Share

CHAPTER SIX

"Are you ready to go, Lauren?" mula sa labas ng aking kuwarto ay narinig ko ang tanong na iyon ni Uncle Favlo.

"Opo, Uncle. Ready na po ako," malakas kong sagot kay Uncle Favlo. Bago ako tuluyang lumabas ng aking silid ay muli kong pinasadahan ang hitsura ko sa mahabang salamin na nasa gilid ng aking kama. Napangiti ako nang makita kong maayos na ang aking hitsura. Mabilis kong kinuha ang aking bag at nagmamadali na akong lumabas.

"Hurry, Lauren. You should not be late on your first day of school," sermon niya sa akin habang papasok ako sa kanyang kotse. Ihahatid niya kasi ako sa school. Pero kung ako ang masusunod ay mas gusto kong mag-commute na lang papunta sa school kaysa ang magpahatid kay Uncle.

Napasimangot ako. Ito ang unang araw ko sa school pero inuunahan na ng panenermon ni Uncle. Uncle Favlo became my legal guardian after my arents death. I really can't understand why the court chose to gave the custody of me to uncle rather than Tita Lina. Eh, mas malapit naman ako kay Tita kaysa kay Uncle.

Halos tatlong buwan ding nawala si Uncle; marami raw kasi siyang inasikaso tungkol sa kompanyang iniwan sa akin nina Mommy at Daddy. Speaking of the company, ang uncle ang nagma-manage ngayon ng company, since he's my legal guardian. Mapupunta lamang sa akin ang pamamahala ng kompanya 'pag nakatapos na ako ng kolehiyo at kailangang Business Management ang kursong kunin ko. That's what written in my parents will and testament.

Hindi lang ang kompanya ang hawak ngayon ni Uncle, maging ang iba pang assets namin ay siya rin ang namamahala dahil wala pa raw ako sa legal age. Maliban sa titulo ng malaking bahay na tinitirahan ko ngayon at sa atm card na naglalaman ng hindi birong halaga ay wala na akong ibang hawak pa na aking pag-aari.

Ang atm card na nasa akin ay ibinigay sa akin ni Mommy noong ten years old pa lamang ako. Regalo niya iyon sa akin noong birthday ko. Buwan-buwan ay regular na hinuhulugan nina Mommy at Daddy ang atm card ko kaya naman malaking halaga na ang laman ngayon.

"Uncle, it's still too early. I'm not going to be late, okay?" sabi ko sa kanya habang nagbibiyahe na kami sa daan. Tiningnan niya ako sa rearview mirror at tinapunan ng masamang tingin kaya bigla na lamang akong nanahimik.

Napansin ko na tila nag-iba na ng pakikitungo sa akin si Uncle magmula nang dumating siya. Hindi na siya 'yong uncle ko na laging nagco-comfort sa akin kapag nalulungkot ako dahil sa pagpanaw ng aking mga magulang. Pakiramdam ko ay parang galit siya sa akin. Mabuti na lamang at hindi siya nakatira sa bahay kundi sa sarili niyang bahay. Dahil kung magkasama kaming nakatira sa iisang bahay ay siguradong parang robot ang magiging galaw ko. Lagi kasi siyang nakabantay sa akin kapag dinadalaw niya ako sa bahay na para bang mawawala ako sa kanyang paningin anumang oras.

"Next time, you don't have to send me to school, Uncle Favlo. I can manage to go there by my own," nilakasan ko ang loob ko at sinabi ko ang gusto kong sabihin. Hindi naman kasi malayo ang distansiya mula sa bahay hanggang sa school. Isang sakay ng taxi or fx at ilang minuto lang ay nasa tapat na agad ng school namin.

"Ikaw ang bahala. Basta't huwag ko lang malalaman na nagbubulakbol ka. As your legal guardian, I have the rights to punish you," malamig ang tono ng boses na wika niya.

Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi tungkol sa akin at nanahimik lamang ako. Iisipin ng taong makakarinig ng sinabi ni Uncle sa akin na talagang concern siya sa akin. But in my ear it sound like he's controlling me. I don't think he's really concern about me. What he's after is I don't know.

"You can stop here, Uncle. I just want to walk from here up to the school main entrance," mayamaya'y sabi ko kay Uncle nang makita kong malapit na ang kotse niya sa main gate ng school namin.

Lihim akong nagpasalamat nang hindi siya tumutol at hindi rin nagtanong. Inihinto lang ni Uncle ang kotse niya at mabilis namang pinaandar palayo nang makababa na ako. Ni wala lang 'goodbye, take care and enjoy your first day in school'. Sabagay, ano nga ba naman ang aasahan ko mula kay Tito.

