Share

Chapter Four: Failed

[Ivana's]

"Manang, nasa'n po ba si Gene?" tanong ko sa isang maid dito sa mansyon. Gumising kasi ako kanina tapos wala na siya sa tabi ko. I even called his name multiple times pero walang sumagot kaya inayos ko muna yung sarili ko bago bumaba para magtanong. "Magandang umaga sa'yo, hija! Maagang umalis si Marcus dahil uuwi raw siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Kaarawan kasi ng nanay niya kaya kailangan niyang umuwi pero babalik daw siya mamayang gabi o bukas ng umaga," paliwanag niya.

I sigh in relief upon hearing what she just said. Ayoko muna kasi siyang makita dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi at tsaka namumuo na rin ang galit ko sa'king sarili dahil bumigay ako sa init na pinadama niya sa'kin. Aminado naman ako na kusa akong bumigay sa tukso kaya galit ako sa sarili ko at napapatanong na lang kung bakit ko nakalimutan ang ginawa niya sa'kin. He raped me and not to forget the fact that he kidnapped me yet I gave myself to him without hesitation. "Gano'n po ba? Sige babalik na po ako sa kwarto," paalam ko sa kaniya ngunit pinigilan niya ako.

"Kumain ka muna bago ka umakyat, hija. Nagluto ako ng mga pagkain na siguradong magugustuhan mo," aniya.

Kailan nga ba yung huling kain ko? Nagutom ako bigla noong sinabihan niya ako na kumain muna. "Sige po. Kakain na muna ako bago umakyat sa taas." Umupo na ako sa hapag para kumain ngunit nagsalita ulit siya sa tabi ko. "Kumain ka ng husto dahil 'yon ang utos ni Marcus. Kain ka lang dahil ako' y uuwi na sa amin." I put the fork down as I gave her a questioning look. Uuwi? Akala ko stay-in maid siya? "Akala ko dito na po nakatira?" I asked her. 

"Walang katulong na nakatira rito sa mansyon ni Marcus, hija. Mga bodyguard niya lang ang nakatira rito at kami naman ay pumupunta lang dito isang beses sa isang linggo para lamang maglinis o magluto," aniya. Tumango na lang ako dahil wala na akong maisip na sasabihin kaya nagpaalam na siya dahil sa probinsya pa siya uuwi. Magkano kaya ang binabayad ni Gene sa kanila? Kakain na sana ako ngunit may naalala ako kaya naman tumakbo ako papunta sa main door para tawagin si manang. Hindi ako nakalabas sa pintuan dahil pinigilan ako ng isang guard na nakatayo sa pintuan. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinakpan ang aking bunganga. "H'wag ka nang sumigaw kung ayaw mong ikulong ka ulit namin sa kwarto niyo ni boss. Utos sa amin ni boss na h'wag kang palabasin ng bahay," sabi niya sa'kin gamit ang seryosong tono.

Nagpumiglas ako pero hindi sapat yung lakas ko kumpara sa kaniya. Damn it! Babae lang kasi ako! Dahil sa alam kong wala na naman akong magagawa sa sitwasyong ito ay kumalma na lang ako. Maya-maya ay binitawan niya ang aking balikat kaya nakahinga ako nang maluwag. "Wala akong gagawin, okay? Kakain lang ako tapos aakyat ulit papunta sa kwarto para magpahinga. Bumalik ka na roon sa pwesto mo!" inis na bulyaw ko sa kaniya. Bumalik na lang ako sa kusina at tinapos yung pagkain ko bago umakyat sa kwarto para mag-isip ng gagawin para makatakas dito.

As my body hit the soft mattress, I was reminded of what happened last night. His gentle touch, the burning pleasure, the intimacy and the way he treated me. He was so gentle last night and I felt so vulnerable but.......... but he kidnapped me. Curse me for thinking good things about him when I should be cursing him for all eternity! Kailangan ko nang makatakas dito habang wala pa ang rapist na 'yon. All I need to do is to distract the guards and run away pero paano ko 'yon gagawin? Ang hirap makatakas dito dahil madaming guard sa paligid. Siguro mamayang gabi na lang ako tatakas para hindi masyadong kita. Sa ngayon ay matutulog muna ako para mabawi yung lakas ko.

