HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t
NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok
NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga
"Huwag!" Awat na sigaw ng Ginang sa ginagawang pagpapahirap ng mga armadong lalaki sa esposo.Hilam na rin sa luha ang mga mata. Wala itong magawa maliban sa pagmasdan ang pagpapahirap ng mga tauhan ng Don sa asawa. Subalit nagmistulang bingi ang mga armadong lalaki na patuloy sa pananakit kay Doglas. "Maawa kayo sa asawa ko, wala kaming ginagawang masama!" Halos lumuhod sa pagmamakaawang sigaw ng Ginang. Sinugod ang isa mga ito upang itigil ang pananakit sa walang kalaban-labang asawa. "Huwag kang makialam!" Mabagsik na turan lalaki, hinablot ang buhok ni Ara at kinakaladgad sa damuhan. "Ara?!" Duguan ang mukha at tila mawawalan ng ulirat na tawag ni Doglas sa pangalan ng asawa.
"Malalampasan din natin ang lahat ng ito, papa." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa ama, pigil niya ang mga luhang nais maglandas sa kanyang mga mata.Kailangan niyang magpakatagtag upang sagayon ay hindi panghinaan ng loob ang ama. Batid din niya ang labis na paghihirap nito dahil sa karamdaman nito.Kung paano at saan siya magsisimula para matubos at mabawi ang Hacienda ay hindi niya alam. Alam niyang mahirap ngunit ayaw niyang sumuko at panghinaan ng loob. Alang-alang sa nasira niyang ina gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang lahat ng nawala sa kanila.Ilang araw nalang ang makikita na nila ang bagong may ari ng kanilang mga ari-arian. Dalangin niya na sana'y hayaan sila nito na tumira sa mansion habang hindi pa lubusang magaling ang ama. At habang pinagiipunan niya ang pambayad sa kanilang Hacienda."Salamat, hija. Don't worry, hindi na ako muling iinom," nakangiting tugon ng matandang don."I lo
Malungkot na pinaglipat-lipat ni Danna ang mga mata sa mga kasambahay na nagtipon-tipon sa malaking living room ng mansion. Napamahal na siya sa mga ito kaya napakahirap para sa kanya na magdesisyon. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong- hininga bago nagsalita. "Hindi po lingid sa inyong kaalaman na naisanla ng papa ang hacienda at ang mansion na ito sa isang mayamang negosyante." panimulang aniya. "Alam din po ninyong lahat na nasa hospital pa ang papa't hindi pa nagkakamalay. Malaki po ang mga gastusin namin sa hospital at...." muli ay humogot siya ng malalim hangin sa dibdib bago nagpatuloy. Napamahal na po kayong lahat sa akin, amin ni papa pero ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi ko na rin po kayo kayang suwelduhan." pagtatapat niya sa mga ito. Sinikap ang sarili na huwag maiyak pero hindi mautatago ang lumbay sa magandang mukha.
Bigla ang pagsipa ng kaba sa dibdib ni Danna. Kinakabahan siya ng 'di niya mawari. Marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang bagong may-ari ng kanilang mga ari-arian. Dinadalangin niya na sana' y mabait at makasundo niya ito. Nakatalikod ang lalaki na tila hinahagod at sinusuyod ng tingin ang malaking letrato ng Don na nakasabit sa makinis na dingding. Huminga ng malalim si Danna habang binabagtas ang kahabaan ng hagdan. May ngiti sa labing sinalubong siya ng mga katulong na matiyagang naghihintay sa kanyang pagbaba. Ginantihan niya iyon ng matamis na ngiti sa kabila ng kanyang namamahay sa loob ng dibdib niya. "Good morning Mr. Bermudez." bati ni Danna sa lalaking nakatalikod.
Alas- otso na ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Eugene. Binalaan pa siya nito na huwag lumabas ng kusina na ipinagtaka naman niya. Malulutong na halakhak ang naririnig ng mga kasambahay mula sa malaking living room. Marahil ay nagkakatuwaan ang mga ito."Senyorita, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga kasambahay."Oo naman po," tipid niyang sagot ngumiti siya upang ipakita na wala itong dapat na ikabahala."Hindi ko matantiya ang ugali mayroon ang bagong may-ari nitong mansiyon," ani Belen."Sa nakikita ko magiging maayos ang lahat huwag lang natin siyang suwain." si Aling Lilia na tumingin sa mga kasamahan."Ang guwapo ng mga kaibigan ni senyorito Eugene. Halos ayoko na ngang pumikit kanina, eh," nangangarap na bulalas ni Nanet ito kasi ang naghatid ng mga inumin. "Kaya siguro ayaw kang palabasin ni senyorito ay baka mapusuan ka ng mga kaibigan niya senyorita," kinikilig na dugtong ni Nanet na naging dahilan pa