Share

CHAPTER 2

  

"Malalampasan din natin ang lahat ng ito, papa." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa ama, pigil niya ang mga luhang nais maglandas sa kanyang mga mata. 

Kailangan niyang magpakatagtag upang sagayon ay hindi panghinaan ng loob ang ama. Batid din niya ang labis na paghihirap nito dahil sa karamdaman nito.

Kung paano at saan siya magsisimula para matubos at mabawi ang Hacienda ay hindi niya alam. Alam niyang mahirap ngunit ayaw niyang sumuko at panghinaan ng loob. Alang-alang sa nasira niyang ina gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang lahat ng nawala sa kanila. 

Ilang araw nalang ang makikita na nila ang bagong may ari ng kanilang mga ari-arian. Dalangin niya na sana'y hayaan sila nito na tumira sa mansion habang hindi pa lubusang magaling ang ama. At habang pinagiipunan niya ang pambayad sa kanilang Hacienda. 

"Salamat, hija. Don't worry, hindi na ako muling iinom," nakangiting tugon ng matandang don. 

"I love you, papa. At kahit anong mangyari hindi po iyon mag-iiba." aniya ang mga luhang kanina ay nagbabadya ngayon ay kusang naglandas sa magkabila niyang pisngi.

Nakangiti ngunit luhaan nakamasid sa kanila si Nana Delia. Maging ang mayordama ay labis na nalulungkot para sa mag-ama. Naging napakabuti ni Don Feliciano sa kanilang lahat at itinuring silang mga kasambahay na bahagi ng pamilya. 

Maging sa mga trabahador at magsasaka sa Hacienda. Kung bakit pa kailangan isanla at ibenta ang mga ari-arian ng mga ito ay labis na ikinalulungkot ng ginag.

"Nakahanda na ang hapunan, hija." 

Pinahid ni Danna ang mga luha sa mata at nakangiting bumaling kay Steff. Sige po nanay Steff. Maraming maraming salamat ho." mula sa pusong aniya. Inalalayaan ang Don upang dumulog sa mesa.

Sumisimsim ng alak si Eugene habang nakatanaw sa mga gusaling nagtataasan. Kasalukuyan siyang nasa loob ng sariling opisina. Nagmumuni-muni  kung ano ang dapat  gawin upang pag bayarin ang don sa mga kasamaan at kawalanghiyaan nito.

"Sisiguraduhin kong maghihirap ka Don Feliciano. Pagbabayaran mo ng mahal ang kahayupang ginawa mo sa mga magulang at kapatid ko!" 

Muling nanalasa ang sakit Sa dibdib niya. Nag-iigting ang mga bagang Na waring nais na niyang ipatikim sa don ang lupit ng kanyang paghihiganti.

Maya-maya'y bumukas ang pinto, niluwa n'yon ang kinikilalang mga magulang ni Eugene. Ang mag-asawang Bermudez ang kumupkop sa kanya mula noong natagpuan siya ng mga ito sa kalsada at kamuntikang mabundol.

Dahil hindi pinagpala na mabigyan ng anak ang mag-asawa. Itinuring siyang tunay na anak at kadugo ng mga ito na labis-labis niyang ipinagpapasalamat.

Ibinigay sa kaniya ang luho at respeto na kailanman ay hindi niya tinamasa noon. Utang niya ang lahat sa mga kinikilalang magulang na nag-aruga, nagpalaki at nagmahal sa kaniya bilang tunay na anak ng mga ito.

"Hijo, I miss you son." anang ginang nilahad sa ere ang mga braso upang salubungin ng yakap ang anak.

"I miss you too, Ma. " yumakap ng mahigpit na tugon ng niya bago hinagkan sa noo ang may edad na babae. 

"Hi, dad, handsome as always huh?" birong wika niya sa ama. Humiwalay sa pagkakayakap sa ina at yumakap sa ginoo.

"Just like you, son." may ngiti sa labing sagot ni Dommon sa anak. "Conratulation, son. You made it! We are so proud of you, hijo." dugtong pa nito tinapik-tapik ang balikat ng anak. Naisara kasi niya ang business deal kay Mr. Kert kahapon.

"Thanks dad, nagmana lang po sainyo."

"So, let's celebrate to that, hijo. Magpapa-party ako para sa'yo, anak." suhestiyon ni Beatris. 

Sa tuwing may naisasaradong business deal ang anak ay ipinagdidiwang ito ng ginang. Ayaw man ni Eugene ay hindi siya makatanggi sa ina.

"May hihilingin lang po sana akong pabor, Ma, pa. " panimula niya na pjnaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.

"What is it, son?" diretsong tanong ni Dommon.

Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Eugene bago nagpatuloy.  "I'm leaving." tipid nitong wika na ikinagulat ng mga magulang.

