Share

CHAPTER 6

    NAGISING si Danna dahil sa malakas na kalampag ng pinto. Ayaw pa sana niyang bumangon pagkat naiidlip pa ang diwa niya. Pakiramdam din niya'y binugbog ang buong katawan niya sa subrang pananakit at pamimigat sanhi ng mahabang trabahong ipinagawa sa kanya ng bagong may ari ng mansyon. Isa pa'y hindi niya nakasanayan ang mga gawaing bahay higit sa lahat ay ang magpuyat. 

  

  Muntik pang mahulog mula sa maliit na kama si Danna sa labis na pagkagulat nang muling kumatok ng malakas ang nasa labas. Tila walang pakialam kahit masira pa ang pinto.

  

  "Sandali," pupungas-pungas na sagot niya.  

  

  Mabilis niyang isinuot ang tsenelas upang pagbuksan ang pangahas na gumambala sa malalim niyang tulog.

  

  "What are yo—nabitin sa ere ang anomang nais sambitin ng dila nang bumungad sa pinto ang babaeng kanina pa gustong tirisin. 

  

  Napatda si Eugene habang nakatitig sa magulong buhok ng bagong gising na babae. Idagdag na rin na nakasuot lamang ito ng manipis na night dress. At sa subrang nipis niyon ay hindi maiwasan mabanaag niya ang maumbok nitong dibdib. Kagyat siyang napalunok sa magandang tanawing nakikita. 

  

  Damnit! Pero agad rin niyang kinastigo ang sarili. What the hell is happening to him? Imagine from anger to arousal? Damn ass! He felt the sudden tightening of his pants. And this is the very first time na may babaeng nakagawa niyon sa kanya. Fuck! This can't be! He shouldn't feel this kind of feelings towards this woman pero lalaki lamang siya't natural na makaramdam ng ganon.

  

  Hindi siya dapat makaramdan ng gan'on sa anak ng taong kinasusuklaman. Hindi puwede!

  

  "Hindi kita pinatira rito para matulog sa buong maghapon! Ayusin mo ang sarili mo at simulan mo na ang mga trabaho mo o baka naman nakakalimutan mo na ang estado ng buhay mayroon ka ngayon?" patuya at may diing saad ni Eugene upang pagtakpan ang damdaming bigla nalang nagising sa loob nga katawan. "Damn that asset!" lihim na himutok ng isip ng lalake pinanatili ang kabagsikan ng mukha

  

  Napayuko si Danna sa pagkapahiya sa sinabing iyon ni Eugene. Sa isang iglap nawala lahat ng karapatan niya at kalayaan sa mansion. Gayon pa man, wala siyang makapang galit sa dibdib niya. Marahil ay kagustuhan rin ng diyos kung bakit nangyayari ito sa kanilang mag-ama. 

  

  "Pasensiya na, hindi ko..."

  

  "I'm not asking any words from you, kumilos ka na!" maawtoridad na utos ni Eugene. 

  

  Mabilis siyang nagpalit ng damit  upang magtungo sa loob ng mansyon. Kailangan niyang matapos ang trabaho upang madalaw ang ama sa hospital. Miss na miss na kasi niya ito.

  

  Napatigagal siya nang bumungad sa paningin niya ang makalat na silid ni Eugene. Wari bang sinadyang ikalat ang mga damit sa kama at sahig katulad na lamang kagabi. Mistulang kinahig ng libo-libong manok ang tokador na kaaayos lang niya kagabi. Dirediretso siya sa banyo. Kung gaano karumi ang silid ay higit pa roon ang bathroom. 

  

  Nanlumo siyang napasandig sa pader. "Ganito ba kaburara ang lalaking iyon?" napailing na naitanong niya sa sarili.

  

  Inisa-isang pulutin ang mga kalat sa silid. Pati ang dating unan niya'y hindi pinatawad ng hudyo! Sinadya yatang laslasin para magkalat ang laman niyon.

  

  Napabuntong hininga na lamang siya. Anong klaseng lalaki ito at napakaburara. Kailangan niyang bilisan ang paglilinis bago pa dumating ang magaling na lalaki.

  

  "Senyorita, akin na ang maru-ruming damit ni senyorito para malabhan ko na." bungad na saad ni Nanet. Pumanhik ito sa taas nang makitang sumakay ng kotse ang binatang amo.

  

  "Salamat nalang Nanet pero baka mapagalitan ka pa, personal maid niya ako. Ako ang gusto niyang magsilbi sa kaniya," aniyang pinasaya ang tono pero na sa mga mata pa rin niya ang lungkot.

  

  "Okay lang iyon senyorita, wala naman si senyorito. Umalis na kaya ako na ang gagawa ng mga trabaho mo. Alam ko naman na hindi ka sanay sa mga gawaing bahay, eh."

