagsimula na itong magdrive at tulad ng dati ay walang kibo. Ako naman ay nagkunwaring busy sa tablet na nagchecheck ng emails.

Ganun na nga ang eksena ng mapapitlag ako dahil tumunog ang personal phone ko. At dahil hindi ko naman iyon ginagamit sa oras ng trabaho ay nasa kailaliman pa iyon ng aking bag.

Binulatlat ko ang laman ng bag at natatarantang hinanap ang cellphone dahil walang tigil iyon sa pagring. Ang lakas pa naman ng ringtone ko.

Pagkakita doon ay number lang ang lumabas kaya agad kong sinagot.

"Hello?"

"Hi Jenna! Kumusta ka na?"

"Ha? Sino to?"

"It's Jake, hindi mo ba ako nabosehan?" Malamang hindi.

"Mr. Fuentez?"

Kahit hindi ako lumingon sa boss ay kita kong napasulyap iyon ng banggitin ko ang pangalan ng lalaki.

"Sir, paano niyo po nalaman ang number ko?" Nagatubili pa akong itanong dahil nasa tabi ko ang boss.

"I have my ways, Jenna." sabay tawa nito ng malakas at alam kong dinig na dinig iyon ni Mr. Montano.

Nakaramdam akong bigla ng hiya at agad ko na lang tinanong kung bakit ito napatawag.

"I just want to let you know that I will be seeing you soon because I am back!" Masayang balita nito. Gusto ko sana sabihing, "Eh ano ngayon?" pero wag dahil rude iyon.

"Welcome back po, sir." Sabi ko na lang at nagdahilan ako na hindi ko siya madinig kaya tumawag na lang siya mamaya.

Pagkapatay ko ng phone ay nakakabinging katahimikan na naman ang sumalubong sa akin.

Ewan ko nga ba kung bakit tuwang tuwa sa akin si Mr. Fuentez at lagi ako nitong kinukulit.

Malayo pa kami at nagumpisa na ang traffic kaya naman buryong buryo ako. Pwede ko kayang buksan ang radyo? Kaso baka ayaw niya ng ingay.

Hay, makatingin na nga lang sa labas. Nasa Mynila pa rin kami at dahil traffic ay puro sasakyan lang din ang tanaw ko.

Hindi ko rin naman maopen ang cellphone para magbrowse sa Facebook, dahil oras ng trabaho pa rin iyon.

Hindi ata ako magtatagal sa ganito. Try ko kayang kausapin si sir, chit chat lang para pampalipas ng oras. Kaso ay baka deadmahin lang ako nito at mapahiya pa ako, huwag na nga lang.


Iginala ko ang mga mata sa loob ng kotse hanggang sa dumako ang mga mata ko sa boss na abala lang sa pagmamaneho.

Pero pasimpleng sulyap lang para hindi halata. Nakaslacks ito na dark gray at cream na long sleeves. Nakasuot din ito ng mukhang mamahaling itim na relo. Simple lang lagi ang get-up ni sir, mukhang hindi mahilig sa burloloy.

Agad akong nagbawi ng tingin ng sumulyap ito sa side view mirror sa banda ko.

Oops, muntik na akong mahuli pero mabuti ay mabilis akong nakapagbawi ng tingin. Natawa na lang ako ng palihim dahil sa mga naiisip ko dala ng pagkabored ko. Mahabang byahe kasi ito at hindi ako sanay na hindi si Kuya Den ang katabi. Kadalasan kasi ay nakikipagkwentuhan ang personal driver ni sir.

Pero kay Mr. Montano ay mapapanis ng bongga ang laway ko. Buti na lang at may dala akong bottled water kaya hindi natutuyo ang lalamunan ko. Makainom na nga lang muna.

"Are you two going out?" Biglang tanong nito.

Ako naman ay muntik maibuga ang iniinom at napatingin agad sa mukha ng boss.

Nakatingin pa rin ito sa daan na parang normal lang ang tinanong.

"Po?" Maang na tanong ko habang pinupunasan ang natapong tubig sa labi ko. Wrong timing naman ng tanong nito, kung kailan pa talaga ako umiinom.

Medyo late reaction siya ha dahil halos 30 minutos na ang nakalipas ng tumawag si Mr. Fuentez sa akin.

"I saw when he picked you up from the office, Jenna." Seryoso at may kahulugan na sabi nito.

Ako naman ay napaisip, paanong nakita niya eh nasa opisina pa siya ng lumabas ako nung araw na yun. Isa pa ay nakilala ko lang si Mr. Fuentez nung isang araw, advance naman masyado itong magisip.

"Ah, sir nadaanan lang po niya ako na naglalakad kaya naisipan niyang ihatid ako." Pagpapaliwanag ko, iba naman kasi yung nadaanan sa sinundo, diba?

Hindi na ito sumagot at nanahimik ulit. Ako naman ay hindi mapakali sa upuan. Mukhang hindi maganda ang iniisip nito sa akin. Nako, baka matanggal ako sa trabaho.

"Sir, wala naman pong namamagitan sa amin. Friendly lang po talaga si..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla na itong nagsalita.

"I just want to remind you of the company's code of ethics. I hope that you are aware of that." Diretsong sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin.

Patay... masisibak na ba ko sa trabaho? Nakaramdam naman ako ng panlulumo.

"I am aware of that, sir. Ayoko naman po talagang magpahatid pero mapilit po siya. Sabi ko naman po na idrop na lang niya ko sa MRT pero ayaw pa rin po niya." Mahabang paliwanag ko dito pero hindi na ito muling nagsalita.

Mukhang wala na kong trabaho pagbalik namin ng Maynila.

Sa wakas ay nakarating na kami sa Tagaytay, nilibang ko na lang ang sarili sa mga tanawin. Hindi ko naman first time makarating dito pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi humanga sa lugar.

Gusto ko mang kumuha ng mga pictures at selfies, ay nahihiya naman ako. 

Nakarating na kami sa venue at parang pagod na pagod ang katawan ko sa byahe. Malamang ay mas lalo na si Mr. Montano dahil siya ang nagdrive.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
pagod yan sigurado aa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status