Share

Chapter 6: Home

CONAN'S POV

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko rito sa Silvestre's Building kung saan ako naroroon at nagkakampo. Alam kong hindi iyon ang sekretarya ko dahil hindi ito kumatok. Sinabihan ko kasi ang aking sekretarya na kakatok muna bago pumasok kung may kailangan man ito sa akin. 

Sumalubong sa paningin ko ang poker face na mukha ng pinsan-slash-kaibigan kong si Kaiser Hidalgo. The best and ruthless lawyer in Asia at nakikilala na rin ito sa buong mundo. Ito ang nagmamay-ari ng kilalang Hidalgo Law Firm sa bansa.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?” Kunot-noong tanong ko nang makaupo siya sa visitor's chair kaharap ng pwesto ko. 

Hindi siya sumagot, sa halip ay tumingin lang sa may pinto. Lalong kumunot ang noo ko at sa kyuryusidad ay tumingin din ako sa may pinto. Umawang ang mga labi ko nang bumukas uli ang pinto at may pumasok na mga bwisita sa opisina ko. Hindi lang isa ang pumasok kung hindi ay tatlo. 

Evans Lockhert, Blythe De Guzman and Trieve Vasquez. 

Anong ginagawa ng mga ito rito?

“What the fucking fuck?” Hindi makapaniwalang sambit ko habang sinusundan ng tingin ang mga bagong dating na walang pakialam na sumalampak ng upo sa couch na naroon sa opisina ko. “What are you all doing here, morons?” Napapalatak na tanong ko sa kanila.

Hindi ba nila nakikitang busy ako? Yeah, right. As if alam nila ang salitang 'yon.

Hindi ako pinansin noong tatlo at kahit sulyapan manlang o tanguan ay hindi nila ginawa at sa halip ay nagkanya-kanya ng upo sa sala set na naroon na parang may sariling mundo. Kaya naman binalingan ko ng mahayap na tingin si Kaiser na nakatingin din pala sa akin. Anakng?

Sinamaan ko siya ng tingin. “Don't look at me like that.” Suway ko. “Anong ginagawa niyo rito?” Ulit na tanong ko kanina. “Unlike the four of you, I'm a busy man—”

“Every day. Every night.” Walang ganang sansala niya sa sinasabi ko. “Hanggang kailan mo balak iburo ang sarili mo rito? Jeez, you are now the top one youngest billionaire around the world, bud. Tell me, may balak ka pa bang lumabas at magliwaliw manlang kasama kami?” Tanong niya. 

I blow a dry air and looked away. “You know the reason why I am always here.” Napatiim-bagang ako nang maalala na naman kung bakit parati akong nasa opisina at halos dito na tumira.

It's just that... I'm free here unlike in our mansion. My father is always meddling with me and not leaving me alone. Palagi niya akong minamanduhan at pinipilit na gawin ang isang bagay na ayaw ko. I have a fucking life now for fucking sake. Ayaw ko ng inuutusan ako at kinokontrol ang bawat kilos ko. 

Kung sa sarili ko namang bahay sa Luxor, hindi rin pwede. More on ayaw kong magtigil doon. I'm not safe there. I'm not safe anywhere at tanging ito lang ang ligtas na lugar para sa akin. Dahil puno ang gusaling ito ng mga gwardya. 

Damn it. Bakit ba wala akong magawa? Sa totoo lang, sawa na akong magtago rito sa opisina ko. Nabuburo na ako rito. And it fucking irritates me, a lot. 

Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa ba ako na namamayagpag pa rin ang business ko o ano dahil habang nagiging matayog ang pangalan ko sa lahat, tumataas din ang bilang nila, ang mga taong may malaking interes sa kompanya ko at gusto akong pabagsakin para mawalan sila ng mahigpit na kalaban.

This world won't go around without these greedy and selfish people. Especially businessmen and politicians.

“Yeah, I know. But you have your choice, bud. And I know Dad is looking for someone who can protect you.”

Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. “Right, I will accept the marriage proposal, my life will be secured by her family. If not, my father will disown me. Is that even a choice?” Sarkastikong ani ko. 

If I just only could. Matagal ko na sana iyong ginawa. I hate my father for always making decisions for me but I cannot stand the fact that he will disown me if ever I disobeyed him. 

Saglit na naghari ang katahimikan. “Mahal mo pa ba?” Tanong niya na ikinabigla ko.

