"Teka, parang kilala ko tong taong to," ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.
Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.
Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki, "pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?"
"Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya.
"Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.
Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.
Tahimik lang silang dalawa ni isa sakanila walang planong magsalita at lubos naman itong pinasasalamatan ni Angelo baka kasi humatong lang sa gulo ang lahat kung magsasalita ang taong kasama niya ngayon dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga brain waves.
Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang hindi na matiis ni Ian ang nakakabinging katahimikan. Halos tatlumpong minuto na din kasing katahimikan ang bumalot sa kanila kaya napilitan na si Angelo na basagin ang katamikan.
"Ano palang pangalan mo tol?" may angas na tanong ni Ian sa lalaki.
Pero ang hindi alam ni Angelo ay sa paningin at pandinig ng lalaki ay para itong isang babaeng nagpapacute.
Nangunot ang noo ng lalaki, alam niyang nagpapacute ang babaeng kaharap niya pero ang hindi niya mawari ay kung bakit may salitang "tol" sa hulihan.
"Aimie ayos ka lang ba?" takang tanong ng lalaki, hindi nito lubos maisip kung bakit kakailanganin pang hingin ni Aimie ang kanyang pangalan kung magkakilala naman sila.
Napaismid naman si Angelo sa kanyang narinig, kailan pa naging Aimie ang pangalan niya? Ngunit bago pa niya ito matanong sa lalaki ay rumihistro sa utak nito na ang tinutukoy niyang Aimie ay ang katawang pinasukan niya.
"Lintek naman oh sa dinami-dami ng tao sa mundo na pede kong pasukan, sa katawan pa talaga ng isang babae. Anong gagawin ko?"
"A...ayos lang ata ako?" Hindi nito alam kung ano ba ang dapat isagot sa lalaki, "naku naman Angelo mag-isip ka ng magandang idadahilan...ah alam ko na."
"Pasensya na hindi kasi kita matandaan. Ikaw ba yung nakabunggo saakin?" pagpapatuloy ni Angelo.
Pinagpapawisan si Angelo nang malamig, nanalangin siya na sana bumenta ang pagpapalusot na ginawa niya. Habang hinihintay niya ang sagot ng lalaki ay bigla namang dumating ang doctor.
"Mr. Castro, nandito na pala kayo." Ang sabi ng doctor habang inaabot nito ang kamay ng lalaki.
Napaawang ng kunti ang bibig ni Angelo sa sinabi ng doctor,
"Kita na nga niyang nasa harapan niya ang tao tatanungin pa niya..." ngunit bago pa niya matapos ang kanyang iniisip ay bigla nalang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Teka, Mr. Castro...Castro ang apelyido niya...Hindi kaya..." Agad niyang iniwaksi kung ano mang ideya ang pumasok sa isip niya. "I...impossible naman mangyari yun b...baka kapatid siya ng asawa ni Aimie?...Tama kapatid siya."
Bigla nalang napatawa si Angelo na para bang nasisiraan na ng bait. Bigla namang napatingin ang lalaki at ang doctor kay Ian.
"As I was saying Mr. Castro, Si Mrs. Castro po ay nakakaranas ng post-traumatic amnesia dahil sa pagkakatama ng kanyang ulo sa cemento nang mabangga ito ng sasakyan." Ang sabi ng doctor habang patuloy pa din ang pagtitig sa babae, sa tingin kasi nito ay mukhang nawalan ito ng iilang turnilyo sa ulo.
Napabuntong hininga nalang si Mr. Castro sa kanyang narinig ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit hindi siya maalala ng asawa.
"Babalik pa po ba doc ang alaala niya?" tanong ni Mr. Castro.
"Hindi ko alam, maaaring temporary o permanente ang amnesia ni Mrs. Castro." Ang sagot ng doktor habang binabasa ang examination results ni Angelo.
"Mas mabuti kung huwag mo siyang istress at bago ko makalimutan ay kakailanganin pala niyang dumaan sa iilang test upang malaman kung mayroon pang ibang sakit na nararamdaman ang iyong asawa." Pagpapatuloy nito.
"Makakaasa po kayong hindi ko siya isstress at marami pong salamat dok." Ang tugon ni Mr. Castro sa doktor.
"Oh siya sige ako'y aalis na dahil mukhang kailangan niyo ng quality time para sa isa't-isa." Ang sabi ng doctor sabay kindat at mabilis na umalis sa kwarto.
Napatawa naman ng mahina si Mr. Castro sa inasal ng doktor.
