Share

Chapter Three

JADE

"Yelnut? The school of geeks?" Nilingon ko itong si Roan.

School of geeks??

"Don't tell me you're hunting there?" 'Di makapaniwalang tanong ni Dana.

School of geeks? Hindi kaya sobrang talino na nito? Nang galing ba naman sa school na puro nerd. But if he study there, what does the reason he transferred?

Argh! Gusto ba talaga ako ipatapon ng tadhana sa ibang bansa?! Bakit ba kailangan pa magtransfer ng isang 'yan dito? G r r.

"Well, geeks are good kisser and maybe they are good in bed too." nanlaki ang mata ni Dana sa sinagot nitong gagang Roan, tinapunan ko naman ito ng masamang titig.

"What? I'm just joking." pagkatapos 'ypn sabihin ay itinuon na nito ang tingin sa librong nasa harapan niya.

"You may take your sit Mr. Carter." sabi ng Prof.

Matapos maupo ng nerd na 'yon ay nagsimula na mag discuss si Mrs. Ramon our History Teacher. Sa likod ko naupo ang transfer student dahil doon lang naman may bakante. Tss, naiinis ako sa presence niya ewan ko ba, basta. Hindi tuloy ako makapag focus dito sa tinuturo ni Mrs. Ramon. Ugh, ewan ko na lang kung anong kakalabasan ng quiz ko dito mamaya. Di ako makapag concentrate, feeling ko kasi pinag mamasdan ako nitong nerd na nasa likuran ko. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda sa buong buhay niya? Psh.

Arg. Jade focus on your study! Wag ka eengot engot dyan at baka madaig ka ntransferee na 'yan at baka bumagsak ka talaga sa abroad.

Natigil si Mrs. Ramon sa pagsasalita sa harap nang may dumating na estudyante at kinausap siya. Ano naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang to? Ay ewan! Kailan ka pa naging chismosa ha Jade? G r r. Binalik ko na lang ang tingin sa librong hawak ko at nagbasa basa ng kaonti. Oo kaonti lang kasi wala talagang pumapasok sa isip ko.

"Hi!" nilingon ko si Roan. And guess what? Nakatingin lang naman siya sa likod ko na may malawak na ngiti sa labi.

Shocks. Don't tell me na interested siya sa nerd na yan? Ano yan Roan? Kung sinu-sino na lang?

"Hello," rinig ko namang bati ng lalaki sa likod ko.

In fairness ha ang ganda ng boses niya. I mean, hindi mo aakalaing nerd kapag boses lang ang nadinig mo at hindi mo pa nakikita ang itsura niya. Hindi ko alam kung paano ba ipaliwanag pero basta parang ang sexy. Kailan pa ba ako naging interesado sa boses ng lalaki? Arg.

"I'm Roannae Ignacio but you can call me Roan and these are my best friends, Jade Madison Austrelle and the other one is--" hindi na natuloy ni Roan ang sasabihin nang si Dana na mismo ang magpakilala sa sarili niya.

Hindi ko parin sila nililingon, kunwari nagbabasa parin ako sa libro. Duh, hindi worth it pag aksayahan ng laway itong dalawa lalo na ang lalaking kinakausap nila. Sayang ang precious laway ko kung makikisali pa ako sa kanila.

"I'm Danaira Siervo." kita ko sa side vision ko ang pag lahad ni Dana ng kamay nito sa lalaki.

Nasisiraan na ba sila ng bait? Kailan pa sila naging friendly? O kaya type lang talaga nila itong nerd? Yayks. Ano bang klaseng taste ang meron sila? Hindi nila ako gayahin. Varsity Player ang boyfriend ko well, at pinagmamalaki ko iyon. At hindi pwedeng hindi niya ako ipagmalaki. Duh, isang sikat at maganda't matalino lang naman ang girlfriend niya. Ewan ko ba. Sa dinarami rami ng naghahabol sakin, siya ang nagustuhan ko. He's my first boyfriend, by the way. Kung ako siguro siya, iisipin ko na sobrang swerto ko kasi ako ang boyfriend ng sikat, maganda at matalinong babae sa campus na ito. Masyado ko na atang pinupuri ang sarili ko, baka matuluyan akong mapatapon nito sa abroad.

