Share

Chapter Five

JADE

"Jade okay ka lang ba?" Dana asked.

We're at the food court. Kanina pa lutong ang utak ko, at kung mananatiling ganito ako baka hindi ko na maipasa ang exam bukas. Damn. Hindi ko siya sinagot at pinaglaruan ko lang ang pagkain na nasa harapan ko. We're not with Jordan and his teammates dahil may training sila ngayon, mag eexam na nagtatraining parin sila? Psh. Grabe naman. Pero mas grabe yung ipakasal ka taong hindi mo naman kilala.

Hay, napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Arg, bakit ba 'to nangyayari sa'kin?

"Alam mo girl, kung may problema ka sabihin mo samin para saan pa't naging kaibigan mo kami?" taas kilay na sabi ni Roan sabay subo sa paborito nitong chocolate cake.

"Oo nga hindi yung sinasaksak mo ng tinidor yang Carbonara, kawawa naman." sabi naman ni Dana.

Paano ko ba sasabihin sa kanila? Nahihiya ako, baka ano pang isipin nila. Yung about nga sa gusto nina Mom na lagi ako nasa top, hindi nila alam. But I need their advance kaya mabuti na siguro na sabihin ko. Yes, we're bestfriend after all.

"I'm in an Arranged Marriage." kita ko ang pagkagulat sa mukha nilang dalawa ngayon. Akala ko lang magkakaroon ng ganong reaksiyon, hindi pala. Kaibigan ko nga talaga sila.

"Who's the guy? Is he handsome?"

"Omg may nabasa akong ganito kaso nga lang yung lalaki yung suplado tapos magkakatuluyan sila. O-M-G!"

What the hell? Binabawi ko na ang sinabi kong kaibigan ko sila. Damn, anong mga feedbacks yan? I expect them to suggest the way para makawala doon, pero tignan mo naman mga reaksyon nila ngayon para silang nagdeday dream. Bakit ba ako nagkaroon ng dalawang kaibigang normal? My ghad. Sumasakit sintido ko dito sa dalawa.

"Hoy Jade ano na nga?" pangungulit nitong si Roan nang hindi ako sumagot sa tanong niya.

Aba, malay ko kung anong itsura ng lalaking yun, hindi ko pa nga nakikita e. But even if he's a good looking man, hindi ako mahuhulog sa kanya. Duh, may boyfriend ako at faithful ako doon.

"It was just a joke, guys." Wala na akong gana kumain, nahati na sa maliliit itong carbonara.

Damn, na i-stress na ako sa mga magulang ko. Arg, di mawala ang inis ko sa tuwing naiisip ko na nagawa nila akong ipagkasundo. 

"Wee?" binalingan ko ng tingin si Roan sa naging sagot nito. 

What? Wee?? Naniniwala ba sila sa sinabi ko? Kasi kung ako nasa kalagayan nila, hindi ako maniniwala. Hindi na nga ata maipinta ang mukha ko simula kaninang umaga pagpasok e. Wala pa nga akong balak pumasok. 

"Baka naman nag i-imagine ka lang? Kinuha mo yung librong binabasa ko 'no!?" Dana conclude.

What the hell? Kahit mahilig akong magbasa ng libro never akong magbabasa ng love story. Shocks that was cringe. 

"Ghad, may Jordan kana Jade. Susumbong kita doon sige ka." dugtong niya pa.

Napairap na lang ako dito sa dalawa. Mukha ba akong ilusyonada? Parang hindi naman ako kilala ng dalawang 'to.

"Babalik na 'ko." tumayo ako at iniwan na sila doon. Narinig kong tinawag ako ni Roan pero hindi ko na sila nilingon.

Lalo lang nila pinapasakit ang ulo ko, jusko akala ko pa naman may maitutulong sila. Napahilot na lang ako sa sintido saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Alright. Kung sino man ang lalaking 'yon, makikita ko na siya mamaya at magkakaroon ako ng chance para makausap siya about sa aming dalawa. Right, kakausapin ko siya at hihikayatin na kumbinsihin ang mga magulang namin na itigil ang napagkasunduan. At kung hindi papayag ang mga magulang namin, hindi na lang kami dadalo ng kasal. Tama, tama! Woosh ang talino ko talaga. *flipped hair

"What the-" what the hell?!

