Share

PART 1-THAT WOMAN

                                        “I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.

Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.

“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.”

       “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito

ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dinaraanan nila.

       “Hindi nga. May sinabi ba akong sa inyo kita ihahatid?” ang kalmado namang tugon nito.

       “What?!” biglang nanlaki ang mga mata niya.

Hindi siya makapaniwala at bigla ang ragasa ng pagkasindak sa kanya. Agad ding natutop niya ang bibig sa pagpipigil na mapatili ng malakas. She had been so certain that the stalker business was just pure nonsense.

Subalit masyado yata siyang naging kampante at mapagtiwala. At mukhang pagbabayaran niya ngayon iyon.

“Oh God! You’re the stalker!” tili niya na tarantang hinaklit pabukas ang seatbelt niya.

Kinuha niya ang shoulder bag niya at tinangkang buksan iyon upang kunin mula sa loob niyon ang pepper spray at cellphone niya. Pero sa pagka-aligaga niya, nahulog iyon sa sahig ng kotse at kumalat ang lahat ng laman. Nilundag niya ang pinto pero naka-powerlock iyon.

       “Let me out! Let me out! And stop the car!” patuloy na tili niya.

Malakas na halakhak nito ang nagpatigil sa kanya. Naaaliw ang mga mata nitong sumulyap sa kanya mula sa rearview mirror.

       “Hindi ba dapat pahintuin mo muna ang kotse bago mo hilinging pababain kita? Or perhaps you believe you could fly. That or you’re suicidal,” ang nang-aasar nitong wika.

       “Stop the car, whoever you are!” asik niya dito.

Pilit tinatakpan ng galit ang takot na pumupuno sa dibdib niya. Napakatanga naman niya para dagling maniwala na ito nga ang bodyguard na kinuha ng ama niya. Ano bang malay niya kung hinarang nito ang totoong bodyguard niya

at nagpakilalang ito iyon?

       ‘’Oh no! Ano ang ginawa mo sa totoong bodyguard ko?! D-did you k-kill him and stole his ID?! Oh god! D-did you put his body inside the trunk of my car?!” nanginginig ang boses na aniya.

Umaariba ang imahinasyon sa sari-saring kahindik-hindik na paliwanag kung bakit ito ang naroon at hindi ang tunay na bodyguard niya.

       Mas lalong lumakas ang halakhak nito. Kung hindi lang siguro siya kinakain ng kapraningan, masasabi niyang tunay nga itong may karapatang tawaging gwapo dahil pinabata at pinaamo ng pagtawa nito ang matapang na mukha nito.

       “Hindi ka pala dapat nag-artista. Dapat nagsulat ka na lang ng nobela.  Grabe ang imahinasyon mo.”

       “Sino ka ba talaga?!”

       “I am Ravin Navarre, your bodyguard for the next two or three months. Depende kung gaano kabilis mahahanap ng mga pulis ang trail ng stalker mo. I’m not your stalker.

“Nor did I kill anybody and hid his body inside your car’s trunk. I’m not that stupid, babe. If I did that I would have had to kill you too once you see the body. At dahil alam ng tatay mong nasa poder kita, automatic ako ang una nilang paghihinalaan kapag nangyari iyon.”

Kung inaasahan nitong mapapanatag siya dahil sa kaswal nitong tono habang sinasabi iyon, nagkamali ito. Dahil mas lalo lang dumoble ang kaba sa dibdib niya. Pero para que pang naging award-winning actress siya kung hindi niya kayang pagtakpan ng pagtataray ang takot na lumulukob sa kanya?

       “Kung gayon ipaliwanag mo kung bakit dito tayo dumaraan? Mas mapapalayo tayo pauwi sa amin!”

       “Dahil hindi naman tayo sa bahay ninyo pupunta.”

       “Kini-kidnap mo nga ako!”

       Eksasperadong napailing at napapalatak ito.

       “Will you stop your paranoia, lady?! Hindi kita kini-

kidnap. Mukha ba akong kidnapper sa iyo?”

       “Well---“

       “No, huwag mo na lang sagutin at baka mainis lang ako,

ibangga ko pa itong kotse mo sa susunod na stoplight na makikita ko,” umiiling na pigil nito sa kanya. Sinulyapan siya nito sa rearview mirror.

“Request ito mismo ng Daddy mo. Gusto niya magtago ka muna sa ligtas na lugar habang hindi pa nabibigyang linaw kung sino ang nagbabanta sa buhay mo. And the safest place I could think of is my place in Isla Feugo. Doon tayo pupunta ngayon.”

       Nagdududang tinitigan niya ang likod ng ulo nito. Gaano kaya kalakas na paghataw dito ang dapat niyang gawin para mawalan ito ng malay? Pero kung gagawin niya iyon, tiyak mabubunggo sila.

Pero dapat pa ba niyang hintayin na huminto sila bago niya tangkaing tumakas dito? Paano kung kasabay ng pagparada nito ay barilin na siya nito sa ulo at ihagis ang katawan niya sa talahiban?

       “Madidisgrasya tayo kung itutuloy mo ang paghampas sa ulo ko, Shebbah. At hindi ka rin nakakatiyak kung sa paghampas mo sa ulo ko ay mawawalan nga agad ako ng malay.

“Malamang sa hindi ay gagalitin mo lang ako sa paglalagay mo sa panganib sa buhay nating dalawa,” kalmadong saad nito na ikinasinghap niya.

