Share

The Ugly Duckling Squad: Rias
The Ugly Duckling Squad: Rias
Author: MC Chan

Monster Girl

"Eeww! Look at her face! So kadiri!" Dinig niyang wika ng mga maaarteng estudyante sa St. Marguerite University na pinapasukan niya.

Patay-malisya na naglakad na lamang si Rias sa hallway kunwari'y hindi niya narinig ang mga iyon.

Kung hindi siya lalaitin ay tatawanan ang mukha niya na tinubuan ng maraming pimples.

Hindi naman niya ginustong maging ganito ang hitsura niya. Her hormones are to blame dahil out of whack iyon.

Nakailang konsulta at pahid na rin siya ng mga products na binibigay ng dermatologist niya. Medyo effective naman pero pabalik-balik pa rin ang pimples niya causing some major scars sa face niya! Kailangan niya yata ng surgery para matanggal ang acne scars niya na sobrang expensive!

Hindi naman siya anak-mayaman. Ordinaryong pamilya lang ang kinabibilangan niya. Kaya malaking isyu sa kanya ang pera para bumalik sa dating ganda ang mukha niya.

Sa katunayan nga ay muse siya ng klase noong Elementary siya. At natigil lamang iyon nang tumuntong siya noong High School. Nag-umpisa nang lumitaw ang bangungot ng isang teenager na gaya niya.

Nagkaroon siya ng sunod-sunod na pimples sa cheeks at sa kanyang T-Zone. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin kung bakit siya minalas ng ganito. 

Graduating na siya ngayon sa college at baka mahirapan siyang makahanap ng trabaho dahil sa hitsura niya. Baka hindi siya pansinin ng interviewer dahil sa awkward niyang mukha.

Bumuntung-hininga siya. Malapit na ang Graduation Ball at nakikinita na niyang walang sinoman sa mga kalalakihan ang mag-aaya sa kanyang sumayaw.

How sad naman her life is?

-o-

"Aaron!" Na ikinalingon ng binata. Nagsalubong ang magandang kilay ng lalaki nang mapagsino ang tumawag sa kanya. Si Moira Aniceto lang naman.

"Hi, Aaron!" Bati ng babae sa kanya. Sobrang lawak ng ngiti nito; kulang na lang ay lapain siya.

"Yes?" Maginoo pa ring tugon ni Aaron kahit nalalandian siya sa babaeng kaharap niya.

"May ka-partner ka na ba sa Grad Ball? I mean date?" Tanong ni Moira.

"Date? Sa Grad Ball?" Balik-tanong niya sa babae. What's so special about it?, Anang isip niya.

"Yes. Gusto ko kasi na ikaw ang kasama ko sa gabing iyon. I don't like other guys eh. I want you," Na ikina-arko ng kilay ng binata.

"Ah, yes! I have a date. Sorry!" Deklara niya rito.

"W-what?!" Laglag ang panga na bitaw ni Moira. Masasalamin ang disappointment sa mukha nito. 

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala, Miss Moira?" At nakita sa gilid ng mata ang paparating na si Rias. Nakaharang kasi silang dalawa ni Moira sa hallway.

"Ha?" Ang nasabi ni Moira dahil may hinilang babae si Aaron. Nagtatakang tiningnan niya ang binata. Bakit hinila nito si Monster girl? Close ba ang mga ito?

"A-anong?" Gulat na tanong ni Rias. Kilala niya ang biglang humila sa kanya. Si Aaron Samuels lang naman! Ang captain ball ng varsity team!

Inakbayan siya ng lalaki. "Siya ang ka-date ko, Moira," Anunsyo ni Aaron sa babae. "Rias Fides is her name."

Nababaghang di-makapaniwala si Moira. "Niloloko mo ba 'ko, Aaron? Of all people, siya pa? 'Yang taghiyawatin na 'yan! Diyan ka na nga!" Saka pareho silang inismiran at naglakad papalayo.

