Share

CHAPTER TWO

WHEN I woke up I was already inside the hospital lying in a hospital bed with a bandage covered in my eyes. I heard two familiar voices talking near me.

"Paano natin sasabihin kay Lauren ang lahat? Baka hindi niya matanggap kapag nalaman niya ang nangyari."

"She has the right to know what happened to her family, Ate Lina."

Hindi ako nakatiis at sumabad agad ako sa pag-uusap nilang dalawa. "Tita Lina, Uncle Favlo. Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Bakit ako nandito sa ospital? At bakit may benda itong mga mata ko?" magkakasunud-sunod kong tanong sa dalawang taong nag-uusap. Nagulat yata sila sa biglaan kong pagsasalita kaya parehong nanahimik.

Si Uncle Favlo na bunsong kapatid ni Daddy ang unang nagsalita. Tumikhim ito ng mahina para ma-alis ang tila bara sa lalamunan nito. "Lauren, huwag ka sanang mabibigla sa ipagtatapat namin sa'yo." huminto ito sa pagsasalita at huminga ng malalim. Mag-iisang minuto na yata ang nakalilipas ngunit hindi pa nito itinutuloy ang kung anumang nais niyang sabihin sa akin.

"You're killing me, Uncle Favlo. Just tell me directly what you wanted to say," naiinip ang tono ng boses na sabi ko sa kanya. Unfortunately, I totally forgotten what happened last night.

"You're parents were both dead, Lauren. They were murdered." ang Tita Lina ang nagtuloy sa nais sabihin ni Uncle na hindi nito nagawang ituloy.

Sa sinabi ni Tita Lina ay parang palabas na biglang nag-flashback sa aking isip ang buong pangyayari nang nakalipas na gabi. Nanlaki ang mga mata ko, biglang nanginig ang aking katawan at nagsikip ang aking dibdib nang tuluyan kong maalala ang lahat. Parang bombang sumabog sa mukha ko ang masaklap na katotohanan. Mabilis na dumaloy ang mga luha ko patungo sa aking mga pisngi.

"No. It's not true. My parents are still alived. Hindi totoong wala na sila," giit ko habang patuloy na umiiyak. Talagang hindi ko matanggap na patay na silang pareho. Na mag-isa na lang ako ngayon sa mundo. " Tita Lina, please call my mom and dad. I want to go home. I don't wanna stay here anymore."

Kahit hindi ako nakakakita ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at umalis sa ibabaw ng kama. But my uncle stop me and force me back to the bed.

"Listen,Lauren. I know how it hard for you to accept the truth. And I know how this hurts you a lot. But no matter how hard it is, and no matter how it hurts you, you still have to face the reality."

"No! Hindi totoo ang mga sinabi n'yo sa akin. It was a big lie!" sigaw ko sa kanila. Talagang hindi ko kayang tanggapin ang biglaang pagkawala ng aking mga magulang.

"Lauren, it's true. Nang dumating ang mga pulis sa bahay ninyo ay naabutan nilang nakayakap ka sa walang buhay na katawan ng mommy mo habang katabi naman ng bangkay niya ang wala na ring buhay na katawan ng daddy mo. Sabi ng mga pulis ay mukhang mas naunang namatay ang daddy mo kaysa sa kapatid ko." hirap na hirap ang boses ni Tita Lina habang sinasabi sa akin ang mga impormasyong nakuha nito sa mga pulis. Umiiyak na niyakap niya ako ng mahigpit. Halatado sa boses niya na awang-awa siya sa akin at sa sinapit ng mga magulang ko.

Pumasok sa isip ko ang walang kaawa-awang pagpatay sa mga magulang ko. Ang pag-ungol ni Mommy na tila hirap na hirap. Siguro kaya nito pinilit na makaungol ng malakas ay para mabigyan ako ng babala sa nakaambang panganib sa aking buhay. Parang pinipiga ang puso ko sa isiping iyon. At kaya pala kahit anong lakas ng pagtawag ko kay daddy ay hindi siya lumapit. Iyon pala ay nauna na itong namatay kaysa kay mommy.

Paano na ako ngayon? Why did the killer didn't killed me too so I could be together with my mom and dad? Why did he let me lived? To suffer alone? No. Hindi ko hahayaang maiwan ako ng mga magulang ko sa mundong ito. I should follow them to heaven. Sa isiping iyon ay malakas kong itinulak si Tita Lina. Muli akong nagpumilit na makaalis sa ibabaw ng kama ngunit agad akong napigilang muli ni Uncle Favlo. Niyakap niya ako mahigpit.

"Ayoko nang mabuhay pa. Sasama ako kina Mommy at Daddy. I want to go with them!" nagwala ako para makakawala sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ng aking uncle. Sinubukan kong tanggalin ng pwersahan ang benda sa aking mga mata ngunit mabilis niyang naagapan ang aking mga kamay. Kinalmot ko siya sa mukha, sinuntok at kinagat sa balikat. Pero kahit anong gawin ko ay talagang hindi ako binibitiwan ni Uncle. Mahigpit pa rin niya akong yakap habang nakaipit sa aking tagiliran ang aking dalawang kamay.

