“CALLYX, come here. Ready na ang food mo,” pagtawag ni Calley sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Callyx. Nasa kusina siya noon at katatapos lang ihanda ang lunch nilang mag-ina.
Nang hindi sumagot ang anak, binitiwan niya ang kutsarang hawak saka dali-daling nagtungo sa sala. At doon, naabutan niyang tutok na tutok ang paslit sa panonood ng favorite cartoon nitong Mr. Bean, habang nakasalampak sa sahig na may kulay kremang tiles.
Marahang nilapitan ni Calley ang anak pero hindi pa rin siya nito napapansin. Nakatalikod kasi ito sa gawi niya. Kaya naman habang nakatutok ito sa pinanonood ay tumalungko siya sa likuran nito at pasimpleng ninakawan ng halik sa pisngi.
“Huli ka!” bungisngis ni Calley sa anak sabay yakap sa baywang nito.
“Mama!” bulalas naman ni Callyx na sinabayan ng pagtawa. Napangiti naman ng malapad si Calley. Talagang napaka-cute ng kanyang anak lalo na kung tumatawa. Lumilitaw kasi ang dimples nito sa magkabilang pisngi.
Niyakap niya ang paslit saka kinarga mula sa pagkakasalampak sa sahig. May kabigatan si Callyx dahil medyo malaman ito subalit madalas pa rin niya itong kargahin. Iyon din kasi ang gawain ng musmos kapag naglalambing sa kaniya. Aside from that, malaking bata rin ito, para na itong anim na taon kung pagmamasdan.
“Kanina ka pa tinatawag ni Mama. Hindi mo ako pinapansin,” malambing na saad niya sa anak “Kakain na tayo, baby,” aniya pa sabay sulyap sa telebisyon.
Hindi pa natatapos ang pinanonood nito kaya naman hindi mapuknat-puknat ang paningin ng anak niya roon. Pero mayamaya rin ay nilingon siya nito at matamang pinagmasdan.
Kumunot naman ang kanyang noo; nagtataka. “Why, baby? Nagagandahan ka ba kay Mama?” nakangiti niyang tanong sabay abot ng remote ng TV na nakapatong sa estanteng malapit sa kaniya.
Pasimple niyang ini-off ang flat screen TV gamit ang kanang kamay, habang sa kaliwa naman ay buong pwersa niyang karga si Callyx.
Ayaw kasi niyang sanayin ang anak na nanonood habang kumakain. Palibhasa ay tinuruan niya itong kumain nang mag-isa, kaya gusto niyang tutok ito sa pagkain para walang masasayang.
“Mama, may daddy po ba si Mr. Bean po?” inosenteng tanong ng anak kay Calley. Tuwid na itong magsalita kahit four years old pa lang ito, bagaman paminsan-minsan ay nauutal-utal pa rin.
Tila may kung anong bagay ang sumipa sa kanyang dibdib nang marinig iyon. Alam na kasi niya kung saan mapupunta ang usapan nila ng kanyang anak. Natitiyak niyang sunod na nitong tatanungin ang daddy nito.
Bumuntong-hininga muna si Calley saka pilit ngumiti sa harapan ng paslit. “Of course, baby! Lahat ng baby na kasing cute mo, may daddy!” Itonodo pa niya ang pagngiti para itago ang lungkot nararamdan ng mga oras na ‘yon.
I'm really sorry, Callyx...
Inusal ni Calley ang mga katagang ‘yon habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng kanyang anak. Nahihirapan siyang aminin sa musmos ang katotohanan tungkol sa ama nito. Alam n‘yang masyado pa itong bata para maintindihan ang lahat.
Tumitig sa kan‘ya si Callyx na tila nag-iisip, pero mayamaya rin ang ngumiti. “I-Ibig sabihin po ba, Mama, m-may daddy din ako po?” nauutal pang tanong nito sa napakainosenteng tono.
Nakagat ni Calley ang pang-ibabang labi saka muling inilapag ang anak sa sahig. Nakaramdam na rin kasi siya ng pangangalay ng braso sa bigat nito. Matapos niyon ay lumuhod siya sa harap ng anak upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Nakangiti si Callyx sa kan‘ya. Tila excited sa kanyang isasagot. Lalo namang bumigat ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang walang muwang na anak. Pakiramdam niya, dinudurog ang kanyang puso sa t‘wing nakikita niyang sabik itong malaman ang lahat ng tungkol sa ama.
