"Pen, mag mall tayo." Sabi ni Yohan. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot. Kakatapos lang ng klase namin.
"Ano naman ang gagawin natin do'n?" tanong ko sakaniya.
"Maglilibot, kakain, maglalaro at kung ano ang puweding gawin." Nakanguso siya habang nililibot ang tingin at nasa likod ang dalawang kamay.
"Sige, pero may tatawagan muna ako. Pahiram ng cellphone mo." Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cp. Nakita kong kinuha niya ang iPhone niya mula sa bulsa. Nilagay niya sa palad ko at dali-dali ko 'tong binuksan. Wala man lang passcode.
"Ang gwapo mo dito ah?" tumawa ako at itinuro ang wallpaper niya. Ang gwapo niya parang model eh. "Saan 'to kinunan?" tanong ko habang naglalakad kami.
Magkatabi kaming dalawa ni Yohan at nasa harap ko naman si Darrel, as in sa harap mismo. Naiilang ako sa bawat titig niya kaya napapaiwas ako ng tingin. "Eto na po ang order n'yo, Sir, Ma'am." Sabi ng waiter habang dala-dala ang isang malaking box, sorang laki naman yata nito? Eto ba 'yong sinabi ko sa kaniya? Family size 'to eh. Napatitig na lang ako sa kaniya habang dahan-dahan niyang nilapag ang dalawang pineapple juice, nilagay niya ang isang baso sa harapan ko na hindi tumitingin. Nasa kaniya din ang dalawang pinggan. Gulong-gulo ako habang tinitingnan siya, nagka-amnesia ba 'to? Nilagyan niya ng tatlong piraso ang tig-iisang pinggan at ibinigay sa'kin ang isa. "Kumain kana." Sabi niya. Hindi maalis ang titig kong naghahanap ng sagot."Pareho kayo ng
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Anong nangyari? Dahan-dahan kong binuksan ang dalawang talukap ng aking mga mata pero bumalik din ito sa pagkakasasara, nasilaw ako sa sinag ng araw. Nasaan ba ako? Minulat ko ulit ang mga mata ko habang tinatabonan ito ng isang kamay, nasa kotse padin ako ni Yohan. Nilibot ko ang tingin para alamin kung nasaan kami. Napagod ba ako sa kakanood ng sine kanina? Nasa pampang ba kami? Itinaas ko ang tingin ko para tingnan ang tanawin. Palubog na pala ang araw kaya kulay kahel ang ang paligid. Nakikita ko din ang beach mula dito, maputing buhangin at malinis na tubig. Nakakagaan naman sa pakiramdam, parang nawala ang mga problema ko dahil sa paligi. Naisipan kong lumabas ng kotse at damhin ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at itinaas ang aking mga kamay. Huminga ako ng malalim at
Tinotoo niya ang sinabi niyang hindi siya papasok. At ano 'yong I'll make it up to you? Babawi siya? O gusto niya lang mapatahan ako? Ang lalaking 'yon. Pinalabas ko siya dahil sa pinagsasabi niya, may papunas-punas pa ng pisngi ko. Sasaktan lang din naman ako. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya sa na nakalagay sa ibabaw ng maliit na kabinet gawa sa kahoy na pinapatungan ng antique na lampshade ko.Bakit may tatlong yakult? Omelet? Isang buong apple at naka slice na. Ano 'to? Bakit may gatas? Nagbabait-baitan lang ba siya? O totoo talaga 'to? Uminit ang pisngi ko habang iniisip kong paano niya pinaghandaan 'to. Ngumiti ako at kinuha ang pinggan para kainin ito. Ang totoo nagugutom na talaga ako kaso nga lang wala akong ganang kumain pero ngayon mukhang meron na. Parang gusto kong kiligin. Ano ba. Nagsimula ako sumubo ng omelet na ginawa niya. Ninamnam ko ang bawat lasap ng niluto niya, a
"Kuya Darrel!" excited at nagmadaling tumakbo si Cedrick papunta sa kaniya. Magkakilala silang dalawa? Paano? Hindi niya naman siguro kapatid 'yan di ba? Boring lang akong tumingin sa kanila habang masaya silang nagbabatian. Tumayo ako at nagpagpag ng dumi. Aalis na ako. Tahimik akong naglakad para hindi nila mapansin, wala pang isang minuto ay may humawak na sa kamay ko."Saan ka na naman pupunta?" Tanong niya gamit ang malaking boses. Napakagat-labi ako habang nakatalikod."Syempre aalis." Pagdadahilan ko."Alam ko, kanina pa kita hinahabol hindi mo man lang ako hinintay! Hindi safe ang daan, Pen!" Nangagalaiti niyang sabi sa'kin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Malakas kong binaklas ang pagkakahawak niya at humarap sakanya.
