Share

CHAPTER 6.1

Location: Black District Urvularia City

It's been two days nang makarating si Sarci kasama sina Zeus at Arthur  sa Black District. Two weeks silang mananatili sa lugar bago lumipat sa ibang distrito, sa 19th street sila tumutuloy ngayon. 

Magkakahiwalay sila ng room, gusto sana ni Sarci na kasama ang dalawa pero umepal si Arthur at hindi hinayaan ang hangarin niya. Alam daw nito ang kanyang lihim na agenda. 

Panira talaga yun!

"Bakit ikaw ang kasama ko?" mataray na tanong ni Sarci kay Arthur.

"Ewan ko. Baka masagot mo rin kung bakit ikaw ang kasama ko?" nakangisi nitong sagot.

Bago umalis sa Hotel, napagkasunduan nilang magdalawang grupo. Tuwang-tuwa si Sarci dahil masosolo niya si Zeus pero heto na-stock siya kasama si Arthur.

"Nakakainis naman eh," pagmamaktol ni Sarci. 

Pagkakataon na sana ni Sarci yun para mas mapalapit kay Zeus pero nawala pa.

"Magfocus ka na lang sa trabaho natin. Kabisaduhin mo ang mukha sa sketch para hindi tayo mahirapan."

"Ang gulo ng sketch na 'yon, kahit sino mahihirapan do'n," reklamo niya.

"Alam kong hindi trabaho ang dahilan kaya sumama ka rito, pero kalimutan mo muna 'yang hidden agenda mo kay Zeus, mas mahalaga ang trabaho."

"Wala akong hidden agenda," tanggi ni Sarci dito pero hindi nito pinansin ang pagrereklamo niya.

"Sabi mo eh." Prente itong naglalakad habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Umirap na lang si Sarci sa lalaki hababg pinagmamasdan ang paligid. Na sa mataong lugar sila na may iba't-ibang hilera ng mga tindahan sa gilid. Kung hindi siya nagkakamali na sa 23rd street sila patungo sa dulong street. Hindi nila pipilitin malibot ang buong Black District kung hindi kaya ng liwanag. Mas mabuting hindi sila maabutan ng dilim sa labas. 

Nakita niyang may nagtitinda ng mga couple bracelet sa kabilang stall. Si Zeus agad ang pumasok sa isip ni Sarci. 

Malaki ang ngiting naglakad si Sarci papalapit sa stall.

"Miss Ganda, alis sa daan! Alis diyan! Miss Ganda! Alis!" Narinig ni Sarci ang taong sumisigaw. 

Huli na para umiwas. Malakas na sumalpok sa kanya ang isang papadating na bagay.

"Ouch!"

"Aray."

"Sarci are you okay?" Naririnig niya ang boses ni Arthur pero hindi niya ito makita ng malinaw.

"Hey..." Naramdaman niya ang pag-alog sa kanyang katawan na nagpadagdag sa hilo niya.

"Hala may dugo ang ilong niya." Huli niyang narinig bago dumilim ang paligid.

...

...

...

Ilang araw nang hindi nakakatulog nang maayos si Reyna. Pinapalipas muna niya ang ilang araw bago bumalik sa kanyang mahal na tahanan. Sinusubukan niya ngayon kung nakabantay pa rin ang mga alipores ni Maylo.

Nagsuot din si Reyna ng itim na plastic sa ulo na may dalawang butas para makita pa rin niya ang paligid. Mukhang maganda ang naisip niya para itago ang sarili. Hindi siya nakilala ng ibang tauhan ni Maylo ng makasalubong niya. Panatag siyang naglalakad at ganoon na lang ang tuwa niya noong matanaw ang kanyang tahanan nang walang bantay.

Tumingin muna si Reyna sa paligid, baka nakaabang ang mga tao ni Maylo. Nang masiguradong wala na, mabilis siyang tumakbo patungo sa ilalim nang tulay.

Kulang na lang halikan ni Reyna ang karton na sapin ng makapasok sa loob. Masaya siyang humiga at nagpagulong-gulong. Nang makuntento, pinagmasdan niya ang kakarampot na gamit sa loob. Maayos pa rin nakasalansan ang malinis niyang damit na tinatawag na basahan ng iba. May maliit pa siyang sabon pangligo na siya rin niyang ginagamit sa buhok at pang-sipilyo. May sipilyo siyang para ng bulaklak ng gumamela. Hindi niya matandaan kung kailan pa 'yon sa kanya, pero alam niyang hindi pa siya nagpapalit kahit kailan.

