Share

Chapter Six

JADE

"Magpalit na kayo ng unifrom para sa PE." pagtapos sabihin iyon ng class president namin, mabilis namang nagsikilos ang mga kaklase ko.

Ano pa bang aasahan ko? Syempre favourite nila ang subject na p.e dahil doon lang nila narerefresh ang kanilang utak. Mga excited pa itong nagsitakbo palabas ng classroom yung iba sa likod-pinto na dumaan, jusko nagtutulakan pa sila.

"Jade, hindi ka pa ba kikilos? Tayo na lang ang nandito," hindi ko pinansin si Dana at iniyuko na ang ulo ko sa lamesa ng aking upuan.

Isang linggo na ang lumipas magmula nang makilala ko ang lalaking papakasalan ko. Magmula nun hindi ako sumasama kila Dana kapag kasama nila ang lalaking yon. Hindi ko nga alam kung anong nakita nila doon para kaibiganin nila. Hindi ko pa rin na sabi kila Roan at Dana ang tungkol dito, mukhang ganun rin naman ang nerd na yun - hindi parin niya sinasabi siguro dahil hindi naman ako kinukulit ng dalawa ito.

"Jade? May sakit ka ba?" naramdaman ko ang palad ni Roan sa kaliwang parte ng leeg.

"Wala naman,"

Nag angat na ako ng tingin, kami na nga lang talagang tatlo ang naiwan dito. Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo at kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang p.e ko.

"Tara na!" walang gana kong aya sa kanila. Hindi naman na sila nagsalita pa at sumunod na lang sa'kin.

Hindi naman puno ang tao sa cr dahil nahuli kami sa pagpunta dito para makapagpalit ng damit. Pinasok ko agad ang nasa unahang cubicle, at nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako. Nasa harap na ngayon ng salamin sina Roan at Dana, nagpa foundation ata. Nilapitan ko naman sila at tumingin rin sa salamin.

Kitang kita ko ang kurba ng katawan ko, masyado kasing fitted sa akin tong pang itaas kong p.e kaya kapag pinagpapawisan ako ay naiirita ako agad, dahil doon hindi ko kinakalimutan magdala ng extra t-shirt lalo na at mabilis akong pag pawisan.

"Jade, try this. Bagong bili ko lang to kahapon amoy bubble gum." inabot sakin ni Roan ang lip balm na binili daw nito kahapon, inabot ko naman iyon.

Inamoy ko ito bago ilag sa labi ko. Mabango nga talaga, maaakit kang dilaan to dahil sa amoy nitong bubble gum. Pinagmasdan ko ang labi ko mula sa salamin, kumikintab na ito ngayon na may pagka kulay pink.

"Thanks." binalik ko ito sa kanya, inabot naman niya yon kay Dana para ipatry din.

Hilig nitong dalawa ang mag ayos lagi ng mukha. May ginagawa pa nga sila skin care routine daw, hindi ko sila maintindihan dahil hindi naman ako nag gaganun. Ewan ko ba, naaalidbadbaran ako kapag may nilalagay ako sa mukha, hindi rin ako naglalagay ng foundation at yung pampapula ng pisngi. Feeling ko ang dumi dumi nun sa mukha, shocks.

Pagkatapos mag ayos ng dalawa, dumiretso na kami sa field kung nasan ang mga classmates namin. Kompleto na silang lahat doon at kami na lang ang kulang, habang naglalakad at nagtatali ako ng buhok, paano ba naman? Sobrang tirik ang araw tapos dito pa kami mag p-p.e pwede namang sa gym na lang psh.

Nang makalapit na kami ay dumiretso ako sa pinakalikod, sumunod naman sakin sina Roan. Saglit pang nagtagpo ang tingin namin ni nerd bago ako makaupo. Tingin tingin pa ews.

"Lalo siyang gumanda nung nagtali siya,"

"Ngayon ko nga lang nakitang nagtali yan,"

"Ako rin, tapos ang ganda niya pa kahit pawis na pawis na tuwing PE."

"Napaka swerte talaga jan ni Jordan,"

Hays, alam ko namang nagagandahan sila sakin. Pero dapat bang iparinig pa sakin? Shocks. Lumalaki na ata ang ulo ko kakapuri ng mga ito.

