Share

NMKIMB 2

JACK'S POV:

"Here's the mafia king! Are you ready?" Kakalabas ko pa lang sa kotse ko pero ang dami na agad ang pumunta sa direksyon ko. Pawang mga kasamahan ko at ang iba naman ay nagbabantay sa iba't ibang pwesto.

Hindi na sa akin bago ang ganitong ekena. But not in this way, ginagawa lang nila ito kapag natapos na nila ang misyon na target namin sa araw na ito.

"Yeah. So, what are you doing here, Giro? You should—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng patigilin niya ako mula rito.

Did he already forgot who is me? Hindi niya ba alam kung sino ang pinuputulan niya ng salita. But...whatever!

"We already killed the enemies inside. Ang bagal mo kasi 'e." Napataas naman ang aking kilay sa narinig.

Matalim ko pa siyang tiningnan at mabilis na iginalaw ang aking kanang kamay.

Hinawakan ko ang kaniyang necktie at mahigpit na inilapit sa aking direksyon ang kaniyang ulo. Ang akin ding mukha ay pinaharap ko sa kaniya, pinakita kung gaano ba kawalang respeto ang kaniyang ginawa.

Halata sa kaniya ang kakapusan ng hininga dahil sa ginawa ko. Ngunit hindi ko iyon pinansin, nanatili akong nakatitig sa kaniyang mukha.

'Sige lang! Damhin mo lang ang galit ko. Patay na ang aabutin mo nito.'

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag mong papakialaman ito. But what did you do? Lagi mo na lang sinusuway ang utos ko." May galit na sermon ko sa kaniya. Halata na sa kaniya ang takot.

"C-can't...can't breathe..." Nagmamakaawa na siya sa akin na pakawalan ko siya. Hindi niya pinansin kung ano ba ang sinabi ko.

Malapit na ring lumabas ang namumuong luha sa may gilid ng kaniyang mata. Ngunit wala akong pakialam.

Siya ang may kasalanan kung bakit siya nandito sa lagay na ito. Kung marunong lang ang bunganga niya na magsalita ng wasto. Wala siya sana sa ganitong sitwasyon.

Hindi purket partner ko siya ay may karapatan na siyang laitin ako't asarin sa bagay na ayoko.

"Nakatali ang leader ng gang na pinapahanap mo sa amin. Nasa loob siya king. Kaya maaari po bang pakawalan ang kapatid ko?" Dahan-dahan naman akong napalingon sa aking kanang direksyon.

Nakita ko si Gino na nakaharap sa akin ang kaniyang dalawang kamay at parehas nakabukas ito. Pinapatigil na gawin ang gusto ko sa kapatid niya na laging nangunguna sa lahat ng mga plano ko.

Tumaas ang aking kilay sa lumabas sa bunganga ng kapatid.  At muling lumingon kay Giro.

Pinasadahan ko nang ilang segundo lang ang taong hawak-hawak ko. Hanggang ngayon ay namumutla at malapit ng mawalan ng hininga ito.

"Tsk!" Singhal ko at malakas na tinulak palayo sa aking direksyon si Giro.

Mabilis naman siyang kinuha ng mga men in black ko. Ngunit isang sulyap lang ang iginawad ko rito bago muling ayusin ang aking tuxedo na nagusot dahil sa lalaking napakawalang modo.

Matapos kong ayusin ang pagkakagusot ay wala akong imik na naglakad palayo sa kanila.

Malapit na ako sa direksyon ng pintuan nang may maalala ako. Kaya tumigil ako sa pagtapak sa semento. At dahan-dahan muling sinulyapan ang lahat. Nakita ko si Gino na inaalalayan ang kapatid.

Naalala ko bigla ang ginawa ko sa kakambal ko na si Kreiah. Napailing na lang ako sa naiisip ko.

"From now on, you're no longer my partner. Kung hindi ka marunong sumunod, then better leave my organization. Hindi ko na dapat makikita ang pagmumukha mo kung ayaw mong patayin kita sa harapan ng kuya mo. I'm warning you, Giro. You know me, kaya kong wasakin ang buhay mo at wala akong pakealam sa mararamdaman ng kapatid mo. Tsk!" Seryoso kong sambit at dumiretso na sa loob.

May iilan na sumama na men in black sa akin papasok. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil iba ang intensyon ko rito.

           ***

"Aren't you gonna tell me where that box are? Or ako mismo ang gagawa ng marahas na paraan para lang sabihin mo sa akin ang nalalaman mo." Malamig na banta ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakatali sa may upuan habang patuloy na gumagalaw sa kaniyang kinauupuan.

"H-hindi...hindi ko alam...w-wala akong alam." Pag-iiling pa nito sa akin.

"Liar!"

Mas lalo ko pang tiniik ang kaniyang leeg. Nanghihina naman siyang napatigil.  Pero hindi iyon dahilan para alisin ko rin ito, mas lalo kong hinawakan ang leeg niya.

Nanunuot sa aking kamao ang matinding sensasyon na pumatay. Ang nanggagalaiti na aking kalamnan sa sobrang galit sa nalaman.

'Sh*t!'

"B-boss...m-mukhang patay na ata po."  Napabalik lang ako sa aking diwa nang marinig ang boses ng isa sa mga nagbabantay.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa leeg ng lalaki. At pinagmasdan din ang kamay na mabilis na lumagapak sa ibaba.

Napapailing naman ako sa aking nakita. Sinulyapan ko na ang lahat ng nandito at itinaas ang aking kamay.

I gave them a thumbs down. Ang napapansin ko lang sa kanila ay takot at pangamba sa aking sinenyales.

Matalim kong tiningnan ang bawat isa sa kanila bago maglakad nang diretso palayo sa mga ito.

"Find that treasure. I'm giving you time and years to find it." Huling sambit ko sa mga ito at pinagpatuloy na ang paglabas.

Nakita ko pa rin ang magkapatid na magkahawak-kamay. Halata sa mukha ni Giro na ayaw niyang tumingin sa akin. O bigyan man lang ako kahit isang sulyap man lang.

Napangisi ako sa nakikita ko at hindi na sila inintindi pa. Dumiretso ako sa kotse ko na katabi lang ng mga ito.

Binuksan ko ang pintuan sa may driver seat at pumasok sa loob. Nagsimula na rin akong magpagana ng engine ngunit napalingon din sa bintana nang makita ang kapatid ni Giro na si Gino.

"Boss anong balita?" Tanong nito agad sa akin. Napailing naman ako sa direksyon niya at hindi na nagsalita pa. Wala rin naman dapat pang sabihin sa kanila.

Nagsimula na akong magpaandar ng kotse ko kaya umalis na rin sa may bintana si Gino. Hindi na ako nag-abala pang sumulyap sa kanilang lahat. Ang tangi ko lang tiningnan ay ang aking madadaanan.

Nang masigurado ko na wala akong madidisgrasya ay nagpaandar na ako nang mabilis papunta sa direksyon pauwi sa aking bahay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kanino bang anak sila jack?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status