Share

Chapter V

HARMONEE

           Kinabukasan ng gabi ay isinama niya ako sa isang exclusive bar dito sa village ang stary hub, ang daming tao na narito at halos mabingi ako sa lakas ng tugtog. Ang buong akala ko ay iiwan niya ulit ako sa bahay at mag-isa siyang tutungo dito. Dagsa din ang mga taong dumadating, hindi ako sanay sa ganitong eksena dahil simula ng ikasal kami ay palaging nasa bahay lang ako maghihintay sa kanya hanggang sa makauwi siya. May mga tumitingin din sa aming iilan lalo na yung mga kababaihan. Nagulat ako ng bigla niyang kabigin ang baywang ko na agad kong ikinatingala sa kanya. Muntikan pa akong mawalan ng balanse.

"There!" Aniya sabay turo sa dulong mesa. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakaturo sa bandang dulo ng bar at nakita ko ang malaking ngisi at kumakaway sa amin ang kaibigan niyang si Atty. Primo. 

"Hello there Mrs. Austria, its nice seeing you here, together. For the first time sinama ka din nitong luko mong asawa." Nakangisi niyang salubong sa amin  ng makalapit kami sa mesa. Pansin kong mag-isa pa lang siya. Ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya. "Have a sit couples, then mag-order na kayo ng drinks niyo." Dagdag niya.

"Juice lang sayo," sabay kaming napalingon sa gawi ni Apollo ng magsalita ito at nakatingin sa akin. "Waiter!" agad niyang sa tawag sa abalang waiter, tumalima naman agad ito at mabilis na pumunta sa gawi namin. 

"Yes, Sir Apollo? Yun pa rin po bang palagi niyong inoorder dito?" Pormal na tanong sa kanya ng waiter para bang sanay na ito na laging narito si Apollo. "Yes, please." Tugon niya.

"What about you ma'am? What's your order?" Baling nito sa akin. "We have different kinds of imported ladies drink here. You can choose wha--- "Give her juice, only juice," Putol ni Apollo sa sasabihin niya. I was hesitant kaya tumango na lamang ako. "Juice na lang po." Nakangiti kong sagot at gad naman siyang ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon saka tumalikod pabalik sa counter.

"Hello everyone! Kanina pa ba kayo?" Napaangat ako ng tingin and my smile faded dahil sa boses ng babaeng dumating. Mayroon itong kasamang lalaki at nakalingkis sa braso nito. Sino na naman tong kasama niya? Bago sa paningin ko at hindi ko kilala.

"Oh, hi Trin. Hi Pare! Have a sit." Bati ni Primo sa bagong dating na si Trina at sa kasama nito. 

"Thanks Atty." Umupo ito sa katabing upuan ni Apollo at sa kaliwa naman niya ang kasama niyang lalaki. She noticed me at tinaasan ako ng kilay. "By the way kasama mo pala ang yaya mo Pol?" tanong niya kay Apollo at pairap na tumingin sa akin. Tumikhim ako. 

"Uhmm, hind---- "Excuse me, here's your order, Sir, Ma'am." Biglang sumingit ang waiter kaya nilunok ko na lamang ang sasabihin ko sa impaktang kaharap ko. 

"Thank you!" Saad ko sa waiter.

"So, Atlas anong balita sa negosyo natin?" Biglang tanong ni Apollo sa kasamang lalaki ni Trina. 

"Doing great Dude, please let's not talk about business here, okay? We're here to enjoy! So, calm down and relax." Sagot nito.

"I'm just making sure. Mag-order na kayo sagot ko." Apollo insisted.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila. Palihim ko ring tiningnan si Trina. Grabe naman ang babaeng to! Hindi ba siya nilalamig sa suot niya? Tsk! Halos nakabra na lang ito at sobrang iksi ng skirt niya. Kunting tuwad lang ay masisilipan na. Napabaling siya ng tingin sa gawi ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Bahagya din itong umirap pailalim sa akin. Ano bang problema nito sakin? Hindi ko na lamang siya pinansin at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bar. Mas lalo pang lumakas ang tugtog kaya yung iba ay tumayo na at sumayaw sa gitna. 