  

  "P-pero..."

  

  "Wala ng pero-pero senyorita, bumaba ka na at kumain. Hindi ka pa nag-aalmusal, ah. Pasensiya na rin at ikaw ang nakapaglinis ng kusina kagabi, pinagsabihan kasi kami ni senyorito na bukas nalang daw namin tapusin, hindi naman namin alam na ikaw ang gustong gumawa niyon. kung alam ko lang nungkang susundin ko ang guwapong antipatikong iyon," saad dito ni Nanet na ikinangiti niya.

  

  "At kailan ko pa kayo binigyan ng karapatan pag-usapan ako?!"

  

  Mula sa likod ni Nanet sumulpot ang lalaki na kinalundag ng katulong sa subrang pagkagulat. Napawi ang mga ngiti sa labi ni Danna nang dahil sa biglaang pagsulpot ni Eugene.

  

  Ang mabalasik nitong mga mata'y matalim na nakatitig kay Danna tila ba kay laki ng nagawa niyang atraso rito. Paalis na sana ito ngunit naiwan nito ang mga papeles sa loob ng kuwarto. 

  

  "Ikaw, sa halip na makipagtsismisan ka sa babaeng iyan bakit hindi mo gawin ang trabahong naatas sa'yo?"galit nitong turan kay Nanet na nagmistulang ibinabad sa suka sa pamumutla. 

  

  Nanatiling nakatitig ang madilim nitong mga mata kay Danna.

  

  "P-pasensiya na senyorito, kukunin ko lang po sana ang mga labahan para malabhan ko na," nakayukong katwiran ng kasambahay.

  

  "Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang mga sinabi ko ha Nanet?" galit na baling dito ni Eugene. "Lumabas ka na! She don't need you here and I don't want any of you to help her! Oras na sinuway mo ako, palalayasin kita rito sa mansiyon. Naiintindihan mo ba iyon?!" nagtatagis ang mga bagang na panenermon dito ng binata. 

  

  Mabilis namang tumalima si Nanet laglag ang mga balikat na lumabas ng silid hindi na rin nito nakuhang lingunin ang dating amo.

  

  "Ikaw? What are you waiting for? Bakit ang bagal mong kumilos? Hindi ka kakain hanggat hindi mo natatapos ang paglilinis dito sa kuwarto ko!" mariin at halos pasigaw na bigkas ni Eugene. 

  

  Hindi pa ito nakuntento at hinawakan ng mahigpit sa braso niya. Inangat ng dalaga ang mukha upang makatwiran. Sumalubong sa kaniya ang guwapong aura ng binata. Nagkatitigan sila at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha pagkat nakayuko rin ng bahagya si Eugene sa kanya. 

  

  Marahas nitong nabitawan ang braso niya pagkat tila ito mapapaso sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Despite of the fact that he could smell her aroma, her female scent and her red lips that rapidly captured his eyes . "Shit!" napamurang bulalas nito malalaki ang hakbang na lumabas ng silid.

  

  Ilang segundo rin napatulala si Danna sa kinatatayuan. Hindi niya lubos maisip kung bakit tila napakalaki ng galit sa kanya ni Eugene gayong kahapon pa lang sila nagkakilala.

  

  Inis na pinaadar ni Eugene ang sasakyan hindi na rin ito nag atubili na balikan ang dokumentong kukunin sana nito sa kuwarto. 

  

  Sa halip na sa opisina magtungo ang binata ay nagpunta ito sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan.

  

  Sa kagustuhang madalaw at makita niya ang ama ay mabilis niyang tinapos ang mga gawain nakaatas sa kaniya. Naisip niya na wala rin magiging problema kung dadalawin niya ang ama, tutal ay tapos na rin ang trabaho niya. Hindi rin siya hinayaan ng mga kasambahay na gawin ang mga ipinag-utos ng maldito nilang amo. 

  

  "Mag-iingat ka senyorita sana'y gumaling na agad ang don para mailabas mo na siya sa hospital." saad pa ni Aling Lilia, ibinigay ang basket na naglalaman ng mga pagkain para kay Ging na tanging katuwang ni Danna sa pagbabantay sa kaniyang ama.

  

  "Salamat po, sana nga po ay gumaling na si papa," muling  nangilid ang mga luhang aniya.

  

  Papalabas na siya ng pinto nang makasalubong niya si Eugene. Katulad ng palaging hitsura nito. Madilim ang mukha at tila gusto na siyang patayin ng lalaki sa mga titig nito sa kaniya. "Where do you think your going?" nakaharang sa dadaanan niyang tanong nito.

