Share

Chapter 7

Nang makarating kami ni Darrel ng Condo ay nauna na naman siyang naglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakayuko. Hanggang sa makarating sa unit ay hindi padin kami nag kikibuan.

Nalimutan ko hindi pala talaga kami nag uusap. Hayyss. Bahala siya sa buhay niya.

Pagkapasok na pagkasok namin ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Naisipan kong kausapin siya kaya pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.

"Hindi pa yata siya lumalabas," bulong ko. 

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya para tawagin siya.

"Darrel." Tawag ko.

"Pwedi ba tayong mag usap?" tanong ko mula sa labas ng pinto. Kumatok padin ako. "Darre--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.

"What do you want?" malamig niyang tanong habang nakakunot noo.

"Pwedi ba tayong mag usap?kahit saglit lang?" napayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko naman gusto na palagi kaming ganito.

"Sige, magbibihis lang ako." 

Pumunta na akong living room at umupo sa malambot na sofa. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya galing kwarto na na suot ang kulay itim niyang sando. Umupo siya sa harap ko na sofa at blangko akong tiningnan.

"Tungkol sana sa'tin."

"Wala namang meron sa'tin." Malamig niyang sambit. Alam ko naman kailangan pa talagang ulit-ulitin?

"Hindi 'yan, puwedi bang magkasundo tayo kahit magkaibigan lang? Palagi ka nalang kasing galit minsan hindi na ako nakakakain kasi hindi ka nakapag luto, hindi ako marunong. tapos hindi mo din ako hinintay papuntang school, minsan mo na akong iniwan mabuti nalang nakita ako ni Yohan." Sunod-sunod kong sabi gamit ang malumanay kong boses pero hindi man lang siya nagsalita. Nagsimula na akong magdamdam. Lahat ng sama ng loob na naipon ko dahil sa kanya.

"Darrel, hindi ko din naman ginusto 'to." Sabi ko habang naluluha na. "Kung ayaw mo talaga nito, ako nalang ang hahanap ng paraan para hindi matuloy ang kasal." Tumulo na ang mga luha ko at dali-dali kong pinahid ito.

"Kasi hindi ako sanay na ganito ang trato sa'kin," napahikbi ako.  "Oo wala naman talaga akong kaibigan maliban kay Yohan, siya lang 'yung nagpapasaya sa'kin, siya 'yung laging nandyan." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ang sama lang talaga sa loob.

Nakita kong tumayo siya. Akala ko aalis na siya pero lumapit siya sa'kin at pinahid ang mga luha ko. "Sorry, Pen." Pinatayo niya ako at niyakap. Hinimas niya ang buhok ko.

"Ano ba kasi ang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya.

Bigla siyang kumalas at umalis sa harapan ko. Nagalit ba siya? 

Pumasok siya sa kwarto niya at naiwan akong umiiyak sa sala. Hindi ko siya maintindihan. Nakakabobo siya.

Akala ko hindi na siya babalik pero bumalik siya at dumeretso sa kusina.

"Come here, I'm gonna cook for our dinner." Sabi niya. Bumalik muna ako sa kwarto para mag hilamos. Tiningnan ko ang mga mata ko sa salamin.

"Namaga yata siya kakaiyak.  Sorry my beautiful eyes." Bulong ko. Lumabas na agad ako at dumeretso sa kusina.

Umupo ako sa stool at tiningnan siya habang nagluluto. Ang seryoso naman niya. Mabait naman siya 'pag magkakasama kaming lahat ng fans club niya. Sadyang hindi niya lang talaga ako gusto. Tama.

"Dar, ano ang lulutuin mo? Bakit ba kasi wala tayong maid." Tanong ko sakanya habang nakasimangot.

"Hindi na natin kailangan no'n.  Marunong naman ako." Sagot niya. 

"Eh kasi kapag galit ka hindi ka nagluluto." Napanguso ako. Hindi tuloy ako makakain. Kingina ka!

"Sorry, hindi ko na uulitin. Lagi na akong magluluto mula ngayon." Ngumiti ako sa sinabi niya. "Hindi pa ba alam ni Yohan na nasa iisang bahay lang tayo?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi, baka kasi magalit ka. Hindi mo nga pinapakita sa iba na magkasama tayo eh." Asik ko sakaniya.

"Pagkatapos nalang ng kasal natin." Nilagay niya ang pagkain sa mesa. Kung tutuusin parang nasa simpleng pamumuhay lang kami.

"Gusto mo ba talagang magpakasal sa'kin? Puwedi ko namang sabihin na hindi ko kaya para 'wag kang masisi." Ayaw ko kasi na napipilitan lang siya.

"Okay lang, hindi naman masama, para din naman sa'tin 'to, nahirapan lang talaga akong tanggapin." Sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan. "Pero 'wag mong asahan na magbabago ang trato ko sa'yo."

"Akala ko magiging magkaibigan na kami, loko-loko talaga." Bulong ko.

