Share

Kabanata 2

Habang inaalala ni Fane ang mga nangyari noon, isang madungis na batang babae ang lumapit sa gate at palihim na sinilip ang loob ng villa.

Napakapayat ng batang babae. Tila nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang siya at bahagyang madilaw ang kanyang balat. Tila kulang siya sa nutrisyon.

“Ang batang ito. Pareho sila ng mga mata ni Selena!”

Hindi mapigilan ni Fane na ngumiti noong makita niya ang cute na itsura ng batang babae.

Lumabas ang isang kasambahay ng pamilyang Taylor. Tumingin siya sa mga guwardiyang nakabantay sa pintuan at hinila niya ang batang babae sa isang sulok.

Maaaring dahil sa pagkakahawig ng bata kay Selena, inusisa ni Fane ang bata. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanila.

Kasunod nito, nakita niyang dahan-dahan na naglabas ng dalawang pirasong tinapay ang kasambahay mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa bata. “Kylie, dalawa lang ang meron ako ngayon!”

“Salamat ate!”

Nilunok ng bata ang kanyang laway kasabay ng pagtunog ng kanyang tiyan. Halatang gutom na gutom na siya.

“Dali, kumain ka na!”

Tinapik ng kasambahay ang bata sa ulo. “Hayy, napakasama talaga ni Young Master Taylor!”

“Hindi. Iuuwi ko ‘to at kakainin ko kasama ni Mommy, Lolo at Lola!”

Kinuha ng batang babae ang mga tinapay at ngumiti. Para sa kanya, ang dalawang piraso ng tinapay na hawak niya ay katumbas ng pinakapambihirang kayamanan sa mundo.

Huminto ang isang sports car sa tabi nila, kasunod rin nito ang kalahating dosenang Audi A6. “Ivan Taylor?”

Nakilala agad ni Fane ang lalaki. Pagkalipas ng limang taon, tumanda si Young Master Taylor. Subalit, kaunti lang ang naging pagbabago sa kanya. Hanggang ngayon, kasing hina pa rin siya ng dati.

“Hehe, Shauna. Anong tinatago mo d’yan? Ipakita mo ‘yan sakin!” Ang utos ni Ivan habang nakangiti.

“W-w-wala…”

Paulit-ulit na umiling ang kasambahay. Habang si Kylie naman ay yumuko na para bang nagkamali siya.

“Kylie, anong inabot ng magandang ate na ‘to sa’yo?” Yumuko si Ivan at tinanong ang bata.

“Hindi ko sasabihin. Masama ka. Isa kang masamang tao!” Tumingin si Kylie kay Ivan at itinikom ang kanyang bibig.

“Ako? Masamang tao?”

Natawa si Ivan. “Sinira ng nanay mo ang pangalan ng pamilyang Taylor noong ipinanganak ka niya. Yung nanay mo ang masama!”

Pagkatapos nito, tumayo si Ivan at tumingin sa dalawang guwardiya.

“Shauna, walang-hiya ka. Ang lakas ng loob mo na bigyan ng pagkain ang bastardong ‘to! Gusto mo na bang mamatay?”

Ngumisi si Ivan at sinampal ang pagmumukha ni Shauna.

“Huwag mong saktan si ate!”

Agad na kumapit sa binti ni Ivan ang bata at kinagat ito, matapos niyang makita na sinaktan ni Ivan si Shauna.

“Ah!”

Napasigaw si Ivan at nginudngod niya si Kylie sa lupa. “Pinanganak ka ba sa year of the dog? Ikaw na aso ka. Ang lakas ng loob mo na kagatin ako!”

“Hu, hu… Masama kang tao. Napakasama mo!”

Nangudngod si Kylie sa lupa at umiyak.

“Heto yung tinapay na binigay sayo ng ate mo. Sige na, kainin mo na. Tig-isa kayo ng ate mo.”

Kasunod nito, itinapon niya sa lupa ang tinapay at pinagtatapakan ito. Pagkatapos, sinabi ni Ivan na, “Kung hindi mo ‘to kakainin, babaliin ko ang mga kamay niya at pati na rin ang mga kamay mo!”

“Young master, kakainin ko ‘to. Huwag mo nang pahirapan ang bata, pakiusap! Nagmamakaawa ako sa’yo. Anak pa rin siya ng pinsan mong si Miss Selena!” Lumuhod si Shauna at dinampot ang mga tinapay. Kaawa-awang tumingin si Shauna sa mapagmataas na si Ivan.

“Anak ni… Selena?”

Noong marinig niya iyon, naguluhan ang isip ni Fane. Paano nagkaanak si Selena? Higit pa dito, anak ni Master Taylor si Selena. Paanong naging pulubi ang anak niya?

“Di ba sabi niya hihintayin niya ako? Posible kayang nagpakasal siya ulit pagkatapos kong sumabak sa digmaan?”

Namula ang mga mata ni Fane. Napuno ng pait ang damdamin niya at pakiramdam niya ay uto-uto siya. Umasa siyang hihintayin talaga siya ni Selena.

“Haha, matagal nang namatay sa digmaan ang tatay niya. Isa lang siyang bastardo!”

“Bukod pa dito, peke ang naging kasal ni Selena sa walang kwentang delivery boy na yun. Pero nagpabuntis siya sa basura na ‘yon. Sinabihan namin siya na ipalaglag ang bata pero nagmatigas siya at pinili niyang ituloy ang pagbubuntis niya!”