Maya maya pa, bumalik na sa klase si Mrs. Ramon pero hindi ito nagsasalita at inaayos nito ang mga gamit niya. Aalis na siya?

"We have a meeting. Y'll self study for today, goodbye." hindi na nito hinintay pang magsalita kami at lumabas na ito sa silid.

E? Self-study? Thanks Mrs. Ramon, walang quiz ngayon. Umaayon ata sakin ang panahon ah? Thanks you jizas. Amen!

Kasabay ng pagkawala ni Mrs. Ramon sa paningin namin, ang ingay naman na pagsigaw ng mga kaklase ko. Ayan, mukhang matino lang ang mga ito pero kapag labas ng prof mga demonyo sa ingay. Shems, ang sakit nila sa tainga. Baka mamaya magdugo na itong precious ear ko. Damn. Ano ba itong pinag iisip ko, ang corny amp.

"Hey! Galing ka sa Yelnut diba? Nerd ka rin ba?" tanong ng isa sa mga kaklase ko dito sa lalaking nasa likuran ko.

Duh? Hindi ba obvious? Tititigan mo palang siya kitang kita mo na ang pagka nerd niya. Sobrang old fashioned na ng salamin they can use contact lenses naman na may grado, bakit hindi na lang yun ang gamitin para hindi naman sila mukha kengkoy na tignan.

"Ano ba yang tanong mo Danilo, baliw ka ba?" okay Roan. Etong nerd na ata ang bago niyang bibiktimahin.

"H'wag mo na yan pansinin a-uhm..." hindi nito matuloy ang sasabihin sa hindi ko malamang dahilan.

"Efraim na lang," sabi naman ng lalaki sa likod ko. At ayun na nga daldalan na sila ng daldalan.

Roan || Me || Dana

          Nerd

Ganyan ang pwesto namin, tapos sila nagdadaldalan. Hindi ba nila ako naiisip? E, kung palit na lang kaya kami ng nerd na ng pwesto nang sa ganun, hindi na mahirapan itong dalawa kong kaibigan kakalingon sa kanya. Psh.

May iba't ibang mundo ang mga classmate ko. May kunwaring nagtuturo sa harapan at ang mga kunwaring nakikinig sa kanya. May mga nagchichismisan, yung iba naman nakatingin sa bintana kung saan kita ang garden. May mga nagkakantahan, at ginawa pang gitara ang walis tambo pati ang lamesa ng upuan ginawang tambol. May nagbibeatbox pa, halatang hindi naman marunong. May mga nag iipitan ng buhok sa gilid. At meron ring naghahampasan at naghahabulan. Shocks, special section ba talaga to? O baka naman mga special child itong mga kasama ko?

Napahilot na lang ako sa sentido ko sa mga nakikita at naiisip. Classmate ko na sila simula grade 7, kailan pa ba ako masasanay sa mga ito? Pero ang mga dating tahimik noong grade 7, ang mga nagbabasketball na dito sa room ngayon. What the heck?! Ginawa lang naman nilang ring ang basurahan, ang bola naman ang papel ng nilukot lukot. Seriously? Mga grade 12 ba talaga itong kasama ko? Ghad. Pang last section ang ugali ng mga ito!

Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo, dahilan para manahimik silang lahat. Lalabas ako, I need some fresh air at baka sa susunod kagaya na ako ng mga nakikita ko dito. Shocks, hindi ko hahayaang mangyari sakin yun.

"Jade, are you okay?" hindi ko sinagot si Dana at nagsimula na akong maglakad palabas ng silid. Sa pintong nasa likod ako dumaan, since pangalawang row lang naman ang inuupuan ko mula sa likuran.

