Share

Chapter 4

        One of the biggest regret ni Ashley ay hindi man lang siya nakapagpa picture with Hugh. Natulala na lang talaga siya. Nakaka starstruck lang kasi talaga.  Napabuntunghininga na lang siya sa sobrang panghihinayang.

        'Sayang naman.' Once in a lifetime lang hindi pa niya nasulit. Hindi pa naman siya sigurado kung kailan niya muli itong makikita. Sana soon. ASAP. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa pathway ng BISU.

        "Siopao for my Ash!" 

        'Isa pa naman ito. Bigla bigla na lang sumusulpot.' Nasa harapan na niya ngayon si Zanjoe habang iniaabot sa kanya ang paper bag na may lamang siopao mula sa isang kilalang convenient store.

        "Ano na naman 'to? Tumataba na ako sa mga binibili mo eh. Paano pa ako magugustuhan ni Hugh My Loves nito?"

       Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ni Zanjoe. Ngayon lang kasi siya nagcomplaint sa mga binibigay nito sa kanya.

        "Hello! Iappreciate mo na lang ang blessing. Blessing yan galing kay Lord." naiiling na sabi nito. "Besides, hindi ka naman tumataba eh. At wala rin namang masama sa pagiging healthy. Tumaba ka man maganda ka pa rin. Hugh My Loves Hugh My Loves eh hindi ka naman kilala nun"

        "Amen. Sige okay na. Nakumbinsi mo na ako don. Pero I beg to disagree about Hugh My Loves." nakaingos pero tumatawang sabi niya sa kaibigan. Besides naaappreciate naman talaga niya ang ganitong gestures nito sa kanya. Halos lahat yata ng kababaihan sa BISU ay naiinggit at nagseselos sa kanya. Bakit? Gusto lang naman nilang mapalapit sa kanyang kaibigan na si Zan. 

        He's the typical tall, dark and handsome na  ideal para sa mga girls. His features insinuates that you can depend on him. With him around, you're confident that you're always safe.

*******************

        Hugh couldn't help but reminisce the day he met a girl named Ashley. She was funny and cute. The way she opens her mouth whenever she's amazed. She didn't mind at all if she looks weird. So naive and innocent. Hindi niya malimutan ang maganda nitong mukha. Hindi naman niya nagawang kuhanin ang buong pangalan nito. Even her contact numbers and IG accounts. 

        Siguro he'll search for her some other time. Hindi na rin siya nagkaroon ng mahaba - habang time to bond with his family. Nakaluwas na kasi siya ng Manila for series of commitments. The perks of being in demand and famous. May mga bagay na gusto mong gawin pero hindi mo na magawa dahil isa ka nang public figure. 

        "Kahapon pa ako tumatawag sa iyo pero hindi ka sumasagot." nakasimangot na sabi sa kanya ni Kristel. She strides inside his dressing room without knocking the door. 

        "I didn't notice your call. Alam mo namang may schedule kami nina Keith at Matthew para gumawa ng cover." balewalang sagot niya. 

        "But you didn't call me back. Give me a valid reason." madiing sabi ng dalaga.

        Napailing na lamang si Hugh. Not because they are loveteam ay obligado na siyang gawin ang gusto nitong gawin niya. Nararamdaman niyang may pagtingin ito sa kanya. But he doesn't want to give her false hope. Even for the sake of publicity. Sa tuwing iniinterview sila sa mga talk shows, he's always been honest about their relationship. They're friends, that's it. Nothing more, nothing less.

        Nang walang makuhang sagot ay padabog siyang iniwan ng dalaga. 

*****************

        

        "Shit!" malakas na bulalas ni Ashley nang mapansin na may stain siya sa bandang likuran ng skirt niya. Hindi malaman kung paano ito tatakluban. Samahan pang sumasakit sa oras na ito ang kanyang puson. Namana pa niya sa kanyang inang si Miles ang palagiang pagkakaroon ng dysmenorrhea. 

           Naramdaman niya ang paglapat ng isang bagay sa kanyang likuran. 

            "Hey, I've got you covered!" ani Zanjoe habang itinatali sa kanyang beywang ang hoodie jacket nito. Who else? Bakit ba palaging nakapa timing nito? Lucky her and thankful naman siya sa pagkakaroon ng mabuting kaibigan. Napalaki ito nang maayos ng kanyang Ninang Karren at Ninong Phem sa kabila ng nag - iisa itong anak. 

          Hindi niya napigilang ilibot ang paningin sa buong Campus. Hindi nakaligtas sa kanya ang panibugho sa mga mata ng mga kababaihan.

        "Sana all!" narinig pa niyang sabi sa isang grupo ng mga estudyante.        

        "So lucky naman that girl."

        "That should be me."

         Habang inaayos ni Zan ang pagkakabuhol ng dalawang sleeves ng hoodie jacket nito sa kanyang beywang ay napagtuunan niya nang pansin ang kababata. Wala namang nagbago. Ito pa rin ang kababata na kalaro niya since mga bata pa sila. Medyo nagmature lang nang kaunti ang features pero ito pa rin ang Zan na kilala niya. Sa sobrang kilala nila ang isa't isa, maski ang utot nito ay matutukoy niya. Ganern sila ka close. 

        "Okay ka lang ba? Do you want me to take you home?" nag aalalang sabi nito sa kanya making sure she's okay.

        Gusto sana niyang tumanggi upang hindi makaabala rito ngunit tumango na lang siya sa sakit na nararamdaman.

         "Puwede ba? Okay lang ba sa'yo?" tanong niya sa kaibigan.

         "Yes, of course, Ash. Let's go."

         She can feel cramps and all she wanted to do is to lay down on her bed. Inalalayan siya nito hanggang makarating sa parking area ng unibersidad. Nang makaupo na nang maayos sa sasakyan, she mouthed thank you to Zan before  she fall into deep sleep.

    

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status