Share

Kabanata 1.2

May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito? 

Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. 

“Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. 

“Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola. 

Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. 

Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. 

“Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa bahay at makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno. 

“Hindi na, hindi kita iiwan dito sa lalaking yan.” Hinawakan ko naman ang kamay ni Lola saka hinaplos yun at nginitian siya. 

“Kung ano ano iniisip mo Lola, huwag ka na ngang bumalik dun dito ka na lang at ako na lang magtatrabaho.” Saad ko sa kaniya. 

“Ayaw kong magpabigat sayo Amara.” Napapikit na lang ako ng iyon pa rin ang dahilan niya. Paulit ulit na lang na yun ang dahilan niya. 

“Lola hindi ka pabigat sa akin naging pabigat ba ako sayo noong bata ako?” 

“Syempre hindi, ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko.” Ngiti niyang saad kaya napangiti ako. Niyakap ko naman si Lola, hindi ko na kailangang maghanap ng pagmamahal ng mga magulang ko dahil pagmamahal pa lang ni Lola busog na busog na ako. 

“Kaya hindi ka pabigat sa akin Lola, mahal na mahal kita.” Wika ko, hinaplos niya naman ang buhok ko. Hindi ko yata kakayanin kung si Lola ang nawala sa akin.

Siya na lang ang meron ako at kapag nawala siya hindi ko kakayanin. 

Dumaan ang maghapon na iyon at panay din ang silip ko sa lalaking ito. Panay din ang silip sa akin ni Lola kapag pumupunta ako sa kwarto haha. Nakakatuwa lang dahil chenicheck ko itong lalaki tapos chenicheck din ako ni Lola kung buo pa raw ba ako. Nakakaloka, natatawa na lang talaga ako. 

“Amara halika na at kumain na tayo, magtabi na rin tayo sa kwarto ko hayaan mo na muna yang lalaking yan babangon lang yan kung nagkamalay.” Tawag sa akin ni Lola. Lumapit naman na ako sa kaniya at kumain na kaming dalawa.

“Inumin mo na itong gamot mo.” abot sa akin ni Lola ng parang juice kong gamot. Ewan ko ba kung para saan ito, iba pa naman ang lasa pero dahil nakasanayan ko na simula bata ako hindi na ako nagrereklamo sa lasa. 

Ilang beses ko na ring tinanong sa kaniya kung para saan ba itong pinapainom niya sa akin pero hindi niya ako sinasagot. 

Natulog na lang ako dahil ayaw ko ng mag-isip isip ng kung ano ano. 

KINABUKASAN.

Maaga akong nagising dahil sa nakasanayan ko na, gigising si Lola ng 4 ng umaga, tapos susunod na rin ako sa kaniya. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at sinilip kung ano na bang lagay ng lalaking ito pero ang himbing pa rin ng tulog niya. 

“Hayaan mo na muna yan, magkape ka na.” saad ni Lola kaya nagtungo na rin ako ng kusina para magtimpla ng kape ko. Tanging lampara lang ang gamit namin dito maging sa labas ng bahay.

Malayo kasi kami talaga sa bayan saka liblib na kasi sa amin kaya ayaw na nila kaming kabitan ng kuryente dahil baka mas mahal pa raw yung gagastusin sa gasolina ng maniningil at magrereading kesa sa bills namin. Nasaan ang equality ron? Tsss. 

Nang matapos akong magtimpla ay lumabas ako ng bahay dahil may tambayan sa labas, may ilaw din. Hindi naman kasi nakakatakot dito sa amin eh, OA lang talaga ang mga tao. Mas maganda pa nga dito kesa sa bayan na puro usok na lang ng mga sasakyan ang maaamoy, sa sobrang init halos masunog na ang balat mo. 

“Aalis ka ba ngayon?” tanong sa akin ni Lola ng makalapit siya sa akin. 

“Hindi po La, bukas pa ako pap asok sa trabaho.” Sagot ko sa kaniya. Napatango tango lang naman siya.

Nang magliwanag na ay nagsimula na akong magwalis sa paligid dahil sa lawak din ng bakuran namin matagal tagal din akong nagwalis. 

“Amara kumain na muna tayo.” Sigaw na ni Lola, dahil tapos na akong magwalis ay lumapit na ako. Sa kwarto na muna ako dumiretso dahil baka gising na ito. 

Tinitigan ko pa ang nakapikit niyang mga mata at hinaplos ng bahagya ang kilay niya pero halos mapako ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang iminulat ang mga mata niya. 

Dahil sa gulat ko hindi ako agad nakagalaw, mas namangha pa ako ng makita ko kung gaano kaganda ang mga mata niya. Mga mata niyang parang hinihigop ako sa ibang mundo. Ang kulay berde niyang mga mata. 

Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ang mga iyon. Para bang inaakit ako ng mga ito. Ni hindi rin siya kumukurap at parehong nakatitig sa isa’t isa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status