Share

CHAPTER 7

  

"Danna?!" 

Malakas na tawag ni Nube sa pangalan ng dalaga na ikinalingon niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat niya pagkatapos ay mabilis na bumaba mula roon. 

"Danna, bakit ka naglalakad? Nasaan si Semon? Bakit hindi ka nagpahatid? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa kanya.

"Kailan ka dumating?" Sa halip ay tugon niya na natutuwang niyakap ang kaibigan na ilang buwan din niyang hindi nakita."Kumusta ka na?" 

"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Danna." Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-aalala.

"G-gusto ko lang maglakad," naging mailap ang mga matang aniya na kinakunot noo ng lalake. 

Ang totoo'y walang kahit anumang natira sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi niya gustong kaawaan siya nito.

"Are you okay?" 

Bumalik ito kaagad ng bansa nang mabalitaan ang nangyari sa Don . Masyado kasi itong naging abala sa pag-aasikaso ng mga negosyong naiwan ng mga yumaong mga magulang kaya't malimit na rin nitong makumusta ang kaibigan.

Hindi rin nakaligtas dito ang pangangayayat at pangangalumata ni Danna. Sa nakikita ngayon ni Nube ay ibang-iba na dalaga kumpara sa Danna na kilala nito noon. Napakalaki ng ihinulog ng katawan ng babae. Wala na rin ang kislap sa mga mata ng kaibigan na dati ay puno ng mga pangarap. 

"Ayos lang ako.  Ikaw? Kumusta ka?" aniyang pilit na pinagsila ang boses upang itago ang pait na nadarama.

"No you don't look okay. You're not okay, Danna."

"P-pagod lang siguro ako pero wala ka naman dapat na ipag-alala, eh,"

Nagulat na lamang si Danna nang bigla na lamang siyang yakapin ng lalaki. Pero agad din siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya. 

Hanggat maaari ay ayaw niyang maging emosyonal. Lalo pa't nasasabik din siyang muling makita ang kababata.

"Masaya ako at nakabalik ka na, Nube." kagat ang ibabang labing aniya tila ba sa pamamagitan niyon ay mapigilan niyang huwag maglandas ang namumuong luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "Kailangan ko nang umalis."

Napabuntong-hiningang mabilis na nahawakan ni Nube ang braso niya. "Ihahatid na kita."

"Baka makaabala pa ako sa'yo,"

"I insist,"

"P-pero---"

"Get in, Danna o baka gusto mong buhatin pa kita papasok ng kotse," seryosong anito.

"S-sige."

Hindi na niya tinutulan ang paanyaya ng kaibigan. Pabor na rin iyon sa kanya. Kailangan niyang magreserba ng lakas para sa iba pang ipag-uutos ng bagong may-ari ng lupain nila.

"Kumusta na nga pala ang don?" 

Muli hindi nakaligtas sa sulok ng mga mata ni Nube ang pagguhit ng lungkot sa maaamong mukha ng kababata sa pagkakabanggit  sa pangalan ng matanda. 

"S-stable na si papa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay," 

"Huwag kang mag-alala, malakas ang papa mo, naniniwala ako na malalampasan rin niya ang mga pagsubok na ito." sinadyang pasiglahin ni Nube ang tono ng pananalita marahil ay upang pagaanin ang kalooban niya.

"Dadalaw nga pala ako sa kanya bukas sa hospital baka gusto mong sumabay na sa akin."

Lumarawan ang sigla sa mukha ni Danna sa tinurang iyon ng kaibigan ngunit agad din naman napawi nang maalala si Eugene. Kailangan muna niyang magpaalam dito bago niya madalaw ang ama.

"Hindi puwede eh, baka kasi late na ako makadalaw kay papa," pigil ang mga luhang sagot niya.

Pakiramdam niya'y nagbabara ang lalamunan niya at naninikip ang dibdib niya sa mga sandaling iyon. Gustong-gusto na niyang makita at mayakap ang ama subalit wala siyang magawa kung hindi ang tumalima sa mga utos binatang amo.

"Kung ganon, hihintayin nalang kita para sabay na rin tayong makauwi," 

"Salamat na lang, Nube. Pero gustuhin ko man ay hindi maaari."

"Tell me, is there something wrong, na hindi ko nalalaman?" Mataman siya nitong tinitigan na tila inaarok ang nilalaman ng isip niya. "May pumipigil ba sa'yo, Danna?" 

