Share

NMKIMB 26

(WARNING SIGN: NOT THAT SUPER BRUTAL SCENE. PERO KAILANGAN KO PA DIN KAYONG BALAAN.)

JACK'S POV:

Nakarating kami sa may isla nang bandang hapon na. Alas nwebe ako nakarating sa Paracale at mga maalas dyes na rin kami makaalis sa dagat papunta sa isla na isang haka-haka lang sa siyudad pero ang iilan naman na mamamayan ay naniniwala. At ang namamahala ro'n ay isang organisasyon na taliwas sa patakaran at panuntunan ni Queen Z.

"Dito na lang tayo. Mag-iingat ka. Hindi mo alam kung ano ang madadatnan mo sa pagpasok mo sa gubat na 'yan," tinuro niya pa ang mga puno na sa dagat lang makikita. Magkakadikit, akala mo normal na isla lang. Pero kung papasok ka sa daan na 'yun na napakakipot. Malalaman mo kung ano ang kalagim-lagim na nangyayari sa loob. "Pagkapasok mo pa lang, ihanda mo na ang sarili mo at ang paborito mong sandata. Ikaw na ang bahala kay Linzie, tinuring ko na rin siyang anak ko. Ako nga pala si Ke

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status