Share

Love Game

Ugh! Ba't ang daming wala ngayon?!" Sigaw ng kanilang Cheerleading captain na si Torrance.

"Captain, may sakit po kasi sina Jemarie at Missy. Absent naman sina Ace, Colton at Tamara," Pagbibigay-alam sa kanya ng isa sa kanyang miyembro.

"Ugh! Bakit ngayon pa kung kailan may game ang basketball team?" Nangangambang wika nito sa kanila. May isang oras pa sila para maghanap ng paraan para mapunan ang kakulangan nila sa tao.

"Magtatawag na lang ako ng iba na willing mag-cheer, Captain. Madali lang naman ang steps. Kaya pa siguro natin ituro," Sabat ni Moira.

Walang nagawang tumango na lang si Torrance. "Kayong lahat! Maghanap kayo ng limang tao na pansamantalang papalit sa limang wala. I'll be waiting for ten minutes at dapat nandito na kayo! Alright?" Saka pumalakpak para bigyan ng signal ang mga ito na kumilos na.

Nasunod naman ang utos niya na sampung minuto ay dapat na nandito na ang papalit sa mga wala niyang miyembro. Si Moira na lang ang wala at ang bitbit nito. Maybe she could wait for another five minutes. Nagsimula na rin mag-ensayo ang mga bagong recruit.

-o-

Tumunog ang cellphone ni Rias. Binasa niya kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ilalim ng punong mangga katabi ang ilang mag-aaral na na nagre-review.

"Hey, Rias. So sorry! Ginawa akong cheerleader for today. Bukas na lang tayo magkita ha? Is that okay? xoxo," Basa niya sa text na galing kay Dana.

"Okay," isi-send na lamang niya ang mensahe nang may biglang humila sa braso niya. "A-anong?!" At napatda nang mapagsino ang humila sa kanya.

"Hep! Huwag kang kokontra!" Babala ni Moira habang sige sa paghila sa kanya sa kung saan.

"Saan mo ko dadalhin?!" She demanded.

"Sa cheering squad," Sabay ingos sa kanya. 

"Ha? Hindi ako marunong sumayaw!" Tanggi niya habang inaalis ang kamay nito sa kanyang braso. Ramdam niya ang higpit nang hawak nito dahil sa mga kuko nito.

"Who told you na sasayaw ka? Magiging mascot ka, boba!" At binigyan siya ng nakakainsultong ngiti. Papasok na sila ng gymnasium.

"P-pero..." Aniya rito. Aangal pa sana siya ngunit nasa harap na niya si Torrance. Ang mabagsik na Cheerleading captain ng kanilang university.

"Siya ang mascot?" Walang kaabog-abog na wika nito sa kanila.

Tumango si Moira.

"Sige! Ipasuot na sa kanya 'yung costume and do it faster!" At tinalikuran sila.

-o-

"O, ayan!" si Moira sabay hagis sa kanya ng magiging costume niya.

Laylay ang balikat na ginawa na lang niya ang utos nito. Sinuot niya ang tiger cub costume. Toto ang pangalan ng mascot ng university nila.

"Rias!" Anang pamilyar na tinig. 

"Dana!" Masayang bati niya rito. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ang kaibigan.

"Mukhang hinila ka rin nila rito sa squad. Don't worry, Rias. Gaganti tayo kay Moira. Sumusobra na siya," Inis na pahayag ni Dana.

Napayuko siya. Tama. Sumusobra na ang pagiging bratinella ni Moira. Hindi dapat siya pumayag sa pagmamanipula nito.

Tinapik siya ni Dana sa balikat. "We can do it!" Pampalubag-loob nito.

"Yes!" Sang-ayon niya. Bumalik na rin si Dana sa grupo ng mga cheerleaders.

Ilang saglit pa ay tinuruan na siya kung ano ang magiging steps niya sa sayaw. Saglit lamang iyon pero dahil may kabigatan ang costume niya ay hingal-kabayo na siya.

-o-

"Torrance!"

Hinanap ni Torrance sa paligid niya kung sinong balasubas ang sumigaw sa pangalan niya. Ah! Ang captain ng basketball team. Walang iba kundi si Aaron Samuels! 

"Bakit?" Tanong niya rito. 

"Puwede bang ako na lang 'yung mascot?" Biglang sabi nito sa kanya.

"Ha!?"

"Please?" Pagmamakaawa nito.