"Ipapakilala ko nga pala sa inyo ang bagong may-ari ng hacienda. Parito na rin siya ngayon," pag-iiba niya ng diskusyon upang huwag ng mangulit ang lalake.

"Kumusta naman ang pagtrato sa'yo ng bagong may-ari ng mansyon?" 

Lihim na napatiimbagang si Nube. Huli na nang malaman nito na naibenta na ng don ang mga ari-arian sa iba. Walang nabangit sa kanya ang matanda tungkol sa pagkalugi at pagkakasanla ng hacienda. Marahil kung nakauwi lamang ito ng maaga at maisasalba pa nito ang hacienda pero huli na ang lahat. Ngunit gagawin nito ang lahat para matubos ang mga ari-arian ng don.

Pangalawang ama na rin kasi ang turing ni Nube sa don. Ganon din naman ang matanda. Ito na ang tumayong ama ng binata buhat nang yumao ang mga magulang.

Bahagyang natahimik ang dalaga tinatantiya kung ipagtatapat ba sa kaibigan ang kalagayan niya. 

"May problema ba, Danna?" muling tanong nito nang hindi siya kaagad nakasagot.

"H-ha? M-maayos naman ang pagtrato niya sa amin sa mansyon, Nube." sinadya niyang ibaling sa ibang direksyon ang paningin upang hindi siya nito mahalata.

Magtatanong pa sana ang binata ngunit natanaw na nila ang mga magsasaka. Kumakaway pa sa kanila ang ilan na tila ba nakilala ang kung sino ang lulan ng magarang sasakyang iyon. 

May ngiti sa labing sinalubong ng mga tauhan sa asyenda ang dalaga. Natutuwa silang makita ang nag-iisang anak ng don. Bukod sa kagandahang pisikal ay pinarisan din ng pagkakaroon ng busilak na puso. 

Kaagapay siya ng ama sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ipinagpatuloy rin niya ang adhikain ng yumaong donya na tumulong sa mga kabataang kapos palad na gustong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin siya tulad ng ibang mayayaman na mapagmataas at mapang mata sa mga dukha. 

Subalit, nakakalungkot isipin dahil matitigil na anumang nasimulan nilang mag-anak sapagkat wala na silang kakayahang gampanan pa ang mga iyon.

Sinikap niyang patatagin ang sarili at pigilin ang nagbabadyang luha. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harap ng mga trabahador dahil lalo lamang siyang magmumukhang kahabag-habag sa harap ng mga ito at iyon ang ayaw nilang mangyari.

"Nagagalak kaming lahat na makita ka, senyorita," natutuwang sabi ng isang ginang.

"Senyorito, Nube? Kailan ka dumating? Aba't lalo ka yatang tumikas at tumangkad, ah."

"Kaninang madaling araw lang ho ako dumating mang Ben. Kayo rin naman po wala pa rin kupas sa pamumuri sa akin." nakangiting sagot dito ng binata.

"Eh, isa totoo naman, hijo. Kung hindi nga kayo parang magkapatid nitong si Danna ay bagay na bagay kayong dalawa." sang -ayon pa ng isang lalake.

Bahagyang nagkatudyuan ang ilan dahil sa tinurang iyon ng kanilang kasamahan na ikinangiti lang ng dalawa. 

"Natutuwa kaming makita ka, senyorito lalo ka na senyorita."

"Ako rin na po, aling Vivian masaya po ako na makita kayong lahat." tugon niya mula sa kaibudturan ng kaniyang puso. 

"Kumusta na po ang kalagayan ng don?" usisa ng isang ginang.

"Sana ay gumaling na ang don para masaksihan niya ang magandang ani sa susunod na buwan." saad naman ng isang may edad na lalake.

"Hindi pa po nagkakamalay si papa," malungkot niyang turan. 

Lumunok muna siya para mawala ang tila pait na nagbabara sa lalamunan niya bago muling nagsalita. 

"Naparito po ako para ipaalam po sa inyong lahat na maya-maya lang po ay darating na ang bagong may ari ng lahat ng ari-arian ni papa. Hinihiling ko rin po sa inyo, na sana'y ibigay niyo sa taong ito ang respeto, kabaitan at katapatan na tulad ipinakita ninyo sa amin ng papa." hindi na nagpatumpik-tumpik na pahayag niya na ikinabigla ng mga magsasaka. 