Sino naman itong lapastangan'g babaeng nagtapon sa uniform ko ng tropical shake? Damn. Dumidikit ang lagkit sa katawan ko. 

"S-sorry." I don't know her, pero nakikita ko na ito dito sa campus. But I don't care, she will pay for putting this shit on me, sinandya man niya o hindi.

Tinaasan ko ito ng kilay at baba taas ko siyang tinignan. Gross, ang lagkit na ng balat ko. Malas ba talaga ako sa buhay? Darn.

"Sorry? Are you stupid?! You corked that tropical shake on me!" napaatras ito nang sigawan ko siya, hindi siya tumitingin sakin nasa ibaba lang ang tingin niya. Pansin ko namang dumami ang tao sa paligid, ayan nanaman ang mga chismoso't chismosa.

"H-hindi ko naman sinasadya." garalgal na ang boses nito. Shit. Wala pa nga akong ginagawa, iiyak na agad? Should I give her an award for being a good actress?

"Anong nangyari?"

"Natapunan si Queen ng shake,"

"Paawa effect pa ang tanga tanga kasi."

"Hindi pa tumitingin sa dinadaanan."

"Bulag ata 'yan, e!"

"Baka sinadya niya tapunan si Queen."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, pero hindi ko na pinansin. Mukha na kaming nagshoshoot ng isang movie dahil sa dami ng taong nanonood, kita ko pa ang paglabas ng cellphone ng ibang estudyante. What the heck? Sanay na ako sa ganitong atensyon pero ang may maglabas ng cellphone para videohan ako or kami ay ngayon lang nangyari. Binalik ko ang tingin sa babaeng nasa harapan ko nang magsalita ito. 

"Sorry Queen, hindi ko talaga s-sinasadya. Let me get you another one." ani nito na hindi parin tumitingin.

"You must. Get out of my sight." may diin kong utos dito. Hindi na ito nagsalita, iniyuko niya lang sakin ang ulo niya bago tumakbo pata bilhan ako ng bagong uniform.

Mabilis ko namang binalingan ng tingin ang babaeng nag bivideo. Tinaasan ko ito ng kilay, napansin niya ata yun kaya nabitawan nito ang cellphone niya. Nasa kanya na ngayon lahat ng atensyon at namuo nanaman ang bulong bulongan sa paligid. 

"Bakit?"

"Nagbibidyo ata siya."

"Buti na lang di ako nag video."

"Yari 'tong babaeng 'to."

Naglakad ako papalapit sa babae kaya naman umatras ang mga katabi nito para magbigay ng espasyo. Mukha pa itong natatakot at natatarantang kinuha ang cellphone niya na nalaglag saka pinagmasdan ang mga matang nakatingin sa kanya.

Nang makalapit na ako rito, walang pakundangan kong hinablot ang cellphone niya. Bakas naman ang gulat sa mukha nito. I smirked.

"S-sorry I won't do it a-again," inabot nito ang cellphone niya pero mabilis kong iniiwas ang kamay ko.

"Before you do something..." nilahad ko sa harap niya ang phone. "Think about it first." pagpapatuloy ko. Mabilis kong binagsak ang cellphone niya bago pa man niya makuha ito. Lalo pang umingay ang paligid sa ginawa ko.

"H-how dare you?!" I smirked. Yumuko ito para abutin ang cellphone niya. 

"How dare me?" pero bago pa man nito mapulot ang cellphone niya, mabilis ko itong tinapakan. Mas lalo pang umingay ang paligid dahil doon.

Binaba at tinataas ko ang paa ko sa ibabaw ng cellphone ng babae hanggang sa magbasag basag ang screen nito, at magmukha ng b****a. Nanatiling nakaawang mga labi niya dahil siguro sa gulat sa ginawa ko. Nang makuntento na ako, sinipa ko palayo sa kanya ang b****a nitong cellphone.

"Sa susunod na may makita akong may mag video sa isa sa inyo sa susunod, hindi lang ganyan ang gagawin ko." sabi ko sa lahat ng taong nandoon bago sila talikuran.