"Mark Akkin Castro." Ang sabi ni Mr. Castro habang nakatitig sa babaeng nasa hospital bed.
Bigla namang natauhan si Ian sa kanyang narinig.
"Huh?" Tanging nasabi ni Ian.
"Mark Akkin Castro..." pag-uulit na sabi ni Mr. Castro. "pangalan ko."
"Ah..." bigla nalang napatigil si Ian sa kanyang sasabihin at bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata. Nagtaka naman si Mark sa inasal ng babaeng kaharap nito, mukha kasi itong nakakita ng multo.
"Ikaw!" gulat na sabi ni Ian.
"Bakit ba minamalas ako ngayon; una naaksidente ako, pangalawa naging babae ako..ay hindi pala, nasa katawan ako ng isang babae, pangatlo nalaman kong ang katawang pinasukan ko ay may asawa na. At ang malala makikita ko ang karibal ko sa lahat ng bagay. Yung totoo may mas malala pa ba dito?"
Nagulat naman si Mark sa inasal ni Aimie. "May problem ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Ikaw ang problema ko." mabilis na tungon ni Ian.
"Huh?" Takang tanong ni Mark.
"Lintek naman oh ikaw ang problema ko, ikaw na karibal ko sa lahat ng bagay. Lahat na lang kinuha mo saakin pati girlfriend ko dati inagaw mo. Lagi nalang akong pumapangalawa sayo, kung hindi dahil sayo hindi kami magbbreak. Bakit ba kasi napakaperfecto mo?" Mahabang litanya ni Ian sa kanyang utak.
"Wala yon pasensya na." Tiim bagang sabi ni Ian, kahit gustong-gusto niya nang basagin ang pagmumukha ng karibal niya pero kailangan niyang magtimpi muna, sapagkat may mga katanungan pa siyang dapat masagot. At alam niyang si Mark lang ang makakasagot nito.
"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Mark.
"Wala naman. Nga pala kapatid ka ba ng asawa ko?" Ang tanong ni Ian habang palihim siya nanalangin na sana hindi si Mark ang asawa niya.
Napatawa naman si Mark sa tanong ni Aimie sa kanya. Napaisip ito na nawala talaga ang lahat nang alaala ng babae.
"Una sa lahat bata pa ang kapatid kung lalaki para mag-asawa at ang nakatatanda kung kapatid ay babae." Seryosong sabi ni Mark
Hindi mapigilan ni Ian ang pagtaas ng kanyang kilay sa sinabi ni Mark.
"Kung gayon ano ba kita?" nagtitimping tanong ni Ian.
"Asawa mo."Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahatkasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark."A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?""Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente."Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig,"Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapoh
Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay."Kung tumakas nalang kaya ako,"sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan."Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo."Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo."Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot.""Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark."Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nal
Matapos ang eksena sa ospital ay nakarating na din sila sa bahay ni Mark at hindi mapigilan ni Angelo ang hindi mapanganga dahil sa ganda ng bahay."Wow ang ganda," manghang sabi niya sabay ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sa ganda ng desenyo ng bahay."Halika, pasok na tayo." Pag-anyaya ni Mark kay Angelo sabay ngiti ng matamis. Para namang may bumasag sa masayang iniisip ni Angelo nang makita ang matamis na ngiti ni Mark."Tsk, ayos na sana ang lahat, sumaya na ako nang makita ko ang bahay mo tsaka ka pa nagsalita, psh, tapos may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman sarap mo ding hagisan ng sapatos." Inis na pagrereklamo ni Angelo sa kanyang isip.Ngunit wala din siyang magawa kundi ang sumunod kay Mark sa loob ng bahay dahil gusto na niya talagang makita ang kabuuan nito. Ayon kasi sa kanya, kung maganda ang desenyo sa labas ano pa kaya kung nasa loob na siya, sigurado siyang hihigitan p
