Isang nakakaindayog na sayaw ang pumailanlang sa bar na iyon sa resort kung saan sini-celebrate ang ikadalawampu't tatlong kaarawan ng kaibigan niyang si Casey. Naka-book sila para sa tatlong araw sa isang three-star hotel and resort sa El Nido kasama ang mga boyfriend ng mga ito. Maraming tao dahil summer at maraming turista kapag ganitong panahon. Alas-dies pa lang naman ng gabi at naka-isang bucket pa lang naman sila ng beer.
Tatlo silang magkakaibigan noong college na hanggang ngayon ay lagi pa ring magkakasama; si Casey, Jenny at siya. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamayaman. At hindi lang basta mayaman. Their family owns top hotels and resorts in most parts of Palawan, at may iba pang negosyong itinayo ang Lolo at mga magulang niya. Tubong Dumaran ang kanilang pamilya na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain kung saan matatagpuan ang Hacienda Falcon.
Siya si Olivia Martina Falcon Montañez. One of the heiress of Don Romano Falcon.
Maykaya din naman ang mga kaibigan niyang sina Casey at Jenny dahil mga propesyunal ang mga magulang. Pero milya-milya ang layo ng yaman niya sa mga ito. However, that doesn't affect their friendship. Sa katunayan ay sapat na sa kanila kahit kwentuhan lang sa tabing dagat o kaya ay sa coffeeshop.
Pero ngayon ay hindi nila pag-a-ari ang beach resort na pinuntahan. Gusto niyang malayang makakilos. Hindi niya magagawang uminom at sumayaw kapag sa Falcon Resort sila nagpunta. Isa sa mga dahilan kung bakit sa El Nido sila nag-celebrate ng birthday ni Casey ay para maiba daw ang environment niya. Her boyfriend, or ex-boyfriend rather, na si Rico, cheated on her, na kung hindi pa niya pinuntahan sa opisina nito ay hindi niya matutuklasan. Si Rico ay isang anak ng Vice Mayor sa Puerto Princesa, matanda lang sa kanya ng dalawang taon. Makisig ito at matamis magsalita.
"Hindi ko naman talaga gusto ang Rico na 'yun para sa 'yo, masyadong mayabang," wika ni Cassey na sinang ayunan naman ni Jenny.
"E bakit naman ayaw nyang tanggaping hiwalay na kayo? May magagawa ba siya kung ayaw mo na?" tanong ni Jenny. Nung isang linggo lang siya nakipaghiwalay pero hanggang ngayon ay ayaw siyang tantanan ni Rico.
Isang taon na siyang regular na pumapasok sa kumpanya mula nang maka-graduate. Siya ngayon ang humahawak ng Falcon Manpower Services at Falcon Travel Agency katulong ang kapatid na si Ellise at pinsang si Anthony. Aktibo pa naman mga magulang sa iba pang negosyo ng pamilya tulad ng Mining, Hotel and Resort at ang binabalak nilang pagpapatayo ng condominium. Ang opisina nila ay matatagpuan sa sentro ng Puerto Princesa. At dahil sa pag-iwas niya kay Rico ay halos apat na araw na siyang sa Dumaran nag-o-opisina.
She hated liars and cheaters.
"Akala ko pa naman matino 'yang Rico na yan. Buti hindi mo pa siya pormal na naipapakilala sa pamilya mo," wika pa ni Jenny. Isa rin ipinagpapasalamat niya dahil hindi nya pa ito nadala sa Dumaran para ipakilala sa pamilya. Isa pang masakit sa kanya'y kaya siya niligawan ni Rico ay dahil sa yaman at impluwensya ng pamilya niya. Rico has an ambition to enter politics in Palawan, at malaking bagay kung siya ang mapapangasawa nito.
"Gusto ko nang pagdudahan ang gandang taglay ko," wika niya sa mga kaibigan. "They all see me as a walking investment."
May pait sa ngiti niya nang maalala kung paano siya pinaikot ni Rico sa mga kasinungalingan nito. Isang taon din niya itong naging ka-relasyon bago niya nalaman na may iba itong kasintahan na mas matagal pa kaysa sa kanya.
Ang una niyang naging boyfriend ay first year college pa lamang siya pero binantaan ng Papa niya ang lalaki para layuan siya dahil masyado pa daw silang bata. Dahil likas na matigas ang ulo niya, nagpatuloy sila sa kanilang relasyon. But later on, she found out that her Dad paid her ex-boyfriend just to leave her alone. At nasaktan siya doon. Ngayon naman ay isang oportunistang si Rico ang nanloko sa kanya. Inilihim niya ang pakikipagrelasyon niya kay Rico dahil hindi niya gustong manghimasok na naman ang pamilya niya. Pero sa hiwalayan din pala mauuwi. Hindi niya alam kung bakit dalawang beses nang naging issue ang kayamanan ng pamilya nila sa relasyong hinahangad nya.
"Of course not!" kontra naman ni Casey. "Hindi mo ba nakikita lahat yata ng kalalakihan dito sa 'yo nakatingin?"
"You're hopeless romantic,Olive, kaya madali kang nakuha sa matatamis na salit ni Rico," katwiran naman ni Jenny.