Malinis siya sa katawan kahit madumi siyang tingnan.

Nang maalala niyang ilang araw na siyang hindi naliligo, mabilis siyang bumangon at deretsong tumakbo patungo sa ilog. Walang sabi-sabing nagdive siya pailalim.

Kaya dito napili ni Reyna na magtayo ng bahay dahil malapit sa tubig. Malinis naman ang ilog na ito at bahagyang umaagos. Abandonado na rin ang tulay at walang madalas magtungo rito.

Nakangiting umutlaw si Reyna sa tubig. Pakiramdam niya sobrang linis na niya ngayon. Kinuskos niya nang palad ang balat, nakalimutan niyang dalhin ang kanyang sabon kaya makukuntento muna siya sa palad niya.

Masaya siyang nagtatampisaw sa tubig nang may maramdamang kakaiba, parang may nanonood sa kanya.

Tumingin naman siya sa paligid ngunit wala naman.

Nagdisisyon na siyang umahon dahil hindi na panatag ang kanyang pakiramdam.

...

Mabilis lang nakapagbihis si Reyna at sinampay niya ang basang damit sa gilid ng bahay niya. Suot niya ang isang itim na long sleeve at itim na pants. Mas maayos itong tingnan kaysa sa dirty white na dating suot. Hindi niya rin matandaan kung saan niya nakuha ang mga damit basta ang alam niya, matagal na ito sa kanya. 

Hindi na inabalang suklayin ni Reyna ang buhok dahil wala naman siyang suklay. Kinuha na lang niya ang kaparisong tali na nakalawit sa bubong at pinulupot sa basa niyang buhok.

Muli siyang lumabas ng maramdaman ang kalam ng sikmura.

Hahanap muna siya ng makakain.

...

"Pagkakataon nga naman." Biglang napatigil sa paglalakad si Reyna ng marinig ang pamilyar na boses ni Maylo. "Mukhang bagong ligo ka Reyna ah. Bawing-bawi yata ako sayo ngayon." 

Pinasadahan siya nito ng malagkit na tingin mula ulo hanggang paa.

"Mukha kang adik Maylo." puna ni Reyna sa itsura nito.

"Anong sinabi mo?" nanlilisik ang mata nitong tanong.

Mukhang nagalit agad ito. Malamang, dahil ang mga adik sa Black District, na sa Dungeon lahat.

"Sabi ko matagal din tayo hindi nagkita. Kumusta Maylo?" nakangiti niyang sabi pero naghahanap na siya ng pwedeng lusutan para makatakas.

"Boss niloloko ka niyan. Sabi niya mukha ka raw adik," sumbong ng katabi nito, "aray!" reklamo nito ng batukan ni Maylo.

"Binago na nga, inulit mo pa! Gunggong!" sigaw nito sa katabi na kumakamot na ngayon sa batok.

Tinuktok ni Reyna ang suot na tsinelas sa lupa. Sinusuot niya ito ng mahigpit para ihanda sa kanyang pagtakbo, mas mabuting masiguro niyang hindi maiiwan ang kawawa niyang tsinelas.

May mataas na sementadong hagdanan pa siyang aakyatin bago makaahon mula sa ilalim ng tulay. Pagkarating sa tuktok naroon ang mga upuan na nakahanay sa gilid ng daan.

Kailangan lang niyang ipunin ang lakas sa kanyang binti para makarating sa itaas ng hindi nagpapahinga. Tatlumpung hakbang din yun.

"May binabalak ang babaeng yan, hulihin niyo na!" Bago pa kumilos ang alagad ni Maylo, sinimulan na niyang tumakbo paitaas. 

"H-huwag niyong patatakasin!" Hinihingal na utos ni Maylo na nasa ikasampong baitang pa lang yata. Sa laki ng tiyan nito hindi na nakakapagtakang mabilis itong hingalin. 

Malayo ang agwat niya sa mga humahabol. Yung iba nagpapahinga pa sa gitna pero siya malapit ng makadating sa itaas. 

"Bibigyan ko ng malaking bonus ang makakahuli sa kanya!" Bigla naman sumigla ang mga humahabol sa kay Reyna. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status