ISANG bulaklakin na printed duster ang isinuot ni Hannah. Humarap siya sa salamin at sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok, hugis puso ang maliit niyang mukha na minana daw niya sa kanyang ama.
Natural na mapula ang kanyang maliit na labi na minana naman niya sa kanyang ina. Napangiti siya sa harap ng salamin, tingin niya sa kanyang sarili ay bumata siya ng tatlong taon sa edad niyang twenty five dahil siguro wala siyang make-up sa mukha.
Mabilis naman niyang tinapos ang pag susuklay ng buhok ng magawi ang paningin niya sa alarm clock na nakapatong sa tokador, limang minuto na lang at mag aalas siyete na ng gabi.
"MAGANDANG gabi po," bati ni Hannah kay Senyora Candeda ng makapasok na siya sa kusina, tila siya nalang ang hinihintay ng mag lola. "Sorry po, napasarap po ang tulog ko."
"Okay lang iyon iha, hindi talaga kita pina-istorbo sa pagpapahinga. Itong apo ko lang ang makulit, panay tanong kung gising kana." Nakangiting sabi sa kanya ng Sen
MULING bumangon si Hannah, pumasok ito sa banyo para mag sipilyo. Sa pagbalik nito sa kama ay agad din naman nakatulog ang dalaga.MAGAAN ang pakiramdam ni Hannah ng magising ng umagang iyon. Alas kuwatro palang ng umaga pero maliwanag na sa labas, natanaw niya iyon sa bintana."Good morning!" Nakangiting bati ni Hannah sa dalawang kasambahay. Abala ang mga ito sa kusina, inihahanda ang mga lulutuin para sa almusal."Ang aga mo naman nagising ineng," nakangiting sabi ng isang kasambahay na nakilala niyang si Aling Lilia, edad kuwarenta. "Gusto mo ba mag kape o gatas nang kalabaw?""Coffee na lang po," sagot niya. "Pero ako na po ang mag titimpla."Binigyan siya ng isang tasa ni Aling Lilia, itinuro din nito sa kanya kung saan naroon ang kape at asukal. pagkatapos niyang mag timpla ng kape ay lumapit siya sa mesa, humugot ng isang silya at naupo."Ano po ang lulutuin n'yo?" tanong niya habang nag simula ng humigop ng kape."Sop
"ANG suwerte talaga saiyo ng apo ko. Napakabait muna, masayahin ka pa." Wika ni Senyora Candeda.Hindi nakasagot si Hannah. Pero nginitian naman niya ang Senyora. Sinulyapan niya si Duwayne, tahimik lang ito habang tinitikman ang niluto niyang sopas. Naupo na din siya sa isang silya at nag salin ng sinangag sa kanyang plato."Hmmmm, masarap ka palang mag luto ng sopas." Narinig niyang papuri sa kanya ni Duwayne."Salamat," ngiting sagot niya at nagsimula na din siyang kumain."Naku hija, hahanap-hanapin ko itong sopas mo kapag nakabalik na kayo ng manila." Anang Senyora na panay higop ng sabaw ng sopas.Hindi sinasadyang nag katinginan sila ni Duwayne. Ibinaling niya ang tingin sa senyora."Hayaan mo po La, ituturo ko kina Aling Tere at Aling Lilia ang sekreto ko sa pagluluto ng sopas.""Anong sekreto naman iyon hija?""Kapag nag luluto, dapat masaya ang mukha. Sinasamahan nang pagkanta, kapag nagluluto dapat with l
"HERE, hold it." Natutuwang inabot naman niya iyon. First time niyang mag fishing at sa isang napakagandang pangpang pa.Naupo na din sa malapad na bato si Duwayne, malapit sa kinauupuan niya. Pareho silang tahimik habang nag hihintay ng isdang mahuhuli nila. Bigla siyang napatayo nang maramdaman niyang parang may humihila sa hawak niyang pamingwit."Duwayne, tignan mo. May nahuli yata ako!" Bakas ang tuwa sa mukha ni Hannah.Mabilis na tumayo si Duwayne. "Hilahin mo dali!""P-paano?""Akin na ang pamingwit mo, manood ka."Pinanood nga niya ang binata. Sa pag angat nito ng pamingwit ay nakita niya ang isang malaking isda na kumakawag-kawag pa. Agad naman na kinuha ng binata ang nahuling isda at inilagay sa dala nilang maliit na timba."Bangus ba 'yan?""Hindi yan bangus. Ang tawag sa isdang 'yan dito ay 'buhay' ""Buhay nga ang isda." Turan niya. Nakita niya ang pag ngiti ng binata."Buhay - ang pangalan n