Gulat akong napalingon kay Kaiser. “A-Ano?” Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon. At paanong napasok iyon sa usapan?

“Mahal mo pa ba?” Ulit niya. This time, maliwanag at malinaw na iyon sa pandinig ko.

Napakurap-kurap ko. Nawalan ng emosyon ang mga mata ko nang maproseso ng utak ko ang tanong niya. Mahal? That's bullshit! Matagal na akong nakamove-on dito. At kahit mahal ko pa ito kung ganoon pa man, hindi kami pwede. Fucking shit. Kailanman ay hindi kami magiging pwede. 

“No.” Malamig at walang buhay kong sagot. 

“Then you have no reason to decline. Just accept the proposal. End of—” Naputol ang sasabihin niya nang mag-ingay ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa ko. 

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pangalang nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita kung sino 'yon. 

“Sorry. I'll just answer this.” I didn't utter a word. I just looked at him, listening as if I can hear the other line. So they have a communication with each other, all this time? “Stop cussing woman. Yeah, we're going. May dinaanan lang kami.” Lumingon siya sa akin at alam kong ako ang tinutukoy niyang dinaanan lang nila. “Okay. Don't do anything stupid there, I'm warning you. Tss. Whatever. Bye.” Pinutol na niya ang tawag at humihingi ng pasensiyang tumingin sa akin. 

“Who's that?” Tanong ko na parang hindi nakita kung sino ang tumatawag. Oh, fuck. Why I don't have filter sometimes?

Tumingin siya sa akin at parang nagdadalawang-isip na sabihin. Halatang hindi niya napansin na alam ko naman kung sino. “My brat sister. Nagpapasundo siya sa airport ngayon. Wanna come?”

Nakabalik na pala siya? Damn.

“No, thanks.” Mabilis kong sagot. 

Tumango lang siya sa akin bago tumayo at humarap sa tatlo. “Let's go.”

Nag-angat ng tingin si Evans at itinigil ang ginagawa. “Huh?” Lumingon ito sa akin. “Hindi ka sasama?” Tanong nito.

Kumunot ang noo ko. “At bakit naman ako sasama, ha?” Masungit na tanong ko.

“Para i-welcome si Calista kaya sasama ka. Kasi after ten years, bumalik na siya. At magpinsan kayo, diba?” Nagkibit-balikat ito na parang wala lang ang sinabi at bumalik sa ginagawa.

I scoffed. “No, I won't come. And yes, she's my cousin. Just my cousin. I have more important things to do than welcoming her.” Pinal kong sagot.

“Then you should come. Wala namang mawawala kung sasama ka, unless, may nararamdaman ka pa—”

Pinutol ko ang sinasabi ni Trieve. “I don't love her any—”

“Then prove it.” Hamon nito sa akin.

Matamaan kong tinitigan ang kaibigan at inalam kung nagbibiro lang ba 'to pero seryoso ang mukha nito. Hindi ko sila maintindihan. They knew what happened between us, what we had in the past, and they witnessed me, crying and breaking in so much pain when she left me, without even saying goodbye, then it's just so easy for them to talk like that to me as if nothing had happened? Wow. They are unbelievable. 

Alam kong matagal na akong nakalimot pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napakadali sa kanila na kausapin ako tungkol sa kanya.

“Fine, I'll come.”

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Madilim ang mukha kong lumabas ng opisina tsaka nagpaalam sa sekretarya ko bago sumakay ng elevator. Sumunod naman sila sa akin. 

Hindi ko obligasyong ipakita sa kanila na wala na akong pakialam pa pero kailangan kong gawin. 

After ten years, ngayon ko lang uli siya makikita. Aaminin ko, kinakabahan ako sa muli naming pagkikita. Ayaw kong sumama dahil marami pa talaga akong mas mahalagang gagawin pero kailangan. Kailangan kong patunayan sa mga kaibigan ko na wala na akong nararamdaman para sa kaya. Matagal na iyon. 

Sampung taong walang paramdam, sampung taong walang pakita kahit ni anino lang, sampung taong wala kaming komunikasyon, at sampung taong wala akong balita maski ano sa kanya kaya nawalan na ako ng pag-asa pa. Sumuko na ako sa kakahintay kung babalik pa ba siya. Sa tagal ng panahong wala siya, nagawa kong makalimutan siya. 

Wala akong alam sa mga nangyari sa kanya sa nakalipas na sampung taon at kahit itago ko man, may parte sa akin na gustong makita ang kabuuan niya ngayon. Marami ang nagbago sa akin, alam ko iyon. Ganoon din kaya siya?

