“PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.
Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.
Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.
May apat na taon na rin silang nangungupahan sa maliit na apartment sa Tandang Sora sa Quezon City kung saan sila kasalukuyang nakatira ni Callyx. Aaminin niyang hirap siyang magbayad ng buwanang renta, pati na rin ng tubig, kuryente, at internet connection na ginagamit niya sa kanyang online business.
Kulang na kulang ang kinikita niya sa paggawa ng pastries para sa kanilang daily needs. Lalo pa't hindi naman ganoon karami ang kanyang customers. Isa pa’y may asthma rin si Callyx kaya naman pinaglalaanan din niya ng pera ang health needs nito.
Naisip ni Calley kung susubukan niyang mag-apply sa job offer na ‘yon, malilibre silang mag-ina sa bayarin sa bahay at iba pang gastusin. Malaking kaluwagan iyon para sa kaniya lalo pa't solo parent siya. Pagkain at basic necessities na lang ang poproblemahin niya.
Besides, ang nakadagdag din sa pagkainteres niya sa posisyong iyon ay nang mabasa niyang maaaring magsama ng relatives sa trabahong. Meaning, kung papalarin siyang matatanggap doon, pwede niyang pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aalaga sa anak.
Iyon kasi ang isa sa mga problema niya bilang solo parent. Nahihirapan siyang pumasok sa regular na trabaho dahil wala siyang mapag-iiwanan kay Callyx. Wala rin naman siyang kakayahang kumuha ng yaya para sa anak.
Ulila na siyang lubos. Her father died in a car accident when she was five years old. Nabangga ang minamaneho nitong taxi habang namamasada. Ang kanyang Mama naman ay namatay dahil sa brain tumor, limang taon na ang nakararaan. Hindi na naoperahan pa ang kanyang ina dahil bumigay na ang katawan nito.
Sinikap niyang mamuhay mag-isa at pagbutihin ang kanyang sarili para kay Callyx, kahit pa nga naging napakahirap niyon para sa kaniya. Nagawa niyang maging matatag at matapang sa kabila ng lahat ng pinagdaanan kahit mag-isa na lang siya.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Tutal wala na akong relatives dito sa Maynila... isip-isip niya.
♡♡♡
“Thank you very much, Mrs. Tupaz,” nakangiting pasasalamat niya sa kaharap. Tango na lang ang isinagot sa kan’ya ng may edad na babae bago siya tumalikod at lumabas opisina nito.
Nasa lobby na si Calley ng naturang building nang maisipan niyang tawagan si Thea at kumustahin ang anak. Dito niya kasi pansamantalang iniwan si Callyx para sa job interview na iyon.
Hindi pa nga siya makapaniwala noong una nang makatanggap siya ng e-mail galing sa Sancho Group of Companies na inaanyayahan siya sa isang job interview. Nagpadala kasi siya ng e-mail ng kanyang resumé sa nasabing kompanya para sa job opening nito sa Paradise Island Hotel and Resort.
Mabilis na kinuha ni Calley ang cellphone sa kanyang shoulder bag, at nang tangkang magda-dial na siya ng numero ng kaibigan ay bigla na lang siyang bumangga sa isang matigas na bagay.
Napaatras pa nga siya ng ilang hakbang sa lakas ng impact ng kanyang pagkakabangga. Hindi lang ‘yon, nasapo rin niya ang kanyang noo na pakiwari niya ay tumama sa solidong bagay.
“Watch your step, woman!"
Tila naestatwa si Calley nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Pakiramdam niya, gumapang ang kilabot sa buo niyang pagkatao. Hindi rin niya mawari kung bakit, pero tila narinig na niya ang tinig na iyon noon.
Oh my god! Hindi kaya...
Dali-daling binalingan ni Calley ang may-ari ng tinig na iyon pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang wala na ito.
Saan siya nagpunta?
Inilibot niya ang paningin sa kabuohan ng lobby pero sa dami ng empleyado na naroroon, malabo na niyang matukoy pa kung sino sa mga ito ang nakabangga niya.
Bumuntong-hininga na lang siya saka laylay ang balikat na tinungo ang exit ng naturang gusali. Naisip din niyang marahil dala ng pagod at gutom kaya kung anu-anong boses na lang ang kanyang naririnig.
♡♡♡
Halos hindi ikurap ni Calley ang kanyang mga mata sa lalaking kaharap niya at nagpakilalang CEO. Bihira lang siyang humanga sa mga gwapong lalaki pero, iba ang dating ng kaharap niya ngayon.
Kulang ang salitang gwapo para i-describe ang itsura nito. Para sa kaniya, mistulan itong Greek God na nagkatawang tao at bumaba sa lupa. Walang kapintasan ang mukha nito mula sa mapupungay na mga mata, makakapal na kilay, matangos at maliit na ilong, manipis at mamula-mulang labi, at perpektong panga.
Maging ang buhok nitong maikli na kulay light brown ay bumagay dito. Idagdag pa ang maputi at makinis nitong balat. Kung hindi nga lang ito nagpakilalang CEO, mapagkakamalan niyang artista ito o kaya naman ay model.
Ngunit nabuhay din ang curiosity niya sa lalaking kaharap, dahil kaboses nito si Z-- ang ama ng kanyang anak. Kahibangan man kung iisipin, pero hindi niya maiwasang isipin na baka ito ang ama ni Callyx. Pero gaano iyon kaimposible? O nagkataong kaboses lang nito ang lalaking hinahanap matagal na niyang ninanais na makita?
