Kararating lang ni Gregor sa El Nido nang mapansin agad ang isang grupo ng kababaihan na malapit sa bar counter. But one particular woman caught his eyes. Hindi niya matiyak kung dalaga o dalagita pa lang ito, na kung titingnan ay estudyante pa lang. O dahil lang sa itsura nito. She has a slender body, hindi rin ito katangkaran kumpara sa dalawa pang kasama nito. Regardless, her face is the most beautiful he has ever seen. Her eyes speak a thousand words. At napakasarap kapag ikaw ang tititigan nito.
Naka dalawang boteng beer na siya nang mapansing nginingitian siya ng kasama nito. Hindi niya gustong makipagkilala ngunit tila hinihila ang mata niya para tumingin lagi sa grupong iyon. He smiled back. Pero hiniling na sana'y wag siyang lapitan ng mga iyon dahil may mas malaking problema siyang kinakaharap ngayon at mas gustong mapag-isa.
Dalawa lang silang magkapatid na magkaramay mula ng mga bata pa sila dahil naghiwalay na ang kanilang mga magulang. Wala na siyang balita sa ama mula nang umalis ito ng Puerto Princesa at ang ina naman ay nakapagasawa na rin ng iba. Naiwan sila sa pangangalaga ng kanilang lola na ngayon ay pumanaw na rin.
Mula nang mag-asawa ang kanyang kapatid na si Arthur at nanirahan dito sa El Nido kasama ang asawa ay mag-isa na lang siyang namumuhay sa Puerto Princesa. May kaya ang napangasawa ng kapatid kaya nakapagpatayo ng maliit na resort dito sa El Nido. Siya naman ay isang Engineer na nakatapos dahil sa pension ng lola niya at sa tulong din ng kuyang si Arthur. Pagkatapos makapagtrabaho ng mahabang panahon sa isang construction firm sa Maynila ay sumubok siyang bumalik sa Palawan at magtayo ng sariling kumpanya sa Puerto Princesa. Maliit lang ang opisina niya dahil nagsisimula pa lang, pero kahit paano'y dumadami na ang mga kliyente niya. Ang naipon mula sa pagtatrabaho ng halos walong taon sa Maynila ay isinugal niya sa kumpanya, kasama ng pagsasanla sa banko ng lupang naiwan ng lola niya para sa kanilang magkapatid. Ang lupang iyon ay karugtong ng white sand beach na karugtong naman ng lupang kinatatayuan ng Falcon Hotel and Resort.
Three months ago ay nalaman niyang under bidding ang ipapatayong bagong Falcon Condominium. Sumali siya sa bidding at nag-offer ng malaking diskwento para makuha ang project. Wala pang isang linggo ay kinausap siya ng isang nagpakilalang Anthony Falcon na siyang namamahala sa pagpapatayo ng condominium, accepting him as their contractor pero sa isang kundisyon. Na ipagbili sa kanila ang lupang kinatitirikan ng bahay ng lola niya for the extension of Falcon Hotel and Resort.
Hindi siya pumayag dahil iyon ang kahuli-hulihang alaala ng lola niya sa kanilang magkapatid. A week after he met Anthony Falcon, isang nagngangalang Olive ang tumawag sa kanya na deny ang proposal niya para sa Falcon Condominium. Sa napakababang presyo na binigay niya ay alam niyang may ibang dahilan kaya dineny ng mga ito ang proposal niya. And it was because of the land he refused to sell.
He tried to call back Olive but she was not answering. Sinubukan din niyang tawagan si Anthony pero ibinalik siya nito kay Olive dahil kasalukuyan itong nasa meeting. And when she answered, he asked to reconsider his proposal. Pero matigas pa sa semento ang sagot nitong "I'm sorry but our decision is final Mr. Gregorio."
Sa kabila ng sinabing iyon ng kausap, tila nakakaakit naman sa pandinig niya ang boses nito at sa tawag sa pangalan niya. Madalas sa mga business encounter na ganito ay Mr. Angeles ang tawag sa kanya, ang isang ito ay tinawag ang buo niyang pangalan. Not that she was trying to seduce him. Pero napakasarap sa pandinig ang malambing nitong boses kahit sa propesyunal na tono. A voice that can arouse you in the middle of the night, or in wee hour of the morning. He shook his head. Hindi niya kilala ang Olive na ito bagama't alam niyang isa rin itong Falcon dahil sa tawag ni Anthony na 'little sister' nang ipasa nito ang telepono para kausapin siya.
Malaking bagay sa Angeles Builders Inc. kung mananalo siya sa bidding na iyon. Sa kasalukuyan ay patapos na ang loan niya sa banko ngunit kailangan niyang i-renew iyon dahil sa binabalak niyang pag-import ng mga supplies at nakabinbin sa banko ang renewal ng loan niya. Maganda naman ang credit standing niya at nakakabayad siya ng maayos. Pero tila gumagana ang koneksyion ng mga Falcon para matagalan ang approval na iyon -- na maaari pang ma-deny kapag nagkataon. Typical game of the rich. Kaya nagtungo siya sa kapatid para ikunsulta ang problemang kinakaharap. Kapag nangyaring na-deny siya sa loan application sa Puerto Princesa ay mag-aaply siya sa ibang banko dito sa El Nido. Bagama't suntok sa bwan dahil sa Puerto Princesa ang main offices ng mga bankong ito. At dahil alam niyang may branch din ang Falcon Hotel and Resort dito sa El Nido ay malamang umaabot dito ang koneksyion ng mga iyon.