At sa pagkalabas na pagkalabas ko, narinig ko na ang ingay ng mga classmate ko. Feeling ko tuloy ako si Mrs. Ramon sa mga oras na to. Hays. I flipped my hair then continue to walk. Saan naman kaya ako pupunta?

----

1 weeks has passed magmula ng dumating ang nerd sa section namin. And now, I'm with my boyfriend together with my bestfriend and my boyfriend's basketball team. Papasok na kami ngayon sa food court. Food court talaga ang tawag sa canteen namin. Why? Dahil malaki ito at parang food court sa isang mall. Kung sa mall ay iba iba ang mga fast food na naka hirela, dito naman ay parang ganun rin. Ang hirap i explain kaya iimagine niyo na lang.

"Uupo na kami, kayo na ang mamili ha?" ani Dana saka kami hinilang dalawa ni Roan para maupo sa lagi naming pinupwestuhan.

"Sa tingin niyo, gwapo kaya ang nerd na yun kapag walang salamin?" nagkalumbaba pa ito at may malawak na ngiti sa labi.

Seriously, Roan? Is she really interested with that nerd? Oh, come on.

"Feeling ko naman, ahihi." at nag apir silang dalawa. Shocks, anong meron sa malanding tawa na yan Dana?

Napairap na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan talaga, nagkakasundo sila sa mga lalaki. Akala ko ba, yung mga hot ang hinahanap nila? E bakit parang nerd na ngayon ang gusto nila? Lalo na itong si Roan.

"Ikaw Jade, what do you think?" tanong nito sakin na hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi. Binalingan ko naman ng tingin si Dana, mukha naman itong naghihintay ng sagot ko. Tumikhim naman ako bago magsalita.

"He looks like a fly." pagtapos kong sabihin iyon, pareho nila akong hinampas sa braso. What the?

"Ang harsh mo naman, Jade!" nakangusong sabi ni Dana. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

Ako pa ang harsh? E nagsasabi lang naman ako ng totoo, mukha naman talagang langaw yun sa laki at kapal ng salamin nito sa mata.

"Oo nga tapos hindi mo man lang pinapans--oh my ghad!" mabilis naming nilingon ni Dana kung saan nakatingin si Roan. Agad naman akong napatayo sa nakita.

What the heck?

Agad akong naglakad para lapitan ang kupulan ng mga estudyante kung saan nandoon ang boyfriend ko. Ano ba namang ginagawa nila Arnold, hindi man lang magawang awatin itong si Jordan.

"Jordan!" sigaw ko sa pangalan nito nang makalapit. Agad ko itong hinawakan sa braso niya para tumigil na sa ginagawa. 

Nakita lang naman naming pinagsisipa ni Jordan itong nerd na transferee. Nakahiga na ito ngayon sa sahig at tila namimilipit sa sakit. Tangina ano ba ang nangyare? Agad na namang dinaluyan nina Dana at Roan si Nerd. May mabuti rin palang magagawa ang kalandian ng dalawang 'to.

"What happen?" mahina kong tanong kay Jordan, hawak hawak ko parin ang braso nito. Nakatayo naman na si Nerd dahil inalalayan ng dalawa kong kaibigan.

"Masyado kasi 'tong mayabang!" sigaw ni Jordan saka tinuro itong nerd. Umismid ito saka matapang na tinitigan ang boyfriend ko.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala itong suot na salamin. Hinanap ko ang salamin nito at nakita ko ito na nasa lapag, basag. Ngayon ko lang nakitang nakipag away itong si Jordan, ano bang nangyare? Feeling ko hindi si Nerd itong nasa harapan naming dalawa, mukha siyang ibang tao. Tangina, ano ba itong pinagpapansin ko.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" pinunasan nito ang dugo sa gilid ng labi niya. Akmang susugod nanamn itong si Jordan nang mas tigasan ko pa ang pagkakahawak sa kanya.