Nakuha naman ng paningin ko ang nerd na transferee na seryosong nakatingin sakin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at tuluya ko ng nilisan ang naturang parte ng eskwelahan. Ang babae naman ay naiwang umiiyak doon. You deserved it. How dare me? Fuck you.

Napahawak na lang ako sa uniform ko nang humangin. Shems, I almost forgot. Asan na ba ang babaeng nagtapon sakin nito? Damn!

"Queen!" mabilis kong nilingon ang babaeng tumawag sakin mula sa likod.

Nang lumingon naman ako, ay ang mabilis na paglapit nito sakin at inilahad ang bagong biling Uniform. Good girl. May nagagawa rin pala ang kapangyarihan sa eskwelahan na to.

"Sorry ulit." inabot ko ang uniform at hindi siya sinagot kaya naman yumuko ito ulit sakin at tumatakbong umalis sa harap ko.

Dapat ba ako maging malas araw-araw? Hindi ba ako pwedeng swertehin kahit paminsan lanh? Yung tipong buong sistema ko ay aayon sa nangyari. Aish. Ayoko na maging isang Jade Madison Austrelle, kung pwede lang makipagpalit ng katauhan talagang gagawin ko.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis na tinahak ang comfort room para magpalit at baka mamaya langgamin na ako dito. Shocks.

----

"Gusto niyo mag shopping? My treat." aya ko sa kanila.

Naglalakad na kami ngayon papalabas ng gate, ayoko pang umuwi. Baka nandoon na yung lalaking ipapakasal nila sakin. Damn. Hindi na ata ako nakapag isip ng matino dahil sa kakaisip about sa bagay na ginawa sakin ng mga magulang.

"Sus, gusto mo lang tumakas, e." kinunutan ko ng noo itong si Dana.

Nasabi ko na rin kasi sa kanila ngayon ko makikita kung sino man ang lalaking ipapakasal sakin, at mas excited pa sila kaysa sakin sabihin ko raw kung anong pangalan once na mameet ko at sila na raw ang bahalang mang stalk sa social media account ng lalaki. Kung interesado sila sa lalaking yun, sa kanila I have Jordan anyway.

"E, ano naman? Treat ko na nga, e e'di wag." inunahan ko na sila sa paglalakad. Kung ayaw edi wag psh dami pang sinasabi.

"Wait lang ito naman!" sinukbit nito ang braso niya sa kanang braso ko.

"Ikaw ha may inaway ka nanaman kanina narinig namin habang nag c-cr kanina," ani Roan na naka nguso.

"Inaway? Duh sila naman may kasalanan." totoo naman no, tinapunan ako ng shake nung isa tapos yung isa naman nag video. Pag untugin ko pa silang dalawa, sama ko na tong dalawa kong kaibigan na monggoloid.

"Hay nako Jade, baka mamaya niyan ma--bakit?" natigil si Dana at napahinto rin sila sa paglalakad nang huminto ako.

Nasa harapan na kami ng gate at isang hakbang na lang ay makakalabas na kami. Pero ayoko na humakbang nang makita ko ang sasakyan ni mommy na nakaparada sa harapan, tila naghihintay. Damn. Kailangan pa ba akong sunduin? Ayaw niya ba talaga ako makatakas? Siguro nasa isip na nila na tatakas ako kaya sinundo ako ni mom. Bakit ba kasi kailangan ipagpilitan yun? Ayoko nga magpakasal!

"Jade, ang Mom mo..." bulong sakin ni Roan. Binuksan na ngayon ang bintana ng sasakyan at masuri itong nakatingin sakin.

"Are you okay?" hindi ako sumasagot. Tangina gusto ko humakbang patalikod at tumakbo pabalik sa classroom. Hindi na ba talaga ako makakatakas dito?

"Come on, ihahatid ka namin sa harap ni Tita Marigold." hinila nila ang braso ko pero hindi ako gumalaw. No. Ayoko. Ayoko umuwi.

"Jade, you have to face it." alam kong nag aalala na sila sakin ngayon. Ngayon lang ata nila ako nakita maging ganito; ang matakot sa pag uwi.

"Madison!" sigaw ni mom mula at bago pa ako umatras para bumalik sa classroom nang maramdaman ko na ang kamay nito na hinila pa mula sa pagkakahawak ni Roan kaya naman napabitaw rin si Dana sa braso ko. Bumaba na pala siya sa sasakyan.