Muli niyang ibinalik ang atensyon sa grupo ng kababaihan at nakita niyang may dalawa nang kasamang lalaki ang mga ito. Nakasukbit na ang mga kamay sa mga balikat ng babae na malamang ay magkakasintahan. Natuwa siya nang makitang ang petite na babae pa ang walang kapareha gayung ito ang pinakamaganda sa tatlo.
Pagkatapos inumin ang pangatlong beer ay nagpasya siyang magpahinga na lang. Ang resort na ito ng kapatid ay may tatlong palapag at labingwalo lang ang kwartong pang-paupahan. Ang bahay na karugtong dito ay ang bahay ng kapatid at pamilya nito. Bagama't maliit lang ay maganda ang disenyo nito at may bar at restaurant sa gabi na siyang pinupuntahan ng mga tao. At dahil summer ngayon ay okupado lahat ng kwarto doon. Sa guest room ng bahay ng kapatid siya tumuloy. Mula sa balkonahe ng bahay ng kapatid ay makikita ang mga tao sa ibaba na nagkakasayahan. Sinilip niyang muli ang grupo ng mga babae pero nag-iisa na lang ito roon. Ang dalawang pares ng magkasintahan ay nasa gitna na at nagsasayaw.
Pumasok sya sa silid at naligo sa banyo dahil sa init ng panahon. Pagkatapos niya'y nakarinig siya ng mga nagkakagulo sa ibaba. Agad siyang tumakbo sa balkonahe at nakita ang ilang kalalakihang nagkakainitan kya agad siyang bumaba. Isang lalaki daw ang nagtangkang lumapit sa babaeng petite at gustong makipagsayaw sa kabila ng pagtanggi ng dalaga. At dahil sa nakainom ito ay hinila diumano ang kamay para dalhin sa gitna ng dancefloor, ngunit agad ding sinaklolohan ng mga kasama nitong mga kaibigan.
Kinausap niya ang lalaki na siyang humawak sa kamay ng dalaga at nagpumilit isayaw ito na magtatawag siya ng pulis kapag nanggulo pa din doon. Sa katabing resort ang mga ito naka-check-in at sumakabilang bakod lang dahil sa kanila lang may restaurant at bar sa dakong iyon ng resort. Siguro dahil sa awtorisadong tinig at laki ng kanyang katawan kaya natakot sa kanya at umalis na rin, bukod pa sa sinabi niyang sila ang may-ari ng resort na iyon.
"Are you okay?" tanong ni Gregor sa babae na tila natakot sa nangyari. Tumango naman ito sa kanya. Naroon nakapalibot sa kanila ang mga kasama nito na nabigla din sa mga nangyari."I'm sorry for what happened, but we are sure that no one can harm you here, miss. Bihirang pagkakataon lang na may nanggugulo dito."Blame yourself for being beautiful and charming, saad niya sa sarili."I...am okay," mahinang wika nito na sinuklay ng mga kamay nito ang buhok at itinaas ang mukha, getting back her composure. "Nagulat lang ako."Gregor swears he heard that voice before at iniugnay niya sa boses ni Olive na nakausap niya sa telepono sa Falcon Group of Companies. Sweet and endearing. Inilahad niya ang kamay sa babae."I'm Gregor. My brother and his family own this resort.""M-martina.."she answered softly.Olive, on the other hand, accepted the hand
Inakay ni Gregor si Martina at dinala siya sa bahay na pag-aari ng kapatid nito. Halos ala-una na ng madaling araw at tulog na ang mga tao sa bahay na iyon."Would you like some coffee? I know how to make cafè lattè. You'll like it," pagyayabang nito. Tumawa siya pagkatapos ay tumango. Cafè Latte is the easiest coffee one can make at home. Pero hinayaan niyang ipagyabang ito ng binata sa kanya. Sumunod siya sa kusina at pinanood ito sa paggawa."So, ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Gregor."Three. At ako ang panganay.""Hmm.. they say eldest child is the most responsible one. Anong work mo?"
