Share

Chapter III

HARMONEE

He was stunned for a second when he saw me. Nahuli at nakita ko siyang nakatitig sakin pero agad siyang umiwas ng tingin. Napailing ako ng ulo dahil baka nag-aasume lang ako. Paalis na kami at papunta na sa meeting ng home association. Isa siya sa mga share holder ng home owners kaya kailangan niyang dumalo, nagtaka lang ako dahil sinama niya ako ngayon. Dati kasi hindi naman niya ako sinasama sa mga ganitong bagay at mag-isa siyang uma-attend ng meeting but it was fine for me para naman makaalis din ako minsan sa bahay at maka-attend ulit ng mga okasyon. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong dumalo at si Papa pa ang kasama ko kung saan doon ko nakilala si Apollo.

"You look gorgeous, hindi halatang ang laki ng eyebags mo," komento niya.

"Thanks sa make-up," walang buhay kong sagot. I'm still hurt inside. My heart is still shouting for him to explain me where did he came last night at sino ang babaeng kasama niya.

"Then lets go," aya niya at nauna nang lumabas.

Tahimik akong sumakay sa sasakyan, ayokong umimik dahil naroon pa rin ang sama ng loob ko. Sasagutin ko lang siya kapag may sinasabi or tinatanong siya. In my pheripheral vission nakita kong panay ang lingon at sulyap niya sakin at nakakunot ang noo. Alam kong napapansin niya ang pananahimik ko at panay din ang buntong-hininga ko. Naiinis ako kapag naaalala ko ang babaeng sumagot sa cellphone niya kagabi. Yes, I am jealous at inaamin ko iyon.

Limang minuto mula ng umalis kami sa bahay ay pinarada niya ang sasakyan sa VIP parking. Dito pala sa clubhouse gaganapin ang meeting. Napansin kong marami ng tao ang pumapasok. Bumaba kami at pumasok sa loob. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng iilang tao na nadadaanan namin.

Napatingin ako sa kamay ko ng biglang pinagsiklop ni Apollo ang mga kamay namin. Sinubukan kong hilain ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya. Pakitang tao. Tsk!

Nang makapasok kami ay may iilang bumati sa kanya pati na rin sa akin ngunit ngiti lamang ang naging sagot ko sa kanila. I don't know them dahil walang pinapakilalang kaibigan sakin si Apollo bukod kay Engineer Primo na malapit niya kaibigan. Hindi na nag-abala pa si Apollo na ipakilala ako sa kanila but its okay, sanay na ako.

"Pare!" Sabay kaming napalingon sa taong tumawag sa kanya. "Kumusta?" ani Primo.

"We're fine," tipid naman na sagot ni Apollo.

"Hi, Harmonee! Buti sinama ka nitong ugok na to?" Baling niya sakin.

"Kailangan," tipid kung sagot dahil hindi ko alam ang sasabihin kung bakit nga ba ako sinama ni Apollo.

Tumango lamang ito.

"Stop asking her, Primo!" Madiin niyang utos kay Engr. Primo.

Maya-maya pa ay mas lalong dumadami ang dagsa ng mga taong dumadating at panay ang bati kay Apollo at pansin kong ilan sa mga babaeng nakikita ako ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa at yung iba ay masamang pukol at mapanuring tingin naman ang binabato sa akin. Samantalang kapag kay Apollo ay nangingislap ang mga mata. I feel so small at tila hiyang-hiya ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Apollo sa kamay ko. Hindi niya ako binibitawan I don't know why also.

Habang nakaupo na ang lahat sa monoblock chair ay napalingon ako sa babaeng biglang nagsalita may kasama siyang ibang mga babae and they look amazingly georgeous. Mahahalata mo sa mga suot at alahas nila na may sinasabi sa buhay. Sino ba ang hindi? Southrigde village is for prominent people at hindi basta-basta ang mga nakatira dito. Kung baga lungga ito ng mga bachelors.

"Pasensya na kayo, hindi talaga makakadalo si Zanjo bukas. Hindi na rin ako dadalo. Alam niyo naman...kung nasaan ang asawa nandoon din tayo," natatawa niyang sabi. Ngunit may pait akong nakikita sa kanyang mga mata. Hindi maipagkakailang may lungkot din itong dinadala. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong myembro din ito ng asosasyon.

Nang matapos ang meeting ay iniwan muna ako ni Apollo sa upuan.

"Stay here for a while may kakausapin lang ako," paalam niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Ngunit hindi pa man nakakalayo si Apollo sakin ay may isang lalaking estrangherong lumapit sa gawi ko, hindi siya nakita ni Apollo dahil nakatalikod na ito.

"Hi Miss beautiful," bati niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Kanina pa kita tinitingnan, mukhang hindi ka masaya sa kasama mo," untag nito.

Napakunot ang noo ko at kinilabutan sa sinabi niyang kanina pa ako tinitingnan.

"Excuse me Sir, my husband will be back for a while, please you can leave now," sabi ko ng hindi nakatingin dito. I'm not interested talking to him especially he's a stranger.

"Ohh, asawa ka pala ni Mr. Austria? Ang alam ko kasi he's single at walang asawa," sagot nito.

"Yes, I am her wife," may diin kung sagot sa kanya pero deep inside nasaktan ako sa sinabi nito. Ang alam ng nakakarami ay walang asawa si Apollo dahil palagi itong lumalabas mag-isa at ako naman nakakulong lang sa bahay.

"Patrick!" Malakas na boses ang tumawag sa kanya na ikinalingon niya. And I saw Apollo coming near to us, bilis naman niya bumalik akala ko may kakausapin siya. Masama ang tingin na ipinukol niya sa lalaking kausap ko, and he's name is Patrick.

"Hey Austria? Di mo naman sinabi na may maganda ka palang asawa," anito at humarap kay Apollo habang ako ay nanatiling nakaupo at nakikinig lamang. Pansin kong unti-unti ng naglalabasan ang mga taong dumalo.

"Why would I? Its none of your business, Patrick!" Tugon nito sa mataas na boses kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya at masama pa rin ang uri ng titig nito kay Patrick habang nasa likod niya si Engr. Primo at nakangising nakapamulsa.

Ano bang ikinagagalit nito? Maayos naman ang pagkakatanong ni Patrick sa kanya. Tsk!

"Ows, so it means you're hiding her in your house an—,"

"You go now Patrick or else," putol ni Apollo sa sasabihin ni Patrick at itinuro pa nito ang daan palabas. "Leave!" Nag-iigting ang panga nito.

"Okay! Okay man, relax! You sound like a possessive jealous husband, hindi ko naman aagawin sayo eh, maybe if I'd given a chance," ngising tugon nito at tumalikod palabas.

"Fuck off, you bastard!" pahabol na sigaw ni Apollo kay Patrick.

"See you on party tomorrow at Stary Hub, Man!" lingong sagot ni Patrick at tuluyan na itong lumabas.

"Pare I have to go too, may susunduin pa ako. Kita na lang tayo sa bar bukas, okay? Isama mo tong si Harmonee." Paalam ni Primo.

Tumango lamang si Apollo sa kanya at masamang tumingin sa akin. Biglang umabon ang kaba sa dibdib ko sa uri ng tingin niya. Hindi ko mawari kung ano ang nasa isip nito pero alam kung galit ito dahil nadatnan niyang may lalaki akong kasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status