"Babalik po ako ng Pilipinas. May branch po ang company natin doon ako na lamang ang magmama-manage doon."

"Is that the real reason why you want to leave, son?" hindi kumbinsidong tugon ni Dommon.

Panandalian natigilan si Eugene. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang ang tungkol sa kaniyang paghihiganti kay Don Feliciano. Matagal na sana niyang ginawa iyon pero ayaw ng kanyang ina. But this time he has the guts and strenght to fulfill what is right.

"Dad, Ma. I already owned his properties, perhaps it's the right time to-"

"No! Your not leaving!" mariing putol ni Beatris sa sasabihin ng anak.

"Ma..."

"You're not going back to the Philippines. Hindi ako papayag!" may diing pahayag ng ginang, nasa tono nito ang hindi pagsang-ayon sa anumang binabalak niya.

"Ma, we talked about this before. Kapag hindi ko pa ginawa ngayon baka hindi ko na magawa kailanman. Kailangan pagbayaran ni Don Feliciano ang pagpatay niya sa pamilya ko. Kailangan mabigyan ng hustisya ang pagkawala nila. Kailangan mabigyan ko sila ng katarungan!" Patuloy na aniya.

"No! Ayuko!"

"Ma!"

"I've heard enough Eugene Bermudez!" You're not leaving!"

"Bea, malaki na ang anak mo at tama siya kailangan managot ang mga taong pumatay sa pamilya niya. Why don't we just support him?" wika ni Dommon. 

"Why?! Aren't  we enough, hijo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal namin sa'yo and you have to go back for that revenge of yours?"

"Ma-"

 

"You heard me! Your not leaving!" Pagkasabi nyon ay lumabas ito ng opisina.

Napahilamos na lamang ng sariling mga palad si Eugene. 

"I'll talk to her, son." 

" Thanks dad." tinapik ng ama ang ang balikat niya bago sinundan ang asawa.

Kung pagmamahal din lang ang pag-uusapan ay labis-labis ang natatanggap niya mula sa kinikilalang mga magulang. He lost his parents but God sent them for him at ipinagsasalamat niya iyon at ipagpapasalamat habang buhay. Mula nang ampunin siya ng mga ito ay kailanman ay hindi niya naramdaman na hindi siya kadugo ng mga ito. Lalong-lalo na ang kanyang ina.  Ito na yata ang pinakamabait at mapagmahal na ina sa buong mundo.

Subalit hindi niya kayang ipagsawalang bahala nalang ang totoong pinagmulan niya. He can't just forget everything about his past. Hindi siya pinatatahimik ng nakaraan! He loved her mother for heaven's sake. God knows kung gaano niya kamahal ang kinilalang ina pero buo na ang pasya niyang bumalik ng Pilipinas at harapin ang masalimoot niyang nakaraan. 

 

Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagpababayaran ni Don Feliciano ang kasamaan nito. At gagawin niya ang lahat makaganti lamang dito.

"Anong nangyari kay papa?" Abot-abot ang kabang tanong ni Danna. Nasa Hacienda siya nang makatanggap ng tawag mula sa isa sa kanilang mga kasambahay upang ipaalam na isinugod sa pagamutan ang kanyang ama.

"Nasa ICU pa siya, hija." ang mayordoma ang sumagot.

"Kumusta na po siya?" nanginginig ang boses na tanong niya kay Nana Delia Nag-unahan na rin maglandas ang masaganang luha sa kaniyang mga mata.

"Huwag kang mag-alala, anak. Stable na raw ang lagay ng papa mo sabi ng doctor. Baka mamaya ay ilipat na rin siya ng silid." Pagpapatahan ng butihing kasambahay. 

Batid nitong nahihirapan na rin ang dalaga dahil sa sunud-sunod na suliraning dumating sa mag-ama. Ang nakakalungkot pa nito'y nag-migrate na sa ibang bansa ang kamag-anak ng Don. Ang nag-iisang kapatid naman ng mama ni Danna ay nasa Canada na rin kasama ang pamilya nito. Kung kaya't mag-isang kinakaharap ng dalaga ang unos sa kanilang mag-ama.

Awang-awa na ito sa dalaga at tanging maititulong lang nito rito ay ang pagsuporta, pagdamay at paggabay rito.

Napahagulhol na lamang ng iyak si Danna. Batid niyang mahina na ang ama ngunit ang pakaisipin na mawala ito sa kaniya ay nagdudulot ng paninikip ng dibdib niya. 

Masakit pa rin sa kaniya ang pagpanaw ng ina dalawang taon mahigit na ang nakararaan. At hindi niya makakayanan kapag mawawala pa ang nag-iisang magulang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status