Nagising si Olive kinabukasan na masakit ang katawan. Maliwanag na ang paligid at nakabukas ang sliding door ng silid palabas ng balkonahe. Nakatayo si Gregor doon na walang pang-itaas na damit. At kahit nakatalikod ay sumisigaw ang sex appeal nito. Hindi niya lubos maisip na ganun kalakas ang atraksyong nararamdaman niya sa binata. To the point of giving herself completely.Lumingon ito sa gawi niya at nagulat nang makitang gising na siya. Pinakawalan nito ang isang ngiti at natunaw muli ang puso niya. Lumapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Bagong paligo ito at naamoy pa niya ang sabon nito sa katawan."Good morning." He gave her a savage kiss na tumagal pa yata ng isang minuto. Tumugon siya at nakipagpaligsahan sa halik nito."You're so sweet, especially in the morning. I can't get enough..." pabulong nito na kumiliti yata sa pagkatao niya.&nb
Tanghali na nang magising si Gregor. Masakit ang ulo sa sunod sunod na gabing puyat at pag-inom. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid ng resort. Kailangan niya nang makausap ang kapatid tungkol sa problemang kinakaharap. Sa dalawang araw niya dito ay si Martina lang ang inatupag niya.He smiled at the thought of her. His innocent little witch na muling pumukaw sa pagkatao niya pagkatapos ng mahabang panahon. At hindi pa niya naramdaman ang ganoon sa kahit sinong babae. Mamaya ay ihahatid niya ito pauwi para makilala ang pamilya nito. Tatapusin niya na ang relasyon nila ni Lenny na wala namang pinatunguhan. He would do everything to make Martina his girlfriend.Officially.Kumatok siya sa maliit na opisina ng kapatid na kasalukuyang nag-aasikaso ng kung ano anong papeles sa mesa nito."Dalawang araw ka na dito, akala ko'y hindi mo
Kinabukasan pa pumasok sa opisina si Olive matapos sunduin ng pinsan sa El Nido. Masakit ang ulo niya sa puyat at wala rin siya sa mood magtrabaho matapos biglang iniwan si Gregor sa isla. Ang usapan nila'y ihahatid siya nito sa kanila pero ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam. She knew Anthony would question him kapag nalamang nagkaroon sila ng ugnayan sa sandaling panahon lamang. Anthony's over protectiveness is annoying. Just like her father. Na akala mo disesais pa lamang siya.Isa sa mga dahilang ibinigay ni Rico sa panloloko nito sa kanya ay dahil hindi siya sumasama sa ex-boyfriend sa pad nito. Hindi iilang beses itong nagpahiwatig na gusto nitong may mangyari sa kanila na lagi niyang tinututulan. Binigyan man siya ng ama ng kalayaang magkaroon na ng boyfriend pero limitado ang oras na pwede niyang ibigay. Anthony would call her immediately kapag alas otso na at wala pa siya sa condo
Alas syete na halos nang magkita sila ni Rico sa isang restaurant na malayo sa building ng Falcon Group of Companies. Marahil ay galing din si Rico sa kumpanya ng pamilya nito dahil naka-coat and tie pa. Tumayo ito nang makita siyang paparating."Babe..." Isang halik ang igagawad nito sa kanya pero iniiwas niya ang mukha kaya't umabot lang ito sa gilid ng labi niya. Rico is also handsome and with sex appeal, no doubt about it. Pero malaking bagay sa kanya ang lalaking marunong rumespeto sa karelasyon. "Um-order na 'ko ng pagkain dahil baka gutom ka na. How's work?"Kung hindi naman siya niloko ni Rico ay kuntento naman na siya sa piling nito. They see each other once in a while; eating at their favorite restaurant, or spending time at the beach. Maalaga ito kapag magkasama sila at mahilig tumawag at mag-text kapag busy silang pareho sa opisina. Pero kung may isang bagay silang hindi napa
Bumalik si Gregor sa loob ng restaurant kung saan naghihintay si Lenny. Hindi niya rin inaasahan na dadating ang kasintahan matapos niyang tawagan na kailangan nilang mag-usap. Nakatunog siguro na gusto na rin niyang tapusin ang relasyon kaya't nagmadaling umuwi sa Palawan.At nahirapan siyang tapusin ang relasyon ngayong nag-e-effort si Lenny na paluguran siya simula kagabi. So, he thought of giving their relationship another try if she decides to stay. Hindi na sana siya maghahanap na may kulang sa relasyon nila. Pipilitin na lang sana niyang kalimutan si Martina.Until he saw the young woman again tonight. Nagulo na naman ang tahimik niyang mundo lalo nang makitang may kasama itong ibang lalaki. He tried to talk to her, but it seems that Martina has lost interest in talking to her. Na para bang wala silang pinagsaluhang maiinit na sandali."I want some dessert. Anong gusto mo?" tanong ni Lenny
"Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Lenny sa kanya nang bumaba ito kinabukasan nang nakabihis na. Siya rin ay nakahanda na sa pagpasok at humihigop na lang ng kape."Ihahatid kita sa opisina at ibibilin kay Adrian," sagot niya. "Are you ready?""Yes. Hindi ba talaga ako puwedeng sumama sa 'yo sa meeting mo sa labas?"Alam niyang may kinalaman sa nangyari kagabi ang pag-uungkat nitong muli na sumama sa lakad niya ngayong umaga."Sure. Sa bangko lang naman ako pupunta," aniya. "Kung magiging maayos ang pakikupag-usap ko sa manager, makakapunta tayo kaagad sa opisina."Isang linggo na ang paghihintay niya sa approval kaya't minarapat niya ngayon na puntahan na lang ang manager ng banko. Baka mas mapapabilis ang approval niyon kapag personal niyang finallow-up. Alas nueve nang umaga nang dumating sila sa banko at humingi ng meeting sa manager.&