Kahit lalaki si Uncle Favlo ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili't napaiyak siya sa sobrang pagkaawa sa akin. Hindi naman napigilan ni Tita Lina ang mapahagulhol ng malakas. Katulad ni Uncle ay awang-awa rin siya sa akin. At dahil patuloy pa rin akong nagwawala kaya napilitan na ang tita ko na tumawag ng mga doktor. Mabilis namang dumating ang mga doktor at tinurukan ako ng gamot na may pampatulog. Mayamaya lamang ay naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng aking mga talukap. Saglit lamang ay tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata at tuluyan na akong nakatulog.

                                                                                       ##

Kahit paano ay kalmado na ako nang muli akong magising matapos akong turukan ng doktor ng pampatulog. Although I still couldn't accept the fact that both my parents was murdered but atleast I can control myself now. Uncle Favlo was right. I have to become strong. I have to become strong so that I can avenge their death.

"Gising ka na pala, Lauren. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Uncle Favlo. Kapapasok pa lamang niya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Bumili yata siya ng pagkain sa labas para sa akin dahil naaamoy ko ang dala niyang pagkain. Ang paborito kong fried chicken mula sa isang sikat na fast food chain at siguradong sinamahan niya ng coke float na paborito ko rin. Biglang kumulo ang aking tiyan nang maamoy ko ang dalang pagkain ni Uncle.

Ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili na mapaiyak. Naalala ko kasi ang mga araw na inuuwian ako ni Daddy ng mga paborito kong pagkain. Ang saya-saya ko kapag umuuwi si Daddy na may pasalubong na fried chicken at coke float para sa akin. I may sound childish but I really loved fried chicken and coke float that my dad bought for me.

"Ano'ng masakit sa'yo, Lauren? May dinaramdam ka ba?" biglang napalapit sa akin si Uncle nang makita niyang umiiyak akong muli. Niyakap niya ako at bahagyang hinagud-hagod ang aking likuran.

"Wala po. I just terribly missed my mom and dad."

"Don't cry, Lauren. Don't worry. We will give them justice. Hindi ko hahayaang makalabas sa kulungan ang taong pumatay sa mga magulang mo."

Napakalas ako sa pagkakayakap niya sa akin nang marinig ko ang kanyang sinabi. "What do you mean, Uncle Favlo? Did the police already catched the murderer? Where is he now? Who is he? And what was his motive for killing my parents? For money?"

"Calm down, Lauren. I will tell you everything but you have to promise me that you will calm down, okay?"

Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Gusto ko nang malaman kong sino at ano ang motibo ng taong pumatay sa mga magulang ako. At sa oras na malaman ko kung sino ang may kagagawan kung bakit bigla akong naulila ngayon sa mga magulang ay pagbabayarin ko siya. Kahit maubos ang kayamanan namin ay wala akong pakialam basta masiguro ko lang na mabubulok sa kulungan ang walang pusong kriminal na pumatay sa mommy at daddy ko.

"First, the criminal was already in prison. She voluntarily surrendered herself to the police. And the person who killed your parents was Nana Violy. Siya ang pumatay sa mga magulang mo, Lauren."

Literal na napanganga ako at hindi nakapagsalita nang marinig ko ang pangalan ni Nana Violy na siyang taong pumatay sa mga magulang ko. I don't believe it. I totally don't believe it. Walang dahilan si Nana para patayin ang mga magulang ko. We're very kind to her and treated her just like our very own family. And she was also very kind to us specially to me. She treated me like her own granddaughter.

A weak seventy five years old grandmother could kill the strong, thirty five years old man just like my dad and a thirty three years old woman? How is it possible that she could killed my parents? I know there's someone behind this plot. And I have to know who he is.

"No! I don't believe it. Nana Violy could't killed my parents," napapailing ako habang nagsasalita. Sa puso ko ay tunay na hindi ako naniniwala na ang babaeng itinuturing kong lola ang siyang pumatay sa aking mommy at daddy.

"Lauren, I know it's hard for you to believe it but it's true. Inamin niya mismo sa mga pulis na siya ang pumatay sa mga magulang mo. Pinalo niya raw sa ulo ng flower vase ang daddy mo kaya ito nawalan ng malay. At nang mawalan ng malay si Kuya ay ang mommy mo naman ang papaluin niya sana ng flower vase pero nakailag ito. Gumanti ang mommy mo't binato rin niya ng flower vase si Nana Violy ngunit mabilis daw itong nakailag.

"Nadulas ang mommy mo kaya nagkaroon ng pagkakataon si Nana Violy na mapalo ng flower vase ang mommy mo. Pagkatapos ay binusalan niya ng panyo ang bibig ni Ate Carmen kaya hindi ito makapagsalita. At nang makita naman niya na pinagbabalikan na ng malay ang kuya ko ay agad niya itong sinaksak ng matalas na kutsilyo at pagkatapos ay sunod niyang pinatay ang mommy mo."

Sa haba ng sinabi sa akin ni Uncle Favlo ay isang katanungan lamang ang nabuo sa aking isip. Bakit tila alam na alam nito ang lahat ng mga detalye sa nangyaring pagpatay sa aking mga magulang na para bang naroon ito sa isang tabi at pinanunuod lamang ang mga nangyayari?

