Share

Chapter 2

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi iyan sa akin, di sana matagal na kitang natulungan" Sabi ni Lenny sa kanya ng magkita na sila sa isang sikat na restaurant sa Taguig. Puro mayayaman lang halos ang mga naroon, dahil di lahat kayang kumain ng halos pang isang buwan na nyang budget isang order lang.

"Matutulungan mo ba kong maka loan?" Tanong nya habang halos di nya malasaan ang pagkain na pagkamahal mahal.

"Loan?" Gulat na tanong nito at tila natawa pa sa sinabi nya.

"Ellise, ano ka ba? bakit ka maloloan? kung may puhunan ka naman."

"Puhunan? anong puhunan? Ate Lenny?" nagtatakang tanong nya.

"Ellise, nasa mundo ka ng pagmomodelo, showbiz. hindi ka papasa rito kung wala kang puhunan" Sabi nito sabay turo sa mukha nya.

"You are young, fresh, beautiful Ellise. sigurado marami ang mag-uunaan sa iyo"

"What do you mean?" Nagtatakang tanong nya. Marami na syang naririnig na usap-usapan sa mga katrabaho nya na kung easy money ang kailangan kay Ate Lenny lumapit pero hindi nya alam kung paano makakakuha ng easy money na yon, lalo na't may kalakian ang kailangan nya limang milyon.

"Ellise, hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa" Sagot nito at binaba ang kubyertos sa gilid at inikot ang mga mata sa paligid. Kung saan halos naka pustura ang mga kumakain roon, at natitiyak nyang mga mayayaman lang ang andoon sa restaurant na yon.

"I can offer you sa mga kilala kong business man or mga nasa politics"

"Offer me?" kunot noong tanong nya dahil tila nahuhulaan na nya ang ibig sabihin nito.

"Yes, Ellise. I know you are not naive, at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. You can get the money you need, and they can get what they want from you. Your body Ellise" Litanya nito. Napanganga sya at tila hindi nya nauunawaan ang sinasabi nito, inikot nya ang mga mata sa paligid at di iilan ang mga matang nakadako sa kinauupuan nila ni Lenny, mga matatandang businessman.

"You mean-" Di nya magawang ituloy ang tanong at inabot ang baso ng tubig ang uminom.

"Yeah, you are beautiful Ellise maraming mag uunahan sa iyo, and we can demand high price sweetie" Nakangising sagot nito at uminom ng wine na inorder din nito kanina.

"I can't do-"

"Yes, you can Ellise" Putol nito sa sasabihin nya at nasa tono ang paninigurado.

Ito ba ang sinasabing easy money ng mga kasamaan nya? ang pagbebenta ng katawan? Well hindi naman sya pinanganak kahapon at alam nyang maraming nangyayaring mga ganoon sa mundong ginagalawan nila. pero ito ba ang solusyon sa problema nya?

"Like what you've said, you have only one month to pay everything"

"Ate Lenny are you... really... doing this?" Garalgal na sabi nya na hindi nya alam kung paano itatanong na hindi mamasamahin ng kaharap.

"I mean, It seems you are... you are... selling me" Garagal na sabi nya. Narinig nyang tumawa ang kaharap at tila hindi man nainsulto sa sinabi nya.

"Come on, Ellise I'm not selling you. You. You are selling yourself, and I'm just helping you"

"But I'm not selling myself Ate Leny!" inis na sagot nya.

"Well, fine we're done here" kalmadong sagot nito at mabilis ng tumayo at hinila ang mamahaling bag.

"Don't worry about the bill, I'd pay already" Sabi nito bago sya iniwang nakatulala na hindi alam ang gagawin. Pabagsak nyang sinandal ang katawan sa upuan. Nais nyang umiyak, umiyak ng umiyak, pero alam nyang walang magagawang ang pag-iyak nya hindi mababawasan ng mga luha nya ang mga utang nila.

"I can't believe it" Bulong nya at hinila ang wine at mabilis na inubos yon. Mahahalin yon kaya kailangan ubusin nya tutal bayad na rin naman. Habang umiinom namataan nya ang isang lalaking naka polo long sleeve at maong pants na papunta sa bakanteng mesa na katabi ng mesang kinauupuan nya. Binaba nya ang kopita at sinundan ang bawat galaw ng matipunong lalake na alam nyang umagaw ng pansin sa lahat ng mga naroong kababaihan dahil sa lakas ng dating nito.

"Who is he?" bulong nya at pasimpleng sinulyapan ang kasama nitong babae na naka long red dress habang nakakawit ang kamay sa braso ng lalake. palihim nyang sinuri ang kasama nitong babae, short hair pero bumagay sa maliit nitong mukha, isama pa ang provocative na suot nito na nagpapakita ng magandang cleavage nito at ang mataas na slit ng long dress nito.

"Perfect match" bulong nya at tinuloy ang pagkain. uubusin nya ang inorder nila sayang naman, isa pa ayaw pa nyang umalis dahil nais pa nyang pagmasdan ang gwapong lalake.

"Saan ko nga ba sya nakita?" bulong nya sa sarili at muling sinulyapan ang lalake at di sinasadyang napatingin din ito sa kanya, mabilis syang nagyuko ng ulo.

"Damn" mura nya sa sarili at naalala na nya kung saan nya nakita ang gwapong lalake. Ito yung nakabunggo nya sa Mall noong isang araw na may kasamang bodyguard. liningon nya ang paligid, pero hindi nya nakita ang mga bodyguard na kasama nito noon sa Mall.

"baka di sinama kase may date" parang sirang bulong nya sa sarili habang kumakain.

Muling bumalik sa problema ang isip nya. Kung saan at ano ang gagawin nya, alam nyang hindi sya papahiramin ng pera ni Lenny dahil ang gusto nito ibenta nya ang sarili. Ito ang maghahanap ng bibili sa kanya at siguradong malaki ang pursento nito pag may bumili sa kanya. Nakakatuwang isipin kung bakit may mga taong nagagawa ang mga ganoon bagay, pero baka ganoon talaga dahil sa matinding pangangailangan, tulad nya ngayon. Ano ng gagawin nya kung sakaling wala syang mahiramang pera? Tatangapin ba nya ang halok ni Lenny? magagawa ba nya ang bagay na yon? kaya ba nyang sikmurahin na ang makukuha pera ay galing sa pagbebenta nya ng sarili? paano kung malaman ng mga magulang nya? ng Daddy nya? baka yon pa ang maging dahilan ng lalong pagkasakit ng Daddy ny!, pero ano? paano ang ang bahay atlupa nila? pwede bang pumikit nalang sya at pag bukas ng mga mata wala na syang problema?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang hirap nga nman ng kalagayan mo ellise pero laban lang kayang kaya mong harapin anumang hamon yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status