Nag uumpisa na ngayon ang p.e namin, at ang topic namin ngayon ay ang dutch ball. Nahati sa dalawang grupo ang section namin para sa activity na ito. At kung minamalas ka nga naman, kagrupo ko pa itong si Nerd. Ang team ko ngayon ang babatuhin, at ang team naman nila Roan ay ang mangbabato samin. Natalo kasi sila bato bato pick kaya sila ngayon ang mangbabato.

Heto na nga kami at nagkukumpulan ng mga kagrupo ko, ako naman ay pumalikod para magtago duh ayokong matamaan ng bola baka masakit sila bumato.

Nasa kaliwa si Roan habang ang class president naman namin ang nasa kanan - nasa likuran ko. Nang marinig naming pumito ang prof namin, binato na ni Roan ang bolang hawak lang nito kanina. Tinamaan ang isa naming kaklase, bumanda iyon sa hips niya kaya naman natamaan pa ang dalawa naming kagrupo. 10 na lang kami!

Mabilis akong pumihit ang mabilis ulit na nagtago sa likod ng lalaking di ko kilala kung sino man to sa mga classmate ko. Hehe hindi kasi ako tumatanda ng pangalan nila. Binato ni Class pres ang bola at may natamaan nanaman. Mabilis ako ulit na tumakbo at nagtago sa likod ng lalaking to, pansin ko rin na nilalagay niya talaga ako sa likod niya para hindi ako tamaan.

Nagsimula na ulit na bumato si Roan, pero ngayon wala siyang tinamaan. Mabilis na nasalo ni class president ang bola kaya huli na ng maisipan kong tumakbo. Damn! Matataya na ako. Napapikit na lang ako ng iangat ni class president ang palad niya para ibato ang bola, pero makalipas ang sampong segundo walang bola ang tumama sakin. E?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko hanggang sa tingalain ko na ang sa tingin ko ay lalaki na humarang sa akin. Wala itong suot na salamin, kitang kita ko kung gaano kaganda ang mga mata nito, kulay abong mga mata.. Bakit.. Bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko?

"Carter, out!" mabilis akong humakbang patalikod nang marinig kong magsalita ang prof namin.

B-bakit bakit ko siya tinitigan? Gaano katagal kaming nagkatitigan? Siya ba ang lalaking pinagtataguan ko kanina? Siya ba ang lalaking naglalagay sakin sa likod niya? Ang mga mata niya.. Nakakabighani ang mga mata niya. Damn. Para akong na hypnotized.

Hanggang nandito na ako sa cr at nagpapalit ng damit, yun parin ang nasa isip ko. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang imahe ng mga mata ng lalaking iyon. Damn you Jade mata lang iyon, bakit ka ba nagkakaganyan! Marahas kong itinulak ang pinto, nadatnan kong muli sina Roan sa harap ng salamin, naglalagay nanamn sila ng mga pampaganda. Pumunta ako roon.

Mabilis silang natapos sa pag aayos, pinagmadali ko talaga sila dahil nag post na daw ang admin ng school namin kung sino ang mga top students. Oo natapos na ang exam namin, 3 days after nung araw na nakilala ko ang ipapakasal sakin. At ngayon naglalakad na kami papunta sa bulletin board, sana lang ay hindi ako bumaba ng rank dahil yari talaga ako. Damn.

"Feeling ko may gusto sayo si Efraim," bulalas ni Roan. 

Efraim? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon. Saan ko nga ba narinig yun?

"Oo nga, may pag shield pa sa kanya kanina." gatong ni Dana.

May pag shield? Kanina? Ang Efraim na tinutukoy nila ay yung nerd? Kaya pala parang familiar ang pangalan. Oo nga! Pinakilala siya sakin ni Daddy, binanggit pa nga nito ang buong pangalan ng nerd na yun, kaso di ko na matandaan.

"Nakita niyo na ba nang malapitan ang mata niya?" hindi ko alam kung bakit bumukas ang bibig ko at iniluwa ang mga salitang iyon. Fuck.

"Paano namin makikita e lagi namang suot nun ang napakalaking salamin niya." si Dana ang sumagot. Nagsalita naman ako.

"Pero wala siyang salamin kanina," napapaisip tuloy ako, baka hallucinations lang iyon. Baka na engkanto ako? Yiw no way!

"Meron baliw. Nahulog lang nung natamaan ng bola yung ulo niya habang pinoprotekhan ka," si Roan naman ngayon ang sumagot.

"Yiee..." rinig kong pagtukso sa akin ng dalawa.