       Napamaang siya dito. Was he a damned mind-reader?! Paano nito nalaman ang pinaplano niya?!

       Bahagyang natawa at napailing ito.

       “Tinitignan ko ang mukha mo sa salamin, Shebbah. At hindi mahirap basahin ang tumatakbo diyan sa utak mo ngayon,’’ wika naman nito na tila direktang sagot sa tanong

sa isip niya.

       Bumunot siya ng malalim na paghinga. Sinikap kontrolin ang mabilis na pagtibok ng puso na halos bumutas na sa dibdib niya. Pakiramdam niya may microphone na nakadikit doon kaya hindi malabong naririnig nito ang bilis at lakas ng pagkabog ng dibdib niya.

‘’Gusto kong tawagan ang Dad ko, ngayon din,’’ aniya sa pilit pinakalmang tinig.

“Go ahead,” sagot naman nito.

Nagdududa pa rin ang tingin ditong dinampot niya mula

sa sahig ng kotse niya ang cellphone niya at agad pinindot ang speed dial sa numero ng ama. Sa unang ring pa lang ay sinagot na ng ama niya ang tawag niya.

“Shebbah? I take it you’ve already met Ravin?” agad na wika nito sa kanya.

“Dad! This---this living thing is kidnapping me! Help me!” patiling aniya sa ama.

Isang mahabang buntung-hininga naman ang pinakawalan ng ama niya.

“No, he is not. Napagkasunduan naming mas ligtas kung lalayo ka muna dito habang iniimbestigahan ng mga pulis ang tungkol sa stalker mo.

“He is taking you to his family’s farm in Isla Fuego. Be nice to him, sweetheart. He and his grandfather agreed to help us though they really did not need to,” saad nito.

“B-but---but---“

“He’s doing this as a favor to us. Dahil dati siyang Marine, trained siya sa pakikipaglaban bukod pa sa minsan din siyang naging PSG. If anyone could keep you safe, it would be him.

“Kaya gawin mo na lang lahat ng iniuutos niya at huwag mong pasakitin ang ulo niya, okay?” wika ng kanyang ama na bahagyang nabahiran ng pakiusap ang tono.

Mayroon ding kakaibang diin ang tinig nito na para bang buo na sa utak nito ang desisyong iyon. At kahit ano pang gawin niyang pakiusap dito ay hindi na nito iyon babaguhin pa.

“Dad! Hindi ba masyado naman itong OA?! Bakit kailangan ko pang magtago na para bang nasa ilalim ako ng witness protection program? It was just a silly---“

“A gift for you came last Tuesday with a home-made bomb inside it,” putol nito sa pag-angal niya.

“W-what?! A---a bomb?!” bulalas niya.

Nanlalaki ang mga mata sa pagkasindak. Nasalubong niya ang seryosong tingin ni Ravin sa rearview mirror. Sa kawalan ng sorpresa sa anyo nito, malinaw na alam na nito ang tungkol doon.

“Mula nang dumating ang mga death threat letters na

iyon sa iyo ay pinabantayan ko nang maige sa mga guards natin ang lahat ng sulat at packages na dumarating sa bahay at naka-adress para sa iyo.

“Kaya hindi na nakarating sa iyo ang package na iyon. Ang bombang laman niyon ay naka-set sumabog ilang oras matapos iyong mapasakamay mo. Kung hindi iyon nasabat ng guards natin, malamang nasa loob ka na ng kwarto mo at binubuksan iyon kung sumabog iyon,” anang kanyang ama.

“A-ano?! P-pero paano?!” bulalas niya sa nanghihinang tinig.

Para mai-set ng ganoon ang bomba ibig sabihin kabisado ng nagpadala niyon ang schedule niya araw-araw.

“Ipinadala ko iyon diretso sa mga pulis nang matuklasan ng mga guards kung ano ang laman niyon. Sabi nil, hindi daw ganoon kalakas ang bomba. Pero siguradong mapipinsala ang sinumang nasa loob ng seven meter radius niyon. They agreed that it would be best for you to

disappear for a while, habang iniimbestigahan nila ito.”

“Daddy…” sa unang pagkakataon mula nang huminto siya sa pagtawag dito ng daddy noong labing dalawang taong gulang siya ay ngayon lang niya muling nausal ang salitang iyon.

The kid in her wanted her only stable parent’s protection. The kid that she had deliberately left behind after she caught her mom in bed with her dad’s employee.

She hated that naïve and foolish kid who did everything to try to please her mother and yet failed again and again.

       Hindi niya kailanman ipinagtapat sa ama ang nasaksihan niya. Hindi niya kasi gustong saktan ito. Pero noon niya ipinasyang bilisan ang paglaki. Upang hindi na siya nito tratuhing animo prinsesang kailangang protektahan lagi nito laban sa emotionally abusive niyang ina.

       Naisip kasi niya noon na siya na ang mas dapat magprotekta sa kanyang ama. Kaya hindi na niya ito tinatawag ng pambatang Daddy. Until now. Now when her terror threatens her hard won confidence and courage.

       “Who wants me dead, daddy?” anas niya sa takot na

tinig.

       “I do not know, sweetheart. Pero ipinapangako ko sa iyo,

gagawin ko lahat para mahanap ang taong iyon. Sa ngayon, mas ligtas ka kasama ni Ravin. He will protect you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status