Share

Chapter 10

Minadali ni Alison na linisan ang sarili,  malagkit ang kanyang buhok dahil sa mantikang halos naipaligo yata sa kanya maging ang katawan niya pero hindi siya naligo, mahirap na. Tinuyo lamang niya ang kanyang katawan na cotton na towel at pati na rin ang kanyang buhok. Pero naglulugita pa rin ito, madulas na pakiramdam niya ay basa kahit hindi naman. Nagpaligo na lamang siya ng pabango para mabango pa rin siya kahit mukha siyang mabaho.  Tsaka na siya nagtungong muli sa kwarto ni Alexa.  

Kumatok muna siya pero medyo nakaramdam siya ng kaba. Baka kasi hindi totoo ang ipinangako ni Alexa sa kanya, tapos may bago nanaman itong patibong sa kanya. Maaaring mangyari yon lalo na at ang nais ng bata ay mapaalis ang mga nagiging yaya nito para mapansin ito ng Daddy nito. 

Pero bahala na, kailangan niya ang trabahong ito tsaka gusto na rin niyang umalis talaga sa apartment niya.  Palagi kasing nandoon si Jenny at kung ano-anong sinasabi na parang siya pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status