Share

Kabanata 14

Tinanggal ni Cindy ang kanyang sunglasses para bigyan ng sarkastikong tingin si Catherine. “Hindi masamang bagay na nakabunggo mo ako ngayon dahil pagod na din ako na magpalusot. Sa totoo lang, kasalanan mo na hindi mo alam kung saan ka nakatayo. Kailangan ko pa ba itong sabihin sayo bago mo ito makuha?”

Pakiramdam ni Catherine na palpak siya habang tinitignan itong magandang mukha sa harap ng kanyang mata.

Pareho si Ethan ay Cindy ay tanging pinili na maging mabait sa kanya dati dahil siya ang susunod na tagapagmana ng pamilya Jones.

“Cindy, seryoso ka ba?” Sigaw ni Freya, “Nakalimutan mo na ba kung gaano ka inapi ni Janet dati? O kung paano ka tinulungan ni Cathy sa mga kanta...”

“Tigilan mo na iblackmail ako gamit ang nakaraan. Siya at ako ay hindi mula sa parehong mundo,” Kabadong sumingit si Cindy. “Freya, tandaan mo ang payo ko. Ang ilang tao ay hahatakin ka pababa. Makabubuti kung lalayo ka sa kanila.”

“Tumahimik ka! Ang mga kaibigan ay dapat sinusuportahan ang isa’t isa na hindi umaasang may makukuha. Hindi mo ba maintindihan iyon?” Ang galit sa tono ni Freya ay tunay.

“Kalimutan mo na, walang punto ang pakikipagtalo sa kanila.” Hinatak ni Catherine ang braso ni Freya, ang kanyang mukha ay walang emosyon. “Nandito tayo para kumain. Tara na.”

Parang papatay na tinignan ni Freya ang tatlong babae bago nilayo ni Catherine.

“Cathy, nabaliw na ba ang babae iyon o ano? Ikaw ay naging mabuting kaibigan sa kanya. Si Cindy ay wala sa kung nasaan siya ngayon ng wala ang tulong mo. Nakalimutan niya na ba kung paano siya inapi ni Janet dati? Nagsisisi ako na hindi nalaman ang tunay na kulay ni Cindy bago ito.”

Binaba ni Catherine ang kanyang tingin sa lapag. Ang kanyang magandang mukha ay nanatiling walang pakialam.

“Cathy, hindi ka ba galit? Ayaw mo ba siyang pagsabihan?”

“Syempre gusto ko, ngunit anong magandang magagawa nito?” Ang gilid ng kanyang labi ay nanginig sa isang pangungutya sa sariling ngiti. May bahid ng lungkot na lumitaw sa kanyang mata. “Ngunit ito ang katotohanan ng mga bagay. Tignan mo, ang parehong magulang ko ay talagang walang pakialam sa akin samantalang si Ethan, na lumaki kasama ko ay iniwan ako. Wala akong trabaho, walang bahay at hindi minamahal. Hindi lang si Cindy ang nagtatrato ng ganito sa akin.”

Tinignan ni Freya ang kanyang kaibigan, parehong naaawa at galit.

“Sinabi ni dad sa akin mismo. Ang presensya ko sa Summit Group ay para lang bigyan ng tulong si Rebecca. Maaari akong umalis ng kumpanya kung tumanggi akong tanggapin ang kapalaran.”

Isang nakakaawang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Halata, ayoko nito, kaya ako umalis.”

Sinubukan ni Freya na pasiyahin siya. “Tama na. Ikaw ay siguradong kikinang sa ibang lugar sa iyong kakayahan.”

Sa parehong sandali, isang waiter ang lumapit sa kanila.

“Excuse me, miss, mayroon ka bang reservation?”

“Oo, kinausap ko si Manager Lorenz sa phone kanina.” Tinuro ni Freya ang manager na nakatayo sa may reception.

Si Manager Lorenz ay naglakad palapit sa kanila. “Miss Lynch, nagreserve ako ng private room para sayo. Hayaan mong dalhin kita doon.”

Sa parehong sandali, ang boses ni Janet ay narinig mula sa likod nila.

“Manager Lorenz, kasama ko ang ilang kaibigan ko ngayon. Mayroon kabang private room na natira?”

Ang manager ay mukhang nagulat. Ang kanyang mata ay kuminang ng mapansin niya si Cindy kasama ng mga babae. “Maaari ba na ito ay si Cindy Turner?”

Ngumiti si Janet. “Manager Lorenz, mahusay ka na makakilala ng tao. Sinabi ko kay Cindy na ang pagkain dito ay masarap. Ang kanyang schedule ay libre ngayong gabi, kaya nandito kami,” Sabi ni Janet ng nakangiti.