"Naririnig ko." Sabi niya. Napakagat nalang ako ng labi baka magalit na naman. 'Wag mong painitin ang ulo Pen.

"Suplado talaga."

Pagkagising ng umaga ganun padin ang routine. Muntikan na akong iwanan ni Darrel. ang bilis niyang mag lakad shemmay.

Pagdating sa school syempre nauna siyang maglakad at sumunod ako. Hindi din naman kami nag uusap pag nasa klase. Minsan tumititig siyang naka kunot ang noo pag tumatawa kami ni Yohan ng malakas. Naiirita yata siya sa boses ko o naiingit siya dahil laging maarteng babae ang kausap niya?

"Pen, may tugtog kami bukas ah?Ang sinabi mo sa'kin ka susuporta." Tumawa siya habang dinuduro ako.

"Mabuti na lang at pinaalala mo,  muntik ko ng malimutan, hala! magpapagawa pa pala ako ng tarpaulin." Natataranta kong sabi habang nakahawak ang isang kamay sa bibig. Nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Gumawa ka nalang ng banner sa cartolina. Puwedi din naman 'yun. Konti pa ang gastos." Kumindat siya at ngumiti. Ang lalaking 'to talaga oh.

"Ah, siya nga pala may practice kami mamaya. Ilalakad nalang kita hanggang parking lot, Okay?" tiningnan niya ako sa mata at pinisil ang pisngi ko.

"Aray naman. Bibili pa naman ako ng gagamitin." Sabi ko. Ngumiti ako ng may maalala ako.

" Ano ang isisigaw ko bukas? Ganito ba?" natatawa kong tanong kumuha ako ng buwelo at sumigaw.

"GO YOHHAANNNNN, ANG GALING MONG GUITARIST, IDOL NA TALAGA KITA WOOOO." Matching taas-taas ng kamay.

"Okay naba 'yun?" hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang tinitingnan ako.

Napansin kong tumahimik ang buong klase na tumitingin sa'kin. Nanlaki ang mata ng iba sa sobrang gulat. Napa peace sign nalang ako at tumawa kaming dalawa ni Yohan. 

"'Yang bibig mo talaga penn, parang nilagyan ng megaphone." Sabi niya habang tumatawa.

"Kaya pala bigla silang tumahimik." Tawa padin kami ng tawa.

"Ehemm.. nagkakaplema yata ako ah?" sabi ni Darrel. Hindi ko mapigilang ngumiti sakanya. 

"Bro, may tubig ako dito gusto mo? Kakanta ka mamaya at bukas kaya ingatan mo ang boses mo." Nag-aalalang sabi ni Yohan.

"No thanks." Sagot niya. Ang arte talaga. Aha! Gagawan ko kaya siya ng ininom na luya. Isesearch ko nalang sa YouTube kung paano gawin.

Pagkatapos ng klase ay sinamahan ako ni Yohan hanggang parking lot gaya ng sinabi niya.

"Dito nalang, Yohan. May practice pa kayo. Pupunta akong mall para bumili ng gagamitin. Mag tataxi nalang ako." Sunod-sunod kong sabi. Baka kasi malate siya at pagalitan pa siya ni Teacher V.

"Safe ba ang taxi? Samahan nalang kaya kita?" Nag aalala niyang tanong. Nakita ko kung paano namungay ang maganda niyang mata.

"Oo naman nuh, sige na! Tatawagan kita pagdating kong mall okay? May number ka naman dito sa phone." Pinakita ko ang number niya sa phone ko.

"Sige, basta tawagan mu'ko." Sabi niya habang nakanguso. Tumango ako sakanya at nag paalam na.

Aalis na sana ako papuntang daanan ng sasakyan ng may nagsalita. "Hanep! nagpaalam ka sa kanya pero sa mapapangasawa mo hindi, at tatawagan mo pa talaga ah?" nakita kong ngumisi si Darrel na parang na iinsulto. 

"Wala ka namang pakialam kung ano ang gagawin ko ‘di ba? Ba't parang affected ka?" asik ko habang nakakunot ang noo.

"Pumasok ka sa sasakyan, I'll drive you to the mall." 

"Pero may practice pa kayo." Sabi ko at pumasok sa kotse. 

"Alam ko na naman ang piece ko, hindi ko na kailangan mag practice." Seryoso niyang sabi. Aba! Ang confident ah?

"Puwedi naman akong mag taxi." Pagdadahilan ko.

"Never ride a taxi, Penn. That's not safe." Pinaandar na niya ang makina at pinaharurot ang kotse papuntang mall. Hindi na ako nagpakipot pa. Minsan lang 'to nuh!

.

.

.

.

.

A/N: Happy Reading:)

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose ann Blando
nganu man ni ui chada na unta Dili pa mahuman......
goodnovel comment avatar
Rose ann Blando
ahayyy Dili ta katiwas
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status