"So it's my fault." Inubos niya ang laman ng boteng hawak. "F*ck all men." Ibinagsak nito sa mesa ang bote. Kahit paano'y masakit sa kanya ang paghihiwalay nila ng boyfriend.
"Hey.. easy... let's forget about Rico, past tense na 'yun. Enjoy the night, it's my birthday. Malay mo, dito mo pala makikilala si Mr. Right." Tinawag ni Casey ang waiter at um-order pa ng isang bucket ng beer.
"I'm not looking for Mr. Right anymore. I'm here to look for fun," madiin naman niyang sabi.
"Then fun it is," sang-ayon naman ng dalawa.
"Nakita mo ba ang isang iyon?" Itinuro ni Casey ang isang lalaking umiinom mag-isa sa sulok ng bar na iyon. "I think he's hot at kanina ko pa napapansing patingin-tingin sa 'yo."
Napansin na iyon ni Olive nang um-order siya kanina ng beer sa bar counter. Walang kasama ang lalaki at pinili pa ang pwestong halos hindi natatamaan ng liwanag.
He's a loner, she said to herself.
"I told you, I am looking for fun. Sa tingin ko dun, he's boring," salungat niya.
"But admit it, he's goodlooking," wika ni Cassey at nakita niyang kinawayan nito ang lalaki nang magtama ang mata ng mga ito. "Kung hindi lang magagalit si Andre magpapakilala ako dyan." Ang tinutukoy nito ay ang long-time boyfriend na kasama rin nila sa resort na 'yun.
Nakita niyang ngumiti naman ang lalaki kay Cassey.
"I think we've found your date for tonight," sulsol naman ni Jenny na agad niyang tinanggihan.
"Oh no... Hindi ko kailangan ng date," agad niyang wika sabay ang pag-iling.
"Sige na. Kami may kasama tapos ikaw mag-isa? E di nagmumok ka lang at iisipin na naman ang panloloko ni Rico?" ani Jenny.
"I'm fine. Pumunta na kayo sa mga boyfriend nyo. I can manage on my own," taboy niya sa mga kaibigan. Si Andre ay boyfriend ni Cassey at si Ronald naman ay boyfriend ni Jenny. Kasalukuyang naglalaro ng billiard ang dalawang lalaki sa ibang bahagi ng resort na 'yun.
Nang mapatingin siya sa lalaki ay sa kanya ito nakatingin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya na-concious bigla. Tila laser ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. Tumayo ito at um-order ng panibagong inumin sa barista.
He's tall, might be six footer or just less. Rugged-look sa suot nitong polo na nakatupi sa siko ang sleeves. Ang pantalon nito'y kupas at nakasuot ito ng boots. He looked like Brad Pitt. Halatang may edad na ito, probably in his late twenties or early thirties. At kahit sa malayo ay makukuha agad niya ang atensyon ng mga tao dahil sa sumisigaw nitong sex appeal.
Kararating lang ni Gregor sa El Nido nang mapansin agad ang isang grupo ng kababaihan na malapit sa bar counter. But one particular woman caught his eyes. Hindi niya matiyak kung dalaga o dalagita pa lang ito, na kung titingnan ay estudyante pa lang. O dahil lang sa itsura nito. She has a slender body, hindi rin ito katangkaran kumpara sa dalawa pang kasama nito. Regardless, her face is the most beautiful he has ever seen. Her eyes speak a thousand words. At napakasarap kapag ikaw ang tititigan nito.Naka dalawang boteng beer na siya nang mapansing nginingitian siya ng kasama nito. Hindi niya gustong makipagkilala ngunit tila hinihila ang mata niya para tumingin lagi sa grupong iyon. He smiled back. Pero hiniling na sana'y wag siyang lapitan ng mga iyon dahil may mas malaking problema siyang kinakaharap ngayon at mas
"Are you okay?" tanong ni Gregor sa babae na tila natakot sa nangyari. Tumango naman ito sa kanya. Naroon nakapalibot sa kanila ang mga kasama nito na nabigla din sa mga nangyari."I'm sorry for what happened, but we are sure that no one can harm you here, miss. Bihirang pagkakataon lang na may nanggugulo dito."Blame yourself for being beautiful and charming, saad niya sa sarili."I...am okay," mahinang wika nito na sinuklay ng mga kamay nito ang buhok at itinaas ang mukha, getting back her composure. "Nagulat lang ako."Gregor swears he heard that voice before at iniugnay niya sa boses ni Olive na nakausap niya sa telepono sa Falcon Group of Companies. Sweet and endearing. Inilahad niya ang kamay sa babae."I'm Gregor. My brother and his family own this resort.""M-martina.."she answered softly.Olive, on the other hand, accepted the hand
Inakay ni Gregor si Martina at dinala siya sa bahay na pag-aari ng kapatid nito. Halos ala-una na ng madaling araw at tulog na ang mga tao sa bahay na iyon."Would you like some coffee? I know how to make cafè lattè. You'll like it," pagyayabang nito. Tumawa siya pagkatapos ay tumango. Cafè Latte is the easiest coffee one can make at home. Pero hinayaan niyang ipagyabang ito ng binata sa kanya. Sumunod siya sa kusina at pinanood ito sa paggawa."So, ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Gregor."Three. At ako ang panganay.""Hmm.. they say eldest child is the most responsible one. Anong work mo?"