Ang unang ginawa ko noong bunuksan ko ang akin mga mata ay ang tignan ang buong paligid kung may tao ba o wala. No'ng nakita kong wala ay sinimulan ko nang mag-isip ng gagawin dahil palubog na ang araw. Naalala ko yung kwartong pinuntahan ko noon. Ito ang huling kwarto sa mansyon kaya tiyak na ang likod ng mansyon ang makikita mula sa bintana nito. Lumabas ako sa kwarto at naglakad ng normal para hindi nila mahalata na may gagawin ako. Noong nakapasok na ako sa kwato ay agad kong binuksan yung bintana at tama nga ang hinala ko na yung likod ng mansyon ang makikita mula sa bintana. Maingat kong binuksan yung bintana at dumungaw mula sa balkonahe para i-check kung may guard na nagbabantay sa baba. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang bantay kaya mabilis kong tinanggal yung mahabang kurtina bago ito tinali sa railings ng balkonahe. Pagkatapos ko itong tinali ay tinapon ko sa ibaba yung ibang parte ng kurtina para may magamit ako sa pagbaba mula rito sa taas. Mabilis at maingat ang mga kilos ko kaya nagawa kong bumaba sa damuhan nang walang nakapansin. Lakad takbo ang ginawa ko upang maghanap ng pwedeng madaanan palabas pero dahil sa walang gate dito sa likod ay napilitan akong akyatin ang pader para lang makalabas. Kumuha ako ng mga kung ano-anong matitigas na bagay tsaka ko sila pinagpatong-patong hanggang sa nakakalahati ito sa pader. Sobra akong kabado sa ginagawa ko pero wala nang ibang paraan para makatakas. Nagsimula na akong umakyat sa pader at sa tulong ng mga bagay na pinagpatong-patong ko ay maayok akong nakaakyat sa tuktok ng pader. Tatalon na sana ako sa kabilang banda ng pader pero nakarinig ako ng malakas na tahol ng aso. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang isang malaking bulldog na tumatahil habang nakatingin sa'kin.

"Shoo! Alis ka diyan!" Pinapaalis ko yung aso ngunit hindi ito nakinig sa akin dahil nilakasan pa niya lalo ang kanyang pagtahol hanggang sa dumating yung isa sa mga tao ni Gene. "Shit!" mura ko bago tumalon sa kabilang side ng pader. Masakit yung buong katawan ko lalo na yung hita ko dahil hindi maganda ang pagbagsak ko sa lupa. Hindi ko na lang pinansin yung pananakit ng katawan ko at tumakbo palayo sa mansyon pero hindi nagtagal ay napatigil ako. Mga malalaking puno ang nakikita ko at hindi kalsada. Wala ring bahay sa paligid dahil nga puno lamang ang nakikita ko. Don't tell me I'm on the middle of a forest?! "TIGIL! DIYAN KA LANG AT 'WAG KA NANG TUMAKBO!" malakas na sigaw ng mga minions ni Gene mula sa likod ko. Tatakbo na ulit sana ako pero may lumabas na dalawang bulldog mula sa puno at papalapit sila sa akin kaya natakot ako.

"Hindi ka na makakatakas dito, senyora. Sinigurado ni boss na hindi ka makaalis mula sa lugar na ito kaya bumalik ka na rito bago ka lapain ng mga aso," pagbabanta ng isa sa kanila. Umatras na lang ako dahil hindi pa rin umaalis yung mga aso sa harapan ko. Umatras na lang ako ng umatras hanggang sa naramdaman ko ang paghila nila sa akin. Tinali nila ang mga kamay ko bago sapilitang pinasok sa loob ng mansyon. Nagpupumiglas ako pero walang saysay dahil malakas sila kaya naman napaiyak na lang ako. Hinding-hindi ako makakaalis mula sa bahay na ito. Wala nang pag-asang makatakas pa ako rito.