Nagsasalita sila pero hindi ko maintindihan, di ko marinig. Isa lang ang alam ko, mabilis ang pagtibok ng puso ko. Parang hindi ito magkanda ugaga sa bilis. Damn, ano ba ito? Huminto ako sa paglalakad at pinokpok ng tatlong beses ang dibdib ko, napansin ko rin ang paghinto nina Dana at nilingon ako. Hindi parin tumitigil ang malakas na pagtibok nito, tangina?? Pinukpok ko ulit ito ng tatlong beses pero gano'n pa rin.

"Anong ginagawa mo?"

"Ayos ka lang?" halos magkasabay na tanong ng dalawa kong kaibigan. Tangina nitong dibdib ko bakit ba ganito ito.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko" naibubulalas ko na lang. Nagkatinginan pa ang dalawa bago naglakad palapit sakin.

"May sakit ka ba sa puso?" umiling ako. Malabong magkaroon ako ng sakit sa puso, at kung magkakaroon man dapat alam ko dahil every week ay kumukunsulta kami sa doctor para mag pacheck up. Kaya malabo.

Hindi ko na lang pinansin ito ang malakas na pagtibok na yun at niyaya ko na ang dalawa maglakad ulit. Malapit na kasi kami sa kumpulan ng mga tao na nakatingin sa bulletin board.

"Congrats, Queen." bati ng lalaking nakasalubong namin.

Mabilis kaming nakisiksik sa kumpulan hanggang makarating sa unahan. Kitang kita ko ang pangalan ko sa unahan. Jade, you're the best! Napangiti ako bigla. Sa kanang bahagi ng pangalan ko may nakasulat na 'got perfect scores in every subjects' Oh my ghad. Matutuwa sina mom and dad dito! Baka pwede ko na rin silang kumbinsihin. Yes!

Gumapang ang paningin ko sa mga pangalan na nasa bulletin board, nagsimula ako sa number 15 pataas, hanggang huminto ang mata ko sa pangalawang bilang. He also got perfect score!

"Ano ba yan Rank 5 pa rin!" rinig kong sabi ni Dana.

"Ako 4 haha nice nataasan kita ng isa" sabi naman ni Roan. "Wow! infairness, ha? Naka perfect rin sa lahat si Efraim." hinawakan pa ni Roan ang pangalan na nasa ibaba ng pangalan ko.

"He definitely a geek," bulong sa amin ni Dana.

Bago lang siya pero nasungkit niya agad ang pangalawang pwesto at naka perfect pa sa lahat. Dapat na ba akong ma amaze?

Mabilis na gumapang ang oras, alas dos na ng hapon. Uwian na! Mabilis kaming lumabas ng classroom ng mga kaibigan ko, agad kong kinapa ang phone ko at nang makapa ko iyon mabilis akong nagtipa para itext si Jordan.

2nd anniversary namin ngayon, yayayain ko siyang kumain sa labas.

From: Jordan,

I'm sorry may importante kasi akong gagawin. Can we do it tomorrow? Promise babawi ako.

Mabilis na sumimangot ang mukha ko nang ma received ang text nito. Madalas na nga siyang walang oras sakin tapos mukhang nakalimutan niya pa na anniversary namin ngayon. Hindi ko naman kasi siya binati nung nagtext ako, gusto ko kasi siya ang unang babati sakin. Pero eto, tangina.

Nilagpasan ko sina Dana, mabilis akong naglalakad ngayon. Pupuntahan ko siya sa gym alam kong nandoon siya, dahil tuwing natatapos ang klase doon siya lagi pumupunta. Naiintindihan ko naman na basketball player siya sa school na to kaya minsan iniintindi ko ito tuwing nagpapaalam sakin na may training sila kahit na monthsary pa namin. Pero ngayon na anniversary namin hindi nanaman niya ako sasamahan kumain sa labas!? Arg umiinit ang ulo ko.

"S-sorry," sabi ng babaeng nakabungguan ko. Hindi ko ito pinansin at nilagpasan lang siya ng lakad.

Wala akong panahon ngayon para doon maybe next time kapag nakita ko siya ulit. Mas binilisan ko pa ang lakad, lakad - takbo na nga ata itong ginagawa ko. Gusto ko makasama ngayon si Jordan, damn. Namimiss ko na siya.

