Share

Chapter 10

        Hindi hinayaan ni Athena na maging pessimistic at inisip na lamang ang iba't ibang possibilities. Ngumiti at bumati siya sa mga nakakasalubong na Professor maging sa mga  kapwa  estudyante ng BISU. Nang buksan niya ang backdoor ng silid - aralan ay natanaw na niya si Miles sa puwesto nito.

        "Beshy!.. " tawag pa nito nang makita rin siya.

        Nakangiti siyang gumanti ng pagabti rito. "Hi Beshy."

        "Bakit ngayon ka lang? Tinanghali ka yata ngayon?"                 

         "Nasiraan kasi yung sinasakyan kong dyip. Nahiya naman akong bumaba upang sumakay sa iba." aniya.

        "Nagpaalam ka sana." ani Miles habang nagswa swipe sa screen ng cellphone nito. "Athena, look!"

        "Ano na naman yan?" aniyang naglalabas ng yellow paper at Socio - linguistic book. Plano niyang mag notes para maging reviewer sa finals nila.

        "Tignan mo kasi."

        Nakita nya mula sa Instagram post ni Martin ang isang arrow and torch symbol na may caption na 'Because love wounds and inflames the heart'. 

        "Now what?" maang na tanong niya sa kaibigan. "Masyado ka na yatang stalker ng IG posts ni Martin.."

        "Hindi naman Best. Nakita ko lang. And I, therefore conclude na ang dahilan ng love wounds love wounds na yan ay ikaw." OA na pag eemote nito. May pagturo pa sa kanya. "Nakita niya tayo sa parking area last time di ba?" 

        Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Ipinaalala na lamang niya sa sarili na kukumustahin niya si Martin after class. After all kaibigan niya si Martin. Maybe he needs a company.

        

        *************************************

       

        Nagpatawag ng biglaang meeting ang SSG President na si Martin. Dahil doon ay kinailangan pang dumaan ni Athena sa Guidance Office upang magprint ng attendance. Pinauna na rin niya sa pag - uwi si Miles dahil nasisiguro niyang magtatagal ang pagpupulong. Umayon naman ito sapagkat kailangan pa nitong maghanda ng powerpoint presentation para sa report nito bukas.

        Pagpasok niya sa SSG Office ay halos naroon na ang lahat.Binati niya ang mga kasamahan at iniabot ang attendance before she reached for her table. 

        "While we're still waiting for others, I would like to ask our Treasurer Faith and Auditor Teth to kindly prepare the financial report. Kailangan nating iupdate ang mga kasama ng ating naging expenses noong Foundation Week at magkano ang mga pumasok na funds. Kasama iyan sa agenda." seryosong sabi ni Martin. He seems to be aloof and cold.

        "Yes Pres.!" magiliw at halos sabay na sagot ng dalawa. 

        "Updated na po as of today." sagot ni Faith. Kinuha nito mula sa bag ang manila paper kung saan nakasulat ang mga detalye ng pinagkagastusan at income sa ginanap na Foundation Week.

        "Jewel, okay na ba ang attendance?" baling naman nito sa kanya nang hindi ngumingiti.

        "Umiikot na Pres." sabi ni Athena habang nililingon kung sino na ang may hawak ng attendance sheet. 

        Nang makumpleto na ang mga officers ng SSG ay nagsimula na ang meeting proper. Ayon kay Martin ay may isasagawa silang Fund Raising Project na gagamitin naman nila sa Adopt a School Feeding Program kung saan pipili sila ng ilang recipient public schools. Projects and Programs in one shot. Layunin ng programa na malunasan ang lumalalang problema sa malnutrisyon ng mag - aaral sa ilang pampublikong paaralan.   

        Pinagpresent nito sina Faith at Teth ng Financial Report. Ayon sa knila ay gumastos sila ng P5, 111.75 centavos. May balanse pang P 3, 224.25 at nadagdagan naman ng P 9, 750.00 mula sa kita ng Dedication Booth at Freedom Wall.

        "Thanks Faith and Teth." tumangong wika ni Martin. "Any questions regarding the report?"

        "Wala po Pres."

        Tumaas ang kamay ni Ezequiel. "How are we going to raise funds?"         

        "I'm suggesting na kung mayroon tayong mga pre-love materials na pwede nating idonate sa org kung willing lang naman kayo, i-auction online, ang proceeds nito ay ang magiging pondo natin para sa ating program. We can also invite our friends and colleagues to support our program and project. " 

        "Wow.. that's a good idea. Actually, I have lots of stuff toys at home. Mukhang bago pa dahil usually ay pag nalaro ko na ng isa,dalawang beses ay parang ayoko na. Sige po Pres. I'll bring them tomorrow." excited na wika ni Teth.

        Isa isa nang nagsabi ng kanilang mga items na dadalhin kinabukasan na kanilang ilalagak muna sa stock room. 

        Nagsuhestiyon naman si Faith na magpost sila sa school ng tarpaulin sa kung papaano makatutulong ang mga estudyante ng BISU sa proyekto.  

        Nang mabigyan ni Martin ng kanya - kanyang assignment ang bawat isa mula sa receiving ng donations na magbibigay din sa donor ng acknowledgement receipt, sa posting ng product for auction, sa funds control hanggang sa coordination sa recipient schools ay tinapos na niya ang meeting.

        "Thanks sa inyong positive response. I'm confident enough na with all your efforts magagawa natin ito nang maayos. Meeting dismiss. Keepsafe." anitong nauna nang lumabas sa kanila. 

        Pandalas namang humabol dito si Ezequiel. 

        "Athena, parang may iba kay Pres. Masyadong seryoso ngayon."ani Faith habang nagtatanggal ng nakakapit na manila papers sa bulletin board. 

        "Oo nga Faith. Pansin ko din" segunda naman ni Teth na kasalukuyang katulong niya sa pagsasarado ng bintana.

        "Hayaan nyo na baka wala lang sa mood yung tao. Kayo naman." aniya.

        "Baka magmemenopause na." biro ni Ryan.

        "Gago.. marinig ka non." pananakot ni Faith.

        Matapos maisecure ang SSG Office ay lumabas na rin sila. 

        "O pano, Athena.. una na kami. See you tomorrow." pagpapaalam sa kaniya ni Faith.

        "Bye Athena!" halos sabay na wika nina Teth at Ryan.

         Dahil nagsimula nang pumatak ang ulan, ipinasya niyang magpatila muna bago umuwi. Nagbrowse na lang siya sa kanyang Instagram Account. Sakto namang may kapo post lang si Martin.

        

        It was a blurred photo pero nahulaan niyang silang dalawa iyon sa Marriage Booth. May nakalagay pang qoute na “In a world full of temporary things, you are a perpetual feeling.” ― Sanober Khan.

        "I wish I could forget what the heart remembers." - Martin.

        

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lovella Bocala
pa unlock nmn po pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status