Share

Chapter 4

Kinabukasan maaga syang nagising uuwi sya ng San Miguel, doon daw kasi gustong makipag kita ni Mr. Pangilinan sa kanya at nakakainis pa sa VincElla Hotel pa, paano kung may makakilala sa kanya roon? at paano kung makita sila ni Mr. Pangilinan ng mga taong kakilala nya at sabihin pumapatol sya sa matanda. Well yon naman ang totoo.

Halos dalawang oras din ang biyahe nya dahil ma trapik at di sya makaiwas sa trapik. Pagdating sa bahay kaagad syang sinalubong ng mga kapatid at Mommy't Daddy dahil biglaan ang pag uwi nya. 

Nang makakuha ng tyempo sinabi nya sa Mommy nya na maibibigay na nya ang kalahating bayad kay Mr.Crisostomo ngayong araw. Napaluha pa ang Mommy nya at niyakap sya ng mahigpit habang umiiyak.

"Mommy, baka makita tayo ni Daddy nyan" umiiyak din na bulong nya.

"Thank you so much Ellise, for doing all these things to our family"

"Mommy, I can do anything for us" Sagot nya at lalong naiyak ang ina.

"Anyway, where did you get the money?" biglang tanong ng Mommy nya. kumalas sya mula sa pagkakayakap ng ina at naglakad patungo sa ref, para kumuha ng tubig.

"Nag loan ako sa agency ko, kaya baka aalis din ako mamaya. they give me a 1 month full time work" Pagsisinungaling nya, yon naman ang totoo 1 month syang magtatrabaho kay Mr. Pangilinan sa kama nito.

"That's great anak, basta tumawag ka araw-araw para di kame nag-aalala sa iyo" 

"Yes, po Mommy" sagot nya at inabutan ng tubig ang ina.

Matapos silang mag-usap ng Mommy nya lumabas sya ng bakuran at pinagmasdan ang katam-tamang laki ng bahay nila na dalawang palapag at may pagka moderno ang gawa, may limang kwarto sa itaas tig isa-isa sila at isang guest room. may malaking library room din sa baba at isang maid's room sa bandang likod. Malawak pa ang bakuran nila dahil sabi ng Daddy nya kaya daw malaki ang lupang binili nito para sa kanila ay para pag nagka pamilya na silang tatlong magkakapatid eh doon na rin sila magsi patayo ng mga bahay nila, para kahit papano sama-sama parin sila kahit may mga kanya-kanya na silang mga pamilya. Naluha sya sa naisip dahil paano kung di nya nagawan ng paraan ang bahay at lupa nila na tanging pamana ng Daddy nila sa kanila, anong mararamdaman ng Daddy nya?

"Ellise?" Tawag ng Daddy nya na di namalayan na nasa tabi na pala nya.

"Dad" 

"Ang lalim yata ng iniisip mo hija?" Tanong nito. malakas na ang Daddy nya nagagawa na nito ang dating mga nagagawa noon, basta nakakapag gamot lang ito. 

"Daddy" anas nya ang niyakap ito.

"Na mimiss ko lang po ang andito ako kasama kayo at nakikipag away sa dalawang makukulit na yon" Sagot nya at nginuso ang dalawang kapatid na papasok ng gate.

"Ate!" tili ni Elvie ang bunso nyang kapatid na nasa highschool na rin. Niyakap sya ng dalawang kapatid na halos dalawang linggo na yata nyang di nakikita.

"Surprise visit eh" Biro ni Evan ang sumunod sa kanya na 1st year college na. parehong sa San Miguel nag-aaral ang dalawa at nagagawa naman nyang kayanin ang lahat ng gastusin kahit sya lang ang nagtatrabaho at limang apartment na paupahan ang inaasaha nila. Basta sa pamilya wala syang hindi gagawin.

Kinagabihan nagpaalam na sya sa mga Magulang at Kapatid na kailangan na nyang umalis, dahil may trabaho na sya. at walang idea ang mga ito kung anong trabaho ang papasukin nya.

Pagdating sa VincElla Hotel, kaagad syang lumapit sa Receptionist para magtanong sa reservation ni Mr. Pangilinan at kaagad naman syang pinahatid sa staff ng Hotel. nananalangin syang wala sanang makakilala sa kanya. simple lang suot nya maong pants and white loose shirt at nilugay ang buhok na nais nyang tumakip sa mukha para walang makakilala sa kanya. 

Sa isang luxury room sya pinapasok ng staff at nang makaalis na ito. ginala nya ang mga mata sa paligid, wala syang makitang tao sa loob.

"Mr. Pangilinan" tawag nya habang naglalakad papasok sa malaking kwarto, napapitlag pa sya ng may makitang tao sa may bintana ng hotel. nakatayo ito roon habang may hawak na kopita at nakapamulsa ang isang kamay sa suot na slacks, kumunot ang noo nya, dahil tila hindi iba ang pangangatawan ng lalaking nakatayo sa salamin na bintana ng hotel na kung saan makikita ang ganda ng Bayan ng San Miguel tuwing gabi.

"Mr. Pangilinan?" alanganing tawag nya at muling humakbang palapit rito. Tila naman sya pangangapusan ng hininga habang dahan-dahang lumilingon ang lalaki.

"Hi" Bati nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan nya ng marinig ang napaka seksing boses nito.

"Hi..." alanganing sabi nya at muling lumapit para lalo pang makita ang lalaking nakatayo. dimlight ang ilaw kaya di nya ito masyadong naaaninag ang mukha.

"Are you Mr. Pangilinan?" tanong nya at nanlaki ang mga mata ng makita ang kabuuhan ng mukha ng lalake. napasinghap sya at natuptop ang bigbig sa gulat.

"What?! bulaslas nya at napaatras ng makilala ang lalaki.

Hindi ito si Mr. Pangilinan. dahil malayo-malayo ang itchura nito sa larawang pinakita ni Lenny, mataba at matanda na si Mr. Pangilinan at ang nasa harapan nya ay bata't may magandang pangangatawa, gwapo ito at alam nyang hindi ilang beses na nya itong nakasalubong at nakita kung saan-saan. Ito ang lalaking nakabungo nya sa Mall, ito ang lalaking nakita nya nang mag dinner sila ni Lenny, ito ang lalaking nakita nya sa rooftop ng condo unit nya na bumaba sa helichopter, Pero bakit ito ang nasa harapan nya ngayon at hindi si Mr. Pangilinan, sino ito? sino ang lalaking kaharap nya ngayon? nagkamali ba sya ng kwartong pinasukan?

"Well, I guess.... maling room ang napasukan ko, I'm sorry" paumanhin nya at mabilis na tumalikod.

"You are in a right room Ellise" Nanlaki ang mga mata nya at nang marinig na sinabi ng lalaki ang pangalan nya, kilala sya nito, sino ito? at bakit sya nito kilala?

"You know me?" Nagtatakang tanong nya rito.

"Of course Ellise" sagot nito at naghatid ng kilabot sa buong katawan nya ay pag banggit nito sa pangalan nya sa ikalawang pagkakataon.

"I bought you Ellise"


Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama hula ko na yong lagi nyang nakikitang lalaki ang makakabili sa kanya at yong mr pangilinan lang ang inutusan ng secret lovers ni ellise
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status