Bella's POV "Hi! You must be, Hana. Right?" nakangiting wika ni Jessica kay Hana. Napatingin si Hana sa akin. Tinangohan ko si Hana para sabihan na okay lang.Pilit na ngumiti si Hana kay Jessica. "Hi? You are?" "I'm Jessica, kaibigan ni Bella." "Ah...." tumatangong sambit ni Hana. "Ano meron?" sabay sulyap sa akin ni Hana. "Birthday ko kasi ngayon," sabi naman ni Hana."Talaga? Happy birthday," nakangiting tugon ni Hana. "Invite sana kita na maki join ngayon sa party ko." "Huh?" gulat na sabi niya. Nagtatanong na mga mata na tumingin sa akin si Hana. Tumikhim ako. "Minsan lang naman ito." "Ah... Minsan lang," wala sa sariling bigkas ni Hana. "Okay." "Okay?" nakangiting tanong ni Jessica. "Let's party party," masayang sabi ni Hana. "Great! Let's go," sabi ni Jessica at nauna nang maglakad sa amin. Hinawakan naman ako ni Hana. "Ano na naman ito, Bella? Akala ko ba gusto mo nang putulin ang koneksiyon sa kanila? Bakit naki-join ka pa sa party niya?" "Oo nga. Pero kasi hin
Bella's POV Naguguluhan na tumingin ako kay Taki. "Bawal ba ako pumunta rito?" "Talaga bang gusto mong umarte sa harap nila?" balik na tanong sa akin ni Taki. Nasaktan ako sa sinabi niya. "Wow..." ang tanging nasabi ko na lamang at hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Hindi ko akalain na maririnig ko iyan mula sa iyo, Taki." "Dahil iyon naman talaga ang totoo, Bella. Niloloko mo ang mga taong naging mahalaga sa iyo," seryosong sabi niya. "Kung iyon ang tingin mo sa akin ay wala na akong masasabi pa," at mabilis na tinalkiuran ko siya. Nagpasya na ako bumalik sa party ni Jessica. "Ayaw mong pag usapan dahil may malalim kang dahilan, Bella." Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "Bahala ka kung ano ang isipin mo sa akin, Taki. Wala na akong pakialam pa," matigas kong saad. Natawa siya at tinignan niya ako. "Hindi na ikaw ang Bella na kilala ko. Ano ang pinaplano mo, Black Butterfly?" galit na boses na turan niya. Nanikip ang aking dibdib na marinig ang mga salita iyon
Jarvis' POV Hindi kumibo si Bella kaya naman ay nagpasya akong ibigay ang helmet sa kanya. Walang salita na kinuha niya iyon at tinititigan.“May problema ba, Bella?” tanong ko sa kanya.Nag angat siya ng tingin at sinalubong niya ang aking mga mata. Nagtatanong ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.Ngumiti ako sa kanya. “Kung ayaw mo ay hindi kita pipilitin—“Napatigil ako sa pagsasalita na bigla niyang sinuot ang helmet at walang alinlangan na sumampa sa aking likuran.Lihim ako napangiti na gawin niya iyon. Natigil lang ako sa aking pag iisip na inilapit ni Bella ang kanyang sarili sa akin.Shit! Ramdam ko ang kanyang katawan sa likod ko. "Salamat, Jarvis. Ihatid mo ako sa BE Mall," sabi niya. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Bago ko paandarin ang motorbike ay naramdaman ko na niyakap ako ni Bella.Napalunok ako bigla na maramdaman ko pa lalo ang kanyang dibdib na dahilan na makaramdam ako ng init kahit na sobrang lamig ngayong gabi. F*ck! This is torture. "Are y
Jarvis’ POVIniwan ko si Bella para makapag isip nang mabuti. Ayaw ko siyang nakikitang napi pressure. Hinayaan ko siya at nagtiwala na lamang sa kanyang desisyon.Ganito talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Maghihintay ka para sa kanya pero minsan hindi ko na kayang tiisin pa. Dahil siguro ay natatakot ako na baka iwan niya ako ulit at ayaw ko nang bumalik sa ganoong sitwasyon.I love her so much.Napatingin ako sa hawak kong cellphone na makita kong tumatawag si Rei. Mabilis na sinagot ko ito.“Yes?” bungad ko sa kanya.“Nasaan ka?”“Nasa park. Nagpapahangin,” kaswal na wika ko.“Kasama mo si Bella?” “Oo. Bakit?” takang tanong ko sa kanya.“Huwag kang hihiwalay kay Bella. Nang reviewhin namin ang cctv ng bar ay napansin namin na may sumusunod sa kanya," seryosong wika niya.Bigla ako napaisip sa sinabi niya. “Sigurado ka, Fuentabella?”“Oo. Hindi lang isang tao. Marami sila,” seryosong wika ni Rei.Shit!“Two americano for Mr. Jarvis.”Nilingon ko ang staff na tumawa