Bakit ba nagkakaganito ito? Hindi kaya katulad ito sa mga nababasa ko? Kapag may transfer na nerd sa school, makakaaway ang sikat na estudyante sa eskwelahan tapos sila ang magkakatuluyan sa huli. O-M-G!?

Fuck. Ano ba itong pinag iisip ko? Nahahawaan na ng dalawa kong kaibigan ang pag iisip ko. Hindi na maganda to.

"Kita mo sumagot! Tarantado!" bakas ang pag kainis nito sa mga nakikita ko.

"Kung aarte ka, galingan mo naman." nginisihan nito si Jordan, pa chill lang ito kahit walang tigil sa pagdugo ang gilid ng labi niya. May pasa rin ito sa bahaging kanan sa noo niya. Don't tell me, si Jordan may gawa nun? What the hell.

"Jordan!" tawag ko sa pangalan niya dahil sinugod nanamn niya itong si nerd.

Shocks, bakit ba kasi sumasagot pa ang isang 'to? Pwede namang hayaan na lang niya si Jordan. Para pa talaga siyang nang aasar e. Putcha nerd ba talaga lto.

Hawak na ngayon ni Jordan ang kwelyo ni Nerd at nasa ere lang ang kamao ni Jordan na nanginginig pa halatang gustong gusto na nito sapakin ang lalaking nasa harapan niya. Naiwan lang sa ere ang kamao nito dahil sa pagsigaw ko sa pangalan niya. Si Dana at Roan naman ay halatang natatakot sa nakikita. Hindi naman kasi kami sanay na makasaksi ng ganito, except na lang kapag about na sakin syempre. Reyna ako ng eksena e. 

"Jordan, let him go." mabilis naman nitong binitawan ang kwelyo ng lalaki saka ko siya hinila ulit.

Ngayon ko lang napansin na mas lalo pang dumadami ang tao na nakapalibot sa amin. E? Feeling nila nanonood sila ng aksyon?

"Kayo anong ginagawa niyo dito? May sine ba?" halata namang natakot ang babaeng natitigan ko kanina dahil mabilis itong tumalikod at umalis sa pwesto niya.

"Oh, kayo? Itatapon ko sa mukha niyo yang hawak niyong tray o aalis kayo sa paningin ko?" baling ko naman sa isang grupo. Mabilis rin naman silang umalis. Ngayon naman, ang nerd na ito ang binalingan ko.

"Umalis kana rin." sabi ko dati mula sa malamunay na boses. Hindi ko pa naman kasi alam ang totoong nangyare kaya hindi ko muna siya pagtataasan ng boses sa ngayon.

"Di pa tayo tapos tandaan mo yan." banta ni Jordan.

"Jordan ano ba?" saway ni Roan saka inalalayan maglakad si Nerd. Mukha talaga siyang napuruhan.

Rinig ko naman ang tawa ng ibang kasama ni Jordan sa likod ko. Agad ko silang nilingon kaya naman napatahimik sila. Hindi talaga ako naniniwala na ang nerd na yun ang may kasalanan kung bakit yun nangyari sa nerd na yun. Hindi sa pinagdududahan ko ang boyfriend ko, syempre mararamdaman ko naman yun. Sabi nga nila magaling raw makiramdam ang mga babae.

"Tell me the truth."

"Jade, masyado kasing mayabang yun kaya ayon binigyan ko lang ng leksyon." umiling-ling lang ako bago siya talikuran. Hindi makitid ang utak ko para maniwala sa sinabi niya. Kung totoo yang sinabi niya, edi sana may marka din siya sa mukha katulad nung sa nerd na yun. Pero wala e. Leksyon my ass.

"Jade!"

Hindi ko siya nilingon. Anong tingin niya sakin? Tiga lower section? Baka nakakalimutan niya na nasa special section ako. Wag niya akong gawing tanga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status