Unti-unti namang lumuwag ang pagkakaakbay ng binata sa kanya. Tiningnan niya ang mukha nito. Ilang piye din ang tangkad nito sa kanya kaya parang nakatingala na rin siya. "Kilala mo 'ko?" She said dreamily. Habang nakatingala ay pinag-aralan niya ang kabuuan ng mukha nito. Kay-amo ng mukha ng binata na binagayan ng maliit at matangos na ilong. Kay-ganda ring pagmasdan ang deep-set eyes na mga mata nito na may malalagong pilik. Well-defined jawline na akala mo'y nililok ng isang iskultor. Hindi nakakapagtakang habulin ito ng mga bigating modelling agency dahil na rin sa likas na kaguwapuhan at kakisigan nito.

Sukat doon ay tinulak siya ng binata. "Silly! Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Anitong hindi makapaniwala.

"Huh?" 

He smirked. "Thanks," At walang paalam na tumalikod sa kanya.

Si Rias naman ay naguguluhan. Anong ibig sabihin doon ng binata? Pinagkibit-balikat niya na lang iyon at tumuloy na sa kanyang klase.

-o-

Kasalukuyang nagpapahinga si Aaron sa may bench ng gym nang makita niya ang isang pamilyar na pigura. Mukhang may P.E class ang mga ito at naghahanda para sa isang volleyball match.

Bigla niya tuloy naalala ang mga panahong nagpapa-cute siya rito. Grade 3 sila noon. Silang dalawa ni Rias ang tinaguriang Mr. and Ms. Elementary ng Lakandula Academy. Kilig na kilig siya kapag tinutukso silang dalawa ni Rias ng mga kaklase niya habang si Rias naman ay namumula ang mukha dahil sa mga tirada ng mga ito.

Ngunit nagbago ang lahat nang sumapit sila sa Ika-apat na antas. Biglang sumulpot sa kung saan si Dave Lentejas na isang transferee. Guwapo rin ito at may sinasabi sa buhay. Magmula noon ay ito na ang tinaguriang Mr. Elementary ng school nila. Nabura siya sa mapa at ito na ang pinapansin ng kanyang crush na si Rias. Kinalimutan na siya nito na pinatunayan nito kahapon dahil hindi man lang siya naalala nito.

Wala namang masyadong pinagbago sa hitsura niya. Tumangkad lang siya at lalong naging guwapo. Hindi sa pagmamayabang pero inalok na rin siyang maging model ng Calvin Klein at United Colors of Benetton. Kaso ay tinanggihan niya dahil mas gusto niyang mag-dribble ng bola kaysa magpakita ng katawan o mukha.

Napalitan rin ang apelyido niya na Cabalin dahil inampon siya ng kanyang stepfather na si Dr. Roy Samuels. Limang taon din siyang nanirahan sa California kasama ang Mommy niya at ang Stepfather niya nang magpasya siyang tumira muli sa Pilipinas para makapaglaro ng basketball at maging parte ng PBA.

Kapag naging kampeonato sila this season ay tiyak niyang mapapasama siya sa draft ng mga PBA teams. Rain or Shine o Alaska ang pangarap niyang team. Okay lang din kung kunin siya ng Smart o ng Petron Blazers. Ang mahalaga ay makalaro siya sa big league.

Sa pagninilay-nilay ay hindi niya kaagad napansin na tinatawag na siya ng kanilang coach. Nagmamadali niyang tinungo ang kinaroroonan nito. Naroon na rin ang teammates niya. Mukhang siya na lang ang kulang. 

"Mukhang ang layo nang iniisip natin ah," Bati sa kanya ni Coach Ago.

Alanganing ngiti ang naging sagot niya at sinulyapan si Rias na malapit lang sa kinaroroonan nila ngayon.