"Siguradong hindi matutuwa si boss dahil sa ginawa mo, senyora. Pasensya na ngunit kailangan ka naming ikulong dito sa kwarto niyo ni boss hanggang sa makauwi siya galing sa bahay ng nga magulang niya," sambit ng lalaking naghatid sa'kin dito sa kwarto. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa loob. Narinig ko ang pag-lock ng pinto kaya umupo na lang ako sa sahig at binuhos ang aking galit at pagsisisi sa pamamagitan ng pag-iyak. Kung nakinig na lang sana ako kay mommy noong pinapauwi niya ako then hindi mangyayari ito sa'kin. I miss them so much that it kills me to think how they will react if they would find out what happened to me. Alam kong umuwi na nang maaga si kuya rito sa Pinas noong nalaman niyang nawawala ako. Makikita ko pa kaya sila o hindi na? Ilang minuto na akong umiiyak hanggang sa nilamon na ako ng antok at nakatulog habang iniisip kung ano na naman kaya ang gagawin sa akin ni Gene kapag bumalik siya?

Nakaramdam ako ng sobrang lamig kaya binuksan ko ang aking mga mata at napagtantong wala akong kahit isang saplot sa katawan. I'm totally naked while lying on the bed. Ginalaw ko ang aking mga kamay para sana takpan ang katawan ko pero nakatali pala ang mga ito pati na rin ang aking mga paa. Magkahiwalay ang ginawang pagtali sa'king mga paa kaya kitang-kita ang private part ko sa ibaba. Kilala ko na kung sino ang gumawa nito kaya namuo na naman ang galit sa loob ko. "GENE!!! Pakawalan mo ako dito! Walang hiya ka! Napakasama mo!" galit na sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Easy, luv. The more you move the more that thing on your feet with separate your legs. You wouldn't want me take you this instant, right?" nakangising sambit niya habang hinahalikan ang tainga ko. Nilayo ko ang ulo ko pero mabilis niya itong hinawakan at nilapit sa kaniya bago bumulong. “I heard you planned to escape but you failed. You disobeyed me and I'm so unhappy about it. You ready for your punishment, luv?"

"Kung sasaktan at pagsasamantalahan mo din lang ako then sige. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa'kin dahil `yan naman ang nagpapasaya sa'yo 'di ba? You know what? Just kill me and get over it! Ayokong magdusa pa kaya patayin mo na lang ako. You own a gun, right? Just pull the tri---" Isang malakas na sampal ang inabot ko mula sa kaniya. He slapped me as if I said something offensive. Galit na galit ang mukha niya at nakakuyom din ang kanyang mga kamay na tila'y pinipigilan lamang na sumabog sa galit. Masakit ang mukha ko dahil sa sampal niya pero hindi pa rin ako natinag at nagsalita pa. "What? May sinabi ba akong mali? Pati ba naman kamatayan ko ipagkakait mo pa sa'kin?! Totoo naman kasi yung sinabi ko 'di ba? You kidnapped me out if nowhere and raped me! You took everything from me, you took away my dignity and you destroyed my life so tell me, how can I live without any dignity left on me?! Just get that damn gun and pull the trigger and we're done here!"

"ENOUGH!" he howled and his voice echoed all over the four corners of the room. Pumikit na lang ako bago tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I don't want to pretend that I'm strong when I'm not. Takot na takot ako pero pinipilit ko lang na 'wag ipakita sa kaniya. "Just kill me, please," I begged. 

"I SAID ENOUGH, KATE!" sigaw niya ulit. Maya-maya pa ay narinig ko ang kanyang mga yabag pabalas ng kwarto at kasunod no'n ang pagsara niya sa pinto nang malakas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status