Napansin ko rin yung mga babaeng nakita ko kahapon sa meeting. Yung ilan sa kanila ay kasama ang mga asawa nila. Napansin ko yung isang babae na  nakaupo lamang sa  harap ng table at juice lang din ang nakahaing drink sa kanya. Mukhang ang lalim ng iniisip habang ang katabi niyang lalaki ay abala sa pakikipag-usap sa katabi. I heaved out a sighed because I saw myself also on her. 

Naagaw ang atensyon ko ng tumayo si Trina. "Excuse me, ladies room." Paalam niya. Sumunod naman sa kanya ang lalaking nagngangalang Atlas. Binalik ko ulit ang tingin ko sa babae at mukhang nagtatalo na sila ng lalaking katabi niya. 

"Hey, who are you looking at?" Napalingon ako sa asawa kong matiim na nakatingin sa akin.

"W-wala," sagot ko.

"If you're sleepy, you can tell me para ihatid na kita." Aniya.

" No, I'm fine," giit ko.

"Oo nga naman Pare minsan mo nga lang isama 'tong  misis mo, pauuwiin mo na agad?" Ani Primo.

"She's not used to this, hindi siya sanay sa mga ganitong lugar." Salubong ang kilay niyang sagot sa kaibigan.

"Paano siya masasanay kung kinukulong mo lang sa bahay?"

"What did you just say?"

"Yes Pare, alam mo bang tumawag siya sakin no'ng isang gabi looking for you, dis oras ng gabi?"

Kunot noong  nilingon ako ni Apollo kaya yumuko ako.  Para akong batang nahuli na may ginawang kasalanan.

Bumuntong-hininga siya at binalik ang tingin sa kausap. "You're out of our business Atty. We can talk and fix kung ano mang problema meron kami," Saad niya.

"Okay, sabi mo yan eh." Aniya

"Hey, hey, hey!" Sabay kaming napalingon ni Primo sa lalaking kadarating lang, samantalang si Apollo ay pirming nakasimsim lang sa kupita at hindi nag-aksayang lumingon sa bagong dating.

It was Patrick at mag-isa lang ito. He looked at me for a second the turn his gaze to the man beside me, then he grinned. Umupo siya sa bakanteng upuan na iniwan ni Atlas at katabi ko. Bahagya pa itong sumandala at pakunwaring nilagay ang mga braso sa likod ng upuan ko, kaya ang lagay ay para siyang nakaakbay sa akin. Hindi ba siya natatakot kaharap niya lang si Apollo at katabi ko pa. Napansin iyon ni Apollo at mabilis na inalis ang kamay ni Patrick sa likuran ko.

"Get off your filthy hands, Patrick! Why are you sitting here? Maraming bakanteng mesa at hindi ka namin inimbita dito," Apollo speaked at halata na mainit na naman ang ulo nito.

"Come on, man! I sit where ever I want to sit at isa pa hindi ikaw ang may-ari nitong bar kaya don't act like you owned this place, okay?" may diing sabi niya sa salitang owned at bumaling ng tingin sa'kin.  It gives goosebumps, parang iba ang ipinapahiwatig no'n sakin. Kinuha ko ang juice at uminom. 

"Relax mga pare, ang init ng mga ulo niyo, sige na Patrick umurder ka ng beer mo." Awat ni Primo at sumunod naman si Patrick. Tinawag nito ang abalang waiter. 

Si Apollo naman ay natahimik at salubong ang kilay. Bakit ba ang kulo ng dugo nito kay Patrick? Hindi ko na lang siya pinansin at  isang beses ko pang inikot ang paningin sa loob ng bar at halos lahat ng mesa at upuan ay ukupado na ng mga bagong dating. Nabibingi na ako sa lakas ng tugtog at nakakahilo ang disco light na papalit-palit ng kulay. May mga babae ding halos hubad na ang mga suot at nakikipagsayaw sa ilang kalalakihan.

"So, anong pinagkaka-abalahan mo sa buhay, Harmonee?" Napalingon ako kay Patrick ng tanungin niya ako at tinawag  sa first name basis na para bang matagal na niya akong kilala. 

"H-hah?" Tanong ko pabalik at tinakpan ang tenga at kunwaring di ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng tugtog. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo pa't katabi ko lang si Apollo. 

DMCA.com Protection Status