Pinilit ngumiti ni Calley sa anak saka mahina itong pinisil sa pisngi. “Of course, baby... May d-daddy ka.” Nautal pa siya ng bigkasin ang salitang ‘daddy’. Sadya palang napakahirap magsinungaling sa harapan ng inosenteng bata.
Sa narinig ay parang kumislap ang mata ng kanyang anak. “E, why po hindi ko pa nakikita si daddy? Sobrang miss ko na si daddy po.” Nalukot pa ang gwapong mukha ng musmos nang sabihin ‘yon.
“K-Kasi nga baby, busy pa ang d-daddy. ’Di ba nga, si Mr. Bean, hindi rin n'ya nakikita ang daddy niya? Busy din kasi ang dad niya,” pagsisinungaling niya. Tumango-tango naman ang musmos na tila ba nauuwanaan talaga ang sinasabi niya. “Don‘t worry, baby. Magpapadala na lang ulit tayo ng letter kay daddy, huh? I tell him na miss na miss mo na s'ya. Is that's okay, baby?”
“Yey!” napatalon pa ang musmos sa tuwa, “Thank you, Mama!” bulalas pa nito sabay yakap sa kan'ya. Ginantihan din naman niya iyon nang mas mahigpit na yakap. Sa isip niya, lihim niyang hiniling na sana ay maintindihan siya ng anak sa oras na magkaisip na ito at malaman ang katotohanan.
“Let's eat na baby. Magdi-deliver pa kasi tayo ng cupcakes kay Ninang Thea mo,” sabi niya sa anak nang kumalas ito sa pagkakayap sa kan'ya. Ang Thea na sinasabi niya ay ang best friend niya since college. Inaaanak nito si Callyx.
“Yes po, Mama!” anang paslit saka patakbong nang tinungo ang kusina.
Samantalang naiwan naman si Calley na napapabuntong-hininga na lang habang sinusundan ng tingin ang pinakamamahal na anak.
“BAKIT nga ba kasi ayaw mo na lang mag-asawa ulit, bruh?” nakataas-kilay na tanong ni Thea kay Calley habang panay ang nguya ng dala niyang cupcakes. “Com’on! Twenty-five years old ka pa lang. ‘Wag mong sabihin na ibuburo mo na lang ‘yang kipay mo? O baka naman umaasa ka pang magkikita kayo ng Tatay ng anak mo na ‘di mo naman knows, aside from sinabi mong daks siya?”
Lalo pang tumaas ang on-fleek na kilay ng mahaderang best friend niya nang sabihin ‘yon. Talagang nakakainis ang pagiging straightforward nito kung minsan.
“Bruha ka! Hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig ka ni Callyx,” saway niya rito saka sinulyapan ang anak na noon ay abala sa paglalaro sa sala kasama ang anak na babae ni Thea na si Thalia.
Mas matanda ng isang taon si Callyx kay Thalia. Katulad ng ina, magandang bata rin ito at malaking bulas. Palibhasa‘y half-American ang napangasawa ni Thea na isang businessman.
Umirap naman ang best friend niya sabay kagat muli sa cupcake. Pangatlo na yata nito iyon. “Sus! Kunwari pa ang bruha. Totoo naman,” buska pa nito, “Anyway, ang sarap talaga ng cupcakes mo. Dapat talaga magtayo ka ng sariling bakeshop e. Ayaw mo pa kasi tanggapin ‘yong pera na ipinahihiram ko sa'yo pampuhunan.”
Napabuntong-hinga naman si Calley saka isinandal ang likod sa silyang kinauupuan. Nasa kusina sila ng kaibigan pero dahil open naman iyon kung kaya't kitang-kita pa rin nila ang kanilang mga anak na nasa sala.
“Ang dami ko na ngang atraso sa‘yo, bruh. ’Tsaka nakakahiya naman kay Thom. Baka isipin n’on na inaabuso kita,” turan niya na ang tinutukoy ay ang asawa nito.
Umismid naman ang kaharap sabay inom ng orange juice. Inubos pa muna nito ang laman ng bibig bago muling nagsalita. “Ano ka ba naman? Parang hindi mo naman kilala si Thom? At saka ano bang pakialam niya? Sarili kong pera ang gagamitin ko, ‘no? Nakaipon ako sa pagbebenta ng mga jewelries.”