Napapabuntong-hininga na lamang ako habang naglalakad papasok sa main gate. Nakapasok na ako sa gate ng Scholastica Senior High School nang biglang may taong bumangga sa likuran ko. Gulat akong napalingong pero tingnan ang taong bumangga sa akin.

"Hi, I'm James Cordero," nahihiya bagama't akangiting bati sa akin ng lalaking bumangga sa likuran ko. "I'm sorry that I bumped into you. May duwende kasing humahabol sa akin," paumanhin niya sa akin.

"Duwende?" nakakunot ang noong tanong ko. Totoo ba ang mga duwende? tanong ko sa isip.

Lumawak ang pagkakangiti ni James na tila ba nababasa ang nasa isip ko. "Here comes the dwarf," nakangising itinuro niya sa akin ang isang maliit na estudyanteng babae na nasa kanyang likuran.

"At sino ang tinatawag mong duwende?" nakapamaywang na tanong ng maliit na babae ngunit cute ang mukha kahit na bahagya pang nakasimangot. Pagkuwa'y biglang ngumiti nang tumingin sa akin. "Hi. I'm Cynthia Salazar. Transfer ka lang ba rito sa SSHS? Ngayon lang kasi kita nakita."

"Bagong enrol lamang ako rito pero hindi transferee. By the way, I'm Lauren Agustin," nakangiti kong sagot sabay abot ng aking kanang kamay para makipag-shake hand sa kanya.

"Sabi ko na nga ba, eh. Sa ganda mong 'yan ay imposibleng hindi kita mapansin kung dati ka nang estudyante rito," sabi naman niya.

Bahagyang nag-init ang aking mga pisngi sa direktang papuri niya sa akin. Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"What class status did you belong?" mayamaya'y tanong sa akin ni James habang naglalakad kami ng sabay-sabay.

"W-what do you mean class status?" naguguluhan kong tanong.

"Ang ibig sabihin ng kapreng kasama natin ay kung ang classroom mo ay nasa elite class, middle class or lower class ba," paliwanag ni Cynthia sa akin.

"Ah, gano'n ba 'yon?" napapakamot sa batok na tanong ko. "Ang alam ko ay nasa middle class ako. Eh, kayong dalawa? Ano'ng class status ninyo?" tanong ko naman sa kanila. Sa isip ko ay lihim akong humihiling na sana'y pare-pareho kaming tatlo na nasa middle class para kahit paano mayro'n na akong kakilala ng classmate.

"Talaga? Sa middle class din kami ni James. Magkakaklase pala tayo kung ganon," natutuwang pahayag ni Cynthia.

Natuwa ako nang malaman kong  nasa middle class din silang dalawa. Ngayon ay hindi na ako maa-awkward dahil may kakilala na ako rito sa school.

                       ###

"Mag-lunch tayo sa canteen, Lauren. Sama ka sa amin ni James, ha?" tanong sa akin ni Cynthia pagkatapos tumunog ng bell hudyat na tapos na ang klase nila sa panghuling subject para sa umaga.

Hindi naman ako nahirapan sa mga aralin dahil kadalasang itinuturo ng mga subject teacher namin kanina ay pawang mga naituro na sa akin ni Miss Aguilar. Ang isa sa dalawang home teacher na nagturo sa akin nang ako'y bulag pa.

"Sige, sama ako," agad kong sagot. Inayos ko muna ang mga aklat ko na nasa ibabaw ng aking mesa at ipinasok sa locker na nasa gilid lamang ng aming classroom.

Pagdating namin sa canteen ay maraming mga estudyante na ang naroroon at nakapila para bumili ng pagkain. Nakipila na rin kami para hindi kami mahuli at maubusan ng pagkain. Nang makabili kami ng pagkain namin ay umupo kami sa gitnang bahagi ng canteen. Masayang nagkukuwentuhan kaming tatlo habang kumakain.

"Saang school ka pala nanggaling bago ka napunta rito sa SSHS?" biglang tanong sa akin ni Cynthia habang kumakain ako.

Saglit akong natigilan sa kanyang tanong. Hindi ko mapagdesisyunan kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. Pero sa huli'y naisip kong huwag magtago ng lihim sa kanila. If I really wanted to have a real good friends I have to be honest with them. If they can't accept me as their friend after they knew about my little secret then, they are not a real friend.

"I only studied at home," I said them. "Are you going to believe me guys if I told you that I'm blind since I'm seven years old? And my eyes miraculously healed three and a half months ago even if I didn't undergo any eyes operation."

Sabay na nalaglag sa pinggan ang kutsarang hawak ng dalawa kong mga kasama. Parehong napatanga silang dalawa at nakalarawan sa mukha ang hindi pagkapaniwala sa mga narinig. Napatingin naman sa amin ang maraming estudyante na kumakain sa loob ng canteen dahil sa ingay na nilikha ng pagbagsak ng dalawang kutsara sa babasaging pinggan.