"Nasaan na ba ang pangit na homosapien na mukhang impaktong iyon, kanina pa ako paikot-ikot sa bahay niya." Naiinis na sabi ni Angelo sakanyang sarili, kanina pa kasi siya naglalakad sa malamansyong laki ng bahay ni Mark. "Bakit ba kasi ang laki ng bahay ng pangit na homosapien na iyon kung siya lang naman mag-isa ang nakatira.""Teka, parang nadaanan ko na tong painting na ito." Sa isip ni Angelo habang sinusuri niya nang mabuti ang painting ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa ilalim ng buwan. "tsk, siguro namamalikmata lang ako. Nasaan na ba kasi ang impaktong yon."Nagpatuloy si Angelo sa paghahanap kay Mark, kung saan-saan na siyang kwarto pumasok ngunit ni anino ng huli ay hindi niya makita."Lintek naman, nasaan na ba ang impaktong homosapien na iyon... teka ito na naman yong painting." Inis na sabi niya sa kanyang sarili. "Manufacturer ba siya ng painting na ito, ang dami-daming paint
"Ang totoo kasi niyan ay," biglang naputol ang sasabihin ni Mark ng biglang tumunog ang selpon nito. Agad nitong tinignan kung sino yung tumatawag tsaka sinagot ito. Nang marinig ni Mark ang pakay nang tumatawag ay nag-iba ang aura nito na siyang nakapagpahinto sa pagmumuni ni Angelo sa hapagkainan. "Excuse me for a second." Ang sabi ni Mark na hindi na hinintay ang tugon ni Aimie tsaka dali-daling pumunta sa kanyang opisina. "Ano ba yan, sayang may makakalap na sana akong impormasyon, panira yung taong tumawag sa kanya." Ang sabi ni Angelo habang tinutusok ang mga gulay na nasa kanyang plato at saka nginuya ito ng walang gana. "Nakakawalang ganang kumain tuloy." Huminto si Angelo sa kanyang pagnguya tsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at inilagay niya sa lababo ang kanyang plato kasama na din ang pinagkainan ni Mark kanina. "Ako pa talaga ang paghuhugasin mo sa pinagkainan mo, tek
Maagang nagising si Angelo na nagbihis ng komportableng damit na isang black t-shirt, pantalon, sneakers, black cap at itim na mask, para siyang magnanakaw sa kanyang soot ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang normal na damit na mayroon si Aimie bukod sa mga napakaraming bestida na nasa aparador nito. Nanginig naman ang buo niyang katawan nang mapaisip niyang, siya na isang ubod ng kisig na lalaki ay magsusuot ng isang bestida. Umiling nalang siya dahil sa kanyang walang kwentang iniisip, ang importante kasi ngayon ay magkapagpalam siya kay Mark na aalis siya, baka kasi isipin nito na kinidnap o kung anong nangyari sa katawan ni Aimie kung hindi niya ito makita sa bahay. Ngunit simula nang makatanggap ng tawag si Mark ay hindi na niya ito makita, ni anino nito ay hindi niya mahagilap.Sa laki ng bahay niya na mala Mall of Asia ay aabutin siya ng siyam-siyam sa paghahanap rito. Kay
Halos mahimatay na si Angelo sa sobrang sikip ng bus, sa tingin niya ay mas maluwag pa ang lalagyan ng sardinas keysa sa bus na sinasakyan niya ngayon. Dagdagan mo pa ang hindi maipaliwanag na amoy na nalalanghap ng kanyang ilog mula sa kanyang katabi, kulang nalang maging double dead siya, dahil sa hindi maipaliwang na amoy ng katabi.Hindi niya magawang takpan ang kanyang ilong dahil una sa lahat hawak-hawak niya ang rabbit sa isang kamay habang ang isa naman ay nakakapit sa railings ng bus. At naisip niya din na magmumukha siyang bastos kung tatakpan niya ang kanyang ilong."Naman, ilang taon kayang hindi naligo ang taong toh,"ang sabi ni Angelo sa kanyang isip, habang pinipingilan ang kanyang paghinga."Ang bango niya talaga, pede na siyang gawing endorser ng exotic na pabango."
Nang makarating si Angelo sa terminal, ay agad niyang hinanap ang bus na may karatolang nakapaskil na "Haven."Nagpaikot-ikot siya sa terminal at nang makita na niya ang kanyang hinahanap na bus ay agad siyang sumakay dito, baka kasi mamaya ay siksikan na naman at hindi siya makaupo, kaya minabuti na niyang sumakay agad-agad. Mabuti nalang at hindi pa madami ang nasa loob ng bus, nasa sampu pa lang nakakasakay kaya makakapili pa siya nang pwestong nais niyang upuan.Nang makaupo na siya ay inilibot niya ang kanyang paningin sa mga nakapaskil sa bus, baka kasi mamaya kokotongan na naman siya.Nakahinga siya nang maluwag ng walang makitang pandadaya,"makakatanong ako ng maayos mamaya."Habang prenteng nakaupo ay big