Suma-sideline kasi ang kaibigan sa pagbebenta ng luxurious jewelries kahit na may sarili namang negosyong construction firm ang asawa. Katwiran nito, gusto nitong makapag-ipon ng sariling pera para kung sakaling maghiwalay daw ang mga ito, mayroon itong ipon.
Pero duda naman siyang maghihiwalay ang mag-asawa. Nakikita kasi n’yang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa. Naiingit tuloy siya ng very slight sa bruha. Bukod kasi sa maginhawa ang pamumuhay nito, may mabait pa itong asawa.
Samantalang siya, heto at nagkukumahog sa pag-o-online selling ng mga pastries na siya mismo ang gumagawa. Nagbe-bake kasi siya ng mga made-to-order cakes, cupcakes at kung anu-ano pang pastries. Graduate siya ng business management pero ‘yon ang pinagkakakitaan niya ngayon at itinutustos sa pang-araw araw na gastusin nilang mag-ina.
Nginitian niya si Thea. “Don't worry, pag-iisipan ko,” turan niya saka ininom ang sariling juice na noon lang niya naalala. Matapos ay muli niyang sinulyapan si Callyx na noon ay bakas ang kasiyahan sa mukha habang naglalaro.
Minsan lang kasi itong magkaroon ng kalaro. Hindi kasi niya ito pinalalabas ng bahay kaya ‘pag nandoon sila sa Caloocan kung saan nakatira si Thea, sabik na sabik ito sa playmate.
Kung p’wede nga lang na araw-araw silang naroong mag-ina, ginawa na niya. Kaya lang, sa Quezon City pa sila nakatira at medyo hassle ang bumiyahe dahil may kalayuan ang subdivision kung saan nakatira ang kaibigan.
“Next year, mag-aaral na si Callyx, right? Nagkakaisip na siya,” pakli ni Thea mayamaya. Napatingin naman siya rito. “Hanggang kailan mo papaniwalain ang anak mo na may daddy talaga siya, bruh? Matalino ang inaanak ko, Calley. Sooner or later, magtatanong ulit ‘yan tungkol sa daddy niya. Ano'ng balak mo?”
Napaisip naman si Calley sa tanong na ‘yon ng best friend. Thea is right. Hanggang kailan niya ba papaniwalain ang anak na kilala niya ang daddy nito? Kaya pa ba niyang magsinungaling ulit sa oras na magtanong na naman ito?
“Ba’t kasi hindi ka na lang maghanap ng boyfriend, bruh? Syempre ‘yong tanggap ka bilang single mom. Para na rin may katuwang ka sa pagpapalaki sa inaanak ko,” untag pa nito nang hindi siya sumagot.
Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga saka inilipat ang paningin kay Callyx na noon ay nakikipag-agawan ng manyika kay Thalia. “Hindi naman kasi gan’on kadali ang humanap ng lalaking tanggap ang single mom na ‘gaya ko sa panahon ngayon,” katwiran naman niya saka muling ibinalik ang tingin sa kaharap.
“At saka wala pa naman sa isip ko ang pag-aasawa. Kay Callyx nga lang at sa online business ko, kulang na kulang pa ang oras ko. Sa pagbo-boyfriend pa kaya?”
“Alam ko na! Iba-blind date kita!” ani Thea na hindi inintindi ang sentimiyento niya. Nakangisi pa ito na tila may naiisip na kalokohan.
Sumama naman ang mukha niya sa suhestiyon ng bruha. “At kanino naman, aber?” nakataas-kilay niyang tanong habang nakahalukipkip.
“Basta akong bahala! Sayang ang ganda mo kung wala ka namang jowa. Don't worry, pipili ako ng mabait at madatung!” Kumindat pa sa kan‘ya ang haliparot pagkasabi niyon.
“Aba’t kailan ka pa naging bugaw, bruh?” pambabara niya sa kaibigan na masama pa rin ang mukha.
Ayaw talaga niyang makipag-date sa ngayon. Bukod sa wala siyang time mag-love life, alam niya sa sariling may hinihintay siyang isang tao. Kahibangan man, pero umaasa siyang balang-araw, makikilala niya si Z... na ang ama ng kanyang anak. Ang lalaking nangako sa kan'ya...
...at minahal niya sa loob lamang ng isang gabi.
“PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.
"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal
ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley
IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera.Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya.Alam niya
MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab
“A-ANO kasi...”Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya?“What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya.“I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What