Alam ng mga ito na matagal nang naghihikahos ang asyenda ngunit umasa sila na maisasalba pa rin ito ng don. 

Ngunit sa kasamaan palad ay huli na ang lahat dahil ibang tao na ang nagmamay- ari ng mga lupang sakahan nila at iba pa nilang kinabuhayaan.

"Senyorita, wala pong nagbago sa tingin ko sa inyo, nawala man po ang lahat ng ari-arian ninyo ng don labis pa rin po akong nagpapasalamat sa inyong mga kabutihan." anang isang lalake.

"Tama po iyon, senyorita, naniniwala kami na mababawi mo rin ang mga nawala sainyo.

Si Nube ay nakamata at matamang nakikinig sa mga ito. Ito man ay hindi rin makapaniwala sa kinasadlakan ng mga aria-arian ng don na labis nitong inalagaan sa mahabang panahon noong naririto pa ito sa hacienda.

Tipid namang ngumiti ang dalaga bilang pagtugon. Maya-maya'y pumarada ang magarang sasakyan sa tabi ng kotseng pagmamay- ari ni Nube. Nakuha niyon ang buong atensyon ng lahat. 

Tila ba alam na ng mga ito na ang sakay niyon ay ang taong nitutukoy ng kanilang senyorita. Napahanga ang mga ito nang bumaba ang makisig at matangkad na lalaking lulan n

iyon.

Tinanggal nito ang salamin sa mata at nakangiting tumingin sa mga tauhan ng asyenda. Maging si Nube ay saglit na natigilan. Pinag-aralan ang kabuang anyo ng bagong dating.

Bahagyang nangunot ang noo ni Eugene habang lihim na pinapasandahan ng tingin ang lalaking nasa tabi ni Danna. Ito ang lalaking natanaw niyang nakayakap sa babae kanina.

Lihim siyang nagngingitngit buhat sa pakaisiping may lalaking kayakap ang anak ng lalaking kinasusuklaman niya. Nadagdagan pa ang galit niya nang magpagtantong may sinabi ang lalaki kung sa pisikal na kaanyuhan ang paglalabanan.

Mukha rin edukado ang tindig. At kung bakit nakaramdam siya ng selos dito ay hindi siya makaapuhap ng tamang kasagutan.

"Ahmm... ipinapakilala ko po sa inyong lahat si Mr. Eugene Bermudez. Siya po ang nakabili ng mga ari-arian ni papa. Sana po ay pag lingkuran niyo siya ng maayos tulad ng ipinakita niyo sa amin." Nakangiting pagpapakilala rito ni Danna. 

Subalit, hindi maitago ang pag-aalala sa nababanaag niyang galit sa mga mata nito. Para saan na naman ang galit na iyon? Sinunod naman niya ang habilin nito sa kanya. Bakit kay bigat ng loob nito sa kanya?

"Magandang araw po," halos magkapanabay na bati ng mga magsasakaka.

"Ikinalulugod ko na makilala kayong lahat." nangiting ani Eugene bago nagpatuloy. "Sisikapin ko pong ibangon ang hacienda sa abot ng aking makakaya, magtulungan po sana tayong lahat."

Nilingon ito ni Danna sakto namang nakatingin din ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, ngunit siya rin ang kusang bumitiw sa kadahilanang hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal lalo pa't tila patalim sa talas ang mga matang nitong nakatitig sa kanya na wari bang pati kaluluwa niyan nakasanla na rin dito. 

For heaven sake! Eh, ano ngayon kung bumagsak man ng tuluyan ang hacienda? In fact, he'll be the most happiest person in the world dahil iyon naman talaga ang plano niya ang pabagsakin ang don at lahat ng mahahalagang pag-aari nito dahil alam niyang matagal na panahon na pinahalagahan ng don ang mga lupain nito.

Subalit ang pakaisipin na maraming mawawalan ng hanap buhay sa paghihiganti niya ay nagiging dahilan ng pagsisikip ng dibdib niya. 

"Mr. Bermudez. I want you to meet, Nube Magdangal. Siya ang dating kanang kamay ni papa sa pamamalakad nitong asyenda," pormal na pagpapkilala ni Danna rito.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status