“Nararapat lang sa kanya yung gagawin ko sa kanya ngayon! Ito ang nararapat sa sinumang sisira sa pangalan ng pamilya namin!” Humalakhak ng malakas si Ivan.

Sa puntong iyon, naguluhan ang damdamin ni Fane. Anak niya ang madungis na batang ‘to?

Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at nilamon siya ng kanyang galit. Anong pinagdaanan ni Selena sa nakalipas na limang taon?

“Kakainin mo ba ‘to? Kung hindi mo ‘to kakainin, huwag mo nang isipin na makakaalis ka pa dito!”

Dinampot ni Ivan ang isa sa maruming tinapay at inangat si Kylie gamit ang isa niyang kamay. Pagkatapos ay pinilit niyang ipakain sa bata ang tinapay.

“Hu, hu… Ang sama mo. Hindi ko yan kakainin. Ayaw ko…”

Nadungisan ang damit ni Ivan nang magsisipa ang bata sa ere.

“Bwisit ka, gusto mo na ba talagang mamatay?! Alam mo ba kung gaano kamahal ang damit kong ‘to?” Tiningnan ni Ivan ang kanyang damit at ihinagis niya ng malakas si Kylie.

“Hayop ka! Pamangkin mo siya!”

Naglabasan ang mga ugat ni Fane sa kanyang sintido. Maliit lang si Kylie. Siguradong masasaktan siya sa pagkakahagis sa kanya.

Humakbang si Fane, pagkatapos ay naglaho siya at sumulpot sa harap mismo ni Ivan upang saluhin si Kylie.

“Ah!”

Nagulat si Kylie. Idinilat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa matapang na lalaki.

“Uncle, s-si-sino ka?”

Halata ang takot sa mga mata ni Kylie habang tinititigan niya si Fane.

“Huwag kang matakot Kylie. Wala nang magtatangka pang manakit sa’yo, o sa nanay mo!” Lumambot ang puso ni Fane nang makaramdam siya ng lukso ng dugo. Hawak niya ang kanyang anak. Ito ang anak niya kay Selena.

“Sino kang bwisit ka? Anong karapatan mo na manghimasok sa problema ng pamilyang Taylor?” Nainis si Ivan sa mga nangyari.

Sa loob ng limang taon, malaki ang pinagbago ni Fane. Mula sa pagiging isang simpleng delivery boy, siya na ngayon ang natatanging Supreme Warrior ng Daxia. Hindi siya agad nakilala ni Ivan.

“Talagang mangingialam na ako ngayon!”

Tumingin ng masama sa kanya si Fane. Nagdulot ng matinding takot kay Ivan ang kanyang aura na nadungisan ng napakaraming dugo.

“Huwag kang matakot Kylie. Poprotektahan kita!”

Puno ng pagmamahal ang pagtingin ni Fane kay Kylie at dahan-dahan niyang ibinaba ang bata.

“Ano pang tinutunganga niyo diyan? Lumpuhin niyo siya!”

Kampante si Ivan sa kakayahan ng kanyang mga guwardiya.

“Ang lakas ng loob mo. Sino ka para mangialam sa ginagawa ni Young Master Taylor!”

Pinalibutan ng mga guwardiya si Fane.

Bang, bang, bang!

Yun nga lang, bago pa man makita ni Ivan ang mga pangyayari, nakahandusay na sa lupa ang ang mga guwardiya.

“Ahhh! Ang kamay ko!”

“Yung binti ko! Yung binti ko!”

Namutla si Ivan nang makita niyang nakahandusay ang mga guwardiya.

“S-s-sino ka? Ako ang Young Master ng pamilyang Taylor. Hindi maganda ang kahahantungan mo kapag kinalaban mo ako!” Napalunok si Ivan at halata ang panginginig ng kanyang boses.

“Sino ako? Hehe, ako yung pumunta sa digmaan bilang kapalit mo!”

Nakakatakot ang mga tingin ni Fane. “Ivan Taylor, ako ang lumaban para sa’yo at hinarap ko ang kamatayan para sa’yo. Ilang beses akong muntik mamatay, pero nandito ka ngayon at pinipilit mong pakainin ang anak ko ng tinapay na tinapaktapakan mo?”

“I-i-ikaw si Fane? Imposible. Limang taon kaming walang balita sa’yo. Paano ka nabuhay?”

Takot na takot si Ivan. Hindi lamang ang pamilyang Taylor ang nag-isip na patay na siya, kundi pati na rin ang buong lungsod ng Middle Province. Ayon sa mga balita, masyadong brutal ang naging digmaan at napakarami ang namatay.

“Pasensya na, pero kakampi ko ang tadhana, hindi ako maaaring mamatay!” Suminghal si Fane, pagkatapos ay sinipa niya si Ivan. Napaluhod si Ivan sa lupa at napasigaw siya sa tindi ng sakit.

“Kainin mo yang mga tinapay na yan. Kung hindi mo gagawin, wala na akong pakialam kahit na pinsan ka ni Selena. Tatadtarin kita ng parang hayop!”

Dinampot ni Fane ang maruming tinapay at ibinato ang mga ito kay Ivan. Puno ng galit at walang makikitang bahid ng awa ang kanyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status