"Are you telling us the truth?" hindi makapaniwalang tanong ni James na unang nakabawi sa pagkabigla.

Tumango ako ng sunod-sunod. "Naniniwala ba kayo sa sinabi ko, 'di ba?" tanong ko naman sa kanila.

Sabay namang tumango sina James at Cynthia na parehong nakanganga ang mga bibig.

"Itikom n'yo nga 'yang mga bibig ninyong dalawa at baka mapasukan pa 'yan ng langaw ay kasalanan ko pa," nakangiti kong panunukso sa kanila.

Biglang napasimangot si Cynthia. "You're just kidding us, right?"

Umiling ako. "I'm telling the truth. I don't have any reason to hide it. Both of you are the very first friend of mine since I got my eyesight back and I really wanted to be friends with you, guys, that's why I'm being honest. And it's up to you if you're going to believe me or not. But I'm really telling the truth.My eyes really got healed after my parents died in front of me."

Lalo lamang nalaglag ang mga panga ng dalawang bago kong kaibigan. Kung hindi nga lang seryoso ang aming paksa ay malamang na natawa na ako sa hitsura nilang dalawa.

"You're parents died in front of you? Oh my God! That's terrible," puno ng simpatya ang tono ng boses na wika ni Cynthia. Sa wakas ay nakabawi na rin ito sa pagkabigla.

"And too painfull," dagdag naman ni James. "But how did they died? Who killed them?"

Mabilis na ikinuwento ko sa kanila simula kung paano ako nabulag, kung paano namatay ang aking mga magulang hanggang sa pagkakaroon ko ng pangitain sa mga taong mamamatay. At siyempre'y hindi ko rin kinaligtaang banggitin ang tungkol sa vision ko kay Nana Violy na nagkatotoo at pati na rin ang vision ko kay Sarhento na hanggang ngayon ay lihim ko pa ring ipinagdarasal na sana'y hindi magkatotoo.

"But do you really believe that your nana would be able to killed your parents?" muling tanong sa akin ni James.

Umiling ako. "I don't know. Until now I'm still confused. Sometimes I believe, sometimes I don't."

"For me, you're really amazing, Lauren. I mean, the story about how your eyes got healed and your vision of death was really unbelievable. Kapag ibinenta ko ito sa isang script writer or sa mga pang-psychic na  babasahin ay tiyak na kikita sigurado," ani James matapos marinig ang kanyang buong kuwento.

Inirapan ko siya. "I'm serious here, James."

"Okay, okay. Sorry," itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa tapat ng ulo na parang nanunumpa. "I just couldn't believe what I heard. I thought it will only happened in the movie."

"Me too. I still couldn't believe what I heard," sang-ayon naman ni Cynthia. Napalagok pa ito ng softdrink na parang uhaw na uhaw matapos marinig ang aking buong kuwento.

"Pero naniniwala kayo sa mga sinabi ko? Hindi n'yo iniisip na nasisiraan ako ng bait, right?" nananantiyang tanong ko sa kanila.

"Of course. We believe you, Lauren," duet na sagot sa akin ng dalawa.

"Ang mga tao kasi na pinagsabihan ko tungkol sa aking pangitain ay hindi naniwala sa akin. Sa halip ay pinag-isipan nila akong nababaliw. Kaya naman masaya ako na hindi katulad nila ang iniisip n'yo sa akin," masaya kong sabi sa kanila. Sa wakas ay mayro'n din mga taong naniwala sa aking pangitain. Na hindi ako nababaliw.

"We are already friends, Lauren. Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi namin iniisip na nababaliw ka at naniniwala kami sa lahat ng mga sinabi mo," sinserong pahayag ni James.

"James was right, Lauren. Whoever you are and whatever you are, we still believe in you and wanted you to be our friend,"  nakangiting wika naman ni Cynthia.

Nangilid ang mga luha ko sa aking narinig mula sa kanila. I finally found my real friends. Real people who believe and understand me.

"O, huwag kang umiyak dito. Baka sabihin ng mga tao na pinagtutulungan ka namin ni Cynthia na bully-hin," awat ni James nang makita nitong nangilid ang aking mga luha. " Hindi ako bully, 'no. Baka si Cynthia papasang bully."

Pinandilatan naman ni Cynthia ang lalaki na ikinangiti ko. Lihim akong nagpapasalamat kay Tita Lina sa desisyon niyang i-enrol ako dito sa Scholastica Senior High School. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala at magiging kaibigan sina Cynthia at James.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status