Share

Chapter 8: Secret

Chapter 8

Secret

Nang mapagod ang anak ko kakalaro ay nagtungo naman kami sa isang seafood restaurant na madalas pag-dalhan sa akin ni Bea mapanoon man hanggang ngayon.

Bea ordered a lot of foods, like finger seafoods platter. Dish iyon na pinaghalo-halo sa isang platter like fried tilapia of catfish fillet, shrimp, blue crab cake, stuffed shrimp, stuffed crab with French fries. Gustong-gusto ni Sam iyon, akala pa nga niya ay puro mga fried chicken lang lahat iyon, He loved crunchy foods. Mahilig kasi itong pumapak ng ulam.

Bea also ordered our favorite dish, the grilled rock lobster with mashed red potatoes and broccoli on it. And of course, the langoustine and salmon ravioli. Um-order pa si Bea ng dessert trio—sweet potato pecan pie, turtle fudge brownie, at key lime pie na may toppings pa na vanilla ice cream.

Iba na talaga kapag sobra ang kinikita dahil nakaka-afford ng gano’n kamahal at karaming lunch para sa amin. Hindi naman sa naiinggit, kasi kaya ko rin namang kumain sa labas kasama si Nanay Martha at ang anak ko, pero hindi nga lang sa ganoon kamahal na kainan.

Nang makakain na ng tanghalian ay naglibot-libot kami sa loob ng mall. Nang mapadaan sa World of Fun ay nagtatakbo na naman si Sam doon at naglaro ng kung ano-ano. When he got tired, binuhat ko siya at pumasok muna kami ni Bea sa loob ng grocery. Binili ko ang mga kulang sa bahay.

“Bea, will you please wait for me here? CR muna ako.”

“Sure, Cha, ako na muna ang bahala sa bata,” sabi niya.

Nagmamadali akong nag-CR. Pero paglabas ko, bigla akong nagulat. My world stopped when I saw someone. Natulala, namutla, at nataranta ang buong pagkatao ko.

Oh, my God. Is this real? Is he real?

Kinusot-kusot ko ang mga mata para lang siguruhin kung tunay ba talaga ang nakikita ko.

Oh, my God, totoo nga…

Sa pagkatulala ko, hindi ko inaasahan ang paglingon niys sa direksiyon ko. Napalunok ako at napakurap. Nang makabawi ay bigla akong tumalikod at agad na humalo sa maraming tao para lang maiwasan ang matiim na titig niya sa akin. Pakiramdam ko, lalapit siya sa akin, I don’t know kung iyon ba talaga ang gagawin niya. Pero mas maigi nang umiwas ako.

He was not all alone. He was with somebody. Girlfriend or wife?

Hindi maaari ‘to. Hindi dapat magtagpo uli ang mga landas namin. Isang gabi lang ‘yon. Dapat hanggang doon lang ‘yon. Oo, inaamin ko na malaki ang naging perwisyo niyon sa buhay ko. But when I think about my son, nawawala ang lahat ng panghihinayang na nararamdaman ko. Mas gusto ko nang nangyari iyon, kaysa wala akong anak ngayon.

Nang masigurong walang matang nakatingin ay agad kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Bea at ng anak ko. Inakay ko na agad sila pauwi. Tinanong pa ako ni Bea kung bakit ako nagmamadaling umuwi. Dinahilan ko na lang ang pagsakit ng ulo ko.

Pagkauwi ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ipinasok ko agad si Sam sa silid niya at inihiga sa kama. He was sleeping peacefully. Tinitigan ko siya at hinaplos sa noo.

“Ano’ng nangyari kanina at nagmamadali kang umuwi?” Bea asked, sumunod sa akin.

“Nakita ko siya kanina,” sabi ko habang nakatitig pa rin sa mukha ng anak ko.

“Huh? What do you mean? Who?”

Tiningnan ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya. “H-hindi ko akalaing makikita ko siyang muli kanina. I know nakilala niya ako base on his expression. Ewan kung guniguni ko lang ba iyon or what.” Napabuntong-hininga ako. “Paano kung nakilala nga niya ako? At paano kung may kasa-kasama akong bata kanina? Makakaiwas kaya ako sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko. “Kamukhang-kamukha ng taong iyon ang anak ko, kaya hinding-hindi maikakailang anak niya si Sam.”


Kanina lang ay napag-usapan namin ang ganitong bagay ni Bea. Could God hear us? Kaya ‘yong laging iginigiit ni Bea na may araw din na magkikita kami ay nangyari ngayon.

