Share

Chapter 1

     JANESS

"Hello?" napapaos ang boses kong bungad sa tumawag.

"Hi J! Gooood mooorrniiing! Hihihi." masiglang bati nang sa kabilang linya.

Natawa ako ng marinig ang matinis niyang boses. Ang babae'ng to talaga, ke aga aga.

"Good morning din Shirley" nakangiti kong sabi habang napapikit-pikit pa. Inaantok pa 'ko eh. Six palang ata ng umaga.

"Hihi sareh, nabulabog ko ata tulog mo." tumawa pa siya "I just called to inform you na may mangyayaring munting handaan dito sa bahay mamayang gabi."

Minulat ko na ang mga mata ko at bumangon.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"Kuya Sherwin's coming home na!!" bigla siyang tumili kaya nailayo ko nang kunti ang cellphone sa tenga ko.

Nang marealize ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God. Really??" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Yes!!!" matinis paring boses na sabi niya.

Kuya Sherwin is Shirley's older brother. And he's been working as a professional photographer in States. Minsan lang siya umuwi dito sa Pilipinas at umaabot hanggang tatlong taon ang pananatili niya roon, kaya naman nagulat talaga ako.

"No wonder why you called this early." I chuckled

"Yea, excited ako eh. Susunduin namin siya ni Mom mamaya. Sama ka?" tanong niya.

"Uhmm.. Hindi ko sigurado Ley eh. Tatanongin ko pa si N-Nathan." sabi ko sa kanya.

"Alright, as if namang papayagan ka nun. Kami nalang ni Mommy, basta pumunta ka mamaya sa handaan ah?" Naiimagine kona ang pag irap niya, pagbanggit ko palang sa pangalan ng asawa ko. Napabuntong hininga ako.

"I-I'll try.. Sige na.. Paki-kamusta nalang ako kay kuya ah?" 

"Okay.. Sana makapunta ka mamaya.. Bye." 

"Bye." 

*toot* *toot*

Pagka-off ng tawag ay pumunta na'kong banyo para makapag ayos ng sarili at pagkatapos ay dumiretso sa kusina upang makapaghanda ng agahan.

Habang nagluluto ay naisip ko ang sinabi ni Shirley kanina.. Gusto kong makita si kuya Sherwin.. Sana lang talaga payagan ako ni Nathan mamaya.

Nang matapos ako ay pumunta na'kong dining table. Pagkalapag ko nang mga pagkain ay sakto namang pagbaba ng asawa ko... Tumingala ako sa kanya at  Nakasuot na siya ng damit pang opisina. 

'Ang gwapo talaga' isip isip ko.

Tumingin siya sakin kaya naman nginitian ko siya.

^_^

"Good morning." bati ko sa kanya

"Hmm." tugon niya saka tumango lang.

"Kain kana." nilagyan ko ang pinggan niya ng kanin tsaka ulam.

Umupo na siya at agad na kumain.

Umupo nadin ako kaharap niya at pinanood lang ang magana niyang pagkain. Hindi ako mapakali sa upuan ko habang naglulumikot ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa sa ibabaw ng nga hita ko nang bigla siyang mag angat ng tingin sakin.

"Hindi kaba kakain?" naka kunot-noong tanong niya sakin.

Nagbaba ako tingin. 

"K-kakain" sagot ko nalang at kumuha na ng pagkain.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang tunog ng pagtama ng kubyertos sa pinggan niya. Napatingin ako sa kanya.

"May Sasabihin ka?" nababagot niyang tanong.

"U-uhmm.. M-magpapaalam Sana ako.." napayuko uli ako. Hindi ko siya kayang tignan sa mata ng matagal. "Uh.. Inimbitahan ako ni Shirley sa bahay nila mamaya---"

"Bakit?" putol niya.

"U-uuwi kasi si Kuya Sherwin.. kaya g-gusto nilang i-celebr---"

"No. You won't go." pampuputol na naman niya. 

Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero tinuro niya sa'kin

Ang kutsara niya.

"And that's final." pinal na sabi niya tsaka uminom ng tubig at tumayo na.

"I'm done." pumunta siyang sala at kinuha ang susi at ang attaché case niya saka naglakad na papuntang pinto. Pero bago pa siya makalabas ay muli siyang lumingon sakin.

Napalunok ako.

"Don't you dare go there. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. And I Mean It." at saka na siya tuluyang umalis...

Nagpakawala ako ng isang malalim na Hininga na hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan.

Paano 'to? Gusto ko pa namang makita si kuya..

But I can't go against his decision.

Ayoko'ng madagdagan pa ang galit niya sakin.

Nakahiga ako sa kama habang hinihintay si Nathan. It's already 10 pm pero wala padin siya. Though sanay naman na'ko, minsan nga inaabutan siya ng umaga. At sanay na'kong iniintay siya nang matagal.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang pag-uusap namin ni Shirley kanina, pagkatapos kung gawin ang mga gawaing bahay.

She's disappointed. Indeed.

Gusto ko talagang pumunta, pero wala namana akong magagawa.

"Just tell kuya Sherwin that I missed him, okay? At I'm sorry nadin. Please Ley?". Sabi ko na lang kay Ley kanina.

I stared at the ceiling.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig doon 'till a certain tear fell at the corner of my left eye. Naaalala ko na naman yung nangyari a year ago. Ang masakit na ala-alang 'yun..