  

  "P-pupunthan ko lang si Papa, natapos ko na ang trabaho—”

  

  "Pumapayag ba akong basta ka na lang umalis ng mansion kung kailan mo gusto?" 

  

  "I want to see him, masama bang dalawin ko ang papa ko?"puno ng hinanakit niyang turan.

  

  "Baka nakakalimutan mong ako na ang nagmamay-ari ng lahat ng ari-arian ninyo? Ako ang masusunod at kapag sinabing kong hindi puwede! It means no!" ang mga mata'y  nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. 

  

  "You can't do this to me Eugene. I have a right to visit him, he's my father, I'm worried about him why can't you let me."

  

  "Don't you ever dare woman! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" 

  

  Hinawakan na naman siya nito sa braso at marahas na pinaharap dito. "Ako lang naman ang gumagastos sa gamutan ng iyong ama! Subukan mong lumabas sa pintong iyan at ora mismo ay itatawag ko sa hospital na tanggalin ang mga tubong naka kabit sa matandang iyon nang sagayon ay tuluyan mo na siyang hindi makita!" igting ang mga bagang at bulalas nito.

  

  Pinanlakihan siya ng mga mata sa tinurang iyon ng lalaki. Yes indeed. Hindi kasya ang salaping naitabi niya para sa pagpapagamot ng ama. Pero hindi naman tama na huwag siya nitong payagan na Makita at madalaw man lang ang amang nakaratay sa hospital.

  

  Naglandas ang mga luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata habang nakikipagtitigan kay Eugene. Wari naman natauhan ito at nabitawan ang braso niya.

  

  Alam ni Eugene na tama ang ginagawa nito para ipalasap dito ang sakit kung paano mawalan ng minamahal ngunit kung bakit iba ang idinidikta ng puso ng binata? Hindi nito gustong nakikitang lumuluha ang babae. Hindi nito gustong nahihirapan ang dalaga! Hollycow! Itinaboy ni Eugene ang anumang damdaming namumuo sa dibdib para sa anak ng Don. Hindi dapat! Marahil ay hindi lang ito sanay na magpahirap ng ibang tao. Hindi kasi ito pinalaki ng ganon. Ngunit hindi sa pagkakataong ito.  Hindi tiyak ni Eugene ay ang damdaming umuusbong sa dibdib nito.

  

  Hindi nito dapat pairalin ang awa para sa mag-ama because they don't deserve such word! Mayriing bulalas nito sa sarili. " Don't force me to do such thing kung gusto mo pang makitang humihinga ang iyong ama," sa huli nagbabalang anito sa kanya.

  

  Naiwang luhaan si Danna. Mabilis naman siyang dinaluhan ng mga kasambahay upang payapain ang pakiramdam niya.

  

  "Kung anong gandang lalaki ng lalaking iyan ay iyon naman ang kapangitan ng pag-uugali mayroon siya," hindi napigilang bulalas ni Belen.

  

  "Belen, baka marinig ka!" si Aling Lilia hinihimas ang likod niya para pagaanin ang pakiramdam niya.

  

  "Bakit ayaw niya akong payagan? Bakit galit siya sa akin? Wala naman akong kasalanan sa kanya," humagulhol na turan niya.

  

  "Hija, baka mainit lang talaga ang ulo ni senyorito ngayong araw. Kausapin mo nalang uli mamaya at baka magbago rin ang isip," 

  

  "Aling Lilia, miss na miss ko na po talaga si papa," hilam sa luhang pagtatangis niya.

  

  "Sarap talagang undayan ng sapak ang guwapong Eugene na iyan, eh." sabat ni Nanet. 

  

  "Ako na lang ang pupunta sa ospital at magbabantay kay don Feliciano senyorita," presenta ni Belen.

  

  "Ang tanong kung papayag ba ang antipatikong lalaking iyon?" umismid na saad ni Nanet.

  

  "Magpapaalam ako," taas noong tugon dito ni Belen."Hindi naman puwede na walang magbantay kay don, kailangan din magpahinga ni aling Ging." dagdag pa nito.

  

  "Tama ka Belen maiging subukan mong magpaalam kay senyorito, Eugene." sumang-ayon na tugon ni Lilia.

  

  Nanlumo si Danna nang magpaalam si Belen. Pumayag ang binatang amo na ito ang pumunta sa hospital sa halip na siya ang bigyan ng fabor. Gayon pa man ihinabilin nito kay Belen na ipaabot sa ama na mahal na mahal niya ito at miss na miss na rin niya ang don. 

  

  "I'm going out with my friends at huwag kang matutulog hanggat hindi pa ako nakakauwi." Nagbuga ng sigarilyong bilin dito ni Eugene bago sumakay ng kotse nito. 

  

  Tumango na lamang siya bilang pagtugon. Hanggat maaari ay ayaw niyang suwain ang utos ng damuhong binata.