Oh, dear God. This is not a joke.

“T-teka! Teka, sino ba’ng tinutukoy mo?” tanong niya na hindi pa rin nagkakaideya kung sino ang tinutukoy ko.

“Bea! I saw him. I saw my son’s father.”

“Talaga? Oh, my, kaya ka pala nagmamadaling umuwi kanina.” Nakiupo siya sa gilid ng kama paharap sa akin.

“He was almost near me. Nagkatitigan kami kanina nang medyo matagal.”

“A-are you sure?” Tumango ako. Hindi agad siya nakakibo. “Uhm… M-maybe it’s a sign, Cha. Tadhana na ang naglalapit sa inyong dalawa para sa anak ninyo.”

“Pero hindi ako nakahanda sa pagkikita naming iyon. Gosh, hindi ko nga alam kung naalala pa niya ako, eh, isang gabi lang naman iyong nangyari.” Napatayo ako at nagpalakad-lakad sa harap niya. “Isang gabi! Isang gabi lang iyon, Bea. Pareho pa kaming lasing. So what did I expect? Maaalala pa rin niya ako? May kasama siyang babae kanina, eh, paano kung asawa niya iyon, Bea? Wala nang dahilan. Klaro nang may pamilya ‘yong taong ‘yon.”

“You’re so paranoid, Charmane. Calm down and sit here. Tapos na, nangyari na at nagkita na uli kayo. Hindi mo hawak ang panahon. Ang Diyos pa rin ang tunay na nakakaalam sa susunod na mangyayari. Iwasan mo man ang lahat, pero kung pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana, eh, wala ka nang magagawa doon. Pilit mo mang iwasan, mapapagod ka lang. Kung asawa niya iyon, ano namang pakialam ng babaeng iyon? Ang importante, malaman din niyang nagkaanak kayo,” mahabang litanya niya.

“My God, Bea. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung magkrus uli ang mga landas namin. Sana naman huwag na. Tama na ‘yon.” Kinakabahan pa tuloy ako ngayon.

“Try not to escape, Cha. That is the easy way para malaman mo kung kilala ka pa rin ba niya. Kung hindi ka siguro umiwas kanina, nasagot na ang lahat ng tanong mo ngayon. Hindi ka sana paranoid ngayon kakaisip ng mga what ifs diyan. At nalaman mo rin sana kunng asawa nga niya ‘yong kasama niya. Wala ka namang dapat ikabahala kasi ikaw lang namang mag-isa kanina nang magkita kayo, ‘di ba?”

Maybe she was right. At least ako lang ang nakita ni Lee kanina. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga sinabi ni Bea. May point siya. Kahit anong iwas ko sa lalaking iyon, kung ang tadhana naman ang gagawa ng paraan, siguro nga wala na akong magagawa.

“O, ba’t natahimik ka diyan? Any problem?” tanong niya.

“Problema ko pa rin talaga sina Mama.” Napakagat-labi ako. Sobrang laki ng problema ko. Kaya minsan wala nang space ang saya.

“Kasi naman talaga. Three years ka nang nagsisinungaling sa kanila. Siguro kung ako ang isa sa pamilya mo, magagalit din talaga ako sa ‘yo. I can’t believe you. Paano mo nakayang itago sa kanila na may anak ka na?” Nakokonsiyensiya na talaga ako. Para na akong sasabog. “Pero wala naman silang magagawa. Nandiyan na ‘yan. Ang dapat mong gawin, magsabi ng katotohanan. You know what, Cha? Mahirap mabuhay nang may kinatatakutan sa puso. Always remember na masarap mabuhay nang walang inaalala. Now, you have to choose where you want to belong.”

Nang gabing iyon ay wala akong ibang inisip kundi iyong mga sinabi ni Bea. Yeah, she was right. Masarap mabuhay nang walang inaalalang mali. I had to do something. Gustong-gusto ko na talagang ipagtapat sa mga magulang ko ang lahat. Pero paano? Ayokong magtapat through video call. Baka atakihin sila nang wala sa oras. Hindi ko rin kayang isama si Sam sa Amerika dahil wala naman akong malaking halaga para makarating siya doon.

Ang sama ko. How could I survive in these world with full of lies and secrets? My God, naguguluhan na ako sa sitwasyon ko at naaawa na sa anak ko.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Yaya Ni BashersTOall
Ang sarap badahin
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
ang ganda nman ng story na ito, Tama nman si Bea charm
goodnovel comment avatar
Ireneo Guillermo
maganda ang storya di nakakabagot na basahin!...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status