"Lauren, alam kong hindi ka pa rin makapaniwala sa mga narinig mo. But believe me. Your Nana Violy was the one who murdered your parents," giit niya nang wala siyang nakuhang reaksiyon mula sa akin. " But don't worry. We will do everything to make her pay for her sins."

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito, Uncle Favlo? Sinabi ba ni Nana Violy ang lahat ng mga sinabi mong impormasyon sa akin? Masyado kasing detalyado ang mga ikinuwento mo sa akin, eh."

Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita. "O-of course. Inamin niya sa harap ko ang lahat at inulit rin niya sa harapan ng mga pulis ang lahat ng mga sinabi ko sa'yo. Bakit nagdududa ka ba? Did you doubted that all the words that I told you was just a lie? Why would I do that?" nasa tono ng boses ni Uncle Favlo na nagdaramdam ito dahil tila hindi ko pinaniniwalaan ang mga sinabi niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkakonsensiya dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

"I'm sorry, Uncle Favlo. I didn't doubted you. I'm just simply asking. Naguguluhan lang siguro ako kaya ako nakapagtanong ng ganoon," paumahin ko sa kanya.

Ginulo niya ang buhok ko. "It's okay. I totally understand how you feel. Your family treated her just like a real family so it's really hard to believe that she could murdered your parents. And by the way, the doctor told me that he will remove the bandage in your eyes later."

Tamang-tama pagkatapos niyang magsalita'y biglang pumasok ang doktor at kinausap ako.

"Are you okay now, Lauren? Aalisin ko na ang benda sa mga mata mo."

Tumango ako. "Bakit nga pala nilagyan ng benda ang mga mata ko, Uncle Favlo?"

"Nang dalhin ka kasi rito sa ospital ng mga pulis na walang malay ay nakita ng mga doktor na punung-puno ng dugo ang mga mata mo kaya nila nilagyan

ng bandage," paliwanag sa akin ni uncle. "Inisip nila na baka kung napa'no na 'yang mga mata mo."

Tumango-tango lamang ako at hindi na nagsalita. Naisip ko na dugo iyon ni Mommy dahil niyakap ko ang kanyang katawan. Muli na namang umantak ang aking kalooban nang maalala ko si Mommy. Pinaglabanan ko ang kagustuhang umiyak. Baka kapag nalagyan ng luha ngayon ang aking mga mata ay hindi pa ituloy ng doktor ang pag-aalis ng benda sa mga mata ko.

Huminga ako ng malalim at saglit na iwinaglit ko sa aking isip ang nangyari sa aking mga magulang. Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa doktor na nag-aali ang benda sa aking mga mata.

Alam ko naman na hindi pa rin ako makakakita kahit alisin na ang bandage sa mga mata ko ngunit hindi ko pa ring maiwasang maging excited. Ang sabi ng doktor na unang tumingin sa mga mata ko ay wala na raw pag-asa na gumaling pa ang mga mata ko. Masyadong na-damage raw ng mga bubog ang retina ng aking mga mata pati na rin ang maliliit na ugat na nagko-connect sa mata ko patungo sa ibang parte ng ulo ko. Kaya kahit sumailalim pa raw ako sa eyes transplant ay hindi pa rin ako makakakita. Maaari pang malagay ang buhay ko sa panganib. So, my parents decided to not let me undergo an eye transplant.

"You can open your eyes now, Lauren. Pagkatapos ay pakiramdaman mo ang sarili mo kung may kakaiba ka bang nararamdaman sa iyong mga mata. And then tell me what it is," wika ng doktor matapos tuluyang maalis ang benda sa aking mga mata.

Kahit tuluyang nang naalis ang benda sa mga mata ko ay tila ayoko pa ring magmulat ng mga mata. Wala naman kasing ipinagkaiba kung nakapikit man ang aking mga mata o nakadilat. Parehong kadiliman lang naman ang aking nakikita at wala ng iba pa.

Mas maganda pa nga kung nakapikit lang ang aking mga mata basta wala lang benda. Kapag nakapikit kasi ay talagang madilim ang mga mata ko at walang liwanag na makikita kasi nga nakapikit. Pero kapag nakadilat ang mga mata ko at madilim ang aking nakikita ay hindi ko pa rin maiwasang umasa na magkakaroon ng himala at bigla na lamang akong makakakita. Pero aasa pa ba ako sa himala na muli akong makakakita gayong pati aking mga magulang na siyang nagsisilbing liwanag ng aking mga mata ay kinuha na rin sa akin ng langit.

"The doctor said that you can open your eyes now, Lauren," mayamaya'y sabi ni Uncle. Ilang segundo na kasi ang nakalilipas ay nananatili pa rin akong nakapikit.

'It's okay, Lauren. You can open your eyes now," ulit ng mabait na doktor.

Ayoko pa sanang imulat ang aking mga mata pero nahihiya na ako sa doktor. Siyempre, hindi naman puwedeng nakapikit lang ako at hindi magmulat ng mga mata. Huminga ako ng malalim bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status