Si Manager Lorenz ay nabigla sa sitwasyon. “Si Miss Turner ay may magandang boses at ako ay isang fan. Nakakalungkot na kami ay fully booked ngayong gabi.”

“Hindi ba’t sabi mo na nagreserve ka ng isa para sa kanila?” Tinignan ni Janet si Catherine sa gilid ng kanyang mata.

Si Freya ay biglang napuno ng galit. “Nagreserve kami ng room ng maaga. Kumuha ka ng booking kung gusto mong kumain dito.”

Si Manager Lorenz ay hindi alam kung ano ang gagawin. Pareho silang batang dalaga mula sa kilalang mga pamilya sa Melbourne. Hindi maganda ang bastusin ang kahit sino sa kanila.

Ang gilid ng labi ni Janet ay medyo napangiti habang tinuro niya si Rebecca.

“Manager Lorenz, hindi ko kailangan sabihin sayo kung sino si Cindy, ngunit mukhang wala kang ideya tungkol sa babaeng ito. Ang kanyang pangalan ay Rebecca Jones at ang kanyang ama ay ang presidente ng Summit Building Design Group. Siya ang magiging tagapagmana ng kumpanya. Para sa kaibigan ni Miss Lynch, siya ay isa lang hindi importanteng assistant kay Miss Jones.”

Ito ay ginulat ang manager.

Ang Summit Group ay kabilang sa top 300 na matagumpay na kompanya sa loob ng bansa. Ito ay pangalan na lahat sa Melbourne ay pamilyar.

At saka, si Janet ay nagmula din sa kilalang pamilya. Kung ikukumpara, si Freya at ang kanyang kaibigan ay mukhang nasa mas mahinang banda.

Bumawi si Freya. “Isang hindi importanteng assistant? Ang isang iyan ay wala lang kung hindi isang walang hiyang magnanakaw na mahilig magnakaw ng mga bagay na para sa iba.”

Mayroong kaunting pagbabago sa mukha ni Rebecca. Si Janet ay nakatingin sa lalaki na may ngiti sa kanyang mukha. “Mayroon na ba kaming room ngayon, Manager Lorenz?”

“Oo, sigurado.”

Si Manager Lorenz ay nagdesisyon sa loob ng ilang segundo. “Miss Lynch, naalala ko na sumang ayon ako na magreserve ng room para kay Miss Cambell bago sayo… Um, bumalik na lang kayo sa susunod.”

Nanliit ang mata ni Catherine, nagagalit. “Manager Lorenz, akala mo ba mga tanga kami?”

Tinaas ni Freya ang kanyang sleeves. “Sa tingin mo ba maaapi mo ako? Isang tawag lang mula sa aking kuya ngayon at ang iyong restaurant ay magsasara sa loob ng ilang segundo.”

“Manager Lorenz, huwag kang magalala. Kami ang bahala dito.” Ngumiti si Rebecca.

Ang manager ay tiwala sa suporta. “Miss Lynch, ako ay isang empleyado lamang. Hindi mo ako matatakot sa pagsabi ng rangko. Pakiusap umalis na kayo ngayon at tumigil sa panggugulo sa aming mga customers.”

“Paano kung ayoko? Kung hindi ako makakakain dito, kung gayon wala ding kakain dito.”

Kinuha niya ang isang vase na abot niya at binasag ito sa lapag.

Biglang nagbago ang emosyon sa mukha ng manager. “Paalisin niyo sila dito,” Inutos niya sa mga waiter na malapit.

Bago pa makakilos si Catherine, pareho siya at si freya ay sapilitang tinulak palabas ng pasukan ng ilang malalakas na lalaki.

Ang mga waiter ay naging bastos sa kanya. Dahil nakasuot ng high heels, nawala ang kanyang balanse at nalaglag sa lapag.

Gayunpaman, ang mga waiter ay nagpanggap na hindi napansin at nagpatuloy na hinatak siya palabas ng restaurant bago siya makatayo.

Pakiramdam ni Catherine na siya ay wala lang kung hindi isang sako. Ang kanyang kamay at tuhod ay parang hindi na sa kanya.

“Pakawalan niyo siya!”

Isang kakaibang boses ang narinig sa likod nila.

Ang kanyang puso ay napatalon.

Maaari kaya na ito ay...

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Nan
I like this story gamda
goodnovel comment avatar
Maricel Medina
dko po mbuksan
goodnovel comment avatar
Anna Marie Perez
please unlock po nmn ng chapter 15 to 20 po nmn please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status