Nagising si Olive kinabukasan na masakit ang katawan. Maliwanag na ang paligid at nakabukas ang sliding door ng silid palabas ng balkonahe. Nakatayo si Gregor doon na walang pang-itaas na damit. At kahit nakatalikod ay sumisigaw ang sex appeal nito. Hindi niya lubos maisip na ganun kalakas ang atraksyong nararamdaman niya sa binata. To the point of giving herself completely.Lumingon ito sa gawi niya at nagulat nang makitang gising na siya. Pinakawalan nito ang isang ngiti at natunaw muli ang puso niya. Lumapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Bagong paligo ito at naamoy pa niya ang sabon nito sa katawan."Good morning." He gave her a savage kiss na tumagal pa yata ng isang minuto. Tumugon siya at nakipagpaligsahan sa halik nito."You're so sweet, especially in the morning. I can't get enough..." pabulong nito na kumiliti yata sa pagkatao niya.&nb
Tanghali na nang magising si Gregor. Masakit ang ulo sa sunod sunod na gabing puyat at pag-inom. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid ng resort. Kailangan niya nang makausap ang kapatid tungkol sa problemang kinakaharap. Sa dalawang araw niya dito ay si Martina lang ang inatupag niya.He smiled at the thought of her. His innocent little witch na muling pumukaw sa pagkatao niya pagkatapos ng mahabang panahon. At hindi pa niya naramdaman ang ganoon sa kahit sinong babae. Mamaya ay ihahatid niya ito pauwi para makilala ang pamilya nito. Tatapusin niya na ang relasyon nila ni Lenny na wala namang pinatunguhan. He would do everything to make Martina his girlfriend.Officially.Kumatok siya sa maliit na opisina ng kapatid na kasalukuyang nag-aasikaso ng kung ano anong papeles sa mesa nito."Dalawang araw ka na dito, akala ko'y hindi mo
Kinabukasan pa pumasok sa opisina si Olive matapos sunduin ng pinsan sa El Nido. Masakit ang ulo niya sa puyat at wala rin siya sa mood magtrabaho matapos biglang iniwan si Gregor sa isla. Ang usapan nila'y ihahatid siya nito sa kanila pero ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam. She knew Anthony would question him kapag nalamang nagkaroon sila ng ugnayan sa sandaling panahon lamang. Anthony's over protectiveness is annoying. Just like her father. Na akala mo disesais pa lamang siya.Isa sa mga dahilang ibinigay ni Rico sa panloloko nito sa kanya ay dahil hindi siya sumasama sa ex-boyfriend sa pad nito. Hindi iilang beses itong nagpahiwatig na gusto nitong may mangyari sa kanila na lagi niyang tinututulan. Binigyan man siya ng ama ng kalayaang magkaroon na ng boyfriend pero limitado ang oras na pwede niyang ibigay. Anthony would call her immediately kapag alas otso na at wala pa siya sa condo
Alas syete na halos nang magkita sila ni Rico sa isang restaurant na malayo sa building ng Falcon Group of Companies. Marahil ay galing din si Rico sa kumpanya ng pamilya nito dahil naka-coat and tie pa. Tumayo ito nang makita siyang paparating."Babe..." Isang halik ang igagawad nito sa kanya pero iniiwas niya ang mukha kaya't umabot lang ito sa gilid ng labi niya. Rico is also handsome and with sex appeal, no doubt about it. Pero malaking bagay sa kanya ang lalaking marunong rumespeto sa karelasyon. "Um-order na 'ko ng pagkain dahil baka gutom ka na. How's work?"Kung hindi naman siya niloko ni Rico ay kuntento naman na siya sa piling nito. They see each other once in a while; eating at their favorite restaurant, or spending time at the beach. Maalaga ito kapag magkasama sila at mahilig tumawag at mag-text kapag busy silang pareho sa opisina. Pero kung may isang bagay silang hindi napa
Bumalik si Gregor sa loob ng restaurant kung saan naghihintay si Lenny. Hindi niya rin inaasahan na dadating ang kasintahan matapos niyang tawagan na kailangan nilang mag-usap. Nakatunog siguro na gusto na rin niyang tapusin ang relasyon kaya't nagmadaling umuwi sa Palawan.At nahirapan siyang tapusin ang relasyon ngayong nag-e-effort si Lenny na paluguran siya simula kagabi. So, he thought of giving their relationship another try if she decides to stay. Hindi na sana siya maghahanap na may kulang sa relasyon nila. Pipilitin na lang sana niyang kalimutan si Martina.Until he saw the young woman again tonight. Nagulo na naman ang tahimik niyang mundo lalo nang makitang may kasama itong ibang lalaki. He tried to talk to her, but it seems that Martina has lost interest in talking to her. Na para bang wala silang pinagsaluhang maiinit na sandali."I want some dessert. Anong gusto mo?" tanong ni Lenny