"Kaso paano ang game mo? Magagalit ang coach mo sa'kin!" Pagsasaalang-alang niya.

Huminga ito ng malalim. "Don't mind my coach. May tiwala ako sa team ko. Papasok ako sa laro pagdating ng second quarter."

Dahil sa determinasyong nakita sa binata ay pumayag na rin si Torrance. "Ikaw ang bahala," Pagbibigay niya.

"Thanks a lot, Tor!" Pasasalamat ni Aaron sa kanya.

Napapailing na lamang si Torrance sa trip ng lalaki.

-o-

Tagaktak na ang pawis ni Rias pero hindi niya pa rin makuha ang steps na nakatalaga sa kanya.

"Rias," Anang nasa likuran niya at kinalabit siya.

Nilingon niya ito. "Aaron?" Takang-takong niya. 

Nginitian siya ng lalaki. "Hubarin mo na 'yang costume. Ako na lang daw 'yung mascot."

Kahit naguguluhan sa sinabi nito ay pumayag siya. "Sabi mo eh!" 

Dali-dali niyang hinubad ang costume at ipinasuot rito. Alam na rin daw naman nito ang steps kaya no need na turuan pa ito.

"Di ba may laro kayo?" Naalala niyang itanong.

"Yup! Pero sa second quarter pa ko maglalaro," Sambit nito.

"O-okay!" Usal niya kahit may namumuong pagdududa sa dibdib niya.

-o-

Nairaos din ng St. Margarithe Cheerleading Squad ang kanilang routine kaya masaya ang mga itong nagkumpulan sa isang sulok. Habang sina Rias at Dana naman ay napiling tumabi sa isang waterboy doon. 

Hindi mapakali ang puwitan ni Rias. Tambak ng fifteen points ang team nina Aaron. Mukhang isang malaking hamon iyon sa kakayahan nito dahil kapag natalo sila sa game na ito ay laglag na sila for championship game. Hinahanap na ito ng coach nito at halatang galit na. Dapat pala ay hindi siya pumayag na maging mascot ito.

"Rias, look! It's Aaron!" Biglang untag ni Dana sa kanya na nagpatayo sa kanya sa kinauupuang bench.

Nabuhayan ang loob ng mga manonood. Totoo nga ang sinabi ng binata sa kanya kanina. Lalabas ito ng second quarter ng game.

"Go, Aaron!" malakas na sigaw niya. Sana ay makarating sa binata ang nakakabinging cheer niya.

Nginitian siya ni Dana. "Mukhang in love ka na sa kanya, friend."

"Hindi 'noh!" Malakas na tanggi niya rito.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Dana.

Ibinalik na lang niya ang pokus sa laro. "Sana manalo kayo, Aaron," Piping-dasal niya.

-o-

"Saan ka ba nagsususot, Aaron?" Sita sa kanya ni Ago 

"Sorry, Coach. Sumakit kasi ang tiyan ko kanina," Pagdadahilan niya.

Halatang hindi naniwala sa kanya ang kuwarenta'y anyos na basketball coach. "Kapag natalo tayo sa larong ito, Aaron. Ikaw ang numero unong sisisihin ko," sSbay-talikod sa kanya.

Napalunok siya ng laway. "Let's go team!" Sigaw niya sa kanyang teammates. Inakbayan naman siya ng mga ito. 

"Ipanalo natin ito!" Anang point guard nila.

Tumango naman siya. Kailangan nilang mahabol ang fifteen points na lamang ng kalaban. Kung hindi ay yari sila mamaya kay Coach Ago.

-o-

"FOUL!" sigaw ng isang referee kay Aaron na nagdulot ng komosyon sa mga ka-team nito. Isang foul na lang ay out na ito.

"What?!" hindi makapaniwalang sambit ni Aaron. "Shit!" Mura ng isip nito. Totoo pala talagang marumi maglaro ang kalaban nila. "Damn!" Mura ulit niya.

Kaagad naman siyang tinawag ng kanyang Coach para magpahinga sa tabi nito.

Two points ang lamang nila sa kalaban nilang Augustinian University. Magiging tabla ang puntos nila kapag parehong nai-shoot ni Paras na natabig daw niya ang dalawang free throw.

"Hindi ko siya tinabig, Coach," Parang batang nagsusumbong sa kanyang Coach.

"I know. Isa ka kasing malaking threat sa kanila kaya gusto ka nilang mawala sa court," Esplika nito.

