Share

Chapter 3

"Janess! Thank God at sa wakas ay tumawag ka din! Ano ba'ng nangyari sa'yo ha? Kagabi pa kita Tinatawagan pero hindi ka sumasagot!! Nag-alala ako alam mo ba yun? Ha?? Hello? Janess! Sumagot ka! Ja--"

"Huminahon ka nga Ley." putol ko sa pagsisigaw ni Shirley sa kabilang linya. Ang ingay talaga ng babae'ng 'to. Pagkasagot ko palang sa tawag niya ay sigaw niya agad ang bumungad sakin.

Pagkatapos ko kasing kumain mag-isa kanina ay pumunta ako dito sa kuwarto para maligo. Pagkalabas ko naman nang banyo ay naalala ko ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at pagka-on ko palang nun ay sandamakmak na texts at tawag agad ang bumungad sakin. At lahat ng yun ay kay Ley galing.

"Aba't-- Hoy Babae! 'Wag mo 'kong ginaganyan! At huminahon?? Paano ako hihinahon ha?? Hindi mo sinasagot mga tawag ko kagabi  at--" pinutol ko ang kung ano pang sasabihin niya.

"Eh ba't ba galit na galit ka? Eh para namang first time kong hindi nasagot mga tawag mo."

"Ha!" narinig ko ang sarcastic niyang pagtawa. "Naubos lang naman kasi ang 100 kong load nang dahil sayo! Aba! Sayang din yun! Sayang!! Eh kung sana nag text ka nalang na okay ka diba?? Edi sana hindi ako nag-alala at sana may pang internet na ako ngayon!!" pangu-nguwenta niya pa.

Natawa nalang ako.

"Baliw kana." sabi ko sabay tawa.

"At-- talaga namang-- hoooyy!! Wag mo'kong pagtatawanan dahil seryoso ako! Sayang yung isang daan Ness!" pag-iinarte niya pa.

"Ang oa mo. Hindi ko nasagot tawag mo d-dahil.. Dahil naiwala ko ang c-cellphone ko sa k-kung saan at ngayon ko l-lang nahanap." pagpapalusot ko nalang. Eh paano ko naman kasi masasagot tawag niya kagabi eh hindi ako sa kwarto natulog? 

"At tsaka..Hindi ko naman sinabing tawagan mo'ko." pang-iiba ko.

Narinig ko ang pagsinghap niya. Psh, ang oa talaga. Eh kung alam ko lang.. Nagd-drama lang 'to.

"Ayyyy, sorry naman ano?? Sorry naman dahil nagkaroon ka nang kaibigan na sooobrang bait at mahal na mahal ka. Sorry ha?? Kasalanan ko pa pala." 

Ang arte.

"Tumigil kana nga. Eh parang yun lang? At hindi mo'ko madadaan diyan sa mga drama mo no. Eh kung hindi ko lang alam na mayaman ka, baka napaniwala mo pa ako." sinabayan ko pa iyon ng tawa. Pero napahinto din ng marealize kong nasobrahan na ang pagkakatawa ko.

"Ehhh.. Kasi naman!!" narinig ko ang pagpapadyak niya sa kabilang linya. Parang bata.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang naglalakad patungong cabinet para makapagbihis.

"Eh, kasi may i-chi-chika dapat ako sayo! Hindi na ako makapag antay eh! Kung nandito kalang sana kagabi eh di sana nakita mo!"

Inipit ko sa gitna ng balikat at tenga ko ang cellphone upang kumuha ng damit.

"Ang ano ba kasi?" tanong ko.

At sinabi niya sakin na nakita niya raw crush niya kahapon na sa Facebook lang naman niya nakilala. Eh ang hindi raw niya alam, magkaibigan pala si Kuya Sherwin at yung crush niyang Philip daw ang pangalan. Magkasabay daw kasi'ng umuwi ang dalawa. Kaya ayun, tili siya ng tili habang nagke-kwento.

"Owemjii Ley!! He's so gwapo talaga!! I mean-- gwapo naman talaga siya kahit nung sa picture ko pa lang nakita pes niya pero-- iba parin pag nakita mo in person!! Grabe! Ang hot niya pa! Napaka--"

"Eh kilala kaba?" pamumutol ko sa kaligayahan niya.

Natahimik siya.

"Argghh! Panira ka talaga ng moment!! Alam mo yun?" 

Tumawa nalang ako ng mahina.

"By the way, Ley. Si kuya Sherwin pala?" pag-iiba ko.

"Tulog pa eh. Nag-inuman kasi sila kagabi at inabot sila ng madaling araw-- And oh! Hinahanap ka ni kuya kagabi. Sinabi kong hindi ka makakapunta kaya ayun, nagtampo sayo." sabi niya. At bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.

"Pero sabi niya siya nalang daw dadalaw sayo kasi may ibibigay din daw kasi siyang regalo." pagpapatuloy niya.

Nahinto naman ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya dahil sa sinabi niya.

"Talaga??" gulat kong tanong.

"Yhupp!! But of coourse!! Kasama ako!" masigla niyang sabi.

Napangiti naman ako ng kunti.

"Sabi mo yan ah." miss kona din kasi 'tong kaibigan kona 'to. Matagal na din kasi nang huli kaming magkita..

"Yes!! Hihihi"

"Eh Kailan ba kayo pupunta dito at nang makapaghanda ako?" Tanong ko sa kaniya at pinagpatuloy na ang pagpupunas sa buhok ko.

"Ipaghahanda talaga?? Wooww! Ang special naman?" at tumawa pa siya.

"Syempre. Pambawi nadin kay kuya Sherwin sa hindi ko pag dalo kagabi."

"Ang gara. Sosyal ah, pahanda handa pa. Haha!"