HINDI naman niya puwedeng aminin sa Senyora ang totoong dahilan nang pananamlay ng binata. "La, mag bibihis na po muna ako.""Sige iha, pero maya-maya lang bumaba ka na para sa pananghalian.""Opo La," yumuko pa siya bilang pag galang na sagot.HINDI sumabay sa kanila mananghalian si Duwayne, siguro ayaw siyang makita. Nag pasalamat na lang siya dahil hindi siya inusisa ng lola nito.Pagkatapos kumain ay nag tungo sila ni Senyora Candeda sa terasa. Nang maupo siya sa rocking chair sa teresa, dinala ni Aling Lilia ang naiwanan niyang mainit na kape sa kusina, coffee lover siya kaya kahit tirik ang araw ay nag kakape siya."Kakahiya naman sayo Aling Lilia, babalikan ko naman sana itong kape ko nakalimutan ko lang." Anya pagkaabot niya ng kanyang kape."Wala iyon ineng," pagkasabi niyon ay muli itong bumaba para tulungan ang kasama nitong si Aling Teresa na nasa kusina.Humihigop siya ng kape nang biglang mag salita ang senyora."Alam mo
MAGILIW ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Duwayne sa mother side nito. Panay pa nga ang tukso ng mga ito sa kanilang dalawa ni Duwayne kung kailan daw ang kasal nila na sinasagot naman ng binata na malapit na daw."Ayos ka lang ba diyan?"Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Duwayne, abala siya sa paglilipat ng mga naluto niyang cupcakes sa malaking glass bowl."Ayos lang naman ako," nakangiti niyang sagot ng lingunin ang binata.Napatikhim pa siya ng tila may bumara sa lalamunan niya ng makita ang binata na walang suot na pang-itaas. Mula sa mukha ng binata ay pinasibad niya ang kanyang paningin pababa sa leeg nito, hanggang sa mapipintog nitong dibdib. Bumaba pa ang paningin niya hanggang sa sikmura nito.Oh la,la, hiyaw ng utak niya. May six pack pa ang binata na nangingintab dahil sa pawis nito sa katawan."Baka kung saan makarating ang paningin mo," pahapyaw na sabi ni Duwayne.Napakurap si Hannah nahihiyang
MAY ilan na din na nakaupo doon. "Makakasama natin sa table ang Mayor ng baryong ito."Tumango-tango si Duwayne. Samantalang si Hannah hindi maalis-alis ang paningin sa isang batang lalaki na sa tingin niya ay edad limang taon, todo sayaw ito sa gitna ng bulwagan kahit na mag - isa lang ito. Ang cute sumayaw ng bata parang ang sarap pang-gigilan."Hannah?" tawag pansin ni Duwayne sa dalaga."Hmm?""Baka madapa ka kung saan-saan ka nakatingin.""Ang cute kasi ng bata," sagot niya.Nang marating nila ang table na itinuro ng Senyora, biglang tumayo ang isang lalaki na sa tingin ni Hannah ay nasa middle age ito. Kung ilalarawan ang lalaki, may hitsura ito at matikas ang pangagatawan."Magandang gabi, Senyora Candeda!" Masayang bati ng lalaki, nakipag-kamay ito sa Senyora."Magandang gabi din iho," ngiting tugon ng Senyora. "Nasaan ang iyong ama?"
SINUBUKAN ni Hannah mag salita pero lalo lang nitong pinagdiinan ang dalawang daliri sa labi niya."Sige pa, mag salita ka pa. Hahalikan kita sa labi para manahimik ka!" tila pananakot pa nito sa kanya.Inis na inalis naman niya ang mga daliri nito pero hindi siya nag salita. "Nanahimik kana diyan? natakot ka bigla na baka halikan kita ano?"Alam naman niyang hindi iyon gagawin ng binata. Lalo na at maraming tao sa bulwagan."Akala ko ba ayaw mo akong isayaw?""Ayoko nga!"Nairita siya sa sagot ni Duwayne."Oh, e ano ito'ng drama mo at may pa change parter ka pa diyan?!" Kanda haba ang nguso niya sa inis dahil sa pagka-insulto."Ang alam nila ako ang boyfriend mo, kaya hindi ka puwedeng sumayaw ng sweet sa ibang lalaki!" Pabulong na sabi nito pero dinig niya ang pagkiskisan ng mga ngipin nito. Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Alex na nahuli din niyang nakatingin sa kanya. Ngumiti pa nga ito sa kanya.
HINDI naman tumanggi si Duwayne. Bigay todo ito sa pagkanta, kahit na nga kanda piyuk-piyok ito.Masaya nilang ipinag patuloy ang kantahan. Awitin naman ni Jerry lee lewis ang binanatan nito ang 'Great Ball Fire,' talaga naman mapapaindak sa simula pa lang ng kanta.Tawa siya ng tawa habang pinapanood sa pagkanta ang binata, kanda piyok ulit ito at kita na niya ang mga litid nito sa leeg. Tapos ang table ginawa pa nitong piano habang kumakanta.Kuwela naman palang kasama ang binata. Panay pa nga ang tawanan nila na para ba'y sarili nila ang mundo, basta ang gusto lang nila ay mag saya.Hindi niya maiwasan na ikumpara ito sa dating nobyo. Kung si Froilan ang kasama niya sa sing-along tiyak na panay na ang reklamo nito, walang mahalaga dito kundi ang career nito.Marahil ay hindi kasing saya nang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, kapag si Froilan ang kasama niya limitado bawat galaw nila, 'yong walang kalayaan para magpakasaya.Nakali