And five months from now, ikakasal ako sa anak ng business partner ni Dad hindi lang para makipag-merge sa company, kung hindi ay para na rin sa magiging proteksyon ko. Iyon ang napagkasunduan nila. Hindi pa man ako pumapayag, wala na akong magagawa roon. 

My father gave me no choice. At ang tanging magagawa ko na lang ay ang pumayag sa proposal na iyon dahil kung hindi ay itatakwil nga ako ng ama ko at ayaw kong mangyari 'yon. Ayaw kong dumating sa puntong iyon dahil alam kong may isang taong lubos na masasaktan. Si Mom. 

I had seen enough of her tears when Dad and I had a serious fight years ago. At ayaw ko na iyong maulit pa. 

--

CALI'S POV

Kanina pa ako naiinip dito sa airport at ngalingali kong sapakin ang mga taong kanina pa nakatingin sa akin. Ano bang problema ng mga ito at nakatingin sa akin? 

May mali ba sa suot ko? 

I'm wearing a white sando covered by a leather jacket and black skinny jeans paired by a black ankled boots. Nakalugay ang mahaba na medyo wavy kong blonde na buhok na tinatangay ng hangin. Nakasuot din ako ng sunglasses kaya naman malaya kong natititigan at naiirapan ang mga taong kanina pa ako pinagmamasdan. 

Nasaan na ba kasi ang hilaw kong kapatid na 'yon? Sabi niya nang tinawagan ko kanina ay may dinaanan lang siya at papunta na. Pero bakit wala pa siya? 

One week after my Dad went to London, I called him that I have decided to take the offer. At sinabi ko sa kanyang ipasundo ako kay Kaiser two days from that. Kaya ngayon ay naghihintay ako sa kanya. Gaya ng sinabi ni Papa, I will take this as a blessing in disguise. As a cover up for my real reasons. 

I crossed my arms just below my breast. “I swear, kapag wala ka pa in ten seconds, pasasabugin ko ang opisina mo.” Inis kong usal at nagsimulang magbilang habang sinasabayan ng marahang pagpadyak ng isang paa. “One... two... three—”

“Stop what you are doing, brat. I'm here.” Napalingon ako sa nagsalita and there, I saw my brother, at talaga namang nagsama pa ito ng mga asungot.

“Finally.” Nakahalukipkip kong sabi at inirapan siya. “Bakit ang tagal niyo?” Inis kong tanong.

Kinuha ko ang mga luggage ko at inabot sa kanya. Hindi ako sumakay sa commercial flight. I used David's private plane na kanina pa nakaalis kaya hindi ako nahirapang dalhin ang mga gamit ko na kakailanganin. And we actually landed here at AirLeone na pagmamay-ari ng matalik na kaibigan ni David na si Xorick Leone. And honestly my cousin at my mother's side.

“May dinaanan pa nga kasi kami.” Si Trieve na ang sumagot sa akin. Kilala ko siya dahil isa siya sa matalik na kaibigan ni Kaiser. Nag-aaral pa lang ako sa College ay kilala ko na sila. Mahilig din kasi silang tumambay noon sa bahay. Balita ko ay siya ang nagmamay-ari ng sikat at malalaking Hospital dito sa bansa—ang Vasquez Medical Hospital.

“Oo nga. Nasaan na ba?” Tumaas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Blythe De Guzman. He owns the chains of restaurant in the country—DeLythe. 

At talaga namang naghihinala na ako sa kung ano o sino man ang dinaanan ng mga ito kaya ang tagal dumating. 

Humarap ako kay Kaiser at tiningnan siya ng mataman. “Ano ba kasi 'yong dinaanan niyo?” Tanong ko rito. Hindi pa man siya nakakasagot sa tanong ko nang may magsalita sa hulihan namin.

“Bilisan mo nga!” Boses iyon ni Evans Lockhert. Ang dakilang playboy sa kanila na madalas magpakulo ng dugo ko sa ulo. Nonetheless, he owns a freaking Hotels and Condominiums-—Levans Hotels and Buildings—na nagkalat sa iba't ibang bansa. 

“Fuck! Bitawan mo nga ako, Lockhert! I can fucking walk!” Reklamo ng isa pang boses na kilalang-kilala ko.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan nang marinig ang baritonong boses na iyon. I knew that voice very well. At hindi ako pwedeng dayain ng pandinig ko. Dahan-dahan akong napalingon sa may likuran ko at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita si Conan. I slowly removed my sunglasses. 