  

  "Anak, umidlip ka na muna, gigising lang kita kapag dumating na si senyorito." 

  

  "Ayos lang ako aling Lilia, uminom po ako ng pinakamatapang na kape kaya hindi po ako agad na aantukin, kaya ko pa pong hintayin si Eugene," nakangiting tugon niya sa may edad na babae. 

  

  "Anak, kailangan mo rin magpahinga. Aba! Nangangalumata ka na ah," 

  

  "I'm fine, aling Lilia. Magpahinga na po kayo baka nga ho parating na iyon, eh." aniyang siniglaan pa ang pagpapatotoo ng pananalita upang huwag siya nitong alalahanin. Kahit ang totoo'y nais na niyang ipikit ang mga mata sa labis na pamimigat niyon.

  

  "Sige, pero pagpatak ng alas dose at wala pa ang senyorito ay matulog ka na rin, okay?"

  

  "Opo, aling Lilia,"

  

  Subalit mag-aalas dose na rin ng hating gabi ay wala pa rin ang hinihintay niya Antok na antok na siya. Naupo siya sa mahabang sofa at isinandig ang nanakit niyang likod. Marahil sa pagod ay hindi niya namalayan na nakatulog siya sa paghihintay.

  

  "Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi si Eugene. Nagtagis ang mga bagang nito sa dahilang hindi nakikita ng mga mata ang babae. 

  

  Papanhik na sana siya ng hagdan nang masipat ang babaeng hinahanap ng mga mata. Lumapit siya sa kinaroroonan nito upang pagalitan at sitahin ang babae. Malinaw ang pagkakasabi niyang huwag itong matulog hanggat hindi pa siya nakakauwi. Pero bakit nga ba niya iyon sinabi? Bakit kailangan pa nitong hintayin ang pag-uwi niya? Hindi kaya gusto lamang niya itong masilayan sa pagdating niya? Hayon na naman ang parteng iyon mg pagkatao niya. At katulad ng madalas niyang gawin mabilis niyang itinaboy ang damdaming iyon.

  

  "Didn't I tell you not to---" napatigil siya sa pagsasalita nang masilayan ang kapayapaan sa mukha ng dalaga habang nakapikit ang mga mata. Halatang malalim na ang tulog nito. Sinadya niyang yumuko upang lalong mapagmasdan ang kabuuan ng mukha ng anak ng lalaking kinasusuklaman niya. 

  

  Hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Eugene ang mga luha sa pisngi ng babae. Halatang nakatulugan nito ang pag-iyak. Nakuyom niya ang kamao at pigil ang sarili na huwag mahaplos ang maamong mukha ng dalaga. Seeing her in this state makes him feel awful. Hindi nga niya ito kilala ng lubos pero sa nakikita niya ay napakabait ng babae. Ibang-iba ito sa mga babaeng dumaan sa buhay niya higit sa lahat malayo sa mga babaeng nakilala niya sa state.

  

  "Fuck! What is wrong with him?" Hindi niya ito dapat pagkabalahan lalo na ang ikumpara ito sa mga babaeng nakasanayan niya. Muli ay itinaboy na naman niya ang nararamdaman habag para rito.

  

  "Kasalan ng amo mo ang lahat ng ito. Pasensiyahan na lang tayo, Danna. Pero ikaw ang magbabayad ng lahat nang kasamaan at kalupitan ng iyong ama."sa loob-loob na aniya bago tuluyang umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.

  

  

  

  "Pupuntahan ko ang mga magsasaka bukas and I want you to be there to introduce me as the new owner," nagsindi ng sigarilyong pahayag nito sa kanya kinabukasan. 

  

  "S-sige,"

  

  "By the way, kailangan mong maglakad patungo roon mayroom akong mahalagang ipapagawa sa driver.

  

  Lihim siyang napangiwi, gusto siyang paglakarin ng lalaki? Tatlong kilometro rin ang layo ng asyenda mula sa kinatitirikan ng mansyon. Labag man sa kalooban niya ang maglakad ng ganun kalayo ay wala na rin siyang pagpipilian.

  

  Tirik na tirik ang haring araw. Pakiwari niya'y hihimatayin siya dulot ng sikat niyon. Humahapdi na rin ang balat niya at pinagpapawisan na rin siya ng malagkit. Idagdag pa ang matinding pagka uhaw. Tantiya niya'y nangangalahati pa lamang siya.

  

  Buong buhay niya'y hindi pa siya nakapunta ng asyenda na naglalakad. Pakiramdam niya'y hihimatayin pa siya. Na sana'y kasi siyang nakasakay ng kotse o kabayo sa tuwing nagpupunta sa hacienda.

  

  

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status