Share

Kabanata 2.1

“Aaaaahhh.” Sigaw ko ng bigla siyang bumangon at hinawakan ako sa braso. 

“Amara!” sigaw din ni Lola ng marinig ang sigaw ko. Hinampas hampas siya sa likod ni Lola hanggang sa bitawan ako ng lalaki. Mabilis akong hinila ni Lola at inilayo sa lalaking ito. 

“Huwag na huwag mong hahawakan ang apo ko.” banta ni Lola, itinago niya ako sa likod niya pero umalis din ako ng makita ko kung paano siya sumimangot.

 

Waaahh ang cute niya. 

“Amara.” Banggit ni Lola sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ito. Nilingon ko naman si Lola ng hawakan niya ako sa braso at umiling siya. 

“Lola okay lang ako, wala naman siyang ginawa sa akin eh. Nagulat lang ako.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinabihan naman ako ni Lola at dahan dahan kaming lumapit, umupo rin ako sa kama ko. Nakatingin lang naman siya sa akin. Ang inosente ng mga mata niya kung titingnan. 

“Anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya, ibinuka niya ang bibig niya pero walang lumabas na salita dun.

Hinawakan pa niya ang leeg niya dahil dun. Ngayon nakakunot na ang noo niya, ang gwapo niya. 

“Nakakapagsalita ka ba?” tanong ko uli ibinuka niya uli ang bibig niya pero wala kaming narinig. Tiningnan niya ako habang nakanguso, waaahh huhu ang cute niya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. 

“Anong pangalan mo?” muling tanong ko sa kaniya, this time inilingan niya ako kaya nagkatinginan kami ni Lola. 

“Wala kang pangalan? Impossible naman yata yun. Lahat ng tao may pangalan.” Wika ko sa kaniya.

Hinawakan niya naman ang leeg niya saka siya umiling kaya napakunot ang noo ko. 

“Wala kang boses?” nagkibit balikat lang naman siya. Sinubukan ko pa siyang kausapin pero parang wala na siyang naririnig kaya hindi ko na lang din pinilit pa. Kinuha ko naman ang malaki kong damit at ibinigay sa kaniya.

Tinitigan pa niya iyon saka niya inilagay sa ulo niya. Napasapo na lang ako sa noo ko sa ginawa niyang yun. 

Ang laki ng katawan niya, ang mature niyang tingnan pero yung kilos niya parang bata! Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola  saka siya lumabas. Kapag alam niyang safe na ako iniiwan niya na ako. 

“Isuot mo yang damit, ganito yan.” Itinuro ko sa kaniya kung paano gawin. Pinanuod niya lang naman ako na parang bata, ng hindi niya pa rin masundan ay kinuha ko na sa kaniya yung damit dahil nakakasawa siyang turuan. 

“Tara na at kumain, maghapon ka ring natulog kahapon ah.” Anas ko, tinulungan ko naman siyang tumayo at nagtungo na kami ng kusina.

Naghihintay lang din sa amin si Lola. 

Bago pa man kami makaupo ay dali dali siyang lumapit sa hapag kainan at halos manlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sinunggaban yung maga pagkain na akala mo ay isa siyang aso. Maging si Lola ay napatayo sa kinauupuan niya dahil sa ginawa niyang iyon. 

Pinanuod namin siya ni Lola na kumain na para bang wala ng bukas. Hinawakan niya ang mga mangkok saka niya isinubsob ang nguso niya na parang aso. 

Napatingin na lang ako sa magulong hapag kainan hanggang sa tingnan ko siya at nakatingin na rin sa akin ng napakainosente niyang mga mata.

Napayuko na lamang ako at napasapo sa noo. 

Anong gagawin namin sa lalaking to? 

Nang matapos siyang kumain ay ibinalik ko siya sa kwarto. He’s so childish my God, gwapo siya, maganda ang pangangatawan, matangkad pero yung isip niya dinaig pa ang isip ng bata! 

Dahil sa inubos niya lahat ng pagkain ay nagluto na lang uli kaming dalawa ni Lola. 

“Ano bang tao yan? Napakaisip bata niya.” saad ni Lola habang naghahain na. 

“Hindi ko rin po alam La, parang wala siyang alam sa mundo.” Umupo na ako at kinuha ang kutsara, ganun na rin si Lola saka kami sabay na kumain. 

“Wala akong tiwala sa mga mata niya.” biglang saad ni Lola sa matahimik naming pagsasalo. Kunot noo ko naman siyang tiningnan, bakit sa mga mata bumase si Lola? Dahil ba berde ang kulay non? Ang astig kaya parang mata ng mga asong lobo sa mga palabas. 