Napagod lang siguro ako sa biyahe kaya kung anu-ano ang naiisip ko, ani Calley sa isipan habang pinanatili ang ngiti sa labi kahit bahagya siyang distracted. “Thank you very much, Mr. Sancho. It's my pleasure to be a part of one of the famous companies in the Philippines,” magalang niyang saad sa kaharap sabay lahad ng palad upang makipagkamay.
Ang Sancho Group of Companies ay kilala sa buong Pilipinas dahil nagmamay-ari ang mga ito ng naglalakihang hotel resort na talagang dinarayo ng mga turista. At isa na nga rito ang Paradise Island Hotel and Resort na matatagpuan sa Coron sa Palawan.
Kilala ang naturang hotel resort dahil sa napakaputing buhangin at kulay asul na karagatan. Hindi lang iyon, sikat din ito sa mga dayuhang turista dahil sa luxurious amenities at masasarap na pagkain na pawang mga Filipino dishes.
“You can call me by my first name, Ms. Trinidad. Lahat ng employees dito ay ‘yon ang tawag sa’kin,” magiliw namang dagdag ng gwapong CEO. “Anyway, sana’y mag-enjoy ka sa pagtatrabaho sa Paradise Island, Ms. Trinidad,” dagdag pa nito.
Marahan namang tumango si Calley sa kaharap ngunit kaagad din siyang nakaramdam ng pagkailang nang mapansing kakaiba ang tingin sa kaniya ng CEO. Nadagdagan tuloy ang kuryosidad niyang nararamdaman para sa kaharap.
Kilala kaya niya ako o baka naman natatandaan?
“Thank you, Sir Zayne. Gagawin ko po ang best ko para sa trabahong ibinigay ninyo sa akin,” sagot naman niya habang nakangiti at pilit nilalabanan ang pagkailang ng mga sandaling iyon.
“I’m glad to hear that, Ms. Trinidad. By the way, bukas pa naman ang orientation mo kaya may chance ka pang magpahinga. You're with your son, right?”
Tumango siya. “Yes, Sir.”
“As we have said, the inclusion of relatives at work is not prohibited as long as the responsibilities are properly fulfilled. Ipapaliwanag naman ang tungkol d’yan sa orientation, Ms. Trinidad. For now, just enjoy your first day here in Paradise Island. Nasa labas ang secretary kong si Mimi. Siya na ang bahala sa inyo. You can now rest,” pagtatapos ng lalaki sa kanilang usapan habang ang paningin ay hindi na yata iniaalis sa kanyang mukha. Nahihirapan siyang mabasa kung ano ang iniisip ng CEO ng mga sandaling 'yon habang nakatingin sa kaniya.
Marahang tumango si Calley sa lalaki at saka ngumiti. “Thank you very much again, Sir Zayne.”
Iyon lang ang sinabi ni Calley bago tumalikod, pero bago pa siya tuluyang makalabas ng private office nito ay muli siya nitong tinawag.
“Ms. Trinidad.”
Maang niya iyong nilingon. “Yes, Sir Zayne?”
“Can I call you by your first name?” tanong nito na sinamahan pa ng matamis na ngiti.
Nabigla naman siya sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata. “Of course, Sir.” Ginawaran pa niya ng simpleng ngiti ang kaharap.
“Thank you, Calley... You may go now.”
Hindi naman maipaliwanag ni Calley kung bakit bigla siyang nilukob ng kaba nang bigkasin nito ang kanyang first name. Para kasing may kakaiba roon na hindi niya mawari kung ano.
May kakaiba nga ba o ikaw lang ang nagbibigay ng kahulugan? tanong ng mahaderang tinig sa kanyang isipan.
Lihim na napailing si Calley. Oo nga naman... Ang kapal ng mukha kong isipan na siya si Z.
Napabuntong-hininga na lang si Calley paglabas sa opisina ng CEO. Pero nang mapatingin siya sa kanyang anak na noon ay nakaupo sa waiting area, kalaro ang secretary ng kanilang CEO kumabog ang kanyang puso nang ma-realized ang isang bagay...
"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal
ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley
IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera.Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya.Alam niya
MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab
“A-ANO kasi...”Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya?“What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya.“I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What
MATAPOS matanggap ni Calley ang sulat na iyon, kung anu-anong katanungan na ang naglalaro sa kanyang isipan.Sino kaya ang nagpadala niyon? Ang big boss ba ng Sancho Group of Companies na si Zack? Ang lalaki lang naman kasi ang kanyang nakaalitan noong nakaraang gabi.Pero bakit inisyal na “Z” ang nakasulat na pangalan ng sender niyon, kapareho ng inisyal ng kanyang misteryosong secret admirer? Maaari kayang iisa lang ang mga ito?Ayaw niyang mag-assume na maaaring kay Zack nga nanggaling iyon. Dahil unang-una, mainit ang dugo ng lalaki sa kaniya. Patunay niyon ay ang ilang beses na nitong pag-aakusa sa kaniya bilang iresponsableng ina.Pangalawa, for her, hindi ang ‘tulad nito ang gagawa ang ganoong bagay. Si Zack ay ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat— gwapo, mayaman,