Share

Chapter 6

        "How do you feel now?" tanong ni Zanjoe kay Ashley na kasalukuyang nakahiga pa rin sa kama nito. Marahil gawa ng pangyayari kahapon samahan na naulanan ang dalaga kaya masama ang pakiramdam nito. 

        Inilapag ni Zanjoe ang dalang prutas para kay Ashley bago umupo sa gilid ng kama nito. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng dalaga. Nanatili lang na nakatingin sa kanya ang dalaga.

        "Are you mad at me?" nag - aalangan niyang tanong dito. Hanggang ngayon kasi sinisisi pa rin niya ang sarili niya kung bakit nangyari iyon sa dalaga.

        Mula sa pagkakahiga ay marahan itong umupo na maagap naman niyang inalalayan. 

       "No. I'm not. Bakit naman ako magagalit sa iyo? Hindi mo naman ginusto na mangyari iyon Zan. Thankful ako sa 'yo kasi lagi kang nandiyan. You're the best man ever!" bagaman malamlam ang mukha ay nakangiting sabi nito sa kanya.

        Parang nabunutan ng tinik si Zanjoe sa narinig. 'Thanks God.'

        "Did you take your meds already?" tanong niya sa dalaga. Tumango naman ito sa kanya. "Then good para mas mapadali ang paggaling mo. Ang laki mong tao, sakitin naman."

        Umirap ito sa kanya. "You're so mean!"

        "I got something for you."  aniya na kinuha mula sa likod ang hawak hawak na poster. Agad niyang iniladlad ito sa harap ni Ashley.

        Namilog naman ang mata nito pagkakita sa poster sa harap nito.

        "Wow! Really? Binili mo 'to?"

        Nakangiting namilosopo siya. "Hindi, dinampot ko lang."

        Nagmake face naman si Ashley. "Hehehe.. Funny."

        Matagal nitong tinitigan ang poster na hawak niya. Mula sa table nito ay naghanap siya ng double sided tape. Nang makita ang hinahanap ay kinapitan niya ang poster.

        "Where will I paste this?" tanong niya kay Ashley. Itinuro ni Ashley ang space na wala pang nakadikit na poster. Habang idinidikit ang posters ay napalingon siya sa dalaga na maluwang ang pagkakangiti.

        'Anything for Ashley.'

***************    

        Kasalukuyang tumitingin ng CD si Ashley sa Oddysey Multi Media Store sa isang kilalang department store. Matagal tagal din siyang hindi nakabisita sa nasabing store sapagkat mahigpit siyang pinagbawalan ng mga magulang na lumabas mag - isa maging ni Zanjoe. Parang praning, masyadong paranoid. Natrauma yata sa nangyari sa kanya sa labas ng unibersidad.

        Sa wakas! Nakita rin niya ang VCD ng album ni Hugh Perez. Excited na siyang mapanood at mapakinggan ang magandang boses ni Hugh pag - uwi niya. Pagpihit niya pagpunta sa counter ay bahagya silang nagkabungguan ng lalaki sa bandang likuran niya. Nabitawan niya at lumaglag sa sahig ang VCD ni Hugh.

        Muntik na rin siyang matumba sa impact ng pagkakabangganga kung hindi lang siya mabilis na nahagip ng nakabunggo sa kanya. Ipinulupot nito ang bisig sa katawan niya bago pa siya tuluyang matumba sa sahig. Mabilis din naman niyang naikapit ang kamay sa leeg nito.

        Nang makahuma ay umayos na siya ng tayo at inalis ang mga kamay sa leeg ng lalaki. Naramdaman din niyang inalis na nito ang mga bisig na nakapulupot sa kanyang katawan.  

        Napatingin sya sa kaharap. Mataman itong nakatitig sa kanya. Nanlalaki ang matang nakatitig lang siya sa guwapong mukha ng binata.

        Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Si Hugh! Si Hugh! Si Hugh! Si Hugh ba talaga ang kaharap niya?   Ito pa rin ang Hugh na nakita niya ilang buwan na ang nakalilipas.

        "Ashley right?" maang na tanong nito sa kanya.

        Napakurap siya sa sinabi ni Hugh. Nakilala si ni Hugh? Wow! That's good news.

        Impit na napatili siya kaya agad na tinakpan ni Hugh ang bibig niya bago nagpalinga linga sa paligid. 'Oo nga pala. Delikadong makita ito ng mga tao sa paligid.'

        Nang makalampas sa kanila ang isang grupo ng mga kabataan ay agad nitong nilimot ang VCD na nabitawan niya kanina. 

        Naamuse na tumingin ito sa kanya. "You want to buy this?" 

        Tumango - tango naman siya. Maingat na isinaulit nito ang VCD sa rack doon. 

        "Then come with me." anitong hinila na ang mga kamay niya. Wala nang nagawa na napasunod siya sa binata. Mahirap na. Kahit nakadisguise ang binata ay nakilala pa rin niya. Marahil ganoon din ang iba kapag nakita nila ito.

            Mabuti na lang nang sumakay sila sa elevator patungo sa ground floor ay dadalawa lang ang sakay doon. Pumuwesto sila ni Hugh sa bandang likod. Inayos naman ng binata ang hood nito upang ikubli ang sarili. 

            Nang tumigil na ang elevator sa ground floor ay agad silang lumabas at nagtungo sa car park. 

            "Where are we going?" nagawa niyang itanong sa binata.

            "In my car. I'll give you my personal copy of that VCD you wanted to buy earlier in the store." sabi nito kaya muli na namang namilog ang kanyang mga mata at napaawang ang mga bibig. Napatawa naman ito sa naging hitsura niya. 

            "Brat.. I'm going to kiss you if you won't shut your mouth." naaaliw na sabi ni Hugh. 

            Agad niyang itinikom ang bibig sa sinabi ni Hugh. Matapos lagyan ng dedication ay ibinigay sa kanya ng binata ang VCD. Nagpaalam na rin siya sa binata na uuwi na habang kipkip sa dibdib ang nasabing VCD. 

            "Care if we eat snacks somewhere?" tanong sa kanya ni Hugh sa nangungusap ang mata. 

            'Yeah great!'

            Hindi makapaniwala si Ashley sa suwerteng dumating sa araw na ito. It just started a simple day but ended up spectacular.

           

*************************

            

            

            

            

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status