"Sorry to interrupt you girls, we have to go." at hinila na nga ako nito palayo sa mga kaibigan ko. Fuck. Naluluha nanaman akl. 

"Mom," hindi ako pinansin nito, binuksan niya ang pintuan ng sasakyan pero di ako pumapasok. "Mom, please..."

"Do I have to push you to get in?" wala na akong nagawa at pumasok na lang sa sasakyan.

Marami siyang sinasabi pero hindi ko ito pinapansin, wala akong balak makinig sa mga gusto niyang sabihin at kung ano naman ang dahilan para ipakasal ako sa hindi ko kilala. At kung ano man ang rason tangina wala akong pakialam.

Hindi rin tumagal ang byahe at mabilis kaming nakarating sa bahay. Ayoko pa lumabas ng sasakyan pero hinila ako ni mom. Mahal pa ba ako ng mga magulang ko? Dahil kung oo, mas gugustuhin nila mangyari ang gusto ko kesa sa gusto nila mangyari. Fuck. Bakit feeling ko may mali sa takbo ng buhay ko? Darn.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaki nang makapasok na kami sap loob bahay. 

Anong ginagawa ng nerd na 'yan dito? Kapatid niya ba ang papakasalan ko? Kuya? Pinsan? Tito? Pamangkin? Tangina sino sa mga yan? Sabihin niyong isa jan sa mga nabanggit ko ang makakasal sakin, wag lang sabihin na itong nerd ang papakasalan ko. Damn. Mamamatay na lang kesa pakasalan to.

"It's good to know that you know each other." nakangiting sabi ng babaeng nasa tabi ng nerd na to. Inayos niya ang salamin niya bago nag iwas ng tingin sakin.

"Jade, dito ka." umupo ako sa tabi ni dad, sumunod naman si mommy na tumabi sakin.

"They are the Carter Fam--" I cut my dad.

"I don't care, just tell me who is my fiance." ramdam ko na ang pamatay na tingin ng dalawang taong katabi ko. Hindi nila ako magawang sampalin ngayon dahil may ibang tao? Heh, platic.

"Elton John Efraim Carter, the guy in front of you." napaismid ako sa naging sagot nito.

Siguro naman nagbibiro lang sila diba? Tangina mukha ba silang nagbibiro? Seryoso lahat ng mga mukha niya. Damn it. Bakit sa isang nerd pa? Bakit sa kanya pa? Paano kung kumalat ito sa buong campus? Damn. Ano na lang ang sasabihin sakin ng mga kaibigan ko? Ano na lang magiging reaksyon ni Jordan kung malaman niya to? Tangina naman ng mundo.

"You must be kidding." pailing iling na sagot ko habang nakatingin sa lalaking kaharap ko ngayon. No, hindi siya ang magiging fiance ko.

"Jade..."

"Mom! Ang daming pwedeng ipakasal sakin bakit yang nerd pa na yan?!" for the second time, I received a slapped but this time it was from my mom. Mabilis akong tumayo at hinarap ang pamilya ng lalaking ito.

"Itigil niyo na po ang kasal, hindi ako magpapakasal sa anak niyo," baling ko sa magulang ni Efraim.

"Jade! What do you think you're doing?!" hinablot ni daddy ang braso ko pero mabilis ko itong binawi.

"Have you gone mad?" this time si mom naman ang humablot sa braso ko pero binawi ko rin agad ang braso ko dito.

"Cancel all the agreements, hindi ako magpapakasal," bago ko sila talikuran, nakita ko ang pag ismid ng nerd.

What the? Nang aasar ba siya? I ignored him at naglakad na ako papaakyat. Narinig ko ang pagtawag sakin ni daddy pero isinawalang bahala ko ito. Hindi niyo ako alaga. 

Wala akong paki kahit magmukha akong bastos sa paningin nila, ang mahalaga ay ma icancel ang kasal. Tangina bat kailangan pa sa nerd na yun? Fuck, fuck, fuck. Sa dinarami rami ng tao bat siya? Damn this world. Damn it.

*****

Keep reading guys! Votes and comments are much appreciated. Thank you!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status