Nagpakawala siya ng marahas na hininga. Ang tanging magagawa niya lamang sa ngayon ay magpahinga saglit at magdasal habang hindi pa siya pinapalaro.

"Aaron! Pst!" Dinig niyang tawag ng isang pamilyar na tinig.

"Rias!" Anang utak niya at kaagad na pinuntahan ito sa tabi ng waterboy. Nakita niya rin si Dana na katabi nito. Mukhang kabado itong tingnan dahil na rin sa lagay ng team nila. "Halika! Sa likod tayo!" Tukoy niya sa makipot na daad papasok ng gym. Hinila niya si Rias papunta roon.

"Nakita ko 'yung nangyari kanina. Sobrang daya ng naka-Jersey number 46 na iyon!" Sambot ni Rias.

"Sshh!" aniya rito. "Ang cute pala ni Rias habang nagmamaktol," Sa isip-isip nito at kagyat na hinila ang dalaga para halikan sa labi.

Nabigla at namula ang dalaga sa ginawa ng binata. Saglit lamang iyon pero naghatid iyon ng libo-libong kuryente sa kanyang katawan.

"Pampaswerte," Maigsing tugon ni Aaron. 

Hindi pa rin siya makahuma sa ginawa nito. 

"Tiyak na hinahanap na ko ni Coach. Tara..." At hinila ulit siya ng binata pabalik ng court.

-o-

"Saan ka ba nagsususuot ha, Aaron?! Si Coach Ago at mabilis na tiningnan ang kung sinong ka-holding hands nito. 

Nilapitan niya ang dalawang love birds. "Puwede ba mamaya na kayo maglampungan? Saka niyo na gawin 'yan kapag Victory party na!" Nanggigil na bulong niya sa dalawa.

"Yes, Coach!" Sabay pang wika ng dalawa. 

Napailing siya. Isinalang na rin niya si Aaron sa game. At hindi nakaligtas sa mabilis na mata ni Coach Ago ang kakaibang sigla ng binata mula nang ipinasok niya muli ito. Mukhang lucky charm ng binata ang ka-holding hands nito kanina.

"Yes!!!!!" Malakas na sigaw ni Coach Ago nang maipasok ni Aaron ang tumataginting na three-points shot. Ilang segundo pa ay nasundan din agad nang humaharurot na lay-up ni Mike - ang kanilang shooting guard.

Five points na ang lamang nila sa kalaban at malabo nang makahabol ang mga ito sa loob ng thirty seconds dahil paglalaruan na lang nila ang bola.

"You are the best, team!" Madamdaming sigaw niya sa mga ito.

ENNNNNGGKK!

Isang signal na tapos na ang laban. St. Margarithe University basketball team scored 105 points against its rival the Augustinian University who only scored 100 points. 

Isang magandang laro at karanasan para sa mga manlalaro ng bawat koponan.

He congratulated each of then especially Aaron na hingal-kabayo pa rin at parang may hinahanap.

"Are you looking for her, Aaron?" Biglang wika niya sa binata.

Tumango naman ito. "Kalalabas pa lamang niya rito sa gym at sa tingin ko ay maaabutan mo pa siya."

"Thanks, Coach," At dali-daling tumakbo na ang binata para habulin ang dalaga. Hindi na nga nag-abala pa ito na magpunas ng pawis man lang.

Naiiling na nangingiti si Coach Ago sa aktuwasyon ng binata. Naalala kasi nito ang masayang araw ng kabataan nito.

-o-

"Bakit ba tayo umalis agad?" Tanong ni Dana kay Rias.

"Nahiya kasi ako bigla," Sagot niya sa tanong nito.

"Huh? Bakit naman?" 

Dinama niya ang kanyang mga labi. "Hinalikan kasi ako ni Aaron kanina," Rebelasyon niya.

Nanlaki bigla ang mata ni Dana sa kanya."What?! First kiss mo?" Usisa pa nito.

Nahihiyang tumango siya. 

Dana smiled widely. "I'm so proud of you! I should treat you for a make-over!" She said joyously.

Si Rias naman ay napanganga sa sinabi nito. "Seryoso ka?!" saad niyang hindi makapaniwala.

Tumango-tango ito nang paulit-ulit. Kumukutitap din ang mga mata nito dulot ng excitement. "It's my favorite thing in the world!" At niyakag siya palabas ng gate. 

"Rias! Wait!" 

Napahinto sila sa sigaw na iyon. Nakita nilang tumatakbo sa kanilang direksyon si Aaron.