"So kelan nga?" tanong ko pa uli. Ang dami pa kasing sinasabi eh.

"Secret! Surprise yun haha." Hayy.. Ang babaeng to talaga.  Edi Paano ako makakapaghanda nun?

"Pero teka nga, eh papayag kaya si Nathan?"

Natahimik ako sa tanong niya..

Napabuntong hininga ako,

"P-papayag naman siguro.. Ikaw lang din naman at si kuya Sherwin ang pupunta k-kaya sa tingin ko.., wala namang problema kay Nathan 'yun" sabi ko nalang sa kanya.

"Okaaayy~ sabi mo eh. Sige, babye na!" paalam niya.

"By--"

"But waaiit! Totoo talagang nasayang yung isang daan ko kagabi Ness!" hirit na naman niya.

Magsasalita pa sana ako pero naunahan na naman niya ako. 

"Yun lang!! Babye!!"

Napatingin nalang ako sa cellphone ko at napa iling-iling dahil sa kakulitan ni Shirley.

It's already 11 in the evening pero hindi padin umuuwi si Nathan. At nag-aalala na ako.

Kung isa lang sana itong normal na gabi kagaya ng mga gabi'ng nagdaan nung may pwesto pa siya sa kompanya ni Papa Nante ay mapapanatag pa ako. Pero ngayon? Wala na kaya kinakabahan ako.. 

Saan naman kasi siya posibleng pumunta diba?? 

Hindi kaya ibinalik na siya ni Papa Nante sa company? Hindi naman kasi ito ang unang beses na sinesante siya Ng papa. Nangyari din ito dati dahil Sa hindi pagkakaunawaan nila pero kinabukasan nun ay ibinalik din siya.

I tried to dial his phone din pero unattended.

Nagpabalik-balik ako ng lakad dito sa sala habang kinakagat ang kuko ko. Pilit hindi iniisip ang nag-iisang posibleng dahilan kung bakit wala padin siya. Ayoko'ng isipin iyon.. Dahil.. Dahil alam kong hindi niya yun gagawin. Right?

Pero hindi ko maloloko ang sarili ko.

Dahil alam kong posible.. Posibleng meron siyang ibang kasamang babae ngayon habang... Habang..

Umiling iling ako.

"Hindi.. Hindi ganun yun.. M-meron lang siguro siyang i-importante'ng ginawa k-kaya matatagalan siya s-sa pag-uwi.. Ganoon l-lang yun, okay? Okay.." nanginginig ang boses na pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Humugot ako ng malamin na hininga at pinakawalan iyon.

Naiiyak na naman kasi ako.. Pero inulit-ulit ko lang ang pag inhale at exhale para hindi ako maiyak.

Naghintay pa ako ng ilang minuto..

At oras.

Tinignan ko ang orasan sa ding ding at nakitang 12 am na..

"Nathan... Asan ka na ba.." sambit ko habang dina-dial ang numero niya. Patingin tingin ako sa bintana at umaasa na sana dumating na siya.

[the number you have dialed is... *toot*]

Tinawagan ko ulit siya at ganun padin.

Umupo ako sa isang sofa sa sala at napabuga ng hangin. Napapraning na ako. Dahil paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang isang imahe ng babae na hinawakan sa kung saan ang asawa ko..

Napatayo ako at mabilis na pumunta sa pintuan at binuksan iyon nang marinig ko ang tunog ng isang kotse..

Parang tumalon ang puso ko sa saya nang makita ko ang kotse niya sa labas ng gate ng bahay namin.

Dali dali akong tumakbo at binuksan ang gate. Pagkapasok ng kotse niya ay kaagad ko din iyong sinarado at naglakad papunta sa kotse niya'ng pinapark niya na sa garahe.

Pagkalabas niya ng kotse ay kaagad na nagtama ang paningin namin.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"G-gabi na.. Saan ka galing?" maingat kong tanong. 

Umiwas siya ng tingin at hindi ko alam kung namamalikmata ba ako nang makita kong parang may dumaan na kakaibang emosyon sa mga mata niya. Pero hindi kona lang iyon pinansin.

Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad lang siya papasok ng bahay kaya agad naman akong sumunod.

Pagkarating sa sala ay tinapon niya ang susi ng kotse sa center table.

"Ba't gising kapa?" tanong niya habang hinuhubad ang suot na leather jacket.

"H-hinihintay kita." sagot ko habang tinitignan lang ang bawat kilos niya.

"You shouldn't have." he boringly said.

"Kumain ka na?" tanong Ko.

"Hmm" mahinang sabi niya saka inihagis ang suot niyang leather jacket sakin.

Nabigla ako sa biglaan niyang paghagis pero nasalo ko naman at naamoy ko ang amoy na kinaadikan ko mula pa man noon up until now.

"I'll go upstairs." He said.

"N-Nathan." Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa'kin.

"Uhm, p-pwede ko bang malaman kung saan ka g-galing? Binalik ka naba ni Papa Nante sa kompanya?" Ingat na ingat na tanong ko.

"Neither." maikling sagot niya lang at umakyat na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya.

Napalabi nalang ako.

Yumuko ako at inamoy amoy nalang ang jacket niya. Napangiti ako dahil sa bango nito. Biglang wala na akong pakialam kung saan man siya galing, basta ang importante, nakauwi siya ng ligtas at naaamoy ko ang jacket niya.

Pero napakunot ang noo ko nang makaamoy ako nang ibang amoy ng pabango sa bandang dibdib ng jacket niya. Inamoy amoy ko pa iyon at kumabog ng malakas ang dibdib ko nang unti-unti kong napagtanto ang amoy nito.

Inamoy ko ulit iyon at nalamang..

Pabango iyon ng  pangbabae. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status