Share

Tears of the Wife
Tears of the Wife
Author: Guinaid Katog

Prologue

Kung masakit na, tumigil  ka na.

Kung 'di mo na kaya, sumuko ka na.

Kung nakakapagod na, ipahinga mo na.

Kung nahihirapan kana, pakawalan mo na.

Dahil may mga bagay na kailangan mo nang bitawan kapag mabigat na.

May mga bagay na sadyang nakakasakit na.. Sa puntong hindi mo na kaya.

Mga bagay na kailangang ipaubaya nalang sa iba kapag alam mong hindi mona matatawag na iyo pa.

O... Naging pagmamay-ari mo ba talaga?

Masakit man isipin.. Masakit man damhin.. Pero hindi mo maiaalis ang katotohanang.. Hindi ikaw ang mahal niya. Na hindi ikaw tinitibok ng puso niya. Na alam mong walang magiging katapat ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.

Pero okay lang 'yan..

Iiyak mo lang.. Ilabas mo ang lahat ng sakit..

Hanggang sa wala kanang mailuha pa..

At wala ka nang mararamdamang hapdi pa dahil 'di mo namamalayan.. Namamanhid kana.. 

---

Hindi namalayan ni Janess na tumutulo na pala ang mga luha niya dahil sa isang librong ilang beses niya nang paulit ulit na binabasa.

Pinunasan niya ang mga luha at tiniklop ang libro..

Ramdam niya parin ang sakit dulot nang mga salitang tumatak at tumusok sa puso niya. Dahil nakakarelate siya mismo. Ilang beses niya na iyong nabasa ngunit hindi siya nagsasawa.

Nakarinig siya nang mga yapak ng paa kaya naman dali-dali niyang tinago ang libro sa ilalim ng unan ng kamang kinauupuan niya. Naglakad siya papuntang pintuan at dahan dahan iyong binuksan..

And there..

Her husband and a beautiful woman..

Kissing.

Sa harap ng hagdan mismo na kaharap lang din ng kwartong kinaroroonan niya.

Mabilis niyang sinarado ang pintuan at napatakip nang bibig upang matakpan ang hikbing nagtatangkang lumabas sa kanyang bibig.

Sinapo niya ang dibdib at ramdam niya ang sakit doon.

'Dapat pa ba akong kumapit at magpatuloy gayong alam kong.. ako lang naman ang umaasang mamahalin niya 'ko pabalik?'

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elving F. Bolante Bellera
parang ang ganda ng storybna to try ko badahin
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
i try reading this using machine translator and so far i really like it! will you upload translated version of this novel? do you have social media? i would love to keep updated about your future works
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status