"We should talk," Ani Aaron kay Rias kahit humihingal pa.

Sasagot na sana si Rias nang awatin siyang magsalita ng kaibigan. "Ops! Sorry to burst your bubble, Mr. Samuels. Sa akin muna ngayon si Rias at sa mga susunod na araw. Meaning bawal muna kayong magkita o magsama. Understand?"

"B-bakit?" Anang dalawa na naguguluhan sa gustong mangyari ni Dana.

Hinarap siya ni Dana. "It's for your own sake, Rias! Sa ngayon, magba-bye ka muna sa Fafa mo kasi baka masarhan tayo ng mall!" Parang Commander-in-Chief na sabat nito.

"Uh, okay. Basta mag-ingat lang kayo lagi," Sabi na lamang ni Aaron.

Nginitian ni Dana si Aaron. "Thanks, Aaron! Ibabalik ko din siya sa'yo. Promise!" At tumalikod na ang dalawa.

"Bye, Aaron! Take Care!" Paalam ni Rias sa binata.

Tumango lamang ang binata at masuyong ngumiti. Kung ano man ang pakulo ni Dana sa dalaga ay tiwala siyang makakabuti iyon para kay Rias.

So habang wala pa sa tabi niya ang dalaga ay magpapaka-busy muna siya sa basketball practice para sa kanilang Championship game.

-o-

"Hey, MD!" Pagkuha sa atensyon niya ng kaibigan na si Klaus.

"Yes, bro? Bakit?" Sabay tingin rito.

"The bastard's team won the semis," Imporma nito sa kanya.

Nag-isang linya ang labi niya. Kunsabagay, ini-expect na niya talaga na mananalo ang koponan ni Aaron laban sa Augustinian. Hindi talaga makapaghintay ang lalaki na makalaban siya sa hard court.

"Tingnan na lang natin kung makakalusot sila sa Championship game," Aniya.

Pinag-krus ni Klaus ang balikat. "Sana makalusot si Aaron para makalaban mo na rin siya sa PBA League," biglang banat nito.

Disgusto ang bumahid sa mukha niya at tinawanan ang sinabi ng kaibigan. Ahead siya kay Aaron Samuels ng isang taon dahil na-accelerate siya noong Grade Seven. First Year high school na siya habang si Aaron ay naiwan sa Grade Seven. Gayunpaman, kahit iba na ang antas nila at eskwelahan nila ay naroon pa rin ang animosity nila sa isa't-isa. Siguro dahil nag-ugat ang rivalry nila sa iisang babae. Si Rias. Ang dating maganda na pangit na ngayon.

Ngumiti siya nang mapait. Naiinis sa sarili kung bakit kinalokohan niya ang babae noon.

-o-

"Hi, Miss! Mayroon pa ba kayong LANY Silver tickets?" tanong niya sa babaeng nasa counter.

"Sorry, Ate. Sold out na 'yung silver. Gold na lang ang natitira saka Platinum," Apologetic na saad nito sa kanya.

Lumungkot ang mukha niya. Alam niyang hindi sasapat ang pera niya para sa Gold ticket. "Sige po. Salamat na lang po," at nakayukong umalis sa pila.

Nakayuko pa rin siya habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang taong kasalubong niya.

"Watch where you're going, fool!" Nakakabinging sigaw nito sa kanya.

"I'm so sorry!" Paumanhin niya dahil nabangga niya ito.

"Shit!" Mura ulit nito at napatingin sa kanya. "R-Rias?" Mahinang sambit nito.

Napamulagat siya. "How did you know my name?" Tanong niya sa estranghero.

Umiling ito. "Sorry. I think I've mistaken you for someone else," Naguguluhang wika nito at tinalikuran na siya.

"W-wait!" Sigaw niya sa estranghero at doon na nagwakas ang panaginip niya.

Bumangon siya at hinilot ang sentido. "Bakit ba niya laging napapanaginipan ang tagpong iyon?" Tanong niya sa sarili.

Matagal nang nangyari iyon. Last year pa. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit laging nasa panaginip niya ang estrangherong lalaki. Hindi na niya matandaan ang mukha nito kahit ilang beses na itong laman ng panaginip niya. Pero alam niya na kapag nakita niya itong muli ay makikilala niya ito. Siya na kaya ang lalaking para sa kanya? Ngunit paano si Aaron? Na nagsisimula nang maghatid ng kilig sa buong sistema niya?

-o-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status