“Wala naman akong makitang mali sa mga mata niya Lola, ang gaganda nga eh.”

“Huwag kang magtitiwala baka mamaya nagpapanggap lang pala yan na walang alam sa buhay.” 

“Eh Lola parang ganun na nga eh, napakaisip bata niya.” wika ko naman, ibinaba ni Lola ang kutsara niya kaya tiningnan ko siya. Sumilip pa siya sa pintuan bago tumingin sa akin. 

“Impossibleng wala Amara, natatakot ako para sayo lalo na at babae at bata ka pa. Kung wala siyang alam sa buhay bakit mo yan natagpuan sa gubat ng duguan at maraming sugat sa katawan? Mag-isip isip ka, maniniwala pa ako kung nakita mo yan ng walang sugat.”

Bulong sa akin ni Lola, napaisip naman ako dahil dun. Bakit nga ba? Bakit hindi ko naisip yun. Nilingon ko ang pintuan kahit naman na hindi ko siya makikita dun. 

Ano nga bang nangyari sa kaniya at bakit siya duguan?  Marami rin akong tanong pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon. 

Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang panlinis ng sugat at benda para gamutin ang sugat niya. Naabutan ko naman siyang nakatitig sa teddy bear kong aso, para siyang tanga kung titingnan mo. Napailing na lang ako ng kinalabit niya yung teddy bear ko, akala mo naman makakapagsalita yun. 

“Tumayo ka jan at sumunod ka sa akin.” Agaw atensyon ko sa kanya. Tiningnan lang naman niya ako kaya napairap na lang ako dahil dun. Nilapitan ko siya at hinila palabas saka kami naupo sa sa tambayan ko dito sa labas. 

Wala ng sabi sabi ko siyang hinubaran ng damit tutal parang bata lang naman siya kahit na nakakadistract yung katawan niya. Nakatingin lang naman siya sa akin ng walang emosyon ang mukha. Tinanggal ko ang benda niya sa katawan at napakunot noo na lamang ako ng may mapansin ako dun. 

Inalis ko na muna lahat ng benda niya at tiningnan ang mga sugat niya. Nawala ang mga sugat niya na parang karamot. Ang tanging natitira na lang ay ang malalim niyang sugat. 

Tiningnan ko siya at nakatingin lang naman siya sa akin. Paanong nangyaring sa loob lang ng isang araw gumaling yung mga sugat niya? 

Tumayo ako at tinitigan ang kabuuan niya, parang may mali kasi. Nagkaroon ako ng sugat sa kamay dahil sa kutsilyo pero maliit lang yun, inabot pa yun ng tatlong araw bago gumaling pero siya? Malalalim ang karamot sa katawan niya pero nawala sa loob lang ng isang araw. 

“Amara” rinig kong tawag sa akin ni Lola kaya mabilis kong ibinaba ang damit ng lalaking ito. 

“Bakit po La?” tanong ko at hindi nagpahalata. Tiningnan naman ni Lola itong lalaking ito at ang mga gamot na gagamitin ko sana sa kaniya. 

“Pupunta lang ako sa bayan para bumili ng mga makakain natin, kapag may ginawa yang lalaking yan sayo. Tanggalin mo yang kwintas mo. Naiintindihan mo?” napahawak naman ako sa kwintas ko, anong meron dito?

“Maliligtas ba ako ng kwintas Lola?” tanong ko pa sa kaniya. 

“Basta gawin mo na lang kapag may ginawa siya sayo.” wika niya kaya tumango na lang ako. Anong magagawa nito? Pinanuod ko pang umalis si Lola bago ko ibinalik sa lalaking ito ang atensyon ko. 

Muli kong tiningnan ang mga sugat niya pero wala na talaga dun bukod sa malalim niyang sugat kahapon na unti unti na ring naghihilom. Anong klaseng tao ba ito? wala pa akong nababalitaan na mabilis maghilom ang sugat niya.

Impossible naman sa gamot ni Lola dahil kung yun nga ang dahilan edi sana ginamot niya na sa akin noong nagkakasugat ako noong bata ako. 

“Wala ka ba talagang maalala? Kahit pangalan mo lang? Hindi ka talaga makapagsalita?” sunod sunod kong tanong sa kaniya pero para akong nakikipag-usap sa pader dahil nakatingin lang siya sa akin na akala mo nanunuod lang. 

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala akong makukuhang sagot sa kaniya. 

“Kapag nalaman kong niloloko mo kami humanda ka talaga sa akin.” Pagbabanta ko sa kaniya. 

“Jan ka lang naiintindihan mo.” Usal ko, iniwan  ko naman na siya dun sa labas dahil marami pa akong trabaho dito sa bahay. Kailangan ko pang maglaba. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status