Share

Chapter 2

            Kasalukuyan silang nasa Gov. Feliciano V, Mercado Gymnasium nang tawagin ni Sir Aniano ang mga boys upang magpa assists sa pag - aayos ng volleyball court para sa kanilang practical ng nasabing laro. Mabilis namang tumugon ang mga kaklase nilang lalaki para tulungan ang kanilang professor. 

            "Ash.. sa iyo muna 'to. Tulungan ko lang si Sir." habilin sa kanya ni Zanjoe ng mga gamit nito bago tuluyang bumaba sa bleachers. 

        Tumango siya sa kaibigan at kinuha ang gamit nito. Itinabi niya ang gamit ni Zanjoe sa mga gamit niya.

        "There's something in the way he looks at you." 

         Napatingin naman siya sa katabing si Bergz, kaibigan at kaklase nila ni Zanjoe. Mismong taga San Diego naman ito. 

        "Hindi ako nagkakamali Ash. May something talaga."

        'Nakakaloka naman 'to. Kung anu - ano ang naiisip.'

        Natatawang umiling na lamang siya. "Hahaha.. you and your dirty mind my friend. Hindi kami talo ni Zanjoe. We're childhood friends. We practically grew up together."

        "Ewan ko sa you Ash. Basta ako, I think I know what I saw." naniningkit ang dati nang singkit na mata nito. Pure Pinoy naman ito pero aakalain mong may lahing Tsino sa pagka singkit ng mata.

        Maya - maya pa'y nakita na nilang natapos na ng mga boys at ni Sir Aniano ang pag - aayos sa volleyball court kaya bumaba na rin sila mula sa mga bleachers. Nang makita siya ni Zanjoe na pababa na ay sinalubong agad siya nito upang alalayan pagbaba.

        Bergz smirked and raised her eyebrows. 'See. I told you.'

        'Whatever!"

********************

               Nakatulalang nakangiti lang si Ashley habang nakaharap sa kanyang laptop. Nangangarap lang ng gising ang peg. Katatapos lang kasi niyang panoorin ang Acoustic Cover ni Hugh ng awit na Flying Without Wings originally sang by 90's boyband WestLife. Tagos sa puso ang bawat liriko at tunay na napakasarap pakinggan ng boses ng binata. Kahit yata paulit ulit niyang panoorin sa you tube ay hindi siya magsasawa. Katunayan ay naka 86k views ito mula nang ma upload 1 month ago.

            "Hoy!"

            "Ay kabayo!" halos malaglag sa kinauupuan niya si Ashley sa gulat kay Zanjoe. "Ano ka ba naman Zan.. nakakagulat ka naman. Kung may sakit ako sa puso, kanina pa ako nakabulagta diyan."

            Saglit siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa screen ng kanyang laptop.

            "Paano namang hindi ka magugulat, tulala ka na naman diyan sa idolo mong si Hugh. Hamak na mas guwapo naman ako diyan ano." anitong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

            "Oo na, oo na payag na ako kasi birthday mo ngayon. Ngayon lang ha." aniyang ngumiti sa kaibigan. "Anyway, Happy Birthday!"

            "Thanks. Dumaan lang ako sandali dito para sabihan sina Tita na lumipat sa kabila mamayang 3 pm sa bahay. Nandiyan ba sila?" anitong bahagyang lumingon sa gawi ng kabahayan.

            "Nandiyan silang lahat. Ang alam ko nasabihan na tin sila ni Ninang Karren. Don't you worry, we're coming. Para namang napakalayo namin para hindi pumunta. I heard kumpleto ang buong barkada nina mama eh." aniya sa kaibigan. Nasaksihan nila ang magandang samahan ng magkakaibigan ng kanilang mga magulang. Hanggang pati silang mga anak ng mga ito ay malalapit sa isa't isa. Pinakamatanda na sa kanila si Ate Sabina na kasalukuyang nasa Amerika though paminsan minsan ay bumibisita sa Pilipinas. 

            "Okay. O pano, huwag mong kalimutan ang gift mo sa akin ha." natatawang biro ni Zanjoe sa kanya.

            "Siyempre naman Zanjoe. Malimutan ko ba naman iyon?" 

            Natatawa na lang na pinisil nito ang kaniyang baba bago tuluyang umalis.

            'Ouch!'

*******************

            

        Pawang mga nakangiti ang mga bagong henerasyon habang nakamasid sa mga magulang na nagkakagulo na sa kanilang Truth and Dare game na hindi nawawala tuwina sa mga ganitong pagkakataon. Ang pamilyang palaki nang palaki sa pagdaan ng panahon.

        Sa tuwina'y ang pasimuno ay ang kanyang amang si Jerson na sari - sari na  ang naiisip na pakulo. Napapailing na lamang sila ni Apollo. 

        "Kumain ka na ba Ash?" ang tanong sa kanya ni Ate Yna (short for Martheena) na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Kararating lang nito dahil galing sa duty nito sa SDGH as heart surgeon. Kinaiingitan at hinahangaan ng marami si Yna hindi lang sa husay nito as a heart surgeon kundi maging sa taglay nitong ganda . For her, papasa itong model o artista given a chance. She was tall, lean and really pretty. Pero mukhang malabo rin sapagkat napaka conservative ng Ninong Martin niya. 

        "Yes po ate Yna. Tapos na po ako. Dinalhan na po ako kanina ng pagkain dito ni Zan." sagot niya sa dalaga.

        Tumago - tango naman ito. "I see."

        Kasunod nitong dumating si Zeus na may dalang pagkain. Tumabi naman ito sa nakatatandang kapatid. Mukhang wala sa mood ang kapatid ni ate Yna. 

        "Bakit naman ganyan ang itsura mo Zeus?" tanong niya dito.

        "Because the sight of the witch makes me feel sick." anito sa gitna ng pagkain. Saka tinapunan ng masamang tingin si Fritzene na anak nina Tita Bing at Tito Celso sa kabilang table. Kasama naman nito sa table ang kakambal niyang si Apollo, ang anak nina Tita Mhelai at Tito Lucas na si Zach, sina Jared at Jamie na anak nina Tita Mhelrose at Tito Jim,  ate Aezzle na anak naman nina Tita Eden at Tito Jigs.

         Yeah. The famous war between Zeus and Fritzene is not yet over after almost 2 decades. Kailan kaya ang mga ito magkakasundo? 

        Maya - maya pa'y umupo sa kanyang tabi ang birthday boy na si Zanjoe. Binati naman ito ng magkapatid na Zeus at Yna.

        "Happy birthday Zan!" ani Zeus na mukhang nag - iba na ang mood.

        "Happy Birthday Zan! Sorry. Medyo nahuli ako. Galing pa kasi akong duty eh." anang dalaga. 

        Tumago naman si Zanjoe bago nagpasalamat sa dalawa. 

        "Anong gusto mo? Ikukuha kita sa loob?" Tanong ni Zanjoe sa kanya.

        "Hindi na. Sobrang busog ko na oh." aniya showing her bloated tummy to him.  

        Nagpalipat lipat naman sa kanila ang tingin ng magkapatid na Zeus at Yna.

        "You know what, kung hindi lang namin kayo kilala, we'll be thinking that you're more than friends."

        'Yeah great! There goes the line again.'

        

************************

        

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status