Share

She Leaves
She Leaves
Author: doravella

Simula: MJ Osmeña

MJ OSMEÑA

MJ OSMEÑA

Hanggang saan mo kayang hawakan ang iyong kaligayahan?

Hanggang saan mo kayang panagutan ang iyong responsibilidad?

Hanggang saan mo kayang paligayahin ang mga taong nagmamahal sa 'yo?

Hanggang saan ka ba tatagal sa agos ng buhay?

Hanggang saan nga ba?

Kasi ako, kaya kong gawin lahat alang-alang sa ikaliligaya nila.

Kaya kong gawin lahat mapanatag lang ang kalooban nila.

Kaya kong gawin lahat kahit na...

Sumandal ako sa swivel chair, itinukod ang kanang siko sa arm rest, inilagay ang mga daliri sa aking pisnge at taimtim na tinanaw ang iba't-ibang klaseng gusali na sakop ng aking tanawin.

Isa sa pinakamataas na gusali ang Osmeña Building kaya kitang-kita ko ang lahat na halos nag-mistulang langgam ang mga sasakyan at ang mga tao sa ibaba.

Isa ako sa pinaka-masuwerteng tao sa buong Pilipinas. Ipinanganak na kompleto ang katawan, may masayang pamilya, may cool na na Ate at Kuya, may understanding at mapagmahal na Mama at Papa, may maraming kaibigan, at higit sa lahat, I was born with a golden spoon in my mouth. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, nakakapag-travel ako sa kahit saang sulok ng buong mundo.

Kaya sabi nila, nasa akin na raw lahat. And I would like to agree with that one. I have boys, I have friends, I have siblings and cousins, I have a family, I have fortune. What else could I ask for more, 'di ba?

Pati mga ka pritso ko, pinagbibigyan ng mga magulang ko. Sabi nila, spoiled brat daw ako. Pero ang sabi ko, hindi. I'm just a normal kid na mahal lang talaga ng mga magulang niya para pagbigyan sa lahat ng kabulastugan na ginagawa.

Habang nasa ganoong posisyon, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng malaking opisinang tinatambayan ko. At sabay din no'n ang yabag ng isang pares ng sapatos at isang pares ng sapatos na may takong.

Dahan dahan kong pina-ikot ang swivel chair para maharap ang mga bagong dating.

Nang tuluyan ko silang nakita, malawak na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

"Ma, Pa," masiglang bati ko sa kanila. "How's the meeting?"

"It went well mija," sagot ni Papa at siya na mismo ang lumapit sa puwesto ko para mahalikan ang aking noo.

Umayos ako sa pagkakaupo at niyakap si Papa.

Nanatili si Papa sa gilid ko, habang si Mama naman ay nasa harapan pa rin ng malaking office table n'ya na mismong nasa gitna naming dalawa.

Hindi ko maipaliwanag ang expression n'ya sa mukha kaya diretsong sa mga mata n'ya ako tumingin. Bumabakas doon ang pag-aalinlangan. I'm not sure. Really. Hindi ako marunong bumasa ng emosyon.

Dahan dahang inilapag ni Mama ang isang papel or more like an invitation card dahil na rin sa mga disenyo nito.

Tinitigan ko muna si Mama bago ko tuluyang pinansin ang kaniyang inilapag.

Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa unang pahina.

Lizares and Osmeña: the Engagement Party.

Nagkibit balikat ako nang makita ang nakasulat sa invitation card. Nandoon din ang iba pang detalye na kailangan ng mga magiging bisita sa party'ng iyon.

Tiningnan ko muna si Papa bago ibinalik ang tingin kay Mama.

"Na-distribute na po ba ang mga invitations, Ma?"

Isang malalim na buntonghininga ang isinagot sa akin ni Mama. Itinukod niya muna ang dalawang kamay sa office table at mataman akong tiningnan.

"Anak, sigurado ka na bang gagawin mo talaga 'to?"

Napaiwas ako ng tingin kay Mama. Inilapag ko ang invitation card sa lamesa at dahan dahang pinuntahan ang pwesto n'ya para mahawakan ang magkabilang pisnge niya.

"Ma naman, matagal n'yo nang pinaghandaan 'to 'di ba? Ngayon pa ba tayo aatras?" sinserong sabi ko habang maingat na hinawakan ang malalambot n'yang pisnge. "Ma, if it's for the betterment of the company... gagawin ko talaga ang lahat. And this one? Itong pagpapakasal? Maliit lang naman na sukli 'to sa lahat ng pagpapaubayang ginawa n'yo sakin. Kaya Ma and Pa, it's all fine," pareho kong tiningnan ang aking mga magulang.

Ngumiti si Papa bilang sagot at lumapit na rin sa aming dalawa.

"I told you, Blake, na okay lang sa anak natin ito," sabi naman ni Papa na hinawakan na rin ang kaliwang balikat ni Mama.

Bumalik ang tingin ko kay Mama na puno pa rin ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. "We can change the plan, anak. We can give it to your other cousins. You don't need to carry the burden, anak. You don't need to."

Napa singhap ako sa sinabi ni Mama at pinisil ulit ang kaniyang mga pisnge. Hinalikan ko na rin ang noo ni Mama.

"Ma, hindi na nga nagawa ni Ate at ni Kuya, pati ba naman ako, hindi ko magagawa? Kung ang inaalala n'yo ay kung mag rerebelde ako, Ma, I assure you, hindi ko gagawin 'yon," niyakap ko si Mama nang mahigpit at nagpatuloy. "Besides, napag-usapan n'yo 'di ba na we can have a divorce after everything? As long as their company is fine na? Kaya it's fine na rin sa akin ,Ma, I can still enjoy my life. And again Ma, sa makalawa na ang engagement party, ngayon ka pa ba aatras?"

Habang nakayakap ako kay Mama, naramdaman ko sa kaniyang dibdib ang malalim n'yang paghinga. "Okay, okay, sorry, anak, masiyado lang talaga akong emosyonal kasi ang bunso ko, malapit ng ikasal."

Mas hinigpitan ni Mama ang yakap n'ya sa akin.

"Ayon naman pala, kaya ka pala nagiging emosyonal d'yan," natatawang sagot naman ni Papa. "Pasali naman sa yakapan n'yo."

Pa-simple na lang akong natawa nang maramdaman ang mainit na yakap ni Papa.

So tell me now, what more can I ask for kung ganito ang mga magulang ko? Wala na.

Ayokong gawing big deal ang engagement party na ito. Ayoko kasi natatakot ako na 'pag once pinagtoonan ko ito ng pansin, mag iiba ang takbo ng buhay ko. Kaya ayoko.

~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status