I closed my eyes to refrain more tears from falling.

Tumayo ako at pilit na lamang iwinaksi ang ala-alang iyon sa isip ko.

Palabas ako ng kwarto nang marinig ko ang tunog ng Kotse ni Nathan. Kaya naman nagmadali akong lumabas upang mabuksan ang gate.

Hindi pa man ako nakakalabas sa pintuan ng bahay ay narinig ko na ang maingay na pagbusina ni Nathan na animo'y galit. Kaya naman mas binilisan ko ang pagkilos at nang mabuksan ay kaagad naman siyang pumasok.

Habang sinasarado kong muli ang gate ay literal na napatalon ako dahil sa malakas na pagsarado ni Nathan sa pintuan ng kotse. 

Napalingon ako sa kanya na nakatalikod na at papasok na sa loob ng bahay.

Dali-dali kong sinarado ang gate at sinundan siya.

Naabutan ko siya sa kusina na umiinom ng tubig. Umiigting yung panga niya.

"What's wrong?" mahina kong tanong sa Kanya. 

He looked mad and stressed. Magulo yung buhok Niya, pati ang kasuotan niya. Ano'ng Nangyari? Pero kahit na ganoon, he still managed to look gorgeously Handsome. At hindi ko alam kung paano ko pa siya nagagawang purihin sa isip ko sa ganitong sitwasyon.

Impit akong napatili nang bigla niyang inihagis sa dingding ang baso at lumikha na malakas na ingay.

"Fuckk!!!" sigaw ni Nathan.. 

Oh my God. He really is mad.

Humakbang ako upang lapitan Siya, at akmang hahawakan ang braso niya.

"Nathan,.. Calm Dow--"

"Shut the fuck up!!" sigaw niya sakin at iwinaksi ang braso Niyang hahawakan ko dapat. Kaya naman napaatras ako.

Umiwas siya ng Tingin at itinukod ang Dalawang palad sa kitchen counter.

"Shit. Just-- Just leave, 'kay?" Mas mahinahon na'ng sabi niya.

"A-ano ba kasing problema?? Tell me, Nate. B-baka sak--"

"I. Said. Just. Fucking. Leave.!" Mariing sabi niya.

"B-but--". Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang humarap sa'kin at humakbang palapit kaya napaatras ako nang wala sa oras.

"You'll leave or what??" he made a threatening step towards me again. "And will you stop asking?? Wala kang maitutulong." Sabi niya.

Napalunok ako.

Patuloy lang ako sa pag atras na para bang sasaktan niya'ko any moment Now. Hindi naman siya nananakit. Never niya pa akong pinagbuhatan nang kamay but every time may nangyayaring ganito, 'yung galit na galit siya ay kinakabahan talaga ako.

Kilala ko siya.

Alam kong hindi siya 'yung tipo ng lalaki na nananakit ng babae. Pero siguro may exemption sa lahat ng bagay. And I am an exemption.

I know he's anticipating to hurt me. Marahil ay Pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil hindi siya ganoong klaseng lalaki. At nagpapasalamat ako doon, Even though I think I deserve to be hurt physically. I deserve his madness.

"I'm mad. Very mad. At nadagdagan lang ang galit ko ng makita kita!" sigaw niya sakin.

Napayuko ako at napalunok nang maramdamang wala na akong maaatrasan pa.

"So when I say Leave. Leave immediately!!" He pinned me in the wall with his hands right above my head.

"You want to know what happened?? Huh!?" 

I looked up to him at nakita ang galit sa kanyang mga mata.

He smirked. A fake one.

"My father just kicked me out of the company. Fuck! Just because we lost a huge investor, Sinesante niya na ako! Just-- what the fuck! I've spent my time and worked hard for that company until it reached its peak pero Dahil lang sa isang pagkakamali?? The hell! That old man!" he smirked again. "Ngayong alam mo na. Sa tingin mo may maitutulong ka? Wala, right? In fact, mas ikinagalit ko ang pagkakita ko sa pagmumukha mo." mariing sabi niya.

My eyes welled up with tears.

"Hurt me." I said to him, and his smirk vanished instantly.

"Please, hurt me, Nate." I almost beg. 

A tear escaped from my eye.

"Gusto mo 'kong saktan diba? Do it. Kung iyan ang makakapag satisfy sa'yo. Then do it. Ilabas mo ang galit mo through me. Saktan mo'ko! Sakta--" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang iangat ang kanang kamao niya.

bog!

Napapikit ako at napabaling ang ulo sa kanan.

He just punched...

The wall.

Another tear escaped. He didn't punch me. He didn't punch me. He didn't.. 

Isinubsob niya ang kanyang ulo sa liig ko.

"You thought I would punch you? Huh? Ness?" Lumambot ang kanyang boses at huminahon.

"W-why?? Ba't 'di mo nalang ako saktan?.. Deserve ko yun, Nate. Ikaw pa mismo nagsabi nun diba? Deserve ko 'yu--"

"Yes" he interrupts me.

"Yes, I'm mad. And God knows how much I wan'ed to hurt you.. But I just can't. And I won't. I know he won't like it.. He doesn't Want me to hurt his mom."

Naramdaman ko ang pamamasa ng liig ko.

He's crying..

"Our baby won't surely like it if I hurt you.."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status