Bella's POV Nagising ako na makarinig ako nang malakas na pagbasag. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Nasaan ako? Kahit na medyo nahihilo pa ay tumayo ako para alamin kung saan ako dinala ng lalaking iyon. “Gising kana pala," sabi ng lalaki na kumidnap sa akin. Dahil nga sa pagkahilo ko ay napaupo ulit ako sa kama. Nanghihina na tinignan ko siya. Nakasuot pa rin siya ng itim na mask na hindi ko maintindihan kung bakit. “Who are you?” halos na pabulong na tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa wrist watch niya bago niya ako sagutin. “Mahigit limang oras kana natutulog.” Napabuntong hininga ako. “Sino ka ba? Ano ang kailangan mo sa akin? Ano'ng ginawa mo kay Jarvis?” Si Jarvis talaga ang una kong naisip na magising ako. Alam ko na sobrang mag aalala siya sa akin. Hindi niya ako sinagot kaya naman ay diretso ko siyang tinignan sa kanyang mga mata. Puno iyon ng kaseryosohan na hindi ko nagugustuhan. "Bakit hindi mo sinasagot ang aking tanong?" naiiritang
Bella’s POVNatawa nang malakas ang lalaking nasa harap ko at tumayo. Tila wala lang sa kaniya ang suntok na binigay ko. Minasahe niya ang kanyang mukha na hindi tinatanggal ang mask. “Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil totoo ‘di ba?” sarkastikong wika ko.“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” malamig na saad niya.Hindi ko siya pinakinggan at nagsalita muli. “Alam ko na impossible na ikaw siya dahil matagal na siyang patay.”“Patay na siya so bakit kailangan mo pang banggitin?” seryosong tanong niya sa akin. “Isa na lamang siya nakaraan, Bella.”“Hindi mo alam kung bakit?” naiiyak na natatawa ako sa kanya. “Dahil kung ikaw talaga si Dash ay hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Jarvis ngayon! Tandaan mo iyan.”Lalong sumeryoso ang kanyang mukha. “Kung ako nga talaga si Dash na sinasabi mo ay handa akong harapin ang banta mo. Magkamatayan man.”Nakipagtitigan ako sa kanya.“Ano’ng kaguluhan ito?” ani ng bagong dating.Bago ko bawiin ang aking mga mata na nakatitig sa lalaking ito. “Hind
Bella’s POVPabagsak na sinara ko ang pinto ng kotse ni Ash. Tinignan ko siya nang masama pero nairita lang ako na makita ko ang kanyang mga mata na nakangiti sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang kanyang bibig ay alam ko na pinagtatawanan niya ako ngayon.Tinalikuran ko siya, sinuot ko ang lab coat at eyeglasses na bigay niya. Tinali ko ang aking buhok. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking sarili sa side mirror. Mukhang hindi na ako makikilala nito. Nang makuntento ako sa akin ayos ay tinignan ko ang entrance ng ospital. Doon ko napagtanto na totoo nga ang sinabi ni Ash na sobrang higpit ng security ng naturang gusali dahil sa labas pa lang ay dami na nakabantay. Dagdag pa rito ang mga reporters na naghihintay sa labas. Sa itsura palang nila ay tila wala silang balak na umalis sa kinatatayuan nila. Malaking scoop nga naman kung makakakuha sila ng impormasyon tungkol sa kalagayan ni Jarvis.“Bago ko pala makalimutan, Bella. Nasa VIP room number one ang taong hinahanap mo. Ibig sabih
Bella’s POVSimula ng bata ako, hindi ako nagpakita ng kahinaan. Pinalaki ako ng mga magulang ko na maging matapang at matatag.Pero hindi ko akalain na darating ako punto na maging mahina dahil sa ngalan ng pag ibig. Dito ako nakaramdam ng takot para sa mga taong gusto kong protektahan.Takot na dahilan ng pagiging mahina ko.Mapait akong ngumiti.Nang makaalala ako ay isang desisyon ang nabuo sa aking isipan. Ang dumistansiya sa kanilang lahat kasama na roon si Jarvis. Dahil nga hindi pa tapos ang isyu patungkol kay Tres ay kailangan kong gawin iyon.Tres is a crazy woman. Wala siyang pakialam kung sino ang mamatay basta magtagumpay lang siya sa kanyang paghihiganti. Sa kabilang banda ay naaawa naman ako sa kanya dahil ang pagmamahal na meron siya ay ginamit niya para makapanakit ng tao. Iwinaglit ko na iyon sa aking isipan at nag focus na lamang kay Jarvis. Napatitig ako sa gwapong mukha niya. Tila mahimbing ang kanyang tulog.At isang desisyon ang nabuo sa aking isipan, sa pagka