“Kita ko nga. Ang bagal mo—woah! Ikaw na ba 'yan, Calista?” Di makapaniwalang sambit ni Evans habang nakatingin sa akin.

Pero hindi sa kanya napatuon ang pansin ko. Nakatingin lang ako kay Conan na walang emosyong nakatingin din sa akin. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? I didn't expect to see him here right now. Damn.

Lumunok ako. Nawala yata ang tapang ko nang matitigan ang berdeng mga mata niya. “Lexus...” Sambit ko sa pangalawang pangalan niya na tanging ako lang ang tumatawag. Noon.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Kinakabahan ako but at the same time, natutuwa akong makita siya. Nakasuot lang siya ng white v-neck shirt at faded jeans at tsaka sneakers. Simple lang ang suot niya pero makaagaw-pansin pa rin. He's freaking gorgeous and hot as ever. 

“It's Conan, Cali. And don't assume that I came here for you, to see you. They insisted.” Malamig na ani niya tsaka tumalikod sa kanila... sa akin. Rude.

Napakurap-kurap ako. Parang may kung anong malamig na bagay ang pumiga sa puso ko. Bakit kailangan ko pang maramdamn ang bagay na ito? 

“Hoy, saan ka pupunta?” Tanong ni Evans sa kanya ngunit wala itong nakuhang sagot mula sa kanya.

Hindi ako umimik. May bumara yata sa lalamunan ko. Nakatingin lang ako sa papalayong bulto niya nang may panghihinayang na nararamdaman. Can't he be nice and pretend to be happy even if just for a while? Kakikita ko pa lang ulit sa kanya pero ganito na agad ang kinalabasan. Ni hindi manlang ako binati o kinamusta. How straightforwarded man. Sinampal agad ako ng mga salita niya. 

“Okay ka lang?” Hinawakan ako sa braso ni Kaiser upang alalayan. Nanghihina kasi ako. Siguro ay dala na rin ng pagod sa haba ng byahe.

I cleared my throat. “I'm fine. Let's go.” Malamig kong sabi bago nagpatiunang maglakad. I wore my sunglasses again.

Nagkamali ako. 

I shouldn't let my emotions control over me. Dapat hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Aaminin ko, nadala ako ng emosyon ko. Matagal ko ring hiniling na sana makita ko siyang muli nang harap-harapan. 'Yong hindi lang sa telebisyon o sa magazines. Kaya may pagkasabik akong naramdaman. Hindi ko mapigilan. O sadyang ayaw ko lang tigilan.

Inaasahan ko nang ganito ang trato niya sa akin. I was the one who left him without even saying goodbye. Sampung taon akong hindi nagpakita o nagparamdam manlang sa kanya. But I have reasons behind my disappearance. Siya. At kahit sabihin ko iyon, ako lang ang tanging makakaintindi roon. 

Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa pagiging cold niya. Sa paraan ng paninitig niya, alam kong may kakaiba, may laman, may pinanggagalingan. There is something in his cold eyes. Nakakalunod. Para akong hinihigop pailalim. Mahirap makaahon.

What happened to him when I left? 

“Hindi ka pa rin ba nakakapagmove-on sa kanya?” Tanong ni Kaiser nang makasakay ako sa passenger seat. Inilagay niya ang luggage ko sa may backseat bago siya pumasok sa driver seat.

Nilingon ko siya at pinakatitigan. Pilit ko pa ring iniisip kung may alam ba siya o wala. “Hindi ko alam ang salitang 'move on', my dear brother.” Prangkang sagot ko. Kasi kung alam ko 'yan, matagal na sana akong nakalimot, but fuck, I'm still stuck in the past. 

“Kalimutan mo na siya, Cali. Masasaktan ka lang. At alam mong mali ang namagitan sa inyo noon pa man. Forget your feelings for him. Get over with him.” Mahinahon, ngunit puno ng pangungumbinsi ang himig ng boses niya. 

Sumandal ako ng upo tsaka ipinikit ang mga mata. Forget? Paano? Paano ko siya makakalimutan kung siya ang dahilan kung bakit ako bumalik dito pagkatapos kong umalis mahigit sampung taon na ang nakakalipas?

Kung sana ganoon lang kadali ang lahat. Nahihirapan din naman ako. Gusto ko na rin makawala sa bangungot na 'to. 