Sumilip muna ako sa bintana nitong pintuan ng gym, at iniikot ang paningin, baka kasi mamaya pumasok ako dito tapos wala naman palang tao. Hindi ako nagkamali, andito nga si Jordan pero siya lang mag isa. Binuksan ko ang pinto at humakbang papasok pero hindi pa man ako umaabot kay Jordan nang may babaeng nagbukas ng isang pintuan ng gym at tumakbo papalapit kay Jordan.

Nagyakapan sila.. Sino itong babae? Damn. Is he cheating?

Kumawala sa pagkakayakap ang babae kay Jordan. Teka, parang nakita ko na ang babaeng to dati ah? Tumawa ng napakalandi ang babae bago halikan itong si Jordan. Potang ina ano itong mga nakikita ko? Fuck!

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, mabilis ko silang nilapitan. Sinabunutan ko agad ang babae at nanlaki ang mata nito nang makita ako.

"J-Jade," ano Jordan? Ano? Are you shocked?! Tangina kailan pa ba ako niloloko ng lalaking to? Putcha.

"Ito ba ang sabi mong importante mong gagawin? Ang makipaghalikan sa babaeng to?!" hinigpitan ko pa lalo ang sabunot sa babae, napapapikit na to dahil sa sakit. Nakahawak lang ang kamay niya sa buhok na hawak hawak ko.

"Nas-sasaktan ako," who cares bitch? Mas nasasaktan ako tangina!

"Jade, let her go!" hindi ko pinansin ang sinabi nito.

"Alam mo ba kung anong petsa ngayon? 2nd Anniversary natin! F-fuck.." pumiyok na ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina pa gustong kumawala. Tangina, bakit ang sakit?

"I-I'm sorry," binitawan ko ang babae at ubod na lakas na sinapal ang pisngi ni Jordan.

Hanggang kailan niya pa ako lolokohin kung hindi ko sila nahuli? Fuck. Bakit hindi ako nakaramdam na nagloloko na pala ang lalaking to. Never ko siyang pinagdudahan, malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero sinira niya lang lahat. Sinira niya, hindi lang iyon pati na rin ang relasyon namin. Tangina.

"Magsama kayo!" tinulak ko sa kanya ang babae at lumabas sa pinasukang pinto ng babaeng iyon.

Walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Feeling ko napakamalas ng buhay ko, akala ko si Jordan ang magpaparamdam sakin ng hindi ko nararamdaman kila daddy pero mali ako. Damn mali ako! Masyado akong nagtiwala sa kanya na dapat hindi ko ginawa.

Paglabas ko ng gate ay wala ng mga estudyante doon, kaya naman umupo ako sa waiting shed. Napaluha ako ulit nang sumagi sa utak ko ang imahe ng dalawang iyon na naghahalikan. Ang babaeng nakita ko kanina, yung babaeng nakatapon sakin ng tropical shake. Damn. Mga walang hiya! Mga hayop! Marurumi! Napahagulgol na ako sa sakit na nararamdaman. Wala na akong paki alam kung may makakita pa sa akin dito, gusto ko lang umiyak nang umiyak.

"Austrelle,"

Tinanggal ko ang dalawa kong palad habang nakatingin parin sa baba. Nakita ko ang panyo na inaabot sakin ng lalaking nasa harapan ko. Tiningala ko ito para makita kung sino siya. Damn. Bakit kailangan na siya pa ang makakita sa akin sa ganitong sitwasyon?! Mabilis akong tumayo, nang lalagpasan ko na ito ay hinawakan niya ang kamay ko pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya.

"Pinapasundo ka sakin ng Dad mo." hindi ko alam pero bigla na lang ako umiyak ulit.

Ayokong umuwi ng bahay. Ayoko makita sina mom and dad. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon na ipinagkasundo nila ako. Ayoko umuwi, ayoko. Ayoko.

Sa gitna ng pag iyak ko ay naramdaman ko na lang ang mga brasong pumulupot sakin at inihilig ang ulo ko sa dibdib nito. Dahan dahan pa nitong tinatap ang likuran ko. Patuloy lang ako sa pag iyak sa dibdib niya, wala na akong paki kung siya pa ang lalaking nakayakap sakin ngayon. Wala na akong paki kahit na mukha na akong kawawa sa paningin ng nerd na ito.

"Shh..." bulong nito.

Hinakawan ko ang vest nito at mas idiniin ko pa ang sarili ko sa dibdib niya. Damn. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Lalo pa akong humagulgol sa pag iyak...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status