Siyang-siya ako habang kumakain kami ng pizza. Hindi ko mapigilan ang ngumiti ng malaman kong tinitingnan niya ako. Nagsasaya ang puso ko pati ang buong pagkatao ko. Kinikilig ako ng sobra.Marahan ko siyang tinampal ng palad ko. "'Wag ka nga masyadong tumitig, sige ka! Baka matunaw ako." Kinuha niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Dali-dali kong binawi at nag-iwas tingin. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang bilis nito."Hey," Tawag niya pero hindi ako lumingon. Nahiya ako bigla. Nagpatuloy ako sa pagkain ng pizza na hindi tumitingin sakanya. "Peny, look at me." "Ayoko."
Maghapon kaming magkasama ni Darrel. Sa pagkain, panonood ng tv. Kahit cartoons ang pinapanood ko ay nandyan padin siya sa tabi ko. Ito yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nawala ang plano na nakatatak sa isip ko na tumakas at itigil ang kasalang ito. Kinagabihan, naligo ako at nagbihis ng pajama para matulog. Gabi na din. Kakatapos lang namin manood ng Tv. Ngumiti ako habang inaayos ang malaki at malambot kong kama. Gustong kumawala ng tili ko sa bibig kaya tumayo ako at tumalon talon. "Ihhhhhhhh..." Napahawak pa ako sa bibig ko habang pigilan ang malakas na tunog. Kinikilig talaga ako. Nilapitan ko ang rosas na pulang bulaklak, at inamoy ito habang hindi mawala ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Inamoy ko ito at parang dinala ako sa ibang napakagandang mundo. Naudlot ang imahenasyon ko ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. Nagtaka akong nilapag ang kumpol ng bulaklak at tin
Mabilis pinatakbo ni Darrel ang kotse niya. Sanay na sanay ah? Nag-eenjoy akong tumingin sa labas habang dinadama ang hangin. Ngumiti ako at pumikit na kaonti. Masaya akong humarap kay Darrel."Gusto ko din bumili nang ganito." Halos kumislap ang mga mata ko habang nagsasalita. Paborito ko 'to eh. Ang astig kasi."Ah-huh." Ang tanging naging sambit niya. Nakabusangot akong nagsalita."Totoo, gusto din bumili nang ganito.""Hindi mo ba alam?" tanong niya habang nakatingin sa kalsada.Hindi ko makuha ang punto niya, "Ang alin?""Na binili ko 'to para sa'yo." Seryoso siyang tumingin sa'kin kaya
Naabotan ako ni Darrel na nagpupunas ng buhok. "What happened to your hair?" nagtataka niyang tanong at nilapag ang pagkain namin. "Ah, wala. Nagkabungguan lang kami ng babae kanina." Pilit akong ngumiti. Mukhang hindi siya kumbinsido kaya masama niya akong tiningnan."Ano ba ang nakabunggo mo? Kapre? Bakit sa ulo natapon imbis na sa damit?" tumaas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. May point naman siya, ang talino talaga.Napakamot ako ng ulo saka umiwas ng tingin. Ayokong sabihin sa kaniya na nakaaway ko ang babaeng naka-aligi sa kaniya. "Ang tangkad kaya niya." Pagdadahilan ko."Matangkad pala ah? Sige umupo kan