Hindi niya alam na tinitingnan din siya ng dalaga. Nagsalubong ang mga mata nila. Si Aaron ang unang umiwas dahil sa takot na mabasa ang dating nakatagong damdamin sa dalaga.

-o-

Sa isang sulok naman ay kilig na si kilig si Rias dahil naka-eye to eye contact lang naman niya si Aaron Samuels. Subalit naputol kaagad ang pagpapantasya niya nang tamaan siya ng bola sa ulo.

"Ouch!" Si Rias na lubhang nasaktan. Dinama ang ulo dahil sa tindi ng impact ng bola sa kanya.

"Ambisyosa! Ilusyunada!" Dinig niyang wika ni Moira sa kanya at nakapameywang ito. Hindi maikakailang magandang babae si Moira. Pinagsamang Chloƫ Grace Moretz ito at Selena Gomez ang mukha nito.

"H-hi, Moira!" Bati niya rito sa kabila nang ginawa nito sa kanya. Kaklase niya si Moira tuwing P.E class nila dahil binagsak nito ang naturang subject last semester. Kaya heto siya mukhang pinagseselosan ni Moira dahil kay Aaron.

"Ang kapal ng mukha mo para magpa-cute kay Aaron! Anong klaseng gayuma ang binigay mo sa kanya ha?" Anitong papalapit sa kanya.

"M-moira! Hindi totoo 'yong- ," Naputol ang gusto sana niyang sabihin dahil sinampal na siya ni Moira.

Napaiyak siya at napaupo dahil sa pagiging helpless niya nang mga sandaling iyon

-o-

Nasaksihan lahat ng binata ang naganap kay Rias. Akma niyang susugurin si Moira dahil sa ginawa nito kay Rias nang may biglang tumulak sa babae. 

"What the hell did you do to her?!" sigaw ng babaeng naka-blonde ang buhok. May red headband rin ito at ngayon niya lang nakita sa school nila. Imposibleng hindi niya mamukhaan ito dahil bihira lang sa mga estudyante ng St. Marguerite ang magpa-kulay ng buhok. Symmetrically perfect diamond-shaped face with big and expressive eyes. Slightly turned-up nose and sultry lips. Mapapa-wow ka na lang talaga dahil sa striking beauty na taglay nito.

"Who the hell are you din ba?" Sigaw rin ni Moira sa babaeng naka-blonde ang buhok pagkabangon nito sa lupa. Pinagpag nito ang nadumihang suot na P.E na uniform.

"Me?" Sabay turo sa sarili. "I'm the person your parents warned you about," Bitaw nito kay Moira.

Nababaghang tiningnan lang ito ni Moira. "You should be r- ," Nilamon ang anumang sasabihin ni Moira nang pumito ang coach nila.

"What's the meaning of this, girls?" si Coach Ago at ineksamin ang mukha ni Rias. Pumutok ang labi nito sa kagagawan ni Moira.

"Sino ang may gawa nito sa kanya? And where's your P.E Prof?" Tanong ni Coach Ago sa lahat. 

Tinuro naman ng buong klase si Moira. "May kinuha lang po saglit si Prof. Carandang sa supply room."

Tumango si Coach Ago at sinenyasan si Moira na sumunod rito. Walang nagawa ang babae na sundin ang utos ng coach nila.

"Are you alright?" Tanong ng babaeng may kulay ang buhok kay Rias.

Tumango siya at nginitian ito ngunit napa-aray siya dahil putok ang sulok ng labi.

"You don't look okay. Come," Sabay hatak sa kanya papuntang clinic. "Please excused us," Pasintabi nito sa mga miron na nakaharang sa daan nila.

"S-sino ka?" Naitanong niya.

"I'm just like you.." Sagot nito.

"You're just like me?" 

"Uhuh," sabay tango.

Naguguluhang napatitig na lang si Rias sa di-kilalang babae. Sino ba itong magandang babae na ito? Bakit niya ko tinulungan? Anang isip niya.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status