Share

Kabanata 4

"Ikaw bata ka, hindi nga kilala ng mom mo ang dad mo. Tigilan mo na ang pag-iisip sa tatay mo. Hindi naman na masiyadong masama kasi may ninang ka, diba?" Tinapi niya ang ulo ng maliit na bata. "Ayaw mo ba talaga sa akin?"

"I don't care. Sinabi na ni Mummy na isasama niya ako hanapin ang tatay ko habang nagbabakasyon kami!" Nakasimangot pa rin ang bata.

Habang tinitingnan niya ang mataba at cute na ekspresyon nito, hindi mapigilan ni Riley na halikan ang mukha nito. "Napakalambot naman ata ng muscles mo sa mukha?"

Namutla naman si Sebastian. "Mommy.. she.. she molested me!"

Pinalaki mag-isa ni Sharon ang kaniyang anak kaya bihira itong mahawakan ng ibang tao. Kaya palaging nakaasa sa kaniya ang anak at dumidistansya palagisa iba.

"Isang halik lang at pangmomolestya agad?" Tumawa si Riley.

Tumawa rin si Sharon bago niya 'iniligtas' ang kaniyang anak mula sa mga kamay ng kaniyang best friend. "Takot lang siya sa mga hindi niya kilala. Magiging okay din siya kapag nakasama ka na niya sa mga susunod na araw."

Tumaas ang mga kilay ni Riley. "Oh sige, bibigyan kita ng isang araw para maging malapit sa akin!" Mayabang niyang sabi.

Ngumuso si Sebastian at tumalikod upang yakapin ang kaniyang ina at mapagmalaking ngumiti.

Humagalpak sa tawa ang dalawang babae nang makita nila ito.

Pinangunahan ni Riley ang mag-ina sa kanilang bahay. Isang maliit a unit na may dalawang kwarto. Madalas na mas maluwag ito kapag mag-isa lang si Riley.

Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin ito masikip kahit na nandito ang mag-ina. Magkasama naman silang dalawa sa isang kwarto.

"Sinadya kong bumili ng maraming pagkain nang nalaman kong babalik na kayong dalawa. Ngayog araw, maghahanda ako ng malaking handaan para sa inyong dalawang bisita na mula pa sa malayong lugar!" Nakangiting sabi ni Riley pagkatapos ibaba ang kanilang mga bagahe.

"Gutom na ako, mummy," bahagyang naiiyak na sabi ni Sebastian.

"Oh sige, umupo ka riyan at mag-enjoy habang naghahanda kami ni ninang mo ng pagkain." Pinaupo ni Sharon ang kaniyang anak sa sofa ng sala.

"Go, go." Mabilis na ngimiti ang bata habang pinapaalis ang ina.

Kaagad napansin ni Riley ang talino ng bata. Totoo nga ang sinabi ni Sharon, makikipaglaro lamang siya sa mga taong pamilyar sa kaniya at hindi papansinin ang iba. "Ibig sabihin ba noon ay proud at cold siya?"

"Mukhang hindi naman namana ng bata ang ugaling iyon kay Sharon. Namana niya kaya iyon sa tatay niya na hindi alam kung sino?"

Naglalaro si Sebastian ng mga blocks sa sala habang naghahanda sina Sharon at Riley ng pagkain sa kusina.

Tumingin si Riley sa direksyon ng sala at hinawakan sa siko si Sharo. Bumulong siya, "Hindi ka masiyadong kamukha ng anak mo. Ang hula ko ay eighty percent ang pagkakapareho niya sa tatay niya. Base sa itsura niya, siguradong gwapo ang tatay niya!"

Nang marinig ang komento ni Riley, naalala ni Sharon ang cold na lalaking nakilala niya sa airport.

Ngayon niya naisip na ipinanganak ang lalaking iyon na mayroong prestihiyong aura. Lamig ang binibigay niya kaya nilalayuan siya ng mga tao.

"Anong iniisip mo, Shar?" Itinaas ni Riley ang kaniyang kamay at winagayway ito sa harap ni Sharon.

Bumalik sa sarili si Sharon, at nagsimulang kuminang ang kaniyang mga mata. "Wala, anong sinasabi mo ulit?"

"Sinasabi ko lang na siguro kamukha ng anak mo ang tatay niya, at siguradong gwapo ang tatay niya."

"Walang kwenta, halata naman na namana niya ang itsura niya sa akin!"

"Hindi mo ba gustong gwapo ang tatay niya? mas maganda kung isang daang beses siyang mas gwapo kaysa kay Howard. Kapag ganoon, hindi na ikaw ang kawawa."

Pinagsisihan agad ni Riley ang sinabi niya. Uimikot siya at tiningnan si Sharon. Walang duda, mayroong malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Anong problema? hindi mo pa rin ba makalimutan si Howard?"

Umiling si Sharon. "Hindi."

"Mabuti. Isa siyang siraulo na hindi marunong mag-appreciate ng mga mayroon siya!" Galit na komento ni Riley bago mabilis na iniba ang usapan, "Hayaan mong balitaan kita ng maganda. Tinulungan kitang ipasa ang resume mo. Bukas, pwede kang mag-report sa bago mong kumpanya."

"Ganoon kabilis?" Hindi makapaniwala si Sharon.

"Bihira lang makahanap kaagad ng trabaho. Pero, isa ka ng designer ngayon na papunta na sa kasikatan."

Kinabukasan, nagreport si Sharon sa bago niyang kumpanya.

Limang taon na ang nakalilipas, nilisan niya ang Northern City para sa M Country. Pagkatapos isilang ang kaniyang anak, pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya ng interior design.

Tumapak si Sharon sa Central Corporation. Ngunit, nang magtatanong pa lamang siya kung anong floor ang personnel department, narinig niya ang kaguluhan sa likuran niya.

Sa sandaling iyon, lahat ng empleyado na nasa entrance ay nakalinya sa dalawang pila. Mayroon pang matinding vibe na para bang may hinihintay silang sikat na tao.

Kasunod nito, itinulak ng security guard na nakasuot ng black suit ang glass door. Pagkatapos, isang matandang na lalaki na mayroong malakas na aura ang pumasok sa eksena. Ang kaniyang seryosong mukha ay parang matalim na espada, at mayroon siyang nakamamanghang aura na dahilan ng panliliit ng mga emplayado sa tabi niya.

Tumalikod si Sharon at nakita ang lalaki na pinapalibutan ng napakaraming tao, papasok sa eksena. Sa isang iglap, nagulantang siya. "Bakit... siya ba iyon?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jalal Janey Hadji Ismael
laht magandah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status