It is easy to say, but it's fuck up when you do it. Been there, done that. 

“Nakikinig ka ba?” Pukaw niya sa pananahimik ko.

“Tell me something I don't know.” I said instead of answering him. Ayaw kong pag-usapan ang kung ano mang tungkol sa kanya, lalong-lalo na ang tungkol sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. 

Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. Bakit tungkol na naman sa kanya? 

“He will be married soon.”

Sandaling namayani ang katahimikan o talagang wala lang akong napapakingggan dahil parang nabingi ang mga tainga ko sa narinig. I felt my heart slowly beating while breaking into pieces.

Sana hindi na lang ako nagsalita pa. Now, I'm hurting again after so many years. Kahit pakiramdam ko ay manhid na ang buo kong pagkatao, hindi ko pa rin maiwasang masaktan kapag tungkol na kay Lexus ang pinag-uusapan. Namanhid at nanigas man ang puso at pagkatao ko, hindi naman nito nagawang makalimot nang lubos. Hanggang ngayon, siya pa rin. 

Wala akong narinig na balita tungkol sa pagpapakasal niya. Single siya, iyon ang alam ko. Hindi ko alam na may fiance na pala siya. Shit. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nandirito ako? At bakit wala manlang nabanggit ang matandang Hidalgo na 'yon sa akin? Plano niya ba talagang saktan at pahirapan pa ako? Kasi ngayon pa lang, gumagana na.

Hindi ko na nagawang magkomento pa. I stayed silent the whole ride until we reach the mansion. Lumabas ako ng sasakyan niya at iginala ang tingin sa paligid. Sampung taon akong nawala kaya kita ko ang malaking pagbabago sa buong lugar. Nakakapanibago.

“Let's go.”

Sumunod ako kay Kaiser habang hila-hila niya ang dalawang maleta ko papasok sa mansion. At sa akin naman iyong isang maleta na may lamang personal na mga gamit ko. Sinalubong kami ng mga katulong na hindi pamilyar ang mga mukha sa akin. Isa lang ang nakikilala ko. Si Manang Cecil na kakikitaan ng pagkamangha sa mukha nang makita ako. Nakahilera sila sa may salas para siguro i-welcome ang pagdating ko. Sabay-sabay silang bumati sa'kin na tinanguan ko lang.

Mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Manang Cecil. “Nakung bata ka, kay tagal mong nawala. Buti naman at naisipan mong umuwi pa. Saan ka ba nagsusuot at kung saan-saan ka namin hinanap ha? Sobrang nag-alala kami sa'yo dahil baka kako may nangyari ng masama sa'yo. Ang laki ng pinagbago mo, ija. Parang hindi na kita kilala. Parang hindi na ikaw ang batang Calista na inalagaan ko.” Natigilan ako sa akmang pagyakap sa kanya. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. May kirot akong naramdaman sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman iyon panlalait. Ganoon na ba talaga kalaki ang pinagbago ko?

Lumunok ako at natawa, animo'y may naalala, pero hindi natutuwa. Gusto kong salungatin ang mga sinabi niya pero hindi ko magawang makapagsalita. Pero kahit sabihin ko mang may nangyari nga talaga sa akin, hindi na iyon maibabalik pa. Buti na lang at sumingit na si Kaiser. Mukhang nahalata niya ang pagkailang ko. 

“Ahm, Manang, pagpahingahin po muna natin si Cali. May jet lag pa po siya.”

“Naku, pasensya na ija, na-excite lang akong makita kang muli. Sige na, pumanhik ka na sa kwarto mo. Malinis at maayos na 'yon.” Tumango lang ako at tipid na ngumiti tsaka sumunod kay Kaiser sa taas. 

Pumasok kami sa kwarto ko na nasa dulo. Itinabi niya ang mga luggage ko sa may gilid malapit sa mini sala. Dumiretso ako sa kama at pabagsak na nahiga. Walang nagbago sa kwarto ko. Kung ano ang hitsura nito noong umalis ako, ganoon pa rin hanggang ngayon. Luminis lang. At wala masyadong mga gamit. Naalala kong itinapon ko ang iba noon bago ako umalis, or I better say, lumayas.

I closed my eyes. 

“Mom and Dad will arrive later before lunch. Nasa White Mansion sila ngayon. Gigisingin na lang kita mamaya. And we will talk.” Pahayag niya at narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. 

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan. 

This is home. My home. Is it really?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status